CHAPTER 12 Cattleya's POV MASAKIT ang alaalang iyon sa akin. Iyon na yata ang pinakamasakit at pinakamapait na pangyayari sa aking buhay. Akala noon mawawala ako sa katinuan. Ang anak ko ang nag-iisang alaala sa akin ni Steve. Masakit man aminin pero mas pinili ko ang buhay ng aking anak kaysa sa kaniya. 'Pero-- anong magagawa ko? Pareho silang-- nawala sa akin.' "Cattleya?" Isang boses lalaki ang tumawag sa aking atensyon. Nakaupo ako ngayon sa garden kung saan natatanaw ko ang mga bata na abala sa paglalaro. Parang pamilya siya sa akin. 'Saan ko ba siya nakita?' Ang tagal kong inisip kung saan ko ba nakita ang lalaking ito. 'Saan nga ba--' "Gelo?" Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya sa akin saka naupo sa inuupuan kong bench. Bale magkatabi n