"Ano ang gagawin mo sa hotel, Lara?" nagtatakang tanong ni Leon kay Lara.
"Ah, eh, w-wala naman po. Doon...doon po ako papunta." turo pa ni Lara sa kung saan.
"Saan?"
"Sa pharmacy po."
"Ano ang bibilhin mo sa pharmacy?" pangungulit pa ni Leon sa dalaga.
"Gamot po ni mama..."
"Ah, okey, sige. Sigurado ka ba na dito ka na lang?"
"Opo. Maraming salamat po, sir Leon."
"You're welcome. Sige, aalis na ako. Good bye, Lara."
"Bye, sir. Ingat po kayo."
Nang mga sandaling iyon ay umalis na si Leon. Nakatingin lang si Lara sa sandaling iyon habang papalayo na ito.
Nang mawala na sa paningin niya si Leon ay agad siyang pumara ng taxi, papunta kasi dapat siya sa club. DIderetso na siya para makaabot sa show. Kailangan niyang magsipag sa trabaho dahil mayroo pa siyang babayarang bills sa bahay, isali pa ang gamot ng kaniyang nanay.
At club, 6:30 p.m.
"You're early, hija." Bungad ni madam Buding kay Lara.
"Hello po, madam. Opo, para makarami po ako ng client."
"Well, good to hear, hija. I like it! Napakasipag mo."
"Thank you po."
"Don't mention it, wala akong ginagawa sa pagsisikap mo, ikaw ang gumagawa ng tadhana mo, hija. You're lucky!" Anang ginang.
Pinamulahan si Lara sa sandaling iyon.
Nagpatuloy si Lara sa make up room. Nagsuot siya ng kanilang custome. Nag-wig siya ng kulay blonde at isang maikling waitress dress na parang japanese cartoons.
"Lara..." tawag sa kaniya ni Veronica.
"Oh, Veronica?!"
"Kanina ka pa?"
"Oo."
"Ang aga mo ah?"
"Dumiretso na ako galing school."
"Si Alana?" Hinanap ni Lara ito.
"Male-late daw siya kasi may bisita sila sa bahay nila." Sagot naman ni Veronica sa kaibigan.
"Ah, gan'on ba. Sige mauna muna ako sa VIP lounge, baka may client doon." Paalam pa ni Lara sa kaibigan.
"Sige, magbibihis muna ako." Sabi naman ni Veronica.
"Bye, Nica!"
"Bye, Lara!"
Binuksan ni Lara ang lounge ng club, nagsitinginan sa kaniya ang mga customer.
Halatang nagagandahan sa kaniya ang mga ito.
Nang makapasok sa VIP rooms ay tila hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Nandoon kasi si sir Leon at napalingon sa kaniya.
"Lara? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Leon sa dalaga.
"Ah, ano po kasi sir...dito po ako nagtatrabaho..." pag-aamin pa ni Lara.
"Ha? matagal ka na ba dito?"
"Ngayon lang po..." pagsisinungaling ni Lara.
"Ah, akala ko matagal ka na."
"Ikaw po ba? matagal ka na ritong naglalagi?"
"Ah, bago lang din, inaya lang ako ng mga kaibigan ko..."
Hindi mawaglit ni Leon ang kaniyang paningin kay Lara.
"By the way, you look cute." He complimented.
"Thank you, sir."
"Ahm, may gusto po ba kayo?" tanong ni Lara.
"Ikaw...I mean, ikaw...ba ang magiging assistant namin dito?" medyo tense na sambit ng guro.
"Opo. Ano po ang order n'yo?"
"Wait a minute, I will ask them." Sabi pa ni Leon sa kaniya.
Pumunta si Leon sa nag-uumpukang mga kaibigan saka nagtanong. Nang makabalik siya doon sa corner ni Lara ay nagsalita ito.
"Apat na bucket ng beer, overload lime juice, at saka...pulutan."
Napalunok si Lara sa sinabing iyon ni Leon. Napakalagkit kasi ng tingin nito sa suot niyang maikling custome.
"Ano pong pulutan ang gusto n'yo, sir?"
Tumingin ito sa legs niya.
"Fried chicken, 'yong bandang legs. Piliin mo 'yong malaki saka crispy ang pagkakalutong."
"Ah, okey po, sir. Aalis po muna ako." Paalam ni Lara. Pero bago pa tumalikod si Lara ay hinawakan ni Leon ang beywang niya.
"Wait...I forgot something."
"Ano po 'yon sir?" kemeng sambit ni Lara. Iniiwas niya ang tingin sa mga mata nito.
"Yelo. Damihan mo ha..."
Kumindat pa ito kay Lara that time. Hindi tuloy maiwasang magsitayuan ang buhok ni Lara sa oras na iyon.
Oh my god! Ano bang ginagawa niya rito?!
"Oh, saan ka papunta?" sinundan siya ni Veronica na nakasalubong niya that time.
"Ah eh, kukuha ako ng orders." Sabi pa ni Lara.
"Oh ba't parang hindi ma-drawing 'yang mukha mo?" medyo worried na tanong ni Veronica.
"Eh kasi naman! Si sir Leon ang customer ko!"
"What?"
"Ikaw na lang kaya magdala ng mga ito..." iyon ang pabor ni Lara dito.
"Huy! Bahala ka riyan! Hindi niya dapat malaman na dito tayo nagtatrabaho!"
"Nakita na niya ako eh." Napayukong sambit ni Lara.
"Teka, tatawag ako ng ibang kasamahan natin. Huwag ka nang bumalik doon..." Sabi pa ni Veronica na gustong isalba ang kaibigan niya.
"Pero kasi..."
"Pero ano?"
"Wala. Nevermind."
Nanatili sa kitchen si Lara sa oras na iyon. Doon na lang siya tumulong sa mga staffs habang iniiwas ang sarili sa kaniyang makulit na professor.
12 o'clock in the midnight.
"Aalis ka na ba, Lara?" tanong ni madam Buding sa kaniya.
"Po? Bakit po?"
"Wala lang, gusto ko lang malaman mo na may nagpapabigay sa'yo nito..."
Nabigla si Lara sa ibinigay ni madam Buding, it was a sum of cash na may amount na five thousand pesos.
"Kanino po galing?"
"From one of our avid customers. Nagustuhan niya ang pag-entertain mo sa kanila. Keep up the good work, hija."
"Maraming salamat po."
Ngumiti lang si madam Buding saka nagpaalam na sa kaniya. Sumabay lang siya kay Veronica na noon ay naka-motor. Binawi kasi nito ang binigay nito sa dating kasintahan na si Joseph.
"Oh heto, mag-helmet ka." Sambit pa ni Veronica.
"Salamat, Nica ah."
"Eh naman kasi, bakit ba ayaw mo pang mag-down ng motor para may magamit ka na rin sa pag-uwi. 'Di ba marunong ka namang magmaneho?"
"Naku, dagdag gastos na naman 'yon." Sabi pa ni Lara.
"Oh s'ya! Tara na."
Hinatid siya ni Veronica sa bahay nila. Doo'y nabungaran siya ng kaniyang mama Loreng.
"Maganang gabi po, aling Loreng."
"Magandang gabi sa'yo, Veronica. Salamat at hinati mo rito si Lara."
"Walang anuman po, uuwi na po ako."
"Oh s'ya mag-iingat ka ha. Paalam!"
"Bye po! Bye, Lara!"
"Salamat, Nica!"
Sumeryoso ang mukha ng mama ni Lara. Halatang medyo galit.
"Saan ka ba kasi nagtatrabaho, anak?"
"Ah, sa ano po...sa isang computer shop."
"'Yong totoo?"
"Opo, totoo po, ma."
"Heto nga po ang advance sahod ko oh, kaunti lang pero, ito po ang sahod ko sa limang araw na pag-sa-sideline."
Ipinakita niya ang five thousand na pera.
"Gan'on ba? Naninigurado lang ako dahil baka iba na ang trabaho na pinapasukan mo. Mahirap na."
"Opo. Tatandaan ko po 'yan." Sagot naman ni Lara na medyo kabado sa oras na iyon.
"Oh sige na, magpahinga ka na, baka ma-late ka bukas sa klase mo."
"Sige po ma, good night po."
"Good night, hija."
Niyakap ni Lara ang kaniyang ina bago pumanhik sa kaniyang kwarto. Nang mag-shower si Lara ay hindi mawaglit sa isipan niya ang hitsura ng lalaking nakamaskara noon. Napagtanto niyang pareho sila ng boses ng kaniyang professor na si sir Leon. Hindi tuloy niya maiwasang mapraning!
What if...si sir Leon at ang lalaking nakamaskara noon...ay iisa?
"Oh my god!"
So, may possibility na si sir ang naka-virgin sa akin?
Sa kabilang banda ay nakaharap lang sa bintana si Leon. Nag-away na naman sila ni Angela dahil parati nalang daw siyang umuuwi ng dis-oras ng gabi Lingid sa kaalaman ni Isabel, ayaw kasi ni Leon na matuloy ang kasal nilang dalawa. Napre-pressure si Leon sa set-up nila.
Humihithit ito ng sigarilyo sa sandaling iyon.
Lara...
I knew it, it was you...
Napangiti siya at umiling-iling.