Kabanata 1.1
"Kayo po ba ang magulang ng pasyente?" bungad ng doktor matapos nito makuha ang resulta sa laboratory.
"Hindi. Pero sa akin siya nakatira, pamangkin ko siya." Huminga muna nang malamim si Ezralla bago nagpatuloy magsalita. "May sakit ba siya, Doc?"
Napangiti ang doctor. "Wala. But I have good news, your niece is 3 weeks pregnant. Congratulations!"
"A-ano? Pakiulit, Doc?" panigurado ni Ezralla sa kanyang narinig.
"Buntis ang pamangkin niyo," pag-ulit ng doktor.
Napatingin si Ezralla kay Katleya na kasalukuyang nakatulog nang mahimbing sa kama. Masama pa kasi ang pakiramdam nito. Ibinaling muli ni Ezralla ang atensyon sa kausap na doctor.
"Salamat, Doc," aniya.
Umalis na ang doctor kaya napaupo si Ezralla. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Katleya lalo pa na inilihim nito sa pamilya niya na sa kanya ito tumira.
Oras ang lumipas, nagising na si Katleya. Napahawak ito sa kanyang ulo dahil mapahanggang ngayon, nahihilo pa rin siya. Hindi niya rin mapaliwanag sa kanyang sarili kung bakit siya nagkaramdam nang ganoon.
"Tita, ano pala ang nangyari?" nanghihinang tanong ni Katleya.
"Nahimatay ka, Kat," ani Ezralla habang hinawakan ang kamay ni Katleya na nakapatong sa tiyan nito.
"Bakit, Tita?"
"Huwag kang magugulat," pagpapa-alala nito. Tumango si Katleya. "Buntis ka."
Nanlaki ang mga mata ni Katleya. Natulala ito at hindi alam ang gagawin. Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya.
"Tita, ano ang gagawin ko?" Humagulgol na tanong ni Katleya. Hindi na niya napigilan ang sarili na hindi ilabas ang nararamdaman.
"Siya ba ang ama? Iyong lalaking tinakasan mo?"
"Oo, Tita. Sorry kung hindi ko sinabi."
"Naiintindihan ko, privacy mo rin iyon. Dapat malaman ito ni..."
"Tita, 'wag!" pagmamakaawa ni Katleya. "Huwag niyo po munang sabihin kina Mom."
"Kat, hindi puwede. Kailangan nila itong malaman."
"Please, Tita. Kapag malalaman nila ito, sigurado akong susugurin nila si Blue. Ayaw kong malaman niya ito. Dahil matatali siya sa leeg, iisipin niya na responaibilidad niya ako." Yumuko si Katleya. "Hindi niya ako mahal, ayaw kong mapipilitan siya dahil lang sa nabuntis niya ako." Tiningnan niya muli ang kanyang Tita. "Bubuhayin ko itong mag-isa."
Napabuntong hininga na lang si Ezralla.
"Ikaw bahala, Kat. Pero kung magbago ang isip mo, sabihin mo na sa kanila."
"I will, Tita. Salamat."
•••
Pagkauwi nila Katleya sa bahay nila Ezrallaz, todo ingat na ito. Sa bawat galaw niya ay iniisip niya ang bata sa tiyan niya. Nakinig din siya sa sinabi ng doctor kagabi na umiwas sa mga bagay na nagpapalungkot sa kanya. Kaya simula ngayong araw, iisipin niya lang ang kapakanan ng kanyang magiging anak.
"Masarap pala sa pakiramdam, Tita. Iyong malaman na magiging isang ina ka na," napangiting sabi ni Katleya.
"Oo naman. Ganyan din ang naramdaman ko nang malaman kong nabuntis ako ni Monching."
"Sobrang sakit ba manganak, Tita?"
"Yes. Pero worth it kapag makita mo na ang sanggol sa sinapupunan mo. Magdasal lang talaga sa Panginoong Diyos araw-araw na sana hindi ka mahirapan sa pagpanganak."
"Excited na tuloy ako, Tita." Napahawak si Katleya sa tiyan niya. "Baby, love ikaw ni Mommy."
Habang tinitingan ni Ezralla ang pamangkin niya ay natutuwa siya rito. Makikita mo kasi ang determinasyon nitong buhayin ang anak nang mag-isa.
---
"Ate!" bungad ni Silver pagdating nila sa kanilang bahay.
Napatingin si Katleya kay Gold. "Ano'ng nangyari sa iyo?"
"Nahilo ako sa biyahe, Ate." Tiningnan niya ang Mommy Ezralla niya. "Dapat kasi Mom, dito na lang muna ako. Para may kasama si Ate. Kaya naman ni Kuya mag-isa, e."
Tiningnan ni Ezralla si Silver. "Mukha pa lang ng kapatid mo, hindi na mapagkatiwalaan. Baka kahit sinong babae pa ang i-uwi niyan sa condo niyo kung wala ka. Ako na ang bahala sa Ate mo, ikaw sa Kuya mo. Am I understood?"
Napakamot ito sa ulo. "Oo, na."
Tumawa sina Katleya at Silver. Gusto na kasi talagang manatili ni Gold sa hacienda nila. Ayaw niya kasi sa ingay ng city. Kung siya ang papipiliin, mas gusto niya sa hacienda nila tumira.
"Dalawang linggo na lang naman ang natira, Gold. Magtiis ka pansandalian sa guwapo mong kuya," ani Silver.
"Ewan ko sa iyo."
"Yessa," sambit ni Katleya.
Napalingon sa kanya si Gold. "Po?"
"May hihilingin lang sana ako kung puwede," seryosong sabi ni Katleya.
"Ano po, Ate?"
"Pa-borrow ng phone mo gamit ang account mo. May kukumustahin lang ako," hiling nito.
"Sure." Pag-abot ni Gold sa phone niya.
Nang nasa kamay ni Katleya ang phone ni Gold, ginamit niya ang account nito. Hinanap niya ang pangalan ni Amber. Nang makita niya ito ay in-add niya. Humiling naman siya na sana mag online na ito at tanggapin ang request niya.
Minuto ang lumipas, napasigaw na ito sa saya nang makitang tinanggap na ni Amber ang request niya.
"Yessa, puwede ko bang gamitin ang account mo for a conversation with my friend? No need to worry, he's a nice guy."
"Okay lang, Ate. Basta magpakilala ka lang."
"Thank you."
Nagsimula ng mag type si Katleya nang sasabihin kay Amber. Nangako kasi siya rito na mananatili ang komunikasyon nila bago ito umalis.
"Key! Si Kat ito. Gamit ko ang account ng pinsan ko. Kumusta ka na? I miss you."
- Dayessa Gold
"Oy! Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Bakit ka deactivated? Okay lang ako. Ikaw? Kumusta riyan sa California? Ang aga mong nagising, ah? Gabi pa rito."
- Amber Key
"Wala ako sa California."
- Dayessa Gold
"Ano!? Nasaan ka pala? Pinag-aalala mo naman ako. Reply agad, Ka. Thank You."
- Amber Key
"Island Garden City of Samal dito sa Davao."
- Dayessa Gold
"What? Ano ang nangyari? Bakit ka nariyan. Okay lang ba na bisitahin ka riyan? Wala akong gagawin bukas. Puwede ba? Please, Ka?"
- Amber Key
"Sige. Ikaw ang bahala. Huwag mong ipagsabi, ha? Hindi pa nila alam na nandito ako kina Tita. Key, may sasabihin din ako sa iyo."
- Dayessa Gold
"Sige, bukas na lang. Share ko lang, nakakuha na ako ng ticket."
- Amber Key
"Ang bilis, ha?"
- Dayessa Gold
"Mabilis ang connection. HAHA. Ka? Okay ka na?"
- Amber Key
"Processing. HAHAHAHAHA."
- Dayessa Gold
"Praying."
- Amber Key
"Sige, Key. Matulog na ako. Inaantok na ako. Dito ka lang mag chat, ha? Every friday, saturday, at sunday morning lang na nandito ang pinsan ko. Kaya 'wag kang mag chat sa kanya kung ibang days, ha? Baka mainis ang pinsan ko. HAHA!"
- Dayessa Gold
"Bumili ka na lang kaya ng bagong sim? Gumawa ka ng dummy account para ma monitor kita araw-araw at matatawagan din kita kapag wala sa tabi mo ang pinsan mo."
- Amber Key
"Ang bobo ko talaga. Hindi ko man lang iyon naisip. HAHA."
- Dayessa Gold
"Magpahinga ka na riyan. Luluwas ako riyan ng umaga. Masusundo mo ba ako sa pier?"
- Amber Key
"Oo. May car naman ang pinsan kong lalaki. Chat ka lang kapag malapit ka na, ha?
- Dayessa Gold
"I will. Goodnight."
- Amber Key
Hindi na ito ni replyan ni Katleya. Ibinalik na niya ang phone kay Gold. Tiningnan naman niya si Ezralla na abala sa panunood ng TV.
"Tita," sambit ni Kat.
"Bakit?"
"Bibisitahin ako ng kaibigan ko bukas dito, okay lang ba?" tanong ni Kat.
"Walang problema," sagot nito.
"Salamat."
Napatingin si Katleya kay Silver na nagmumura na sa kakalaro ng Mobile Legends.
"Lay," sambit ni Katleya.
"Oo," sagot ng binata na hindi man lang tiningnan ang Ate niya.
"May susunduin tayo bukas ng umaga sa pier. Is it okay?"
"Postspa! Madapaca (Mother Fucker)!" sigaw nito sabay sipa. "Ouch!" sigaw nito nang matamaan ng remote ang ulo niya dahil sa tinapon ni Ezralla.
"Bibig mo!" sigaw ni Ezralla.
Napatawa sina Gold at Katleya.
"Kay Kuya Black mo ba 'yan natutunan, Lay?" natatawang tanong ni Katleya.
Tumingin muna si Silver kay Ezralla bago tumango. Natakot kasi siya sa Mommy niya.
"Ano 'yong sinabi mo kanina, Ate?" seryosong tanong ni Silver.
"May susunduin tayo sa pier bukas ng umaga. Puwede ka ba?"
"Oo, naman. Chix ba?"
"Lalaki. Ex ko at kaibigan ko na ngayon."
"Puwede pala maging kaibigan ang ex?" takang tanong nito.
"Bakit naman hindi? Tinanggap na namin dalawa na wala na talaga," giit ni Katleya.
"For me, those exes who became friends again are believing for a comeback or wishing that their fate will collide again. Am I wierd if I have that mindset, Ate?"
"Parang," natatawang sagot ni Katleya. Tiningnan niya si Gold. "Ikaw, Yessa? Sasama ka?"
"Yes po, Ate."
"Ate, umakyat na naman tayo ng punong mangga bukas. Mamitas tayo, nakita ko sa larawan ni Dad, marami ng mga hinog," ani Silver.
Napalingon si Ezralla. "Hindi na puwede ang Ate niyo."
"Tama si Tita." Seryosong tiningnan ni Katleya ang dalawa. "Lay at Yessa, buntis ako," pag-amin nito.
Nagtinginan sina Gold at Silver. Hindi sila makapaniwala sa inamin ni Katleya.
"Paano niyo nalaman?" tanong ni Lay.
"Isinugod kasi ako sa hospital kahapon ng umaga, nahimatay kasi ako. At ang resulta na lumabas sa laboratories ay buntis ako."
"Ah," anito.
"Si Kuya Blue po ba ang ama, Ate?" biglang tanong ni Gold. Napatango si Katleya. "Wahhhhhhhh!" sigaw ni Gold sa sobang saya.
"Gold!" pagsuway ni Ezralla.
"Okay lang po, Tita. Nakuwento rin kasi sa akin ni Yessa na gusto niya si Blue para sa akin noon."
"Kaya nga. Si Mommy talaga, wala naman akong balak ipaalala kang Ate ang mapait niyang nakaraan, e."
Napangiti si Katleya. "Malilimutan ko rin siya. Mawawala rin siya rito sa puso ko."
"Pero paano 'yan, Ate? Siya ang ama ng magiging anak mo?" pag-aalala nito.
"Ako ang magiging ama at ina ng anak namin. Nandiyan naman kayo. Soon, sasabihin ko rin sa pamilya ko. Habang nandito ako sa inyo, alam kong hindi niyo ako pababayaan."
Napangiti si Gold habang nakikinig sa Ate niya. Minuto ang lumipas, matapos nilang kumain, dumiretso na sila sa kanilang kuwarto para magpahinga.
Matutulog na sana si Gold nang biglang tumunog ang phone niya. Tiningnan niya ito at may tumatawag sa messenger niya na hindi kilalang pangalan.
"Sino ba itong Amber?" tanong niya sa kanyang sarili.
Pinindot niya ang decline at chineck ang messages kung may conversation na ba sila nito. Napag-alaman niya ito pala ang ka-chat ni Katleya kanina nang humiram ito sa kanya ng phone. Siya na ang tumawag dito. Agad naman itong sinagot ni Amber.
"Hi!" pagbati ni Amber nang makita si Gold.
Itinaas lang ni Gold ang kanyang kilay bilang pagsagot. Hindi man lang siya nahumaling sa kaguwapuhan ng binata.
"Gusto mo maka-usap si Ate?" seryosong tanong ni Gold.
"Oo, sana. Saan siya?"
"Nasa kanyang kuwarto. Sige, puntahan ko muna. Huwag mo na lang ibaba," sabi nito.
Nagsimula nang maglakad si Gold papunta sa kuwarto ni Katleya. Pagdating niya, kinatok niya ito. Agad naman sumagot si Katleya kaya binuksan na ito ni Gold. Pagpasok niya, ibinigay niya agad ang cell phone kay Katleya.
"Hey!" bungad ni Katleya sa kaibigan.
"Ano'ng gusto mong ipadala?" tanong ni Amber.
"Cupcakes. Iyong favorite ko na kinakain ko noon. Alam mo iyon." Hinarap ni Katleya ang phone kay Gold. "Tanungin mo siya kung ano ang gusto niya."
"Hi, Gold? FC ko. Ano ang gusto mo?" tanong ni Amber.
"Something sweets," tamad na sagot ng dalaga.
"Dalhan mo 'yan, ha? Sige na matulog ka na. Good night. Mag-ingat ka bukas," tugon ni Katleya.
"I will. Ako na lang pala ang bibili ng sim card mo. Phone? Bagong phone, gusto mo? I'm sure masasaktan ka kapag buksan mo iyong phone mo. Wallpaper mo pa lang, siya na," pagpapa-alala ni Amber.
"Sige, babayaran na lang kita rito," ani Kat.
"Gift ko ito sa iyo for contacting me. Masaya lang ako kasi tinupad mo iyong pangako mo sa akin."
Napangiti si Katleya. "Salamat."
"Matulog na ako. Good night. Iharap mo ang cam sa pinsan mo, Ka," hiling nito. Iniharap ito ni Katleya kay Gold. "Salamat sa abala, Ms. Beautiful."
Tumango lang si Gold bilang pagsagot kaya pinatay na ni Amber ang tawag. Ibinalik na ni Katleya ang cell phone kay Gold.
"Salamat, Yessa."
"Walang anuman, Ate. Mauna na ako. Good night."
---
Nasa pier na ang sasakyan ni Silver kasama si Katleya at Gold. Hinintay nila ang pagbaba ni Amber sa barge na sinakyan nito. Isa-isa nang nagsibabaan ang mga pasahero. Seryoso namang nakatingin roon si Katleya mula sa loob ng kotse. Napangiti siya nang makita ang lalaking hinintay niya. Nakasuot ito ngayon ng plain white t-shirt, tattered black pants, at white shoes. May bitbit din itong isang handy bag na maaaring pinaglagyan niya ng pasalubong. Nakasabit sa isang balikat niya ang back pack na pinaglalagyan niya ng gamit.
"He's here," ani Katleya.
Lumabas na si Katleya sa sasakyan. Sinundan ito ng tingin ni Gold. Habang si Silver, abala sa phone niya sa kakalaro ng mobile legends. Kalaban niya ngayon si Black kaya ginalingan niya. Gusto niya kasing talunin ito para puriin siya.
"Key!" pagtawag ni Katleya, iwinagayway pa niya ang kanang kamay para makita siya nito.
"Ka!" sambit ni Key nang makita siya nito. Tumakbo siya palapit sa kaibigan at niyakap ito. "Lumaki ang mukha mo. Mukhang masaya ka na."
Napahawak si Katleya sa mukha niya. "Talaga ba?"
"Oo. Pero mas gumanda ka lalo. Mukhang nagustuhan mo ang pagtira rito."
"Oo, naman. Sobra. Tara na, pasok na tayo sa sasakyan."
Pagbukas ni Amber sa pinto ng sasakyan, nagdadalawang-isip siya na pansinin si Gold. Tahimik lang kasi ito at parang ayaw magpa-disturbo.
"Hi," nahihiya niyang pagbati.
"Hi," matipid na sagot ni Gold.
Pumasok na si Amber. "Hi, bro. Nakikita ko sa iyo si Kuya Black," pagbati niya kay Silver.
Ang lawak ng ngiti nito. "Talaga? Yes! Ginagaya ko rin kasi si Kuya."
Napangiti si Katleya. Masaya lang siya na malaman na sobrang mahal ni Silver ang kapatid niya. Nilingon ni Katleya si Amber sa likod. May halong pagtataka naman ang mukha ni Amber dahil napakaseryoso ng mukha ni Katleya habang tinititigan siya.
"Key," sambit nito.
"B-bakit?" takang tanong niya.
"Buntis ako."
Napanga-nga si Amber. Hindi siya makapaniwala sa inamin ni Katleya.
"Seryoso? Paano 'yan?" pag-aalalang tanong nito.
"Bubuhayin ko ito mag-isa."
"H-hindi. Ako ang tatayong ama. Tutulungan kita," giit ni Amber.
~~~