C2: Mad

1914 Words
YUKI Huminga ako nang malalim. Malapit na kaming mag-perform. Hindi naging madali ang buhay ko bilang bagong lead vocalist ng GZ, marami akong hate comments na natanggap at tinawag pa ngang ‘malas’ ng mga fans. Simula raw nang dumating ako ay puro kamalasan ang dala ko sa GZ. Ma rami rin silang mga kuwento na pinakalat. Sa sobrang dedicated nga nila, naglabas pa sila ng mga fabricated story, chat conversation, at mga legit na friends daw ng isa sa mga GZ member. Ngayon ko nalaman na marami talagang tao ang kulang sa atensiyon, at gusto ng mga ito ng mga kuwentong gawa-gawa para lamang mas gumulo ang sitwasyon. Pero hindi ako nagpokus doon. Dahil ang pagiging vocalist ko, hindi ko naman ito pinangarap at lalong hindi ko gustong maging permanente. Ang pagiging bokalista ko at pagtayo kasama ang GZ ay para mabawi si Claude sa RSYND. Alam ko na sobrang rupok ko, nagpapakatatag lang ako. Pero nasasaktan ako kapag may mga dating issue si Claude. Pero tinatatagan ko na lang, hindi ako nagpapahalata sa mga posted photos ko na apektado ako dahil ayokong maging mahina. Kailangan kong lumaban ngayon. Alam ko na wala akong karapatang magselos dahil ako ang nakipaghiwalay kay Claude. Pero nakipaghiwalay ako sa kanya dahil iniwanan niya ang banda, ang mga kaibigan niya, at gusto pa niyang i-disband. Ang hindi ko pa matanggap, mas gusto niyang sumama sa RSYND sa panahon pa na nasa emotional stage ang grupo dahil nabaril si Blue, at kahit naman nagising na ‘to ay hindi pa rin ito noon stable. Napaka-insensitive! Pero akala ko noon, iyong nag-uumapaw kong pagmamahal kay Claude ang magpapabulag sa ‘kin sa paraan na lahat ng gusto niya gagawin ko o saan man siya pumunta sasama ako dahil nga mahal ko siya at nag-uumapaw pa nga. Pero nang piliin ko ang GZ at makipaghiwalay kay Claude, hindi ko rin alam na iyon ang pinili ko. Inisip ko rin kung hindi ako nadala ng emosyon ko no’n si Claude ba ang pipiliin ko? Pero ang sagot ko ay iisa, hindi ko maiiwanan ang GZ. Gusto ko silang mabuo at kailangan kong maging matatag. Nasaktan ako pero hindi naman namatay. Napakarami ng ibinato sa ‘kin pero sa isang taon na lumipas marami na rin ang sumuporta sa ‘kin. Palagi akong pinoprotektahan ng grupo kaya hindi ko kailangan magpaapekto. Kailangan ko lang maibalik si Claude at kung ang paraan ay maging kalaban niya sa ngayon kailangan ko ‘tong panindigan. Kanina lamang muntikan na ‘kong madala ng damdamin ko. Kailangan kong pigilin ang sarili ko. Sa Japan ‘Global Rock Award’ ang nagaganap. Ang gabing ‘to ay all-performance lang at tatakbo ang mismong voting ng isang buong buwan. Sa loob din ng isang buwan may apat na beses na Live ang Global Rock Award. Ang kailangan naming masungkit ngayon ay ang mapasama sa TOP 20 bands. Kung si Claude ang kasama ng GZ, walang duda na makakapasok sila. Pero ngayon na ako ang nasa puwesto ni Claude, maging sa voting nangangamba ako dahil alam ko na sobrang daming fans ang ayaw sa ‘kin. Ang mga nananatili ay talagang iyong mga super support kila Takumi, Blue, at Ruki. Dahil iyong mga loyal kay Claude, naging RSYND fans na ngayon. Ang iba naman ay tumigil ng making dahil sa sobrang disappointment na naramdaman. “Yuki, ‘wag kang kabahan.” Nginitian ako ni Blue. Ngumiti rin ako sa kanya. Napakalamig sa gitna ng stage. Napakalaki ng stage, iyon bang sinasabi niyang manliliit kami sa kanya kung hindi kami makakapag-perform ng maayos, at magiging malaki naman kami kung magagawa naming ibigay at maabot ang level ng Global Rock Award. Madilim pa ang stage dahil pinapa-set-up pa kami. “Yuki, you are so pretty! Slay them all!” narinig ko si Takumi kaya nangiti ako. Tiningnan ko si Ruki dahil siya ang support ko. Nang marinig ko ang unang stram ng electric guitar umilaw ang paligid namin. Maingay na kaagad pero nasisiguro ko na mas maingay no’ng RSYND ang nasa stage. Hindi pa sila pinapakita halos magwala na ang mga fans. Sumunod pa ang isa pang stram at pagkislap ng ilaw. Hinawakan ko ang mic at sa ikatlong stram ay nagliwanag na nang husto ang stage. Naging malinaw sa ‘min ang malaking karagatan ng mga audience. “If your love is a lie!” pataas nang pataas ang boses ko hanggang marating ko ang sukdulan. Pinag-aralan ko ang genre na ‘to para mag-fit ang boses ko. Marami akong lesson na pinagdaanan at magpasahanggang ngayon nag-aaral ako dahil gusto kong iparating sa kanila na karapat-dapat ako rito. “I swear it’s not a lie….” Si Ruki ‘yon. Yuki You painted my world with colors of happiness. But I woke up this morning realizing that someone throw a black ink, so that I couldn’t distinguish the beautiful colors you gave me. I tried to find a clean paper and go to you, Hoping you’ll give me another colors, But I realize that it’s you who painted me colors of happiness is also the one who turns all these colors to black… Tuwing kumakanta ako hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan namin ni Claude. Mula no’ng isa pa lamang akong normal fan niya, at nag-take risk na magtrabaho as a maid ng isang secret personality raw sabi ng pinsan ko na later on nalaman kong si Claude ‘yon mismo. Nalaman ko kung ano ang mga ugali ni Claude na hindi ko na nga mapaniwalaan iyong iba. Mapang-inis siya, magagalitin, at may katamaran pero kahit gano’n gustong-gusto ko talaga si Claude. Lalo kapag nakikita kong ngumingiti siya at tumatawa kay Sponge Bob. Tapos ilang saglit lang magsusungit na naman siya. Iyong pagkakagusto ko sa kanya nauwi sa pagmamahal. Kahit madalas niya ‘kong galitin talagang mahal ko siya, sa sobra ngang pagmamahal ko sa kanya maaga niya ‘kong napabukaka. Pero aminado naman ako na ginusto ko at minahal ko nang husto si Claude. Naging napakasaya ng buhay ko kasama siya. Ibang-iba si Claude at ang pakiramdam sa nakaraan kong relasyon. Pakiramdam ko nga no’n, hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa ‘kin na para bang pag-aari niya pati buhay ko. Sobrang saya ko rin kasama ang buong grupo niya. Marami silang pagkakaiba-iba pero iyong pagkakaunawaan nila sa isa’t isa ang nagustuhan ko nang husto. Mahal na mahal ko si Claude. Mahal ko rin ang grupo. Niloko rin naman ako ni Claude sa pagitan ng relasyon namin pero mas inunawa ko siya at alam ko na mas kailangan niya ‘yon at kayang-kaya ko pa talaga. Maging ang ‘Clinical Vampirism’ ni Claude at ‘Sadistic Tendency’ ay nasaksihan mismo ng mga mata ko. Pero lahat ‘yon niyakap ko sa kanya, walang magpapawala ng damdamin ko sa kanya, para talaga ‘kong mababaliw kung mawawala siya sa ‘kin kahit sobra niya ‘kong pinaiiyak at pinasasama ang loob ko. Akala ko nang maging maayos kami tuloy na tuloy na, mas naging malambing siya, mapagmahal, showy at sinama na ‘ko saan man siya pumunta. Maging ang relasyon namin ay naging publiko at pakiramdam ko nga sobra-sobra ‘yong kasiyahan ko. Walang pakialam si Claude sa sasabihin ng iba, ang mahalaga mahal namin ang isa’t isa. Pero hindi ko akalain na biglang magtatapos ang magandang relasyon namin at ako pa mismo ang pumutol no’n. Ako na paulit-ulit na sinabi sa sarili ko na hinding-hindi ko siya kayang iwanan dahil masisira ang ulo ko. Pero nagawa kong iwanan siya dahil no’ng mabaril si Blue, nagpahinga ang grupo nila at wala pang ilang buwan nalaman kong lumipat siya ng grupo no’ng umalis siya at gusto niya ‘kong isama kasama ang iba niyang grupo. Hindi ko kayang magalit nang husto kay Claude pero pakiramdam ko sobra ‘yong galit na nararamdaman ko at nagawa ko pa nga siyang sampalin. Ang grupo niya ay hindi basta grupo, mga kaibigan niya ang GZ bago pa sila maging isang banda. Hindi ko alam kung anong demonyo ang pumasok sa isipan niya para pumunta sa karibal na grupo. Nagkahiwalay kami at aaminin ko na sobra akong nahirapan pero kinaya ko. Gusto kong kayanin kaya nagpakatatag ako. Inayos ko ang sarili ko at nang bumalik ang grupo ni Claude, ako mismo ang nagsabi na magiging Vocalist ako ng GZ. Hindi sila tumutol, para sa kanila parte ako ng grupo at hindi ko layunin palitan si Claude, gusto ko siyang ibalik sa grupo dahil naniniwala ako na si Claude ay may malaking dahilan… Gusto kong maniwala na mayroon siyang malaking dahilan para sumama sa grupo na ‘yon. Pero looking at him kanina, parang bibigay na kaagad ako. Gusto ko siyang yakapin pero binigyan niya lang ako ng tingin na napakalamig. Alam kong galit siya sa ‘kin… Nang maghiwalay kami walang kahit na sinong lalaki akong pinapasok sa buhay ko kahit pa mayroong mga lalaki ang nanligaw sa ‘kin pero umpisa pa lang tinapos ko na kaagad ang pagpapaasa sa kanila dahil iisa lang naman ang lalaking mahal ko at kahit masakit sa ‘kin na napakaraming babae ang na-involve sa kanya nang maghiwalay kami, kinaya ko. “Thank you, thank you so much…” nakangiting pasasalamat ko matapos ang kanta. Napakarami ko ng natanggap na pangmamaliit simula nang pinili ko ‘to pero mas malaki ang tiwala ko na maibabalik ko ang GZ. Sana nga… Nang nasa backstage na kami ay nag hi-five kami. “Yuki, may pictorial ‘yong mga girls ng mga band. Pumunta ka na muna ro’n.” Sabi ni Ruki. “Do I need to go with you?” tanong ni Blue sa ‘kin. “Hindi na saglit lang ‘to, rest na kayo.” Kinawayan ko sila. Nag re-touch muna ako para naman fresh looking pa rin. Ngumiti pa ‘ko sa salamin bago ako lumabas. Maraming bumati sa ‘kin at binati ko rin pabalik, sila ‘yong mga nakilala ko na at nagkaroon naman kami ng proper conversation gamit ang English. Kahit nakangiti ako dala ko pa rin ‘yong kaba na baka hindi kami makapasok sa TOP 20. Kung hindi ako mapapalapit nang husto kay Claude, mas magiging mahirap abutin ang pakay namin sa kanya. Sa pagmamadali ko may nakabunggo sa ‘kin. “Ouch…” “Hey, are you okay?” kaagad akong hinawakan ng lalaki sa braso. “Thank you,” nangiti ako sa kanya. “You are Yuki from GZ, right?” nakangiting tanong ng lalaking guwapo at may tattoo sa magkabilang balikat. Nakasuot lang siya ng black sando with logo ng kanilang bandang ‘OX’ alam ko Philippine band sila! “Philippine band?” na-excite ako bigla. “Oo,” ngiting-ngiti siya sa ‘kin. “Ay, may pupuntahan pala ‘ko, see you soon!” kinawayan ko siya. “Let’s talk again, Yuki!” pahabol niya. Nilingon ko pa siya at nginitian sa kumaway. Kahit may mga lahing Pinoy ang GZ, consider sila as Japanese Band dahil sa Japan sila nagsimula at bumuo ng grupo bago nakilala international. “So, how’s the flirting?” Natigilan si ako nang marinig ang pamilyar na boses. Si Claude ‘yon na nakasandal sa wall at nakapamulsa. May kadiliman sa bahaging ‘yon kaya naman hindi ko siya nahalata pero sa boses pa lang kilalang-kilala ko na siya. “Hmm… What do you think?” nginitian ko siya. “See yah!” kinawayan ko siya. Maghahabol ka rin sa akin, Claude Stephen Hartwell!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD