CHAPTER 1
CHAPTER 1
TAHIMIK LAMANG si Cattleya habang nakasakay ng taxi. Kinakabahan siya dahil finally, last interview na niya sa call center agency na in-apply-an. Hindi biro ang pinagdaanan ng dalaga upang makarating dito. Kahit malamig sa loob ng sasakyan ay pinagpapawisan siya ng todo-todo. Nang matanawan ang building na pupuntahan ay kaagad siyang pumara.
Inayos ni Cattleya ang suot na pencil cut skirt at blouse pagkababa ng sasakyan. Mahina siyang umusal ng panalangin bago lumakad palapit sa establisyemento.
Nang dumaan siya sa guard ay matamis niyang nginitian ito. Nilabas ang valid ID at sandaling sinuri. Ilang sandali pa ay pinapasok na rin. Habang nasa loob ng elevator ay hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Halos manginig ang buo niyang kalamnan at tila may gustong kumawala sa loob ng tiyan. Batid niyang may kasama siyang lalaki sa loob ngunit hindi niya ito binibigyan ng pansin.
Nang tumunog ang elevator ay hudyat na nasa 7th floor na ang dalaga.
Humakbang siya nang dahan-dahan nang may bumangga sa kaniyang braso dahilan upang mabitawan ang dalang bag.
'Bakit ba hindi ko nasara ang zipper?'
"I'm sorry, miss," wika ng lalaki pero hindi niya ito binigyan ng pansin.
Umupo na lang siya at pinagdadampot ang lahat ng gamit na kumawala sa bag. Nang makuha na lahat ay kaagad siyang tumayo at sinara ang zipper.
"Miss, again, I'm so sorry for what happened. It's my fault. I'm sorry." Tiningnan niya ito at sa ilang sandali ay napag-aralan na ni Cattleya ang itsura ng lalaking kaharap. Matangkad ito. Broad shoulder, white skin. Ang mga mata nito ay may kalakihan at may pilik-mata na makapal. Matangos ang ilong at natural na mapula ang labi.
Tumikhim ito upang kuhanin ang kaniyang atensyon. Sinalubong niya ang tingin nito saka tipid na ngumiti.
"It's okay," sagot niya.
Tumango ito bago nagsalitang muli, "By the way, I'm Shawn Figurroa." Inilahad nito ang braso upang makipagkamay. Kahit nagdadalawang-isip, tinanggap naman niya iyon.
"Cattleya Evangelista," aniya.
"Are you an applicant?" tanong nito saka ngumiti dahilan upang lumabas ang mga mapuputi at pantay-patay na mga ngipin.
"Ah, yes. Actually I have a final interview with Mr. Niccolo Sagrado," kinakabahan niyang turan sa binata.
"Really? That's great! I'm on my way to his office. Would you like to come with me?"
"Is it okay with you?" tanong niya dahil nakakaramdam siya ng hiya.
Tumawa ito ng mahina bago sumagot. "Yes, of course. Let's go?"
Tumango na lang si Cattleya saka sumunod sa bagong kakilala.
ILANG MINUTO pa silang naglakad sa 7th floor para lang puntahan ang office ni Niccolo Sagrado. Lihim siyang nagpasalamat na nakabunggo niya si Shawn dahil kung hindi, baka kung saan-saan pa siya napadpad sa palapag na kinaroroonan.
Wala silang imikan habang naglalakad at tumigil sa tapat ng isang pinto na may nakalagay na 'Niccolo Sagrado' na naka-engrave sa kulay gold na bakal. Kumatok si Shawn ng tatlong beses bago itulak ang pinto papasok.
"Good morning, Nicco! I am with someone," ani Shawn. Ngumiti lang ito sa kanila habang may kausap sa telepono. Nilahad ang kamay paturo sa dalawang silya na nasa harap ng mesa. Umupo s Cattleya sa isa habang si Shawn naman ay dumiretso sa harapan ng desktop computer.
Pasimple niyang sinulyapan ang buong ipisina. Malaki ito at malawak. Kulay abuhin, asul at puti ang nangingibabaw sa silid na iyon. May sariling sofa set na kula dark blue, may mga palamuti rin gaya ng mga paintings at kung ano-anong antigong gamit.
Amoy pabango rin ng lalaki ang nanunuot sa kaniyang ilong. Bahagya siyang nailang dahil napagtanto niyang siya lang ang babae sa loob.
Ilang sandali pang nakipag-usap sa kabilang linya si Niccolo. Mukhang importante ang kausap dahil ayon sa narinig niya ay puno ng paggalang ang paraan nito ng pakikipag-usap. Maingat na inilapag ni Niccolo ang awtobido at napahawak sa sariling sintido na animo hinihilot.
"Problem?" Narinig niyang tanong ni Shawn.
"Oo. Malaki. At kailangan ko ang tulong mo."
"Spill it," ani Shawn na nakatutok ang mga mata sa monitor ng computer.
"He fired Sofia," seryosong sabi nito sa kaibigan na ngayon ay biglang huminto sa ginagawa. Siya naman ay animo hangin lang dahil parang hindi siya nakikita ng mga ito.
"Again?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shawn. Bahayang natawa pa si Cattleya dahil kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito.
"Yes and we need to find a new secretary for him."
"Sumasakit na ang ulo ko sa kaniya, dude! Ano bang akala niya? Madali maghanap ng sekretarya nang ganoon kabilis?" Umiiling na wika ni Shawn. Lumapit siya sa silyang katapat ng kay Cattleya at doon umupo.
"I told him already that it's not easy to find but we don't have a choice. He's still our boss." Mababakas na rin sa boses ni Nicco ang pagsuko.
"How about you, Cattleya?"
Napatingala naman bigla si Cattleya kay Shawn at bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. Nang sulyapan niya si Nicco ay nakamata rin ito sa kaniya.
"A-ano?" Nag-aalangan niyang tanong.
"We need your help," seryoso wika ni Nicco. Tumayo ito at umikot papunta sa aking harap. Umupo sa arm rest ng silyang inuupuan ni Shawn at tiningnan ako ng mabuti. "Be the secretary of the CEO of this company. Please."
"S-secretary of the C-CEO?" Hinintay niyang tumawa man lang ang dalawa ngunit walang bahid ng pagbibiro sa itsura ng mga ito. "N-no. I can't. I'm sorry," turan niya.
"We will give you a high salary for this, Cattleya. Please, accept this job." Nag-puppy eyes pa si Shawn habang magkadikit ang mga kamay na akala mo ito ay nagdarasal. Umiling siya nang umiling pero natigilan.
"High salary?"
"Name your price, Cattleya." Seryoso na rin si Nicco habang nakatitig sa kaniya.
Huminga siya ng malalim bago tumayo at lumapit sa pinto ng office at ni-lock ito. Nakahalukipkip ang mga braso nang tingnan niya ng masama ang dalawa.
"Teka lang, a? Can you please enlighten me? Bakit ba ako pa ang gusto ninyong maging secretary ng CEO ninyo, e, pwede namang isa sa inyong dalawa or maghanap kayo." Hindi na siya nakatiis.
"We already did the latter, but we always failed. Palagi niyang pinapaalis." Ngumiwi pa si Shawn nang sabihin iyon.
"E, baka masama ang ugali ng boss ninyo," pagbibiro ni Cattleya.
"Sobra. He's the devil of millenial."
Naitutop na lang niya ang kamay nang marinig ang sinabi ni Shawn.
'Hindi ko akalain na totoo pala ang biro ko.'
"O, tapos ako ang gagawin ninyong sekretarya niya, e, alam naman pala ninyo na masama ang ugali no'n. Grabe kayo sa akin!" Medyo mataray ang nagamit niyang tono.
"Are you going to accept the job or not?" Tila napipikon na tanong ni Niccolo. "You can reject it but I'm telling you, you can now look for another job in other company," dugtong pa nito.
"Hala! Unfair naman no'n. Nagpakapagod na kaya ako sa pabalik-balik na interview. May mga requirements na rin akong nakahanda." Pagmamaktol ni Cattleya at siniringan ng tingin sina Shawn at Nicco.
"Sa tingin ko magkakasundo kayo ni Steve."
Bigla siyang natigilan nang marinig ang pangalan na iyon at tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Bumangon ang kaba sa kaniyang dibdib.
"N-nino?" halos pabulong niyang tanong sa mga ito. Tila may nakabukol na bato sa kaniyang lalamunan.Ayaw niyang mag-isip at baka tumama pa ang hinala niya.
"Steve. Steve Johnson Fill."
HINDI NA namalayan kung paano nakauwi sa unit niya si Cattleya. Hindi niya rin alam kung paano natapos ang usapan nila Shawn at Niccolo, basta isa lang ang natatandaan at malinaw sa isipan ng dalaga.
'I am the new hired secretary of Steve Johnson Fill.'
'Ang aking first love.'
'Ang aking first kiss.'
'Ang aking first sa lahat.'
'At aking EX.'
Napasabunot siya sa sariling buhok nang maalala ang lalaking minahal nang todo.
"O, bakit para kang baliw d'yan? Anong nangyari sa final interview?"
Lumingon siya sa babaeng pumasok sa pinto at bumungad sa kaniya. Si Janice, isa sa malapit niyang kaibigan.
"Buti na lang dumating ka. I need your help. Gulong-g**o na ako!" Natataranta niyang hinila paupo sa harapan ang kaibigan. Mababakas naman sa mukha nito ang labis na gulat.
"Wala akong pera, Catt! Ako pa nga ang mangungutang sa'yo, e!" anito sabay ngiti na akala mo nagpapa-cute.
"Great! You need money? I can help you, but I need your help first." Nilabas niya ang laptop at may pinindot doon. Ilang minuto pa ang lumipas ay iniharap niya ito sa rito.
"O, anong mayroon diyan sa website ng Voice Global Company?" Parang hindi interesadong tanong ni Janice sa kaniya. She tapped the 'About The CEO' icon at tama sng kaniyang hinala. Nanlaki rin ang mga mata nito na singkit nang makita at makilala ang nasa picture.
"No way, Catt! Si... si Steve yan,di ba?" Nagtakip pa ito ng bibig nang matapos itong magsalita. Siya naman ay sunod-sunod na tango ang ginawa.
"Yeah, siya iyan."
"Oh my God! Nagkita na kayo? Nangangamoy balikan, a," anito na may ngisi sa mga labi.
"Janice! Anong balikan ba iyang sinasabi mo? Alam mo naman na malaki ang kasalanan ko sa kaniya, 'di ba?" tanong niya rito.
Napansin ni Cattleya na ngumuso lamang ito sabago nagsalita, "E, ano naman? Matagal naman na `yon saka mahal mo pa naman siyan, a? Anong masama?"
"Janice! Are you thinking? Are you crazy? My God!" aniya at tumayo. Naglakad nang pabalik-balik sa harap ng kaibigan. "Anong gagawin ko?"
"Easy. Mag-apply ka sa ibang kumpanya. Napakadaling solusyonan ng problema mo, Catt. Ginagawa mo namang komplikado." Janice rolled her eyes.
"Iyon nga, Janice. Sa sobrang gulat ko nung nalaman kong siya pala ang CEO ng VGC ay natulala ako. At iyong sina Shawn at Nicco naman ay sinulit 'yung pagkakataon na iyon. Pinapirma nila ako sa kontrata. My God!"
"What? Iharap mo nga sa akin iyang mga iyan para maturuan ng leksyon." Napahampas pa ito sa lamesa niya dahilan nang pagbagsag ng ibang mga gamit.
"E ano bang gusto mong gawin ko?" tanong nito kapagkuwan.Panay ang dampot ng mga nahulog na bagay.
"Turuan mo ko. Kung ano ang mga dapat kong gawin para kapag kasama ko siya ay hindi niya ako mabisto."
"Nagpapatawa ka ba, Catt. Ano bang mabibisto iyang sinasabi mo?"
"Ayokong mabisto niya ako na ako ito. I mean, na ako iyong dating minahal niya. Ayokong malaman niya na siya pa rin iyong m-mahal ko."
Natawa ito nang bahagya pero mayamaya pa ay sumeryoso itong muli. "Hindi mo pwede lokohin ang sarili mo. Maaaring sa una ay maikakaila mo iyan pero hanggang kailan?"
Hindi siya kumibo at napaisip pa lalo.May punto ang kaniyang kaibigan. Maaari nga na maitago niya sa lalaki ang tunay niyang nararamdaman kahit maraming taon na ang lumipas na ito pa rin ang mhala niya, walang iba.
KINABUKASAN, seven o'clock pa lang nang umaga ay nasa office ni Cattleya. Ngayon kasi ang first day niya sa trabaho at ngayon din ang araw na magkikita silang dalawa muli ni Steve.
'After so many years. Ilan nga ba?'
5 years.
'Parang kahapon lang...'
"I HAVE to go, Steve." Ramdam niya ang mahigpit nitong hawak sa kaniyang kamay ngunit buong lakas niya itong inalis gamit ang isa pang kamay. "Let me go, I'm sorry," sabi niya sa binta sa kabila ng labis na pagluha.
"No, honey. Bawiin mo muna iyong sinasabi mo. Ayaw kong mag-break tayo. Please, I love you."
Napapikit siya ng mariin nang marinig ang mga salitang iyon buhat sa lalaking pinakamamahal niya. Ang sakit-sakit na makita itongng umiiyak.Doble sa ang sakit na nararamdaman niya kapag nasasaksihan at siya pa mismo ang may kasalanan kung bakit ito lumuluha.
"Nagdesisyon na ako. Ayoko ng baguhin pa," pagmamatigas niyang wika.
"Please, honey. Mahal mo ko, ` di ba? Hindi mo na kailangan pang makipaghiwalay sa akin. Kaya ko magtiis ng long distance relationship basta 'wag mo ko iwanan." Nakaluhod na nitong pakiusap.
Umiling siya habang hilam sa sariling luha ng mga mata.
"I'm sorry, h-hindi kita m-mahal. At hindi kita m-minahal kahit na kailan dahil g-ginamit lang kita." Nag-iwas siya ng tingin kay Steve. hindi niya kayang makita na nadudurog ito.
'Wala na. Nasabi ko na. Kailangan ko na talagang panindigan 'to.'
"Alam kong nagsisinungaling ka," anito pero ngayon ay nakatayo na.
"Oo. Tama. Nagsinungaling ako! Dahil kasinungalingan lahat ng sinabi ko. Hindi talaga kita mahal. Iyon ang totoo. Ginamit ko lang ang pera mo para makapag-aral ako. Kaya tama na! Ayoko na, Steve! Kalimutan mo na ako dahil hindi na kita kailangan!"
Tumalikod na siy rito at mabibigat ang mga paa na humakbang palayo. Parang nilalamukos sa sakit ang kaniyang puso. Tila sinasaksak siya nang paulit-ulit nga daang-daang kutsilyo sa parteng ito ng kaniyang katawan. Kahit isang lingon ay hindi niya ginawa dahil baka kapag ginawa niya ay bawiin pa ang lahat kaniyang mga sinabi rito...
Naramdaman niya ang maiinit na mga luha na nag-uunahan na lumandas sa kaniyang magkabilaang pisngi.
Bigla siyang napatayo nang may tumikhim sa harapan niya. Ngayon lang napansin ni Cattleya na may nakatayo na pala sa kaniyang harapan. Kitang-kita ng pares ng mga mata niya ang isang pares ng black leather shoes, mayamaya ay umangat nang dahan-dahan mga mata niya.
Ang puso niya ay tila hinampas ng malakas saka tumibok nanag pagkabilis-bilis.
'Relax, Cattleya'
"G-good morning, sir," bati ko nang magtama ang aming mga mata. Mahahalatang nagulat siya pero mabilis din na nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Sumeryoso ito lalo at dumilim ang aura.