"Tsk! Masyado ka namang nagmamadali" Adrian spoke on my side as I fix my things.
Inirapan ko naman siya at saka pinagpatuloy ang pagpapasok ng mga gamit sa aking bag.
Parehong Business Administration ang kinuha naming course. Ang totoo ay ako lang talaga ang may gusto ng business ad para makatulong sa kumpanya ng mga magulang ko kaya hindi ko alam kung bakit ito rin ang course na kinuha ni Adrian gay'ong sa tungkol sa engineering ang kanyang gusto.
I glanced at my watch and automatically smiled when it's finally 2pm. Bahagya pa akong napairit sa tuwa at saka isinakbit ang aking bag.
"Gotta go" paalam ko at dali-daling naglakad palabas ng silid, hindi na inantay pa ang sagot niya.
Kinuha ko ang aking cellphone habang naglalakad pababa ng hagdan. I searched for Marish in my contacts and dialed her number when I finally saw it.
Mabilis niya naman iyong sinagot.
"May class pa ako ate" bulong niya kasabay ng nagsasalitang prof sa background.
"Naglalaro na si kuya mo?" I asked while taking my steps down stair.
"Oo ate. Nagtext siya kanina sa akin. Puntahan mo nalang sa gym" she stated.
"Okay, okay, thanks" masayang ani ko saka ibinaba ang tawag.
Gaunti pa akong natapilok sa huling baitang ng hagdan mabuti nalang at may mabilis na humawak sa aking braso upang mapigilan ang pagkadapa ko.
"Can't you fvckin slow down?! The game won't run away for petes sake!" he shouted in annoyance and hold me into place.
Napanguso naman ako habang iniiwasan ang nagdidilim niyang paningin. I heard him took a deep sighed before freeing me.
"Let's go. The game's starting" he said coldly and take his steps first.
Hindi naman maalis ang pagnguso sa aking labi habang nakatingin sa kanyang likuran na naglalakad palayo sa akin.
Tumigil naman siya sa paglalakad nang siguro ay hindi niya naramdaman ang pagsunod ko. Nilingon niya ako at awtomatikong umangat ang kaliwang kilay niya habang nakatitig sa akin.
My eyes started to pooled with tears reason why he quickly minimize our distance.
"Hey" he gently called as he caress my face.
Tinabig ko naman ang kanyang kamay sa aking mukha.
"Y-You shouted at me" I said and bit my lower lip to supress my sobs.
I don't understand why I am being like this. Maybe because it's the fvckin first time he did that to me. Oo inaasar niya ako, binibiro, sinisira ang araw ko pero sa ilang taon na nagkakasama kaming dalawa ay ngayon niya lang talaga ako nagawang sigawan.
Ngayon ko lang siya nakitang nagalit sa akin.
I know it's my fault. I've been careless but still, how dare he shouted at me? At talagang sa public place pa, good thing walang tao kung hindi ay kahiya-hiya ako.
Kinabig niya ako at kinulong sa yakap niya. "I'm sorry" mahinahon at puno ng pasensya niyang sambit bago hinaplos ang aking buhok.
"I'm sorry Dae" he repeat and kissed my forehead.
He broke his hug and stared at me. He even wiped my tears before combing my hair using his fingers.
"I'm sorry okay. It won't happened anymore. I am just pissed on something. Hush now, Rafael won't like you if he sees you like this. Sige ka." pananakot niya sa akin.
Inirapan ko naman siya at saka suminghot ng bahagya. Tiningnan ko siya ng masama at muling inirapan.
"Pag ako sinigawan mo pa, FO na talaga tayo" I said.
Umawang naman ang kanyang bibig at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Seriously?" he asked.
"Hmmp talaga! Tabi nga dyan late na ako sa laro ng aking labidabs" ani ko saka siya nilampasan.
I heard him groaned as I felt his presence behind me. Palihim naman akong napangiti.
Sige sigawan mo ulit ako. Nakoo.
Maingay na sigawan ang bumungad sa amin pagkapasok ng gym. Iba't ibang apelyido umiingay sa ere ngunit isang apelyido ang nanatili sa aking tenga.
Manzato! Manzato! Manzato!
Napangiti nalang ako habang naghahanap ng malapit na upuan.
Agad kong nakita si Rafael na tumatakbo habang drinidribol ang bola. May ilang butil ng pawis na tumutulo sa kanyang mukha at leeg.
Napakagwapo niya talaga.
I take my seat and focused on watching him. May humarang sa kanya mula sa kabilang kupunan ngunit mabilis niya rin iyong nalusutan. In one swift jump he manage to shoot the ball that he's holding.
"Yeah, that's my MVP! Go Rafael!" I happily cheered with the crowd, my voice really echoed in the gym.
Tulad ng mga mahikang palabas ay awtomatikong napatingin sa aking pwesto si Rafael. He gave me most sexiest smile he had and wave his hand.
Agad namang namula ang aking mukha dahil roon.
I heard someone scoffed but I didn't bother to search for it. Itinuon ko nalang muli kay Rafael ang aking atensyon. I cheered for him and boo'd the opposite team everytime they shot the ball until the game ends.
As usual, his team won and like his previous games, he got the most valuable player award.
So proud of you love..
Agad akong bumaba sa court pagkatapos magtapikan ng mga players. I waited for Rafael to come for me, it was the usual routine everytime his game ends.
Nagpupunas siya ng pawis habang naglalakad palapit sa akin.
"You're here again" he mumbled in front of me and looked at my back after.
Hindi ko man iyon lingunin at alam kong si Adrian ang kanyang tiningnan.
Tinanguan lang ni Rafael si Adrian bilang pagpansin sa presensya nito.
"Ofcourse. Iyon ngang malayo napupuntahan ko ito pa kayang malapit lang" I stated.
He chuckled and slightly ruined my hair.
"Silly" he commented.
Napanguso nalang ako dahil sa kanyang ginawa. Mula bata palang kami ay palagi na niyang ginugulo ang aking buhok kapag natutuwa. Pakiramdam ko tuloy ay talagang nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa akin.
Ipinagwalang bahala ko nalang iyon upang hindi ako malungkot.
I am Daeshaia Samaniego Castanio and I always get what I want. Pagpapalubag-loob ko sa aking sarili.
I tried to hide my disappointment by forcing a smile.
"We should celebrate your victory. There's a newly opened café near here, maybe we can try it." I initiated.
He just stared at me and licked his lower lip.
"I'm sorry Daeshaia but I have some errands to do" he uttered and softly looked at me.
Pinigilan ko namang malungkot sa kanyang harapan.
He also said it yesterday when I tried to invite him to be with me.
Hindi ko alam kung dahilan niya lang ba talaga iyon para hindi ako makasama o talagang totoo ang sinasabi niya. Ofcourse I choose to believe the latter. There's no freakin' way that I'll let myself down.
"Okay" simpleng sabi ko at pilit na ngumiti.
Tumitig naman siya sa akin at saka nagpakawala ng malalim na hininga.
"Next time. Promise" paos na ani niya.
I quickly smiled because of that. Tila nabura lahat ng tampo at pagkabigong nararamdaman ko ng ganun-ganun lang.
"Sabi mo yan ha!" maligayang sabi ko.
He laughed and caress my hair again.
"Yes. Now go home lady. Tita Ayesha will be mad if you didn't go home on time" he reminded me.
Napanguso nalang ako at tumango.
I'll graduate soon and all of them still treat me like a baby.
"Take care" he said and looked at Adrian again.
"Drive safe" he spoke to him.
"Yeah, always" he answered from my behind.
"Goodbye" paalam niya sa akin habang nakangiti.
"Goodbye" I replied and watched him turned his back, taking steps away from me.
"Let's try that café" Adrian spoke and went to my side.
Napatingin naman ako sa kanya at saka muling tumingin sa direksyon ni Rafael.
He's now with his team. Nagtatawanan sila at masayang nag-uusap. Saglit pa siyang napatingin sa direksyon namin ay nakangiting kumaway bago naglakad paalis kasama ang mga kalaro niya.
"Rafael said to go home" I mumbled.
I heard Adrian sighed and get my bag from me.
"Let's go home then" he said in hoarse voice.
Bagsak balikat akong sumunod sa kanya.
Cheer up Daeshaia. He promised next time he'll be with you. Pagkausap ko sa aking sarili at pilit na ngumiti.
Yeah, iyon nalang dapat ang isipin ko.