Chapter 3
Kanina pa nakahiga si Alyana at kanina pa rin humihilik ang asawa niya. Nilingon niya ito at nakabuka pa ang bibig nito.
Gusto niyang matuwa dahil ngayon na lang ulit sila nagtabi sa kama.
Gusto niyang matuwa dahil inalagaan siya ng asawa kanina. Ipinagtanggol siya kanina sa mama nito sa kauna-unahang pagkakataon. Mas lalo siyang natuwa dahil sa wakas humingi ito ng tawad sa kanya sa lahat ng kabalastugan na ginawa nito sa loob ng tatlong taon.
Bumabalik na ang asawa niya. Ang asawa niyang kay tagal niya na hinintay na sana bumalik muli ang init ng pagmamahal nito sa kanya.
Pero bakit ganun? Bakit hindi niya makamtan ang kasiyahan sa puso niya. Parang walang nangyari.
"H-honey"
Tawag ni Joseph sa asawa nito at tumagilid pa ang lalaki paharap kay Alyana at akma siya nitong yayakapin nang mabilis siyang bumangon. Masakit parin ang ulo ni Alyana kahit nag-inom na siya ng pain reliever.
"Alyanna, honey" ungol parin ni Joseph.
Nanatili si Alyana nakatayo sa harap ng asawa at hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi niya ito magawang lapitan o aluin manlang.
Dati isang pitik lang ng daliri ni Joseph ay hindi na siya mag-kanda-ugaga sa pagtakbo palapit sa asawa. Pero ngayon parang bulang biglang naglaho ang pagmamahal ni Alyana para sa asawa.
Lumabas siya ng silid at hinayaan ang asawa niyang tawagin ang pangalan niya ng paulit-ulit at dumeritso siya sa veranda. Napapikit siya nang salubungin siya ng malamig na simoy ng hangin.
Niyakap niya ang sarili habang ninamnam ang natural na kalikasan.
Ngunit sa pagpikit niyang 'yon ay nasilayan niya ang mukha ni Dr. Razel, ang mga makulay nitong mga mata, ang mga ngiti niya. Kung paano siya nito inalagaan at pinasaya sa simpleng mga biro nito. Marahan niyang hinaplos ang kanyang pisngi kung saan siya ng binata ginawaran ng halik.
"Don't worry baby everything will be alright"
Napamulat siya ng mata na parang nandito lang sa gilid niya ang binata at bumubulong.
Subalit, napatawa siya ng pamakla na napagtantong guni-guni niya lamang iyon.
Napabuntong hininga siya ng malalim at pinanood na lang ang nagkikislapang mga bituin habang yakap ang sarili.
Matagal na panahon na rin nang huli niyang nasilayan ang langit. Naibaon na rin niya sa limot ang lahat. Natanggap niya ang pagkamatay ng ama. Napatawad na rin niya ang sarili mula sa mapait na kahapon.
Bumalik siya sa kwarto at kumuha ng kumot. Hindi na niya inabala pa na lingunin ang asawa niyang humihilik pa rin.
Umupo siya sa tumba-tumbang bangko at kinumutan ang sarili. Mukha ni Razel ang huli niyang nasilayan bago niya ipikit ang talukap ng kanyang mga mata.
°°°°
"Alyana bakit ka riyan natulog? Bakit hindi doon sa kwarto natin? Ayaw mo ba akong katabi?" nabalikwas na bumangon si Alyana dahil sa galit na boses ni Joseph na bumungad sa kanya.
"Sagot!"
Pag-uulit nito at bigla na naman bumalik ang mabangis nitong anyo.
"Ano ba Joseph, ke aga-aga. Paano ako makakatulog sa kwarto ang lakas - lakas ng hilik mo!" sabat ni Alyana kaya mas lalong pumutok ang mukha ng asawa at magkasalubong ang kilay nito at lumapit pa ito sa kanya at inangat ang palad sa ere para sana sampalin si Alyana nang inunahan niya 'to.
"Sige, saktan mo ako. Saktan mo pa ako at hinding hindi ako magdadalawang isip na layasan ka!"
Malakas niyang sigaw sa mukha ni Joseph dahilan para matigalgal ito at naiwan sa ere ang kamay.
Tinulak niya pa ito at pumasok siya ng banyo. Pagkabuhay pa lang niya sa gripo ay tumulo agad ang mga luha niya.
Napatawa siya habang tumatagaktak ang tubig sa mukha niya.
"Bakit ngayon mo lang nagawa Alyana,
bakit hindi pa noon? sana hindi kana nasaktan. Bakit kung kailan durog na durog na siya ngayon pa lang siya natutung lumaban. Paninise niya sa sarili. Bakit nga ba?"
Bakit isang iglap ay bigla siyang naging matapang? ano ba ang nangyari sa kanya buhat kahapon? buhat ng umuwi siya galing ospital ay parang hindi na siya natatakot. Wala na siyang kinatatakutan.
Tumawa siya ng tumawa. Kahit na kumakatok sa pinto si Joseph ay hindi niya ito binuksan. Bagkus kumanta lang siya ng malakas para asarin pa lalo ang asawa.
Lumabas siya ng banyo at nakatakip lang ng tuwalya. Biglang namilog ang mga mata niya nang tumambad si Joseph na hubo't-hubad sa harap niya at tinaas baba pa ang kamay sa alaga nito.
"Tapos kana rin. Kanina pa ako naghihintay saiyo, my wife. Mapang-akit nitong turan subalit kinilabutan lang si Alyana kaya napahigpit ang kapit niya sa hawak na tuwalya at naikipi pa niya ang dalawang paa.
Bumangon si Joseph at lumapit sa kanya kaya agad siyang tumalikod.
"Oh, I know It's been a while"
"Huwag mo akong hawakan!" madiin niyang sabi lalo na ng hinaplos ni Joseph ang lantad niyang hita. Ngunit hindi natinag si Joseph at pwersahan siyang hinawakan sa balikat paharap dito.
"Asawa kita at responsabilidad mo akong paligayahin!" matigas na sagot ni Joseph at akma siyang hahalikan sa labi ngunit umilag siya kaya nadapo ang halik nito sa pisngi niya.
"Ano ba bitawan mo ako!" palag ni Alyana at pilit na kumakawala sa asawa.
"Bakit ka ba nag-iinarte, bakit napakatapang mo na ngayon? Dahil ba sa hayop na lalaki na iyon? Lalaki mo ba iyon?" sigaw ni Joseph sa mukha niya at tumalsik pa ang ibang laway nito.
"Ano bang pinagsasabi mo? hindi ko nga iyon kilala. Sinabi ko na saiyo 'diba siya ang tumulong saakin!" iritadong boses ni Alyana.
"Dapat lang dahil akin kalang. Asawa kita sa mata ng lahat kaya gagamitin kita kung kailan ko gusto!" Sigaw ni Joseph at akma siyang huhubaran nang mabilis na dumapo ang palad niya sa mukha nito.
"Ang kapal mong hayop ka. Pagkatapos mong mambabae at ihaharap mo pa saakin tapos ngayon gusto mo akong ikama na parang walang nangyari?" Sigaw niya din pabalik dahil kong maka-pagsabi ito na gagamitin ay mas masahol pa sa isang bayaran ang trato nito sa kanya kahit na si Joseph ang nakauna sa kanya.
Tumaas na naman ang palad ni Joseph at buong tapang niya itong sinalubong ng tingin kaya naiwan sa ere ang kamay nito at ikinuyom.
"I'm sorry Honey"
Garalpal na tinig nito at bigla siyang niyakap pero hindi niya magawang suklian ang yakap nito.
"I'm sorry Honey, hindi na mauulit. Hindi na kita pipilitin. Magsimula tayong muli"
Napiyok siya sa huling sinabi nito. Hinawakan nito ng dalawang palad ang mukha ni Alyana.
"Magbabago naako honey, gusto kong mag-umpisa tayong muli. Magpakasal tayong muli. Kahit saan simbahan mo pa gusto, bubukod din tayo. Mahal na mahal kita Alyana"
Biglang tumulo ang luha ni Alyana, habang nakatitig sa asawa. Bakas ang senseridad sa mga mata nito.
"Honey" Niyakap siya muli at hindi parin magawang tumugon ni Alyana.
Hindi niya mawari kung para saan ang luhang pumatak sa mata niya.
Doon ba sa mga sinabi nito, nagbabago na siya at magsimula silang muli?
"Honey" Patuloy na sambit ng asawa at panaka-nakang hinahalikan ang ulo niya.
Ngunit nanatiling tikom si Alyana. Walang gustong lumabas na salita sa kanyang bibig. Dumating na iyong araw na madalas niyang hinihiling. Araw-araw siya nagsisimba. Palagi rin siyang dumadalo sa tuwing palaspas.
Palagi siyang nagtitirik ng kandila sa birheng maria.
Palagi rin siyang sumasama at nakikipagtulakan sa prosesyon ng itim na nazareno.
Matupad lang ang panalangin niya
Ang muling ibalik sa dati ang asawa niya at tuluyan itong magbago.
Ngayon, abot-kamay niya na ito pero hindi niya pa rin makamtan ang salitang masaya at malaya.
Pinaglalaruan na naman ba siya ng tadhana?
°°°
Pagkatapos niyang maglaba ng damit nila mag-asawa ay nagluto naman siya. Maluwag siyang nakakagalaw dito sa mansyon dahil wala ang asawa at biyenan niya at ang bruha niyang sister-in-law.
Hamak na mayaman talaga ang pamilya Bargas, dahil sa mga mamahalin nilang kagamitan kaya ingat na ingat si Alyana habang nagluluto ng kaldereta. May mga kasambahay din pero ayaw niyang iasa sa kanila ang mga bagay na kaya naman niyang gawin katulad nalang ng pagluluto.
Nang maihain na niya ang niluto ay dumiretso siya sa kwarto at naligo. Pagkatapos ay nagsuot lang siya ng high waist black pants, at simpleng pang itaas. Tinali niya mahabang buhok at nagpahatid siya sa driver papunta sa opisina ni Joseph.
Habang binaybay niya ang daan pinapanood naman niya ang ginagawang kalsada sa kabila.
"Ma'am, mawalang galang na po. Gusto ko lang po sanang itanong kong alam ba ni Donya na pupunta ka?" Saad ni Mang pepeng.
"Ang asawa ko po ang pupuntahan ko, hindi ang nanay niya" Sagot niya.
Narinig niya ang malakas na buntong hininga ng driver at hindi na muling nagsalita pa.
"Pumayag si Alyana sa gustong mangyari ni Joseph, kaya naglambing itong dalhan niya daw ng lunch, at ipapakilala siya sa mga empleyado niya bilang asawa. Nilutuan niya ito ng paborito nitong ulam hindi dahil sa gusto nitong ipakilala siya, kundi dahil responsibilidad niya iyon bilang asawa.
Nang huminto ang kotse sa malaking building ay bumaba na rin siya at pumasok sa entrance. Hinanapan siya ng I. D ng guard at ipinakita niya rito voter's I.D niya dahil wala naman siyang ibang I.D. Wala nga siyang SSS, pag-ibig, o kahit na anong benipisyo na panukala ng gobyerno dahil hindi niya naman daw iyon kailangan sabi ni Joseph, at wala rin siyang nagawa dahil kahit masakit man pero totoo ang sinabi ng asawa na isa lang siyang palamunin kaya sumusunod na lang siya sa lahat na gusto nitong sabihin. Gusto niyang magtrabaho kahit Sale's lady, tindira, o kahit sa pabrika. Pero ayaw ni Joseph dahil nakakahiya daw. Sa madaling salita ikinahihiya siya nito.
"Ma'am sino po ang sadya niyo dito, pakisulat po?" Sabi ng gwardiya kaya sinunod niya ito. Nang mabasa ng gwardiya ang isinulat niya ay bigla siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Marahil hindi ito naniniwalang asawa siya ng boss nito. Hindi kasi talaga siya kilala ng mga tao bilang asawa ni Joseph, dahil pilit siyang tinatangi ng biyenan niya, kaya sumusunod naman dito ang Mama's boy niyang anak.
May tinawagan ang gwardiya kaya nanatili siyang nakatayo at naghihintay.
Maya-maya pa may lumabas na maputing babae at maganda.
"Ikaw ba si Alyanna?, 'yan ba ang pagkain ni boss?" Tanong nito sa kanya kaya mabilis siyang tumango.
"Nasaan siya Ma'am,? Puwede mo po ba akong samahan papunta sa asawa ko?" Pakiusap niya pero kumunot lang ang noo nito.
"Miss, anong asawa ka diyan? Si boss asawa mo?" Taas kilay nitong saad.
"Opo Ma'am," Ngiti niyang sagot pero pagak na tumawa ang babae.
"Nagpapatawa ka ba Miss? Eh, katulong kalang 'diba?" ani pa nito kaya biglang lumingon sa kanya ang gwardiya at tiningnan ang log book na sinulatan niya.
"Ma'am, ako po ang asawa"
"Whatever Miss,! Inutusan lang ako ni Madam Caridad dito pero hinde para kunin saiyo ang pagkain kundi ang itaboy ka. Si boss Joseph naman ay may meeting kaya umalis ka na" maarte nitong turan at mabilis siyang tinalikuran at pakembot kembot na naglakad.
Nakatunga-nga si Alyana, sa tabing kalsada habang bitbit ang pagkain. Maayus na sila ni Joseph pero kontrabida pa rin talaga ang nanay niya. Sasabihin niya kay Joseph na magbukod sila kahit sa pinakamaliit pa na bahay basta malayo lang sa empakta niyang Ina.
"Bakit ang malas-malas ko at nakatagpo ako ng biyenan na matapobre at kung makapaglait akala mo kung sinong banal!" Bulong niya sa hangin sabay na bumuntong hininga.
Nag-aabang siya ng traysikel pabalik sa mansyon nang may umurong na itim sasakyan sa tapat niya.
"Princess" Malakas na boses ng lalaki mula doon at ng makalapit sa kanya ay hindi magkamayaw ang ngiti nito sa labi.
"D-doc?"
"Hi" Ani nito at winagayway pa ang kamay kaya hindi niya maiwasan ang mapangiti dahil para itong bata.
"It's been a while, how are you?" Hinde maalis alis ang ngiti nito habang nakatitig kay Alyana.
"It's been a while ka d'yan, kahapon lang tayo hindi nagkita eh" Natatawang sagot ni Alyana kaya mas lalo itong tumawa at kumakamot pa sa ulo.
"Oo nga 'no? Teka saan ka pupunta?" Pag-iiba nito sa usapan.
"Pauwi naako nag-aabang lang ng traysikel" Sagot niya.
"Ahmm. Alyana. A-ano..
"Puwede ba kitang yayain kumain,? Kahit saglit lang tas ako na maghahatid saiyo pauwi" Wika nito at ng hindi siya makasagot ay umiwas ito ng tingin at gumalaw galaw ang adams apple nito.
"Sige nagugutom narin ako eh" Sagot niya. Isa pa bilang pasasalamat na rin dahil sa pagtulong nito sa kanya kaya pina-unlakan niya ang imbitasyon nito at mabilis siya nitong tiningnan at sumilay na naman kay Alyana ang kulay abo nitong mga mata na mas lalo niyang namamasdan ang kagandahan nito dahil sa maliwanag na sikat ng araw.
Pumasok sila sa isang fastfood, gusto nga ni Razel doon sa romantic baboy na korean pero umayaw siya dahil alam niyang mahal roon at nakakahiya naman kung gagastos pa ang lalaki lalo pa't singkwenta lang ang dala niyang pera pamasahe lang talaga.
"Pinapak niya ang hita ng manok dito sa mang Inasal at si Razel naman ay kinain ang dala niyang pagkain para sana sa asawa niya.
"Okay kalang ba?" Pukaw ni Alyana sa binata dahil biglang umiba ang hitsura nito ng sinubo ang ulam na kalderata.
"S-sino ang nagluto nito?" Tanong pabalik ng binata kay Alyana.
"Ako, bakit hindi ba masarap?" Tanong rin ni Alyana at tumitig pa siya sa binata.
"Ah. Eh. Masarap, paborito ko nga ito eh, paborito ko na ang luto mo" Wika ni Razel at ginanahan pa nito ang pag-nguya habang hindi inaalis ang titig kay Alyana.
"Ikaw, kumusta ka na? masakit pa ba ang sugat mo?" Baling nito sa kanya.
"Okay na ako, magaling kasi ang doktor ko eh" Ngiting wika ni Alyana sa kaharap kaya uminom ng tubig si Razel at ngumiti ng malawak sa kanya.
"Talaga? Ibig sabihin hanga ka, sa akin?" Ani nito at labas ang lahat ng ngipin.
"Oo, hanga ako saiyo" Sagot ni Alyana kaya naman ay nagulantang siya ng bahagyang pinalo ni Razel ang lamesa. Nakakakuha sila ng atensyon ng ibang kumakaim na naroon, pero walang pakialam ang binata at tumawa lang ito na parang iyon na ang pinakamasayang bagay na nangyari sa buhay nito.
"Okay na rin kami ni Joseph, nag-usap na kami mag-asawa at humingi na siya ng tawad at magsisimula kaming muli. Mag-aampon rin kami ng baby para mas sumaya pa ang pagsasama namin. hindi na rin ako sinasaktan ni Joseph at maayos na kami, nangako siyang magbabago na at magsisimula kaming muli. Mag-aampon rin kami ng baby para mas sumaya pa ang pagsasama namin" Dagdag pa ni Alyana kaya biglang umiba ang hitsura ng binata. Ang kaninang matatamis nitong ngiti ay kasing bilis ng hangin na biglang naglaho.
Uminom ito muli ng tubig at hindi na rin nagsalita pa.
Nakasandal lang ito sa upuan habang pinaikot-ikot nito ang kutsara sa lamesa na parang bata lang na naglalaro.
"G-ganun ba? Mabuti naman, tapos ka na bang kumain? May lakad pa kasi ako" Biglang pag-aaya nito sa kanya kaya nagtaka si Alyana. May nasabi ba siyang hindi nito nagustuhan at minadali siya nito?"
"Ah Sige. Tapos na rin naman akong kumain" Pagsasang-ayon na lamang niya.
Nauna itong maglakad na parang walang kasama. Kaya hindi maiwasan ni Alyana ang makagat ang ibabang labi dahil sa biglaan nitong paglamig.
"A-ray!" Daing ni Alyana nang may tumalak sa kanyang likod ng malakas kaya nabangga niya ang likod ni Razel at agad naman itong lumingon at inalo siya. Sa subrang gulat niya ay nanatili siyang nakasubsub sa malapad nitong dibdib at nakahawak naman ang kanyang dalawang kamay sa likod at bewang niya.
"Are you okay?" Pag-aalala nitong tanong.
"Ah, oo. O-kay lang ako pasensya na" Tugon ni Alyana at nag-angat siya tingin sabay din itong yumuko kaya halos magdikit na ang kanilang mga mga labi dahil subrang lapit sila sa isa't-isa.
Nagkatinginan sila, parang may mga sariling buhay ang kanilang mga mata at nanatili lang itong nakatuon sa isa't-isa. Hanggang sa bumaba ang tingin ng binata sa labi niya kaya kitang kita niya ang sunod-sunod nitong paglunok.
Bago pa siya mawala sa tamang huwisyo ay kaagad siyang kumalas sa binata. Lalo na nang naramdaman niya ang matigas na bumubukol sa harap niya na nakadikit sa bandang puson niya, humigpit din ang paghawak ng binata sa kanyang bewang at hindi niya makakailang uminit ang kanyang pakiramdam.
"I'm sorry" Wika ng binata at napasuklay pa ito sa buhok gamit ang kamay.
"Sorry din" Sagot ni Alyana at nauna na siyang naglakad.
"Traysikel Ma'am?" Sabi ng mamah ng umurong sa harap niya.
"Princess" Tawag sa kanya ni Razzel kaya nilingon niya ito mula sa likod na mabilis rin na sumunod.
"Doc, maraming salamat po sa pagkain at sa tulong mo saakin no'ng na aksidente ako. Hindi ko po makakalimutan ang kabutihan n'yo, pero gusto ko po sabihin na hanggang dito nalang tayo. Ayoko po na pagselosan kayo ng asawa ko, lalo na maganda na uli ang pagsasama namin.
"Sige po doc, mauuna naako. Salamat muli" Paalam niya at sumakay na siya ng traysikel at hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ni Razel.
"Hindi siya puweding makipagkaibigan sa binata dahil mainit ang ulo ng asawa niya kay Razel, Kaya iiwasan niya na lamang ito hanggat maaari lalo pa't may asawa na siyang tao.
°°°°
Pagdating niya sa mansyon ay konot ang noo ko ni Alyana nang makitang nakaparada ang sasakyan ni Ma'am Caredad. "Akala ko ba nasa opisina ito?" Ani niya.
Kinakabahan siyang pumasok sa loob, sa pintuan palang siya ay narinig na niya ang alburoto ng asawa niya kaya mas lalo siyang kinakabahan. "Bakit ang aaga nilang umuwi? si Joseph bakit nandito siya, eh sabi no'ng babae nasa meeting siya?"
"Joseph?"
"Nandito na rin ang malandi mong asawa!" Bungad sa kanya ng Donya kaya nagpasalin salin ang tingin ni Alyana sa mga ito. Pati si Eunice na kapatid ni Joseph ay nandito rin.
"Ano p-pong ibig n'yong sabihin?" utal niyang tanong.
"Alyana! Putang Ina ka!"
Yumanig ang boses ni Joseph sa buong sulok ng mansyon at nakakabingi rin ang lakas ng sigaw nito.
"J-josseph, aray!" malakas niyang daing ng sinabunutan siya sa buhok ng asawa.
"Palamunin ka na nga, nakuha mo pang manlalaki!" Sigaw nito habang hawak ang buhok ni Alyana.
"Masakit, Joseph!
"B-bitawan mo ako! Ahh!" Hagulhol na iyak ni Alyana. Hindi pa siya nahimasmasan sa sakit ay bigla siya nitong sinuntok sa tiyan kaya napagak ang boses niya. Hindi siya makahinga at bigla siyang nahandusay sa sahig. Pakiramdam niya ay lumuwa ang laman loob niya sa tiyan.
Sunod-sunod ang kanyang pagluha ng makitang nagtawanan sina Eunice at Donya, siya ang pinagtatawanan ng mga ito. Bakit may mga ganitong klaseng tao, imbes na maawa ay nasisiyahan pa silang makitang may taong nahihirapan.
"Sinabi ko na saiyo kuya 'diba. Sakit lang sa ulo ang babaeng 'yan!" Singhal ni Eunice at tinadyakan pa nito si Alyana.
"Tang ina mo Alyana, mag dedeny kapa ng wala kayong relasyon ng doktor na iyon,? Ano itong mga pictures?" Sigaw ni Joseph sa mukha niya at hinawakan pa ang buhok ni Alyana kaya umangat ito at kahit nanlalabo ang mga mata nito dahil sa luha ay malinaw niyang nakita ang mga pictures nila ni Razzel kanina sa restaurant, ang pagyakap nito sa kanya, ang pakasubsub niya sa dibdib nito, at ang masaklap pa ay magkadikit ang kanilang mga labi sa picture, kahit na walang nangyari na ganun kanina. Halatang set-up ang nangyari.
Gusto niyang magpaliwanag sa asawa niya. Ngunit hindi na niya magawang lumaban, hindi niya magawang tumayo, nawalan siya ng boses.
"What? Doctor, doktor pa talaga ang binibingwit mo na naman? Sinong doctor patingin nga ng phone kuya?" Sabat ni Eunice pero winaksi lang ni Joseph ang kamay nito.
"Huwag mo ng aksayahan ng panahon ang babaeng iyan at ang lalaki niya dahil parehas lang sila cheap, anak. Mag-empake ka na baka maiwanan ka pa ng flight mo" Sagot ni Caredad.
"At ikaw naman babae ka, nararapat lang 'yan saiyo, kulang pa nga 'yan eh, Kaya magdusa ka!"
Hindi na siya makagalaw ng hilahin uli ni Joseph ang buhok niya kahit na subrang sakit no'n dahil hindi pa tuluyan magaling ang sugat niya at doon pa siya nito hinila kaya halos lahat ng kalamnan niya ay dumadaing subalit tanging patak lang ng luha ang tangi niyang nagawa.
Marahas siyang isinakay ni Joseph sa kotse at pinaharurut iyon. Huminto ang kotse sa 'di-kalayuan sa mansyon at binuhat siya ni Joseph at pabalibag na tinapon sa damuhan na parang basura.
Sa subrang sakit ng kanyang katawan at sugat, biglang dumilim ang kanyang paningin hanggang sa nawalan siya ng ulirat.
Nagising si Alyana sa napakalakas na busina ng sasakyan. Pagbangon niya nasa damuhan pa rin siya. Madilim na ang paligid at pilit siyang bumangon.
Paika-ika siyang naglakad palayo sa village. Medyo madilim ang daan na tinatahak niya, wala siyang sapin sa paa kung kaya't masakit rin ang medyo lubak-lubak at mabatong daan sa kanyang paa.
Tumutulo ang kanyang luha ko habang paika-ika, marami rin dugo sa damit niya. Marahil biglang bumalik ang sugat niya sa ulo dahil sa nabinat ang buhok niya ng todo.
Nakarating siya sa kalsada at pinagtitinginan siya ng mga tao, bawat bahay na dinaraanan niya ay nagbubulung bulungan.
"Diba yan ang asawa ni sir Joseph,?
"Ano ang nangyari diyan at parang ginasa ng sampung tao? hahaha!"
rinig ni Alyana ang bulungan ng mga ito at pinagtatawanan siya.
"Eh, baka pinalayas na balita kasi baog daw 'yan!" Sabi pa ng isa.
"Oo nga, kaya hindi magkaanak. Naku,! mabuti lang iyan na palayasin eh pokpok kasi 'yan. Baka naubos ang semilya ng babaeng 'yan sa mga gurang na customer niya bago siya kinuha sa putik ni sir Joseph"
"Ang suwerte niya na sana dahil inahon siya sa putik pero makati pa rin talaga 'yan, kaya siguro pinalayas ng asawa dahil nahuling may lalaki"
Mas lalong bumuhos ang luha ni Alyana sa mga narinig. Bakit may mga taong napakakitid ng mga utak at kaydaling manghusga? Masakit iyong husgahan ka agad kahit hindi naman nila alam ang totoong kuwento sa likod ng masalimoot mong pagkatao.
"Saan ba ako lulugar? May lugar pa ba ako sa mundong ito?
Sinumpa ba ako kaya ganito ang takbo ng kapalaran ko? Kung gayon ano pa ang saysay para ituloy ang buhay? Wala na! Wala na Alyana!" hagulholhol niya.
Nasa gilid na siya ng highway kung saan dumaraan ang mga iba't-ibang sasakyan, truck ng gulay, bus paluwas ng maynila at mga kotse.
Malayo palang ay sinag na niya ang ilaw ng kotse, habang papalapit ito ay bumabalik sa kanyang gunita ang pagpakamatay ng amain niya, sa mismong harapan niya. Hirap na hirap na ito sa sakit nito na kahit minsan hindi niya nadala sa mangagamot dahil sa hikahos ng kanilang buhay.
Siya na walang silbi, dahil baog ako at mangmang!
Ang pananakit sa kanya ni Joseph, ang pag-aalipusta ng biyenan niya.
"Ayoko ko ng mabuhay! Pagod na pagod naako!" wika niya. Pumikit siya kasabay ng pagpatak ng kanyang luha at bigla siyang tumakbo sa papalapit na sasakyan.
Naramdaman niya ang pagtalsik sa kalsada at huminto ang sasakyan.
Sa dami ng pasakit na naranasan niya ay hindi na niya maramdaman ang pagkakabangga niya sasakyan, tila ba namanhid na ang kanyang buong katawan para makaramdamam pa ng sakit.
"Miss,? s**t! Doc, Nakabangga tayo!"
Narinig niya ang sigaw ng boses lalaki at mabilis ang mga ito na lumapit kay Alyana.
"We'll take her to the hospital, damn!" Bigla napamulat ng mata si Alyana, kahit antok na antok na siya ay narinig niya ang pamilyar na boses.
"Razzel?" Mahina niyang sambit kaya kaagad na namilog ang mata nito at hinaplos ang mukha ni Alyana dahil tumatabing ang ibang hibla ng kanyang buhok.
"Jesus Christ!"
Sigaw ni Razzel at naramdaman niya ang pag-angat niya sa ere.
"Stay awake baby, please!"
Madiin nitong bulong kay Alyana.
"Faster, Motherfu*ker!" Malakas na sigaw ng binata sa mga kasama nito.
"We're near baby, don't close your eyes and stay awake. I got you baby"
Mahina nitong sabi pero nakakonot ang noo nito at ramdam ni Alyana ang panginginig ng kamay ng binata.
"Razzel, hindi ko na kaya, pagod na pagod naako. Kung may masaya man na nangyari sa buhay ko, iyon ay ang makilala ka, salamat" pamamaalam niya sa binata kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata.
"No baby, dadalhin kita sa maynila. Magiging masaya ka sa piling ko,
hindi kita pababayaan"
Napangiti si Alyana ng mapait at lumandas ang luha niya nang may pumatak na tubig sa pisngi niya.
"Everything will be okay, baby" Ang huli niyang narinig, kasabay ng pagdampi ng labi nito sa labi niya subalit huli na ang lahat para sa kanila. Dahil hindi sila ang nakatadhana para ituloy pa ang kuwento.