CHAPTER 9 Cattleya's POV Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Bahagya pa akong napapikit ng tumama ang nakakasilaw na sinag ng araw sa mga ito. Halos mapangiwi naman ako nang maramdaman ang matinding pagkirot ng aking ulo. Parang binabarena ito sa sobrang sakit. Bumangon ako sa pagkakahiga habang hawak ang ulo ko. Luminga ako sa paligid. Nasa kwarto ko pala ako. Pero hindi sa condo kungdi sa kwarto ko sa loob ng unit ni Sir Steve. 'Sir Steve?' Pumikit ako upang alalahanin ang nangyari kagabi. Nag-aya si Janice mag club, Nag-away kami nung Bipolar kong amo, Nainis ako, Uminom ako. Binuhat niya ko. Nanlaki ang mga mata ko. B-binuhat niya ako, t-tapos... tapos... Sinilip ko yung katawan ko. Iba na ang damit ko. 'Boxer and t-shirt na puti?' "O, mabuti naman at gising