C4: Karibal

1569 Words
Ruki “You will never find another woman who can love you the way I did, Claude!” birit ni Yuki. Aga-aga, naka-kape palang ‘yan. Nasa kusina kami nag-uurong siya habang naglilinis naman ako ng mesa. Tatlong araw pa para sa third week ng performance namin. “Aga mong magwala honey,” si Takumi, pawisan na naman kagagaling lang niya sa pag-jo-jogging at sa ref ‘agad ang tuloy. “Oh, sorry honey!” ang sigla ni Yuki na humagikgik pa. Nagkibit-balikat nalang ako at nagtuloy sa ginagawa ko nang sikuhin ako ni Takumi na nakalapit na pala sa ‘kin. “Ano na naman ‘yon?” tanong ko sa kanya. “Bakit sobrang sigla ni Yuki? Pinainom ninyo ba ng vitamins ‘yon?” natatawang tanong nito. “Marami siyang positive comment na nabasa kaya masaya siya.” Tumango-tango si Takumi. “Pero mahina ang boto natin, mukhang may sa palya tayo ngayong third week.” “Huwag kang negative masyado, si Yuki nga masigla, ikaw para kang timang diyan.” Natawa si Takumi, ewan diyan, mahilig din tumawa. “Sikat na pala 'yong Hayley Jane mo?” Humila siya nang upuan at naupo roon habang umiinom sa bottled water. “Nakita ko lang sa internet, pero bakit wala sila rito sa Global Rock Awards?” halatang curious ito. “Hindi pa sila kasali dahil nito lang din sila sumikat. Finalize na mga kasali bago sila biglang sikat. Pero next year, paniguradong naroon na sila.” Tumango-tango si Takumi. “Type ka no’n, ‘di mo gusto talaga? Sukuan mo na si Yuki.” “Kung ano-ano na naman pinagsasabi mo, Narciso.” Iniwanan ko siya dahil marami pa ‘yong sasabihin. Tama na ‘yong isang maingay sa kusina. “Pinag-uusapan ninyo si Hayley? Nag send congrats siya sa ‘kin, so sweet, wala sa hitsura niyang friendly mukhang matapang, pero ayun nga, so sweet!” ani Yuki. “Papuntahin mo kaya ‘yon dito para may makausap naman si Yuki,” sabi ni Takumi. “Narito siya for Global Rock Award, marami siyang sinusuportahan na narito. Itatanong ko muna kung may available time siya.” Natuwa naman si Yuki sa naging sagot ko. “Good morning, baby!” ani Yuki, pababa na si Blue at pupungas-pungas pa. “Good morning, baby,”sagot nito na kulang pa sa sigla. “Na-late ako nang gising, pasensiya na,” ani Blue. “Walang problema, maaga pa naman, baby,” sagot ni Yuki. Natutuwa naman ako na sobrang lapit nila na parang matalik na magkaibigan. Medyo nag-iisip lang ako dahil baka maging more than friends ang nagiging pagtuturingan nila. “Naiisip mo ba ang naiisip ko B2?” tanong ni Takumi na ngising-ngisi sa ‘kin. “Oo, B1!”sagot ko, sabay naming binalikan si Yuki at Blue saka muling nagtinginan at napailing. “Mahirap ‘to, B2,”sabi ni Takumi. “Napakahirap, B1,” sagot ko. Nanghihinang napaupo na lamang ako. “Siya nga pala, iyong issue sa RSYND?” pagsisimula ni Takumi. Parang biglang natahimik lahat, naalala ang issue. Lumapit si Blue at Yuki. “Mas mabuti pa na ‘wag na lang natin pansinin,” sabi ni Yuki. “Hayaan ninyo na ‘yong mga bad comments sa ‘kin, ignore na lang natin and block, as much as possible, mas panatilihin na lang natin na tahimik tayo kesa makigulo pa.” Iyon ang gusto ko ring sabihin. “Pero mali-mali ang sinasabi nila sa column, parang tinutuhog mo raw lahat—“ “Hindi naman ‘yon totoo, kaya focus na lang tayo sa ‘ting pag promote. Kailangan-kailangan natin ‘yon or ilang araw na lang uuwi tayo sa Pilipinas na luhaan.” Nasa boses ni Yuki ang determinasyon. “Tama, I’m so proud of you, Yuki,” nakangiting sabi ni Blue. Kami ni Takumi ay pasimpleng nagtinginan. Pareho ring napatikhim nang halikan ni Blue sa noo si Yuki. “Bakit parang puro kayo harutan? Hindi naman sa nang-aano ako, Blue, Yuki,” sabi ni Takumi. “Bakit may masama ba ro’n?” inosenteng tanong nito. Tumikhim uli si Ruki. “Nagseselos si Ruki!” sabi ni Takumi. Nagulantang ako. “Narciso!” malakas na tawag ko sa kanya. “Ay, secret lang ba, Ruki?” natatawang tanong ni Takumi sa ‘kin. “May the best man, win.” Lahat kami ay natigilan, tama bang sinabi ‘yon ni Blue sa seryosong tono? Tumalikod ‘to at humanap na nang pagkain. Wala pa ring kumikibo sa ‘min. Alam kong biro lang ang gustong palabasin ni Takumi, pero ngayon, magagawa pa ba niyang magbiro? Pulang-pula si Yuki nang balingan ko. Nangunot ang noo ko. Nang tingnan ko si Takumi ay nakatitig na pala siya sa ‘kin. “Teka, nagseselos si Ruki!” malakas na sigaw ni Takumi. “Narciso!” sigaw ko sa kanya. Tumawa pa siya. “Blue, tinatanggap daw ni Ruki ‘yong hamon mo sa may the best man, win!” Halatang gusto niya lang nang pagti-tripan. “Tumigil na nga kayo!” Halatang hiyang-hiya si Yuki. “Seloso pala ‘tong si Ruki natin!” dagdag pa ni Takumi. “Sure, be it.” Lahat ulit kami ay natigilan sa seryosong sagot ni Blue. “Tama na nga, alam kong maganda ‘ko pero ‘wag ninyong masyadong ipahalata sa ‘kin. Tama na, okay?” Halatang pilit idinaraan ni Yuki ‘yon sa biro. “Sure, Blue, iyan ang sabi ni Ruki!” si Takumi na naman. Napasuntok ako sa mesa. “Wait, Takumi,” pinanlisikan ko siya nang mata. Napatakbo na kaagad siya. “Bakit parang trip na trip mo ‘ko?!” Tinawanan lang ako ni Takumi. “Mabuti pa, mag-swimming na lang tayo,” aya ni Yuki. “Malamig,” sabi ko. “Ano naman? Saglit lang!” Hindi ko alam bakit pumayag kaming mag swimming kahit taglamig. Nagtitili siya pagkalubog pa lang ng katawan niya. Short at fitted sando ang suot niya. May hawak pa siyang bola. “Emegesh! Nasisilaw ako, boys!” Nagtaka kaming tatlo kung saan siya nasisilaw kaya nag-ikot ang tingin namin. May kisame naman at makulimlim ang panahon, para ngang uulan pa. “Enebe, ‘yong mga abs ninyo nakakasilaw po!” Napakamot ako sa batok at nangiti. Ito talagang si Yuki, hindi na naubusan nang kalokohan. Si Takumi ay biglang tumalon suot ang kanyang trunks. Sinusubukan nitong lunurin si Yuki kaya nagkakawag naman si Yuki para makalayo rito. Napuno nang tawanan ang pool. Nakaupo lang sa gilid si Blue, binababad ang kanyang paa. Naupo ako sa tabi niya, hindi ko kayang sabayan ang sigla ni Takumi at Yuki. “May gusto ka ba kay Yuki?” Nagulat pa rin ako sa tanong ni Blue. Kahit paano, ayoko pa rin seryosohin. “Oo, bakit? Pero hindi naman ganoon na gusto ko siyang kunin kay Claude. Magiging masaya pa rin ako kung sa huli ay sila pa rin naman.” “Pero sinasaktan siya ni Claude—“ “Pero sinabi mo rin na may pinagdaraanan si Claude at kailangan niyang sagipin.” Natigilan si Blue, tumingin lang ‘to sa malayo. “Pero ganoon ba ang pagmamahal niya?” wala sa huwisyong tanong nito. “Binastos si Yuki ng ibang lalaki pero wala siyang ginawa, hindi ko alam kung kakapit pa ‘ko sa dahilan na may pinagdaraanan siya.” Hindi ko alam na sa ‘ming lahat, si Blue pala ang unang magbibigay ng ganitong pagdududa kay Claude. Akala ko hanggang huli, hahanap siya nang magandang bagay kay Claude. “Ibig sabihin, gusto mong seryosohin na mahalin si Yuki?” tanong ko. Tiningnan niya ‘ko, kahit kailan sobrang daling basahin ng mga mata nito at kahit hindi niya sagutin alam ko na ang sagot. “Oo, pero susubukan kong bigyan pa sila ng chance ni Claude, gusto ko pa ring maging masaya si Claude. Pinipigilan ko pa ‘yong damdamin ko.” Akala ko noon, isip bata pa siya, mahirap umamin sa nararamdaman, ngayon, kinakausap niya ‘ko nang maayos at diretso. “Yuki deserves to be love. Kahit hindi niya ‘ko gustuhin gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga, sa paraang ‘yon malalaman niya ang kahalagahan niya. Masyado nang nai-overpowered ni Claude si Yuki, at alam ko na nakangiti man siya ngayon, may gabi pa rin na umiiyak siya at nagtatanong nang paulit-ulit.” Hindi ko akalain na ganito siya mag-isip, malalim, at nasa punto. Akala ko bata pa rin siyang dapat alagaan katulad noon. “Paano mo sasabihin kay Adam?” “Hindi ko pa ‘yon iniisip, mas mahalaga na masiguro ko muna kung hindi na babalik si Claude.” Tiningnan ko siya at seryoso siya. “Blue! Ruki!” tawag ni Yuki. “Baby!” bigla siyang bumalik sa pagiging bata. Tuwang-tuwa siyang nakipaglaro. Naisip ko rin, sa kabila ng ipinakikita ni Blue, mayroon din siyang inner demon na itinatago. At kung magtatagal si Claude sa pagiging manhid, wala na ‘tong babalikan sa susunod. Lumusong na rin ako para makipaglaro sa kanila. Si Yuki ay bahagi na ng GZ, hindi siya isang stranger na ngayon. Hindi na puwedeng tawaging GZ kami kung wala siya. Itong babaeng ‘to, napakatibay niya. Hindi ko rin inaasahan na magagawa niya kaming piliin kesa kay Claude, samantalang noon, kung titingnan parang ikamamatay niyang maiwanan ni Claude man lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD