CHAPTER 2
TUMUNOG ANG teleponong nasa table. Biglang kumalabog ang dibdib niya nang sagutin iyon at marinig ang boses ni Steve sa kabilang linya.
"Nandiyan ka pa rin?" Kahit sa telepono ay mahahalatang galit ito.
"Y-yes, Sir."
"Get inside." Nawala na ito sa linya at naputol iyon. Sumulyap muna si Cattleya sa salamin mula sa bag. Sinigurado niya na maayos ang make-up at hindi magulo ang buhok. Nag-spray din siya ng pabango para kahit paano mabango siya habang kausap ang amo. Kumatok siya ng tatlong beses bago pinihit ang seradura ng pinto ng opisina ni Steve.
Mas lalo yata siyang nangatog nang makapasok sa loob. Nilibot ng mga mata ang kabuoan ng opisina nito. Very manly ito. Kulay blue ang theme nito na may touch of Thailand dahil may mga pigurin at paintings na mga budha ang disenyo. Very masculine rin ang pamilyar na amoy. 'Iyon pa rin ang perfume niya.' Napangiti siya nang palihim. Natuon ang pansin ni Cattleya sa table ni Steve. Malaki ito at kulay itim na gawa sa kahoy. Medyo magulo ito dahil may mga iilang nakakalat na papel at kung anu-ano pa. Ang swivel chair nito ay nakapatalikod sa kaniya. Nakaharap ito sa glass wall kung saan matatanaw ang mga buildings sa labas at baba. Umikot ito nang dahan-dahan. Tiningnan na naman siya nito nang nakamamatay na mga tingin. May hawak itong signpen at tila nag-iisip. Gaya kanina ay wala ni isang emosyon siyang nababakas sa mga mata nito. Madilim ang awra at mahahalatang poot na poot. Hindi niya nakayanan ang tingin na iyon kaya nag-iwas siya ng tingin. "Maglilibot na lang ba iyang mga mata mo? Aren't you going to say anything?" Pakiramdam niya ay nanigas ang buo niyang katawan lalo na nang tumayo si Steve at humakbang papunta sa harap ng table nito. Naupo ito roon at tila nag-iisip na tumingin kay Cattleya. "B-bakit ninyo po ako pinatawag?" tanong niya. Gusto niya na takbuhin ang pinto dahil sa nararamdamang takokt para dito. Hindi ito sumagot bagkus lumapit sa pintuan at narinig niya na lang na ini-lock nito iyon. Mas lalo siyang kinakabahan. Dumoble ang lakas ng t***k ng kaniyang puso. Nanginginig ang katawan sa mga oras na ito. 'Ano bang gagawin niya? Help me, God!' "Bakit ka narito?" Napapitlag siya nang tanungin siya nito. Tumayo at kinilabutan si Cattleya dahil naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kaniyang batok. "Kagaya p-po ng sinabi ko kanina, S-sir. Nandito ako dahil sa t-trabaho," nauutal niyang sagot rito. Sa isang iglap, napangiwi na lang si Cattleya nang marahas nitong hawakan ang isa niyang braso. "Hindi ka na sana bumalik pa," malamig nitong bulok. Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso niya nang marinig iyon. "If I were you, aalis na ako kaagad. Dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa iyo kapag nanatili ka pa rito. Leave. NOW!" Hindi siya agad nakakilos. Alam rin niya na ano mang oras ay babagsak ang sarili niyang mga luha. Nasasaktan siya. Ang sakit isipin na ganito ang magiging reaksyon nito sa muli nilang pagkikita. 'Ano pa bang iisipin mo, Catt? Yayakapin ka niya? Tatanggapin at mamahalin? Accept the consequences sa mga ginawa mo.' Bigla nitong binitiwan ang braso niya na ngayon ay namumula at sobrang sakit. Hindi siya makapaniwala na masasaktan nito siya ng ganito. Napayuko na lang si Cattleya nang maramdaman ang mga luhang nag-uunahan sa mga pisngi. "I-Im sorry," bulong niya. Hindi na makatingin sa kaharap. "Leave. I'll talk to Niccolo. H'wag ka na babalik dito at 'wag na 'wag nang magpapakita pa." Iyon lamang at tumalikod na ito. Nakaharap na itong muli sa glasswall at nilagay sa bulsa ng slack pants nito ang mga kamay. Huminga muna siya nang malalim bago mabibigat ang mga paa na lumabas ng opisina. Umiiyak pa rin siya kasi ang laki ng pinagbago nito. Hindi na ito 'yung lalaking mahal na mahal siya kagaya noon. 'Expect the worst, Cattleya. Sinaktan mo siya dati. Iniwanan mo kaya huwag ka umasa na tatanggapin ka niya nang ganun kadali.' "GUSTO KA niya alisin sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit pero may nagawa ka bang mali? Natapunan mo ba siya ng kape? Mali ka ba nang nai-type habang nagdi-dictate siya sa'yo? What?" tanong ni Niccolo habang nakaupo lang si Cattleya sa harapan ng table nito. Dumiretso siya dito pagkatapos nung nangyari kanina sa office ni Steve. "Mas malaki ang kasalanan ko sa kaniya, Sir Nicco. Mas malaki kaysa sa ano mang puwedeng maging kasalanan ng isang sekretarya," nakayuko niyang sabi. "What do you mean?" Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita, "I-Im his e-ex-girlfriend," turan niya. "Ex? Meaning nakaraan?" Tumango siya bilang sagot. "E, ex ka na lang naman pala niya. Bakit ka niya paaalisin nang basta-basta? Not unless, maha--" "N-naku, Sir Nicco hindi naman po siguro sa ganun." Putol niya sa sasabihin nito. "Alright. Sabi mo, e. Pero, Cattleya hindi ko tatanggapin ang request ni Steve na alisin ka. Kung ano man ang nakaraan ninyo, baka pwede pa namang ayusin. Pero kung talagang gusot na gusot at hindi na maaayos, e 'wag ninyo na lang idamay ang trabaho sa opisina." Napatingin siya rito. "Sir, bakit hindi niya ko puwede alisin? CEO po si Sir Steve, hindi ba?" tanong niya rito na puno ng pagtataka. "Yes. But, hindi sa lahat ng oras ay siya ang masusunod. May karapatan din naman ako na magdesisyon." Nagtataka siya kung bakit ganoon ito magsalita. Magtatanong pa sana si Cattleya pero mas pinili na lang na hindi kumibo. "Pumasok ka pa rin bukas. Akong bahala sa'yo. You may leave," wika nito. Humarap na itong muli sa mga papeles na kaninang binabasa. Isinukbit niya ang bag sa balikat at saka tumayo. "S-sige po, Sir." Malapit na sana siya sa pinto nang muling magsalita ito. "Catt," napalingon siya rito, hinintay ang mga susunod na sasabihin. "Kung ano man 'yung nakaraan ninyo, sana 'wag maging dahilan yan upang umalis ka sa trabaho. Habaan mo na lang sana ang pasensya sa kapatid ko. HALOS LIPARIN niya na ang daan papunta sa sariling table nang lumabas siya ng elevator. Late na kasi siya at for sure, magagalit na naman ang boss s***h ex niyang masungit. Malamang nga nito masaktan na naman siya nito. Hinihingal siyang napahawak sa lamesa nang makarating sa puwesto. Eight o' five na nang umaga. "You're late, Miss Evangelista." Halos matumba siya sa pagkakatayo nang marinig ang boses ng CEO ng kumpanyang ito. Nasa likuran niya ito kaya dahan-dahan siyang pumihit paharap dito. Halos malaglag naman ang panga niya dahil hindi ito nag-iisa. May kasama si Steve na babae na aakalain mong model sa sobrang ganda. Maputi ito at kulay mais ang mahaba nitong buhok. Ang kaso, parang linta itong nakakapit sa braso ng binata na bahagya pang hinihimas-himas. Nang tingnan niya ito sa mga mata ay masama na pala ang tingin nito sa kaniya. "Five minutes lang naman po akong late, s-sir," angal niya sa amo. 'Ang gwapo naman talaga ng lalaking ito. Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya mula nang magkita kami ulit. Nag-mature na siya unlike before na medyo payat pa. Ngayon, mukha na siyang God from Olympus.' "Stop staring at my boyfriend, bitch." Bigla siyang napatingin sa babaeng kasama ni Steve. "Ano?" tanong niya rito nang nakakunot ang noo. 'Ayaw ko sa lahat ay iyong tatawagin akong 'b***h' dahil hindi naman ako ganoon.' "I said, b***h, stop staring at him." Humakbang pa ito ng bahagya kaya mas malapit na sila ngayon sa isa't isa ng babae. "Aba't--" "Enough." Biglang sumingit si Steve sa kanila at ito ang nakagitna ngayon. Medyo napadikit pa ito sa katawan niya kaya amoy na amoy ni Cattleya ang mabango nitong pabango. "Get inside after ten minutes. May ipagagawa ako sa'yo," ani Steve bago hinila ang babaeng kasama papasok sa opisina nito. "Akala mo kung sinong maganda. Bulok naman ang ugali at matabil ang dila," nasabi niya na lang habang inaayos ang mga papeles at iba pang gamit sa table. Mayamaya pa ay tumunog ang telepono na konektado sa loob ng opisina ni Steve kaya alam niyang ito ang tumatawag. Excited niyang dinampot ang awtobido. "Hello, Sir Steve?" "Coffee, please." "Ano--" Itatanong niya sana kung anong klaseng kape kaso naputol na. "Bastos," bulong ko. Tumayo siya at pumunta sa pantry. Maraming kape ang nandoon. May three in one na tubig na lang ang idadagdag. Pero napansin niya na may coffee, sugar at creamer din kaya iyon na lang ang ginawa ni Cattleya. Napangiti siya habang bitbit ang mug na may lamang kape. 'Alam ko ang gusto niyang timpla ng kape.' Pagdaan niya sa table ay dinampot ng isang kamay ni Cattleya ang black note book kung saan nakalagay ang mga schedule ni Steve. Isa lang tinimpla niyang kape. Wala siyang pakielam sa babae na iyon. Dahil may hawak ang parehong mga kamay niya ay hindi na siya kumatok. Para-paraan lang kung paano nabuksan ang doorknob. Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makapasok sa loob. Ang kaniyang puso ay parang sinaksak ng malaking itak at saka tinadtad. Nabitawan niya rin ang mug na hawak dahilan ng pagkabasag. Umalingawngaw ang ingay niyon kaya nakuha niya ang atensyon ng dalawang gumagawa ng himala. Napatayo sa pagkagulat ang babae habang parang dismayado naman si Steve. Nakatulala lang siya sa kanila. Parang tumigil ang pag-inog ng kaniyang mundo. "What the f**k? Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong ng babae habang sinasara at inaayos ang skirt nito. "S-sorry, may bitbit kasi ako kaya hindi ko nagawang kumatok." Bumagsak ang mga mata niya sa paanan nang tingnan ni Steve ang direksyon niya. Tagusan ang tingin nito at walang emosyon na mababasa kundi pagkapoot. "b***h, istorbo ka, e." Sabay irap ng babae. "Linisin mo na `yan," utos ni Steve habang inaayos ang pants na suot. Namula at nag-init ang kaniyang pisngi nang maalala ang nangyari kanina. "Umalis ka na, Channel. May gagawin pa 'ko." Nakaharap na ito sa mga papel na nasa lamesa. Lumapit naman ang babae rito at binigyan ng maalab na halik sa labi. 'Damn! Kailangan ba talaga sa harapan ko pa? ' Sa sobrang iritasyong nararamdaman niya para sa dalawa ay walang pakundangan niyang pinagdadampot ang mga bubog. Hanggang sa maramdaman na lang ni Cattleya ang manipis at mainit na pagdaan ng matalim na bagay. Ilang sandali ay humapdi ang daliri niya. "Idiot," bulong ng babae. Nakatayo na ito sa harapan niya. Nakasukbit na ang bag at mukhang aalis na. "Linisin mo `yan." Sasagot sana siya nang biglang magsalita si Steve, "Umalis ka na, Channel. Magkita na lang tayo next week," anito bago muling dumako ang tingin sa gawi ni Cattleya. Naglakad naman na ang babae palabas. Kinuha niya ang panyo na nasa bulsa ng slack pants. Malaki pala ang hiwa nung basag na tasa sa kamay Tiningnan niya ang daliri at napansin na may kalakihan ang hiwa kaya masyadong m****o. Napailing habang napapangiwi na lang siya. "Ano yan?" Lumingon siya kay Steve na seryosong nakatingin sa mga kamay niya. "A... w-wala po. Excuse me lang po, Sir. Kukuha lang po ako ng mop." Mabilis siyang tumalikod rito at pumunta sa pinakamalapit na janitors area. Doon niya pilit na pinatigil ang pagdurugo ng kaniyang sugat. Napapikit na lang siya sa sakit. Mayamaya ay bumalik na si Cattleya sa loob ng opisina ni Steve. Ganoon na lang ang pagkagulat at pagtataka niya nang wala na ang mga bubog sa sahig. Wala na rin ang pinagbakasan ng kape at tumulong dugo. Napatingin siya sa table ni Steve at nakita niya ito roon na abala sa pagpirma ng ilang mga papeles. Lumapit siya rito. "Sir, s-sino po ang naglinis nung natapon na kape?" Pilit niyang kinumpustura ang sarili. "Malinis na kaya lumabas ka na." Wala man lang tingin nitong sabi sa kaniya. "S-sige po." Dahan-dahan siyang lumabas ng opisina kahit puno ng kuryosidad ang isip. MAASYOS NAMAN ang naging trabaho niya sa maghapon. Nandyan iyong magpapa-type si Steve ng mga dinidikta nito. Buti na lang sanay siya sa mabilisang pagta-type dahil aakalaing may hinahabol palagi ang binata. Nandyan iyong pabalik-balik niyang aayusin ang mga papeles nitong g**o-g**o habang nasa meeting ito. Good thing dahil hindi na masyado makirot ang sugat niya kung hindi, baka masabihan pa siyang pabebe. Salamat sa mefenamic acid na nakuha niya sa Clinic. "Miss Evangelista, sumunod ka sa'kin," sabi ni Steve nang makalabas ito ng conference room. Kaagad naman siyang naglakad pasunod sa amo. "Bakit, Sir?" "Lock the door," utos na naman nito pero kaagad niyang sinunod. "Maupo ka." Umupo na lang siya sa silya na nasa harapan ng lamesa ni Steve. Hindi niya alam kung saan titingin. Alam kasi ni Cattleya na nakatingin na naman ang matatalim na mga mata nito sa gawa niya. Ilang minuto pa ang dumaan bago ito magsalita, "It's been five years, Cattleya." Pag uumpisa nito. Bigla siyang kinabahan dahil mukhang alam na ang itatakbo ng usapan na ito. "Anong nangyari sa iyo at bakit nagbalik ka pa?" untag nito bago tumawa ng peke at puno ng sarkasmo. Mababakas din sa mukha nito ang galit. "S-sir," utal niyang sagot. Naumid yata ang dila ni Cattleya. Hindi niya alam kung saan mag-uupisa sa mga dapat ipaliwanag o may karapatan pa ba siyang magsabi rito. Naramdaman niya na tumayo ito at naglakad pa-ikot sa lamesa hanggang nasa tapat na niya si Steve. "Wala kang sasabihin? Nautal ka na? Bakit hindi ka magpaliwanag ngayon?" Seryoso nitong tanong. Napayuko na lang siya kasi wala siyang lakas ng loob upang salubungin ang mga mata nito. "I-Im sorry... S-sir Steve," tanging aniya. Wala na siyang ibang alam na isasagot. Gustuhin man niyang magpaliwanag pero paano ba siya magsisimula? 'Sasabihin ko ba sa kaniya ang dahilan ko kung bakit ko siya iniwan?'