C1: Stranger

1520 Words
Nagmamadali si Yuki na tumakbo para mapalakompara sa ginawa ni Claude na pang-iiwan sa GZ! Ang GZ na bago pa sumikat ang mga ito ay magkakaibigan na! Siya ang pumalit sa puwesto nito bilang main-vocalist, pero handa naman siyang mag step-down kung babalik ito at umaasa siya. Masakit makitang palayo nang palayo ang likuran nito sa kanya. Maging ang apat na kasama nito ay napalingon sa kanya pero galit siya sa mga ito, kinuha nito si Claude sa kanila! “Claude, mag-usap tayo—” Bago pa siya muling humabol dito ay may pumigil na sa kanyang braso. “Yuki, stop it!” si Ruki ‘yon kaya nilingon ‘to ni Yuki. Napansin ni Ruki ang mga namumuong luha ni Yuki, katulad ni Blue hindi pa rin nito maiwasang masaktan sa mga nangyayari. “Bakit siya nagkaganyan?” Yuki muttered in pain. Nagsisimula ng mabasag ang puso niya, nakita nga niya uli ito pero ibang-iba na ito. Inalalayan siya ni Ruki patungo sa dressing room. Ang sakit isipin para kay Yuki na si Claude na hinangaan niya ay nakilala niya sa grupo ng GZ pero ngayon tinatawag na ang pangalan nito bilang miyembro ng RSYND gusto nilang bumalik si Claude, gumagawa sila ng paraan pero ang sakit lang talaga sa parte niya na napakadali ritong talikuran silang lahat lalo ang mga kaibigan nito. Hindi nila kinuwento kay Takumi at Blue ang tungkol sa pagkakita nila ni Ruki kay Claude. Apektado si Takumi, ito kasi ang best friend ni Claude ever since, pero positive naman ito na babalik si Claude. Si Blue naman ay nagtitiwala kay Claude, pero mabilis itong maapektuhan kaya kahit paano sila lang ni Ruki ang nag-uusap tungkol kay Claude lalo sa mga ginagawa nitong negative gesture. “Panoorin natin si Claude sa screen malapit sa stage!” masayang hinawakan ni Blue si Yuki na pilit ding ngumiti. Naroon pa rin ang katuwaan ni Blue, iyon bang suportado nito pa rin si Claude sa kabila ng pang-iiwan nito? Sobrang inosente at napakadaling saktan ni Blue. Nakarating sila malapit sa screen sa stage, naroon na rin ang susunod na performer. “Doon tayo sa mga audience,” hinila uli siya ni Blue at umikot sila sa likuran ng stage para makarating naman sa harapan kung saan naroon ang mga audience na karamihan ay mula sa grupo rin ng mg abanda, nakalaan talaga ‘yon para sa kanila. Halos lumabas ang puso ni Yuki nang makita si Claude sa center stage, hawak ang gitara katulad noon, pero ibang mga lalaki na ang kasama nito. Naroon na iyong vibe niya na kabilang siya sa metal rock. Kahit noon, ang simpleng black plain shirt nito na humahakab sa katawan nito ay napakalakas na ng dating. Nagsimula ang tunog ng drums, humalo ang sa electric guitar. Nagkaroon ng malalakas na sigawan at sa isang iglap handang-handa na ang mga manonood sa isang magandang performance. Si Yuki, nakatitig lang siya kay Claude, napatitig ito sa kanya, pero nginisian siya nito. He’s even more devil than the first time they met! Nasaktan niya ‘to, pero nasaktan din siya nito. Dahil ang round na ‘to ay mula sa mga kanta ng ibang banda sinimulan ng mga ito ang sariling rendition sa mas mabilis na tempo ng kanta. May dice na digitally na pinaiikot sa screen, iyon ang magdidikta kung original or rendition ng ibang kanta mula sa ibang banda ang kakantahin. Sa pagkanta pa lamang ni Claude ay naramdaman na ni Yuki na pinipilit ang kanyang puso. May magkahalong galit at disappointment ang mahahalata sa boses nito at tuwing magtatama ang kanilang paningin ay parang ipinamumukha nito sa kanya na nagkamali itong mahalin siya, at lahat-lahat nang kanilang pinagdaanan ay nawalan ng kuwento. Hindi laro katulad nang gusto nitong ipamukha sa kanya ang lahat, at kahit kailan hindi siya isang cheater! Hindi niya ito niloko kahit nagawa nito iyon sa kanya nang paulit-ulit. “Claude…” ang sakit makita ito, gusto niya ‘tong talikuran pero gusto niya ring hindi ito mawala sa kanyang paningin. Siya ang pinatutungkulan nito. Iniisip nito na may iba siya kahit sobrang dedicated niya rito at mahal na mahal niya ito. Paano nito nasabing nanloko siya? Paano nito naisip na katulad lang siya ng ibang tao, samantalang ito nga ang nanakit sa kanya? Nasayang ang oras nito sa kanya? Pagkaaksaya ba ng oras ang mahalin siya? Nasasaktan siya tuwing titingin ito sa kanya, naroon kasi ang tila galit nito. Nauunawaan niya naman ito, siya ang kumalas sa kanilang relasyon. Nahihirapan siyang magpigil kaya hinawakan niya si Blue sa braso dahil nakikita pa nito ang kawalanghiyaan ni Claude. Pero imbis na sumama sa kanya si Blue ay nagsalita ito. “He’s badly wounded, Yuki.” Nakatitig lang si Blue kay Claude. “Ikaw lang ang minahal ni Claude, kahit kailan wala naman siyang pakialam sa mga babaeng nauna sa ‘yo. Tinanggap mo siya ng buo, nagbigay rin naman siya ng tiyansa na makapasok ka sa pader na itinayo niya sa sarili. Nasasaktan pa rin siya, pero hindi ko alam kung dapat ba na palaging ang isagot niya sa sakit na nararamdaman niya ay mas masakit na ganti?” Nabigla si Yuki, lalo siyang naiyak dahil sa sinabi nito. Nasasaktan din si Blue, maraming gumugulo sa isipan nito. Para kay Blue, bahagi ng pamilya nito ang miyembro ng GZ. At silang tatlo, pilit nila ‘tong pinoprotektahan lalo na siya dahil nalaman niya ang mga pinagdaanan nito bago maging isang banda ang mga ito. “Pero gusto ko pa rin siyang maintindihan, Yuki. Gusto ko pa ring marinig kung ano ang mga sasabihin niya. Gusto kong malaman kung masaya ba siya kung nasaan siya ngayon o naguguluhan lang siya at mas kailangan niya ng suporta?” mapait ang naging ngiti ni Blue. Hinila na ni Yuki si Blue, hindi niya gustong makita ni Claude ang mga luha niya. Habang naglalakad sila pabalik ay sinagot ni Yuki ang huling sinabi ni Blue. “Bakit gusto mo pa rin siyang maintindihan? Bakit kailangan palaging tayo iyong mag-adjust! Alam ko na may trauma siya at mental disorder pero rason na lang ba ‘yon palagi? Napaka-selfish niya!” kahit gusto niyang magalit kay Claude, naroon pa rin iyong pakiramdam na hindi niya gusto ang mga binitiwang salita. “Yuki—” Hindi na naman nagsalita pa si Blue bumuntong-hininga lang ito. Nag-ayos na sila dahil malapit-lapit na sila. Nagpakapositibo si Yuki para ganoon din ang mga ito. Nagbibiruan pa rin sila na parang wala lang ang nangyayari pero siguro sa loob nila pare-pareho naroon iyong nagpapakatatag sila para rin sa grupo nila. Nang lumabas sila ng dressing room para makiisa na sa mga nasa back stage ay saktong padaan ang grupo ni Claude sa kanilang harapan. Hindi niya pinansin ang mga ito at bago nila malampasan ni Claude ang isa’t isa ay ipinaabot niya sa pandinig nito ang salitang Demonyo. Iyong ngisi at ngiti ng mga kasama nitong extra ang dahilan bakit gusto niyang i-flush sa toilet ang buong RSYND! “Kailangan si Claude tinuturuan ng leksiyon.” Bulong ni Yuki sa sarili. “I heard it, she’s really something.” Natatawang sabi ni Zey nang makapasok sila sa dressing room na buong RSYND. “That girl needs to learn her lesson.” Walang ganang sabi ni Shayne na humanap kaagad ng puwesto para sa mahihigaan. Tiningnan lang ni Calvin si Claude na walang imik na naupo. Huling pumasok sa dressing room si Chryss. “Zey, hindi ba type mo ‘yong ex ni Claude?” tanong ni Chryss na ngising-ngisi. “Oh, she’s prettier today.” Lumapit ‘to kay Zey. “Look how she fixed her hair and f*ck she got a nice booty!” “Makakalimutan no’n si Claude kapag ako ang—” Natigilan silang dalawa nang may sinipang upuan si Claude at tumumba ‘yon. Nangisi si Calvin. Si Shayne naman ay naglagay kaagad ng headphone dahil nasisiguro niyang gagawa ng ingay lalo si Chryss at Zey. “Claude, she’s not yours anymore. Ano naman kung maging akin siya?” Pang-aasar pa ni Zey. Ngising-ngisi si Zey habang masama ang tingin ni Claude rito. “So, do you still like her?” si Chryss na mukhang mang-iinis din. “But I really do like her,” ngising-ngisi si Zey. Pero natigil siya nang makitang nagmuwestra ng isang daliri si Calvin na nangangahulugan na huwag na siyang iisa pa. Napapailing na lang si Zey at iniba ang usapan. “So, you still want her?” tanong ni Calvin kay Claude. “Why would I?” ngumisi Claude, “Siya ang nakipaghiwalay sa ‘kin.” “So, you’re mad?” “That woman is a liar, I just don’t like to hear her name.” Tumayo si Claude. “Saan ka pupunta?” tanong ni Calvin. “Need some air.” Paglabas ni Claude ay sumandal siya sa labas ng pintuan. "That girl, she's a liar," ulit niya sa nasabi kanina. "Telling me she loves me more than her life yet didn't choose me at the end. I'm wasting my time on her, she really wasted my time."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD