Pagod na nagpahinga si Lara sa kwarto niya. Nakauwi na siya galing sa club. "Hija, naghapunan ka na ba?" ani ng kaniyang inay. "Opo, tapos na ako nay." "Napapansin kong madalas ka nang inuumaga ng uwi hija, hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo sa computer shop?" "Uhm, hindi naman po, nay. Okey lang po ang trabaho ko. "Ganoon ba, sa makalawa ay pwede kitang madaanan, hahatidan na lang kita ng panghapunan." Biglang kinabahan si Lara sa oras na iyon. "Naku, nay. Hindi ka po pwedeng pumunta doon." "Ha? Bakit naman?" Natahimik si Lara. Nag-isip siya ng pwedeng dahilan. "Kasi po, wala po akong pasok, may gagawin po kasi kami sa eskwelahan, may practice po kami." "Practice? Sino ang kasama mo?" "Sina...sina Alana po." "Sigurado ka ba anak? Sana ay hindi ka nagsisinunga