NAKAUPO si Alyana habang yakap ang mga tuhod sa sulok ng malaking kuwarto sa mansyon ng pamilyang Bargas. Ayaw niyang sumama sa asawa niya ng sinabi nitong doon na sila titira sa bahay ng biyenan niya dahil beninta ng asawa ang lupa at bahay nila dahil sa pagkakautang nito noong nakaraang eleksyon kaya naubos ang ipon nila sa bangko. Dahil gustong gusto ng asawa nitong manalo sa halalan ay naglabas pa ito ng pera sa sarileng bulsa para ipa-mudmud sa mga tao kahit na mahigpit na pinagbabawal ng batas ang vote buying.
Pero sa huli natalo pa rin ang asawa kaya heto sila ngayon nakikisiksik sa mapagmata niyang biyenan.
Tatlong magkasunod-sunod na katok ang nagpatayo kay Alyana kaya mabilis siyang lumabas ng kuwarto at bumungad sa kanya ang biyenan na nakataas ang kilay. Walang itong salita at basta na lang siyang pinasunod nito gamit ang gitnang daliri na animo'y nagtatawag lang ng isang aso.
Hindi na lamang iyon pinansin ni Alyana at sumunod na lamang. Umupo ang donya sa sofa habang si Alyana ay nakatayo lang sa gilid.
“Maupo ka,” wika ng Donya kaya umupo naman si Alyana paharap dito.
Naglagok muna ang Donya ng tsaa at nang malagay na sa maliit na lamesa ay binalingan nito ang manugang. May kinuha ito sa bag na mga litrato at inabot ito sa kanya pero hindi niya ito kinuha.
“Magaganda sila,” pagsisimula ng Donya.
“Pero mas gusto ko itong isa, anak ng isang tanyag na CEO. Ano sa tingin mo, Alyana?” mapanuyang tanong nito sa kanya.
“Ano po ang ibig ninyong sabihin? Bakit n’yo po ipinapakita sa akin?” Ang kunot-noong mukha ni Alyana.
“Sila ang mga gusto kong babae para sa anak ko, disente, may pinag-aralan at higit sa lahat kalebel namin, ‘di ba?” mapanuya nitong saad na para bang nakikipag-tsikahan lang sa isang kakilala.
“Bakit napakasama n’yo? Mawalang galang na po pero babae rin kayo! Sana alam n’yo ang pakiradam na inaalipusta ng Nanay ng asawa niya!” malakas na sabat ni Alyana kaya biglang nagpatayo ang biyenan nito.
“Aba't bastos na bunganga mo, sumasabat ka pa sa akin! Wala ka talagang modo na hampas lupa ka—”
“Talagang wala akong modo lalong-lalo na sa kagaya ninyo, hindi ka respe-respeto! Ito ho ang tandaan ninyo, hinding-hindi ako pipirma ng annulment kaya sa ayaw at sa gusto ninyo makikita ninyo ang pagmumukhang ito hanggang sa ikamatay ninyo!”
Nanginginig sa galit si Alyana habang dinuro-duro niya ito dahil ang mga pagpapasensya niya sa biyenan ay naipon. Sa pagkakataong iyon ay nilabas na niya ang matagal niyang kinikimkim na galit Simula pa lang nang ipakilala siya ng asawa noong nililigawan palang siya nito hindi na talaga ito boto sa kanya lalo pa nang malaman ng donya na sa isang bar siya nagtatrabaho.
Dahil mahal niya si Joseph ay sumugal pa rin siya. Ipinaglaban naman siya ng asawa sa Mama nito at pinakasalan pa rin siya. Masaya ang pagsasama nila ng asawa noong una pero nang magsimula na itong humingi na anak sa kanya at kahit anong gawin niya hindi siya nabubuntis. Lahat ng puwedeng gawin sinubok niya subalit bigo pa rin siyang pagkalooban ng supling at dahil doon ang makulay nilang pagsasama ay biglang naging impyerno.
Ngunit natigil ang pagsasalita ni Alyana nang tumama sa ulo niya ang bote ng alak at nabasag pa iyon. Natigalgal ang dalaga. Namanhid ang kanyang buong katawan lalo na ang ulo kung saan tumatagos na ang dugo dahil sa lakas ng impact no’n ay napaupo ang dalaga at nawalan ng lakas.
Napansin niya na lang na nasa labas na siya ng gate ng bahay at pinagsarhan siya ng pinto ng biyenan. Kahit dinadaing niya ang ulo ay pumipilit siyang tumayo.
“Mommy!! Buksan n’yo ang gate!”
“Mommy!!! Buksan n’yo po!”
Ang paulit-ulit niyang pakiusap at nasira na niya ang doorbell ngunit nanatiling matigas ang Donya at pinatay pa ang ilaw sa gate kaya walang nagawa si Alyana kundi ang ang mapaupo.
Hinihintay ang pagdating ng asawa galing trabaho. Ngunit napatay na lang ang mga sinding ilaw sa mga kaharap nilang bahay ay hindi pa rin dumarating ang kanyang asawa. Marahil nang babae na naman.
Tumayo si Alyana at naglakad-lakad sa loob ng village hanggang nakarating siya sa outpost ng gwardya. Humingi siya ng tulong dito at ng tanungin siya ng gwardya kung anong pangalan niya ay kaagad siyang tinalikuran ng gwardya at nagpalusot itong may ginagawa. Walang nagawa si Alyana kundi ang umupo sa gilid ng kalsada habang lihim na umiiyak.
Maraming sasakyan ang pumasok lumabas sa nasabing village pero kahit isa walang nag-atubiling lumapit at tumulong hanggang sa may nakapansin sa kanya. Tinanong ng lalaking sakay sa kotse ang gwardya at sinabi dito ng gwardya ang kalagayan ng babae. Kaagad na nagalit ang lalaki dahil hindi nito tinulungan ang babae gayong humingi ito ng saklolo. Lumabas siya ng kotse at lumapit sa babaeng nanaginginig dahil sa hamog ng malakas na hangin.
“Miss, saan ka nakatira? Madami kang dugo—”
Hindi natapos ng binata ang sasabihin ng makilala niya ang babae.
Ito ‘yong babaeng nakilala niya sa kasal ng kaibigan at ito rin ‘yong babaeng humandusay sa harap niya sa isang party na dinaluhan niya at ngayon nakahandusay na naman.
Napangiti ang binata dahil sa tuwing magtatagpo sila ay hindi niya nakukuha ang pangalan ng babae at pangalawang beses na itong humandusay sa harap niya. Pero ng hinawi niya ang sabog nitong buhok ay umigting ang kanyang panga ng makitang malaki ang sugat nito sa ulo at nagkalat ang mantsa ng dugo.
Kaagad niyang dinala ang babae sa malapit na clinic dito sa probinsya at agad naman siyang tinulangan ng nurse. Binigyan niya ng ist aid ang babae na papungay pungay. “Tomorrow dadalhin kita sa Maynila para masuri ko nang maayos ang sugat mo dahil kulang ang kagagamitan dito sa clinic” Wika ng binata sa babae.
“Salamat, Sir, pero wala akong pambayad dito maari po ba akong umuwi na?” sagot ni Alyana na nakapikit.
“No. You must stay. Your wound is not healed yet. Don't worry about the cost I'll take care of it. Ano pala ang nangyari sa ulo mo?” tanong ng binata at tumabi ito sa nakaupong si Alyana.
“Nauntog lang. Salamat po pala,” sagot ni Alyana kaya napiling-iling ang binata. Marahil sinaktan na naman ito ng asawa niya katulad ng huling niya itong makita.
“Kailangan mong magpahinga,” saad ng binata at lumapit sa babae at dahan-dahan niya itong hiniga lalo pa't may benda ito sa ulo.
“Kaagad naman na nagmulat ng mata ang dalaga dahil biglang may kung anong kilabot siyang naramdaman ng hawakan siya ng binata at gano’n na lang ang gulat niya ng makita niya na naman ang may napakgandang mata.
“Ikaw?” ani ni Alyana sa lalaki na ngayon ay napakalapit nila sa isa't-isa dahil nanatiling nakayuko sa kanya ang binata at siya ay nakahiga.
“Akala ko nakalimutan mo na ako.”
Ngusong sagot ng binata na akala mo ay matagal na silang magkakilala kaya kung makapagtampo ito ay wagas.
“May I know your name please? Saad ng lalaki dahil sa pangalawang beses nilang pagtagpo hindi niya makuha kuha ang pangalan nito kaya ngayon na pinagtagpo silang muli hindi siya makakapayag na hindi niya malaman ang buong pangalan nito lalo pa't madalas niya itong nakikita sa kanyang imahinasyon sa tuwing nag-iisa siya.
“Ako si Princess Alyana Mendez Bargas,” pagpapakilala ng babae sa kanya.
“Nice to meet you, Princess,” galak na wika ng binata.
“I'm Razel Montenegro,” nakangiti niya pang sabi.
“Hmm, excuse me Doc, andito na po ‘yong soup na pinabili n’yo,” agaw atensyon ng isang babae.
“Oh, yeah! Thank you,” sagot ni Razel at pinaupo niya uli si Alyanna at sinubuan niya ito ng sopas.
Nang maubos iyon ng babae ay pinainom niya ito ng gamot at hiniga niya uli.
“You're safe now, don't worry, baby. Everything will be alright,” wika ng binata sa malambing na boses at hinalikan siya sa pisngi nito kaya taka niya itong tiningnan pero isang matamis na ngiti lang ang sumilay sa kanya kaya napangiti rin siya dahil parang siyang nasa alapaap, ang gaan-gaan ng kanyang pakiramdam nang mga sandaling iyon. Sinabayan pa ng malamig na awitin ng lalaki ng kumanta pa ito kaya para siyang hinehele upang ipikit ang kanyang mga mata.
˚˚˚˚˚
Kinaumagahan nagising si Alyana at tumambad sa kanya ang malawak na ngiti ng Doktor na nakapangulambaba kaya hindi niya maiwasan ang mapaisip kung pinapanood ba siya nito habang natutulog.
“Good morning, baby. How are you feeling?” Kaagad na bungad nito sa kanya.
“Mabuti. Maayos ang pakiramdam ko,” pag-aamin niya at sumilay rin ang kanyang mga ngiti kaya naman mas lalong nabighani sa kanya ang binata.
“You're so beautiful.”
“Sana palagi kang ngumiti.”
“Sana palagi kitang mapangiti.”
Wika pa ng binata kaya lihim na napalunok si Alyana dahil kahit biro lang iyon ay ang sarap sarap sa pakiramdam ng may taong gusto siyang pangitiin.
Subalit, ang masayang sandali nila ay naglaho ng magsisigaw si Joseph sa labas ng clinic.
“Alyanna! Alyanna!”
“Sir, huminahon kayo nagpapahinga ang pasyente. Boses ng nurse sa labas kaya napatayo si Razel upang usisain sana ng matuntun sila nito.
“Honey!”
Hagulhol na iyak ni Joseph at kaagad na lumapit sa asawa.
“I'm sorry, Honey. Hindi ako nakauwi kagabi. Kumusta ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba? Ayos ka lang ba? Honey, hindi ko kayang mawala ka sa akin,” patuloy na iyak ni nito pero nairita lang si Alyana dahil wala naman itong luha.
“Kung mahal mo siya alagaan mo siya hindi ‘yong sinasaktan mo pinapabayaan mo sa kalsada” Basag na boses ni Razel kaya biglang dumilim ang mukha ni Joseph at binalingan ang binata pero kaagad siyang sinita ng asawa.
“Siya ang tumulong sa akin Joseph kaya imbes na magmayabang ka diyan magpasalamat ka na lang dahil inalagaan niya ako na dapat ikaw ang gumagawa!” singhal ni Alyana sa asawa kaya napaiwas ng tingin si Joseph at dumukot ng pera sa pitaka.
“Tanggapin mo ito bilang gantimpala sa pagligtas sa asawa ko, kung kulang pa ‘yan kontakin mo ang secretary ko at pabibigyan kita ng tseke,” hambog na turan ni Joseph at nakipagsukatan pa ito ng tingin sa binata.
“Hindi ko kailangan ng pera mo, baka kulang pa yan pambayad sa mga babae mo” Pabalang na sagot ng binata.
“Napikon si Joseph pero hindi niya iyon pinahalata bagkus ay lumapit siya sa asawa at inalalayan niya itong makatayo.
“Uuwi na tayo, wife,” saad ni Joseph at diniin pa ang salitang wife
“Hindi pa siya puwedeng umuwi dahil hindi mapagaling ang sugat niya,” turan ng doktor ngunit ngumisi lang si Joseph.
“May sarili kaming Doctor at ako ang asawa kaya ako ang masusunod at ikaw gawin mo na lang ang trabaho mo” Balik na sabat ni Joseph at kinarga ang asawa na parang bagong kasal.
Nakalabas sila sa clinic at nakasunod sa kanila ang binata pero parehas ng huli nilang tagpo pinigilan na naman ang binata ng kaibigan nitong tinawagan niya kagabi para madala nila sana ang babae paluwas ng maynila.
Ngunit hindi na iyon mangyayari pa dahil sinundo na ito ng asawa.
Lumingon si Alyana sa likod kung saan tanaw niya ang malungkot na mukha ng binatang tumulong na naman sa kanya. Ang mga mata nila ay nakatuon sa isa't isa. Halatang ayaw mawalay. Ngunit wala silang magagawa kundi tanggapin ang realidad na hindi sila puwede.