Nang matapos gawin ni Lara ang pinapagawa ni sir Leon ay agad na siyang naglinis sa area. Inilapag niya ang laptop sa mesa nito at napagpasyahang umalis.
"Sa wakas natapos rin. Ang sakit ng likod ko!" Sambit ni Lara. Nag-unat siya ng katawan saka muling tumayo. Nang papalabas na siya sa office ni sir Leon ay sakto namang bumangga ang mukha niya sa matigas na bisig ng professor niya.
"Aray!"
"O-oh! Sorry!" sambit ni sir Leon sa kaniya.
"Ay, hala, sorry po sir! Hindi ko po sinasadya..."Pinagpag pa ni Lara ang bisig nito. Hindi tuloy maiwasan na mapatiim-bagang si Leon.
Damn it! litanya ng utak ni Leon sa oras na iyon.
"Sorry po talaga sir, ah, eh, ano po kasi...palabas na ako. Natapos ko na po 'yong files na pinapagawa n'yo." Paliwanag pa ni Lara sa nag-aalalang boses. Ngumiti si Leon sa oras na iyon.
"Alright, magaling, Lara!"
"May ipapagawa pa po ba kayo sa akin?
Leon shakes his head that time.
"Uhm, wala na. Pero..."
"Pero...ano po 'yon, sir?" dugtong naman ni Lara.
"Itatanong ko lang sana kung pwede ba kitang yayain na magkape..." nakangiting sambit ng guro.
"Ha, pero po kasi....may pasok pa po ako ngayon. Baka ma-late na po ako."
"Ah, gan'on ba, sige. Mamaya na lang. Hintayin kita after school?" tanong pa nito sa dalaga.
Nagdadalawang-isip si Lara sa oras na iyon dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin na ayaw niyang sumama. Nahihiya tuloy siya na tumingin ng diresto sa guro niya
"So, sige. Mamaya na lang ha. Salamat talaga." Ngiti ni Leon sa kaniya.
Nabigla si Lara dahil sa pagtapik ni sir Leon sa may likod niya, hinagod pa nito ang tagiliran niya kung saan may sensitibo siyang kiliti. Mabilis na naglakad si Lara palabas that time.
Nakasalubong niya ang dalawang kaibigan na sina Alana at Veronica.
"Oy! si Lara oh!" ani ni Veronica.
"Lara!" sigaw naman ni Alana.
"Veronica! Alana!" nakangiting kaway ni Lara sa dalawa.
"Saan ka galing? Ba't parang pinagpapawisan ka?" kunot-noong tanong ni Veronica.
"Oo nga, parang ang layo ng tinakbo mo ah?" dugtong naman ni Alana.
"Eh kasi naman...maalinsangan kasi..." pagsisinungaling pa niya sabay paypay sa sariling mukha.
"Ganoon ba? Tara na, sabay na tayo sa room. Baka ma-late tayo!" hawak ni Veronica sa braso niya.
"Hmm...alam mo Lara, parang nakita kita kanina..." nakangusong sambit naman ni Alana.
"Ha? Saan?" kabadong tanong ni Lara.
"Kanina kasi, galing ako sa swimming pool, parang nakita ko si Sir Leon na pumasok sa opisina niya, tapos parang nandoon ka sa loob eh, nasilip ko lang."
"Oyyy! Anong chika minute 'yan? Don't tell me ha, nagkakamabutihan na kayo?" siko pa ni Veronica kay Lara.
"Hoy! Tumigil ka nga, Nica. May pinapagawa lang siya sa akin." Depensa naman ni Lara sa sarili.
"Pinapagawa?" untag naman ni Alana sabay crossed-arms.
"Naku, Lara. Baka kung ano na 'yan ha!?" dugtong din ni Veronica.
"Alam n'yo, ang hahalay talaga ng mga isip n'yo, hindi ako magkakagusto sa lalaking ikakasal na no. Tapos, teacher pa natin!" nakapamaywang na sambit ni Lara sa dalawa.
Mayamaya ay nanadoon na sila sa room. Sakto naman at nag-start na ang attendance ng kanilang teacher kung saan sinundan na ito ng kanilang discussion.
It is about Globalization.
"Okey class. What is Globalization? Anyone?" tanong si sir Adam.
Nagtaas ng kamay si Lara.
"Yes, miss Hermosa?"
"The term "globalization" describes the blending of individuals, businesses, and governments. It's important to highlight that this integration takes place on a global level."
"Great answer!" sambit naman ni sir Adam na noo'y nakangiti.
"Additional?" nilinga-linga ng guro nila ang paningin sa kabuuan ng klase.
Si Lara lang din ang nagtaas ng kamay ulit.
"Another hands, si miss Hermosa lang ba ang may ideya about Globalization? Ha?"
Nagtaas sina Veronica at Alana.
"Sir, it is the process of expanding the business all over the world." Sagot naman ni Veronica.
"Very good, miss Veronica!"
"In Globalization, many businesses expand globally and assume an international image." Dugtong naman ni Alana.
"Great, miss Alana!"
Nang matapos silang sumagot at nag-apir silang tatlo. Hindi nga kataka-taka na ang circles nila ay ay maibubuga. Nagpatuloy sa pagsasalita si Teacher Adam. May pinakita itong graph, mga powerpoint tungkol sa Globalization. Matapos ang subject na iyon ay napagpasyahan nila ni Alana na dumiretso sa botanical garden ng campus nila. May gusto kasing kausapin si Veronica na taga-Agriculture department.
"Sino ba kasi ang sadya mo dito sa Agriculture department, Nica?" tanong ni Lara kay Veronica.
"Ay, walang iba kung 'di si Joseph." Kibit-balikat na sagot naman ni Alana.
"'Yong boyfriend niya?" pagkaklaro pa nito.
"Oo, nakipag-break na kasi sa kaniya, kanina." Medyo galit ang tono ng kaibigan niya sa boyfriend ni Veronica.
"Ha? Teka, 'di ba't kabibili mo lang ng motor sa kaniya?" medyo nabigla si Lara sa sandaling iyon.
Naiiyak si Veronica sa oras na iyon, kaya naupo muna sila sa bleachers.
"Eh, kasi naman eh. May nakakita sa kaniya doon sa Gym. May nagpupunas daw ng pawis niya habang nagpa-praktis sa basketball. Jowa daw niya 'yon. Tapos..." Umiiyak si Veronica habang nagpapaliwanag.
"Ano?" si Lara.
"Nalaman ko rin na isang taon na umano sila..." dugtong naman ni Veronica.
"Ha?" nagdugtong ang dalawang kilay ni Lara.
"Ayan na nga ang sinasabi ko e!" supalpal naman ni Alana sa kaibigan.
"Pero...kasi, mahal ko siya e!" depensa naman ni Veronica sa sarili.
"Shh, tahan na, Nica. Huwag mo siyang iyakan. Hindi niya deserve ang luha mo..." Sambit pa ni Lara saka hinagod ang likod ng kaibigan.
"Lara, mahal ko si Joseph. Natatakot ako na baka kasi..."
"Na ano?" balisang tanong ni Lara.
"Don't tell me, hindi kayo nag-condom?" napatampal sa sariling noo si Alana that time.
Napaiyak nang malakas si Veronica sa oras na iyon.
"Naku, Veronica! Bakit naman kasi hindi ka gumamit ng proteksyon!?" dugtong na litanya ni Alana.
"Bakit? delayed ka ba?" paglilinaw pa ni Lara.
"Delayed ako, dalawang linggo na." Sagot naman ni Veronica.
"Oh my god, Veronica! Baka buntis ka!?" reaksyon ni Lara.
"Shh, hinaan mo ang boses mo Lara, ang lakas e!" saway naman ni Alana.
"Ay, sorry." Sambit ni Lara sabay takip sa kaniyang bibig.
Inalo nila si Veronica sa oras na iyon. Hindi nila alam ang gagawin lalo pa at first time itong na-encounter ng magkakaibigan. Ilang sandali pa ay nagpakita na si Joseph sa kanila. Lumapit doon si Veronica saka masinsinan na nag-usap. Hindi na sila nakialam sa dalawa.
5 p.m. Katatapos lang ni Lara sa huing subject nila.
"Bye! Una na ako ha." Paaalam ni Lara sa mga kaibigan.
"Bye, Lara!" pahabol na kaway ni Alana sa kaibigan.
"Same oras lang ba?" lingon ni Lara dito.
"Oo, i-chat kita mamaya kapag nandoon na ako." Sabi naman ni Alana.
"Sige...bye!"
Nang makalabas ng gate ay nabigla si Lara dahil may sasakyang humarang sa daraanan niya.
Si sir Leon iyon!
"Sir Leon?" takang sambit ni Lara.
"Parang gusto mo yatang takasan ako ah." Pabirong sambit ng guro.
"Ah eh kasi po...nagmamadali lang po ako na makauwi. May gagawin pa kasi ako mamaya..." sambit ni Lara na halatang gustong umiwas.
"Hmm, ihatid na kita, para mapadali ang pag-uwi mo."
"Naku, h'wag na po."
"We have the same road, I can drop you to your address. Nadadaanan ko lang naman ang bahay mo..."
Dahil na rin sa pangyayari at pangungulit si Sir Leon ay hindi na nakatanggi si Lara. It is the secnd time na ihahatid siya ng kaniyang professor! Habang pauwi na sila ay dumaan muna sila sa gas station. Nagpa-gas si sir Leon at nagtungo sa convenience, may binili itong bagay.
Pagbalik nito sa kotse ay nakita ni Lara na condom iyon at inilagay lang sa pitaka nito.
"Ah, tara..." ngiting sambit ni Leon sa kaniya.
"Sige po..."
"I'm sorry about last time, siguro'y nakita mo ang mga condom ko sa drawer."
"Ah, e. Hindi ko po sinasadya."
"Well, I am a Biology teacher, kaya i am open about those things. Besides, I am a healthy specimen of a man."
Sa sinabi nito'y pinamulahan ng husto si Lara.
"Lara..." seryosong sambit ni Leon sa pangalan niya.
"Po?"
"If it is okey to ask, are you still a virgin?"
Sa sandaling iyon ay parang nawalan yata ng bibig si Lara, lubhang pinamulahan ang pisngi niya.
"I'm just kidding...You don't need to answer my non-sense question..." natatawang sambit nito.
"Ah, hindi na po..." Matapang na sagot ni Lara.
Because of that, Leon cleared his throat to diverse that awkward moment.
"Ah, well, ganoon ba. I guess you're also active about s*x. Normal na 'yan sa mga kabataan ngayon. Don't be ashamed."
Sa sandaling iyon ay nakita ni Lara na napangiti si Leon sa kaniya.
"I am happy to know that you trust me. Nabibilang na lang ang mga babaeng gaya mo na kayang panindigan ang sarili nila." Dugtong pa ni Leon sa kaniya.
"S-salamat po."
Hinawakan ni Leon ang kamay ni Lara, malapit iyon sa pagitan ng kaniyang mga hita, kaya hindi maiwasan ni Lara na mag-init.
My god...
"Hmm? may sinasabi ka?" kunot-noong tanong ni Leon.
"Ah eh, wala po. Ang sabi ko po. Dito na lang ako."
"Why?"
"May bibilhin pa po ako..."
"Are you sure?"
"Opo..."
"Pero, anong bibilhin mo rito?"
Kapwa sila lumingon sa harap ng establishment na pinaradahan ni Leon that time.
It was a hotel!
Ligwak! Halatang natataranta lang talaga si Lara kay Leon!