CHAPTER 8 Cattleya's POV MASAYA KONG tinanaw ang batang si Tyrone habang naglalaro sa slide. Nasa park kami ngayon kung saan katabi lang ng simbahan. Ang saya sa pakiramdam kapag nakikita ko siyang masaya. Galak na galak at giliw na giliw ako sa kaniya. "Ang hilig mo talaga sa bata," narinig kong wika ni Agatha. Sa akin siya nakatingin. Nakangiti siya pero parang may lungkot sa kaniyang mga mata. Kumunot ang noo ko nang mapansin na nanunubig iyon. "Anong problema?" Mas lalo akong tumabi sa kaniya habang hinawakan ko ang kamay niya. Hindi na ako nagtaka nang hilahin niya yung kamay niya. "W-wala," aniya sabay punas nung luha na sigurado akong bumagsak. "A-aalis na kami." Tumayo na ito at inayos ang blusang suot. "A-agad? Naglalaro pa si Tyrone e." Tumingin akong muli sa bata. "Mayama