CHAPTER 11 Agatha's POV TAAS-NOO akong naglalakad sa hallway papunta sa office ni Steve. Ang mga empleyado sa establisiyementong ito ay nakasunod ang mga paningin sa akin. Bakit nga ba hindi? Isang maiksing skirt ang suot ko. Fitted blouse na may blazer na nakapatong at high heels stiletto na kulay red. Huminto ako sa harap ng isang cubicle. Napangiti ako nang makilala ko ang babaeng nakatitig sa monitor habang nagtatype ang mga mata sa keyboard ng computer. "Excuse me," tawag pansin ko sa kaniya. Mahahalata sa kaniyang mukha ang gulat at tuwa nang ako'y kaniyang makilala. "Agatha? What are you doing here?" Tumayo pa siya at nilapitan ako. Na-ilang naman ako nang bigla niya akong yakapin, "It's good to see you here, where's Tyrone?" "Nasa bahay siya nila mommy," turan ko sa malami