Next week pa malalaman ang 20 finalist. Ang ibang hindi pa nakakapag-perform ay para naman sa iba’t ibang araw na inilaan sa grupo nila. Sakto lang talaga na nasa bracket namin ang RSYND. Nang tawagin ang 15 bands kasama kami sa stage ay nagsalita na ang English speaking na announcer patungkol sa voting.
Pasimple kong tiningnan si Claude sa kabilang bahagi ng stage at napalunok ako nang makita kong matiim siyang nakatitig sa ‘kin. Napabawi tuloy ako ng tingin. Inaatake na naman ako ng karupukan! Ang guwapo talaga ng mapapangasawa ko.
‘Yuki, napakalandi!’
Nang matapos ang sinasabi no’ng host ay nag-exit na rin isa-isa kapag natatawag na ang pangalan ng grupo. Sakto na magkasunuran ang GZ at RSYND kaya habang nauubos ang mga banda parang mas sumisikip dahil mas natitira kami.
Hinampas ko si Takumi nang mahuli kong nakatingin kay Claude.
“Hindi mo siya titingnan!” mahina pero mariing saway ko.
“Pareho lang naman kayong nakatitig kay Claude.” Nakangiting sabi ni Blue.
Napangiwi ako at nangiti naman si Ruki kasunod nang pag-iling.
Nangiti na rin kami ni Takumi, talagang sumisilay kami kay Claude!
Sumeryoso ang hitsura nang tatlo nang madikit sa ‘min ang RSYND. Lima sila sa grupo kasama si Claude pero napaka-epal ni Calvin dahil talagang humarang siya para mapalayo sa ‘min si Claude.
“Hey, you are looking so sexy while singing.”
Nabigla ako nang may mukha ng lalaki ang lumapit sa ‘kin. Pero bago pa ‘yon mas makalapit may kamay ng sumapo sa mukha ng lalaki at nakita ko ang galit na hitsura ni Takumi.
“Masyado kang malapit.”
Nangisi ang lalaki at tiningnan si Takumi. Sa pagkakaalala ko Zach at Zey ang tawag sa lalaking ‘to. Hitsura pa lang niya mukhang hindi katiwa-tiwala, I mean, guwapo siya pero alam mong maloko ang dating.
“What’s with you, I’m just talking to her.”
Humarang si Takumi sa pagitan namin kaya nagsukatan na naman sila ng tingin.
“Are you his boyfriend?” ngumisi ang lalaki.
“Stop it, Zey, Calvin will surely roast you in hell.” Natatawang saway no’ng si Chryss. Pareho sila ng dating ni Zey na may hitsura pero hindi katiwa-tiwala ang vibes at hindi nakaka-relax iyong paraan nila ng pagngiti.
“Hey, Yuki, let’s see each other again…” anito nang tawagin na ang grupo nito. “Don’t worry, sa grupo namin puwede kaming magpasa-pasahan ng babae and for sure, irereto rin ako sa ‘yo ni Claude.”
Napigilan ko ang braso ni Takumi na muntik nang umangat.
“N-naka live tayo, ‘di ba?” mahinang sabi ko.
Nakita kong sumama rin ang tingin ni Ruki.
Pero hindi man lang tumingin si Claude. Offended din ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ng lalaki.
Nabigla ako nang may humawak sa mukha ko na dalawang palad at idikit ang noo niya sa ‘kin. Nangiti ako dahil si Blue ‘yon. Iyon lang ang ginawa niya pero gumaan nang husto ang loob ko.
Nakalakad na ang RSYND at nagsasalita na si Chryss.
Hindi ko alam pero nalulungkot ako na parang mga katulad ni Zey ang mga nasa paligid ni Claude. Bumalik kaya siya sa bisyo niya? Nakagat ko ang ibabang labi ko nang makita ko ang itim niyang gloves. Sinusuot ‘yon ni Claude kapag kinakagat niya ang sarili para paduguin at sipsipin ang dugo niya. Kapag gano’n, matindi ang pinagdadaanan niya.
Nang tawagin kami ay si Ruki ang nagsalita. Mas safe kasi kung si Ruki dahil parang awtomatiko ang lumalabas sa mga labi niya na magagandang salita.
Sa isa sa bahay nila kami sa Tokyo naka-stay. Hindi ito iyong pinakabahay nila dahil sa Osaka ang pinakabahay nila. Pupunta raw kami roon, soon…
“Huwag na muna kayo manood ng news, let’s rest.” Paalala ni Ruki.
Natigilan ako sa pagpindot ng T.V.
“Bukas na ‘ko magpapaka-stress,” nangiti ako. “Mag-iinit na ‘ko ng food!” nagluto na ‘ko kanina ng Tinola kaya naman kakain na lang kami. Pati sinaing nakahanda na dahil nga paniguradong gutom kami.
Tumulong sa ‘kin si Ruki sa kusina. Si Blue, hinang-hina at nag-te-text pa nang makita ko sa sofa. Si Takumi naman gusto kaagad maligo. Makalipas ang twenty minutes kusa na silang tumulong mag-ayos ng hapagkainan. Alam ko kung ano ang magiging paksa ng usapan na. Pero mabuti na lang at kumain muna sila bago nagsalita no’ng nasa fruit salad na.
“Yuki, iwasan mong lumapit sa RSYND. Iba talaga ang dating no’ng Zach na ‘yon.” Si Ruki ang unang nagsalita.
“Pero hindi man lang talaga nag-react si Claude.” Disappointed si Blue. Pero huminga ito ng malalim, “Baka naman nagkukunwari lang siyang ‘di apektado.”
Hindi kumikibo si Takumi.
“Tingin ninyo apektado siya?” sa katahimikan, bumasag si Takumi. “Si Claude, hindi naman natin kabisado ang takbo ng isipan niya. Ang alam lang natin minahal niya si Yuki ng totoo. Pero paano kung naka-move on na siya? At hate lang ang nararamdaman niya kay Yuki ngayon?”
Natigilan naman ako sa sinabi ni Takumi. Nasaktan ako pero hindi ako nagpahalata.
“Wala naman akong magagawa kung gano’n, ang mahalaga sa ‘kin maibalik siya sa GZ.” Iyon ang nasabi ko, kahit pa ang gusto ko talaga kasabay ng pagkakaayos ng GZ, magkakaayos kaming dalawa.
“As we can see, malaki ang pinagbago ni Claude kahit sa pakikitungo sa ‘tin na matagal niyang naging kaibigan—”si Takumi.
“May gloves din siya, nagsusuot siya no’n kung kailangan niyang i-cover ang mga new scars niya dahil sa pag-atake ng Renfield Syndrome niya. With that, alam ko na hindi stable ang mental health ni Claude.” Nalulungkot na sabi ko. “Kasama niya rin si Calvin, sabi ninyo nati-trigger ang sakit ni Claude ni Calvin, dahil mayro’n siyang grupo na ang mga binubuo ay mga taong nag-practice ng act of vampirism as if ni-no-normalize niya ang sakit ni Claude. Natatakot ako na baka iyong dating triggering lang mapalabas na syndrome ni Claude, normal niya na ngayong pinagdaraanan at kinasasanayan.”
“Let’s focus on the positive part, guys.” Si Blue iyon na nakangiti. “Hindi pa tayo huli, alam ko na babalik sa ‘tin si Claude. Kailangan lang natin mapalapit sa kanya.”
Nangiti ako, “Tama, kung magpopokus tayo sa negativity masasayang iyong effort natin na makarating dito.”
“Yeah, mag-focus na lang kayo para makakuha ng votes para sa ‘tin. Kung matatanggal tayo kaagad, ang next opportunity natin na mapalapit sa kanya ay 6 months pa ang bibilangin at another awarding din iyon na focus naman sa Asian bands lang.” Sabi ni Ruki.
Hindi kumibo si Takumi, kumakain lang siya ng fruit salad. Hindi siya mahilig sa matamis, base sa dami nang nakakain niya, nag-iisip siya nang malalim kaya ‘di niya namamalayan. Hindi ko naman siya masisisi. Bestfriend para sa kanya si Claude, naabandona ang pakiramdam niya. All those time, sinuportahan niya si Claude sa mga gusto nito, nagpahatak siya kahit hindi siya mahilig sa banda. Masyado rin siyang attach kay Claude dahil bago ako dumating siya lang ang kinakausap ni Claude at hinahanap tuwing kailangan nito ng kausap. Pakiramdam ko nga, iyong sakit na nararamdaman ko, hindi ko maikokompara sa panahon na pinagsamahan nila bilang mag-bestfriend.
Alam ko na nararamdaman din ni Ruki ‘yon dahil napapasulyap siya kay Takumi.
“Let’s win this.”
Tumayo si Takumi at tumungo sa kitchen.
Nagulat naman kaming tatlo saka nagkangitian.
“Let’s focus on the positive side.” Ulit ko.
“Tell your followers to vote for us.” Sabi ni Ruki sa ‘min.
“Yuki, show some of your solo songs sa mga social media account mo, it will booze your popularity and ‘yes’ vote for the new followers. Dahil na-announce na tayo sa global rock award, at mas kumalat ng ikaw ang bagong vocalist, for sure na mas dadami ang titingin sa account mo at sa group natin lalo iyong mga bagong sibol na supporter. Use your voice to reach them. Kailangan natin ang boto nila para makapasok. Kailangan mong mapatunayan na you are worth to stand in Claude’s place.”
Kinabahan ako pero nagkaroon din ng malaking motivation sa sinabi ni Ruki.
“Knowing Claude’s loyalist, mas dumarami sila at kahit na napakaraming banda sila na kaagad ang sinasabing papasok sa TOP 5. Ngayong taon, bagsak tayo sa survey. Bibihira ang babaeng main vocalist sa banda kaya it will be a tough battle for you.”
Napalunok ako.
Naramdaman kong hinawakan ni Blue ang kamay ko. Nang tingnan ko siya ay nginitian niya ‘ko.
“We are always here for you. Let’s do our best.”
Nangiti kami ni Ruki. Ewan ko, basta pakiramdam ko anghel si Blue! Kahit may sa demonyo iyong Adam na guardian devil niya.
Nang nakahiga na ako sa kuwarto ko ginawa ko ang suggestion ni Ruki. Namili ako ng mga saved videos ko during our practice pero siyempre iyong dumaan na sa dry run. Tama si Ruki na mas dumami ang followers ko, within five hours simula nang makauwi kami ay mayroon na ‘kong +200k followers. Pero sabi nga ni Ruki, hindi lahat ng followers ay supporters. Iyong iba, tumitingin lang ng bawat galaw at humahanap ng oportunidad para mang-bash. Pero masaya na ‘ko sa mga tumatanggap sa ‘kin at pumupuri sa ‘ming grupo na magpakatatag kami and willing silang suportahan kami hanggang dulo. Malaki pa rin ang fandom nila Ruki, Blue, at Takumi. Pero iyong kay Takumi, more on ang sinusuportahan nila ay iyong Claude X Takumi kaya sila rin iyong pinakarami akong natatanggap na hateful comments. Pero may pagka-full support naman ang fans ni Ruki dahil naman alam nilang magaling kumanta si Ruki pero masyado ‘tong na-overpowered ni Claude no’ng nasa grupo pa si Claude, ngayon kasi madalas kumakanta si Ruki para suportahan ako. At iyong issue naman na overpowered sabi ni Ruki, desisyon niya talagang hindi kumanta noon at mag second voice lang. Sa fans naman ni Blue, sobrang supportive rin sila, siguro sila naman iyong masasabi ko na may malaking hate kay Claude dahil umalis si Claude at nagpakilala na new member ng RSYND no’ng panahon na nagpapagaling si Blue. Marami rin kasing kuwento-kuwento na walang katotohanang kumalat. Kaya ang fans ni Blue ang todo support sa ‘min.
Ako naman ay tinatanggap lang ng mga fans nila na may malawak na pang-unawa. Pero nagkaroon na rin ako ng matatawag kong ‘akin’ lalo at ako mismo ang gusto nila. Pero tama si Ruki, hindi ako dapat makampante, iba’t ibang lahi ang huhusga sa ‘min at sa panahon na namahinga ang GZ marami ring bagong sumibol, mayroong luma naman na biglang noong nakaraang taon at nagkaroon ng popularidad dahil sa biglaang pagsikat ng isang kanta.
Pagka-post ko ng videos nag browse naman ako kahit sabi ni Ruki huwag muna kami tumingin sa mga news. Nabigla ako nang makita ang hitsura namin sa stage kung saan hinawakan ni Takumi ang mukha no’ng Zach! Napabalikwas ako ng bangon dahil mukhang may malaki palang issue na kumakalat!