Kabanata 1.2

2345 Words
Kabanata 1.2 Napahalakhak si Gold nang marinig ang sinabi ni Amber na gusto nitong tumayong ama sa anak ni Katleya. Tinikom na niya ang kanyang bibig nang mapansin na tinitingnan siya ng tatlo. Inayos niya ang kanyang buhok at inilagay iyon lahat sa kaliwang balikat niya. Tumikhim siya para patayin ang kaasiwaan na nabuo sa loob ng sasakyan. At pagkatapos, ibinalik niya sa dati ang kanyang mukha. Iyong magdadalawang-isip kang pansinin ito. "Key, kakayanin ko itong mag-isa. Magiging Ninong ka sa anak ko ay puwedeng-puwede. Pero iyong tatayo bilang isang ama? Hindi ako papayag doon." Napakamot sa ulo si Amber. "Baka kasi maghanap siya ng Daddy. Ayaw ko siyang makaramdam ng kulang." "Huwag kang mag-aalala. Sisiguraduhin kong pupunuin siya ng pagmamahal." "Okay. Ka? Blue is blind that he is now a father. May balak ka bang sabihin sa kanya?" "Soon. If I know na okay na ako, iyong masasabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya talaga kailangan." Napangiti si Katleya. "Ano kayang mararamdaman niyon kung malaman niyang may anak kami? Anyway, 'wag na natin siya pag-uusapan. Tara na Lay." Habang nasa biyahe, palihim na tinitingnan ni Amber si Gold. Bumalik kasi sa isipan niya ang pagtawa nito kanina nang sinabi niyang kaya niyang maging ama sa anak ni Katleya. "Stop staring at me, Kuya," kaswal na sabi ni Gold. Tiningnan niya ito. "Will you?" "Kuya, ganyan talaga 'yan si Gold sa mga katulad nating pogi. Allergy kasi," natatawang sabi ni Silver. "Don't mind him," anang Gold. "Ayaw mo pala sa pogi? So ayaw mo sa akin?" pang-aasar ni Amber. "You're not pogi." Kumuha si Gold ng salamin sa bag niya at ipinakita kay Amber ang mukha nito. "See? Ganyan ang mukha ng martyr." Napalingon si Katleya kay Gold dahil sa sinabi nito. Sinenyasan niya itong tumahimik baka masaktan ang damdamin ni Amber. "Hindi na ako martyr, ha. Bago dumating dito si Kat, sumuko na ako sa kanya," paliwanag ni Amber. "Kaya nga, Yessa. Ikaw talaga," ani Katleya. "Sorry," paghingi ni Gold ng paumanhin. "It's okay." May kinuha si Amber sa bag niya at inabot kay Gold. "Ito iyong something sweets mo. Marami pa rito sa bag." Tiningnan niya si Silver. "Bro? What do you want?" "Later na, Bro. Nagmamaneho ako. Serious muna ako rito, you know, may momshie Kat rito," giit nito. Napangiti si Katleya. "Thank you, Lay." "Ikaw, Ka? Cupcakes mo, oh," anang Amber sabay abot sa isang plastic na puno ng cupcakes. "Thank you, Key." Pagkakita ni Katleya sa cupcake ay natahimik ito. Ganoon kasing cupcake ang laging pasalubong sa kanya ni Blue. Binuksan na niya ito, pagkagat niya ay bumalik sa kanya ang mga alaalala na magkasama sila nito. Sa bawat pagnguya niya ay kusang tumulo ang luha sa mga mata niya. Napalingon sa kanya ang lahat nang marinig ang paghikbi nito. "Ka?" naluluhang sambit ni Amber. "Kahit ano'ng sabihin kong maging okay na ako. Sinasampal pa rin talaga ako ng kahapon," ani Katleya na nagpupunas sa luha niya. "Huwag kang ganyan, Ka. Hindi 'yan makabubuti sa kalagayan ng baby niyo. Pakatandaan mo, isa lang si Blue na nanakit sa iyo at marami kami na nagmamahal sa iyo." "Alam ko naman iyon. Pero sorry kung hanggang ngayon, mahina pa rin ako pagdating sa kanya." "Ate, that jerk was right, marami kaming nagmamahal sa iyo," Ani Gold. Napalingon si Amber dito. "W-what? Jerk?" "That is my first impression to you, okay? Accept it," sagot ni Gold. "Kay Ate Purple ba ito pinaglihi ang pinsan mo, Ka?" tanong ni Amber sa umiiyak na si Katleya. Napangiti ito. Dahil napansin din pala ni Amber na may pagkatulad ang ugali ni Gold sa Ate niya. "Itatanong natin 'yan kay Tita." nakangiting sagot ni Katleya. Mukhang nawala na muli ang lungkot niya. "Ganyan dapat, ngumiti ka na, Ka. Be strong para sa anak niyo, 'wag mo sanang ipagkait iyon sa kanya. Then, just be happy, and the baby inside your womb will follow." Palihim na nakangiti si Gold nang marinig iyon sa katabi niyang binata. "Ngumiti ka, nakita ko sa peripheral vision ko," biglang sambit ni Amber. "Did I?" Bumuntong hininga ito. "Oo, na. Ang funny mo lang kasi." "Bakit mo nasabi?" tanong ni Amber na nag-iisip pa. Para sa kanya wala siyang ginawa na nakatatawa. "Do I need to explain more? Mag-usap na kayo ni Ate, may gagawin pa ako," ani Gold sabay pikit ng mga mata niya para umidlip. "Bro, ganyan ba talaga 'yang kapatid mo?" tanong ni Amber. "I'm still awake, 'wag niyo akong pag-uusapan. It's kinda awkward," sagot ni Gold habang nakapikit ang mga mata. Napanguso na lang si Amber. Inabutan siya ni Katleya ng cupcake para malibang ito sa biyahe papunta sa hacienda ng Aurella. Minuto ang lumipas, dumating na sila sa hacienda. Pagbaba ni Amber, napanga-nga ito sa nakita. Mula sa kanyang kinatatayuan, makikita mo ang lawak ng buong hacienda, agaw atensyon din ang ganda ng dagat. Hindi siya makapaniwala sa ganda ng buong paligid. Marami ring puno ng niyog at iba pa. Ibinaling niya ang tingin sa ibang bahagi ng hacienda at halos maluluwa na ang kanyang mga mata nang makita ang napakaraming bunga ng mangga. "Ang ganda rito," pagpuri niya. "Kaya nga napagdesisyunan kong dito na lang pumunta. Sabi ko, pupunta ako sa California dahil gusto kong mapag-isip at mapag-isa sa isang napakagandang lugar. But I realized, na bakit ako pupunta sa iba, na meron naman tayong sariling atin at isa itong Isla ng Samal. Look at the view, so close to perfection." "Tama. Good for you, Ka." "Tara na, pumasok na tayo sa loob. Ipakilala kita kay Tita," ani Katleya. Nang makarating na sila sa loob ng bahay. Nanlaki ang mga mata ni Ezralla nang makita ang mukha ni Amber. Nag-iisip ito kung saan niya nakita ang binata. Yumuko si Amber dahil nahihiya siya. Natandaan niya kasi ang mukha ni Ezralla. "Kilala mo siya, Tita?" takang tanong ni Katleya. "Ah!" sagot nito. "Ikaw iyong binatang tatalon sana sa bridge noon." Napakamot sa ulo si Amber. "Naalala niyo pa pala iyon. Nakahihiya naman." Napalingon si Katleya rito. "Ano pala ang nangyari noon?" "Hiniwalayan daw siya ng babaeng mahal niya dahil may nagawa siyang isang kasalanan na hindi niya ginusto," sagot ni Ezralla. "Ikaw iyon. Nang hiniwalayan mo ako." Napatingin si Amber kay Ezralla. "Salamat, Tita. Nang dahil sa mga sinabi mo noon, natauhan ako at hindi itinuloy na tapusin ang buhay ko." "Ang liit nga talaga ng mundo. Pamangkin ko pala ang dahilan ng iyon." Napangiti si Gold sabay iling. Hindi lang siya makapaniwala na may lalaking kayang magpakamatay dahil lang sa isang babae. Namangha si Silver sa ginawa ni Ezralla. "Hindi ka lang pala sa amin naging hero, Mom. Kahit sa ibang tao. I'm so proud of you." "Proud? Lagi mong pinapainit ang ulo ko sa katigasan mo. Mabuti pang mamitas ka ng mangga sa ibaba para may makain ang Ate mo at si..." Tiningnan niya si Amber. "Ano nga ulit iyong pangalan mo?" "Amber Key Scott po," sagot nito. "Thank you. Sumama ka kay Silver nang malibang ka rito sa hacienda. Ikaw naman Gold, 'wag mo itong malditahan. Alam ko ang ugali mong bata ka," pagpapa-alala ni Ezralla. "Mom. Nagbago na ako!" singhal nito. "Nagbago? Kanina mo pa nga ako tinatarayan," ani Amber. "What did you say?" inis na tanong nito. "Oo, Mom. Ang panget ng ugali ni Gold na ipinapakita kay Kuya," pagsang-ayon ni Silver. "Pagpasensyahan mo ito, Amber. Pinaglihi ko kasi ito sa Ate Purple ni Katleya." "Kaya pala," natatawang sagot ni Amber. "Funny," inis na sambit ni Gold. "Hmm." Napatikom ang bibig ni Katleya habang tinitingnan si Gold. "Ate, ikaw na lang ang kakampi ko rito. Inaasar mo pa ako," reklamo nito. Tiningnan niya si Amber. "Sumunod ka sa akin. Manguha na tayo ng mangga." Tiningnan niya rin si Silver. "Tara na, Kuya." "Gusto ko sanang sumama. Pero baka madulas ako roon kasi umulan kagabi, kaya rito na lang ako maghintay sa inyo," ani Katleya. "Kami na bahala, Ate. Magpahinga na lang kayo riyan ni Baby Blue," giit ni Silver. "Baby Blue?" Napangiti si Katleya. "Puwede, kung lalaki. Pero malay natin, babae? Pero kahit ano, basta healthy, masaya ako." "Keep praying and be happy, Ka. Sige, mauna na kami," ani Amber. Pagdating nilang tatlo sa bahagi ng hacienda na puno ng mga punong mangga ay manghang-mangha si Amber na makita ang mga bunga. Mas marami pa pala ito sa inaakala niya kanina. Kahit hindi mataas ang mangga, punong-puno pa rin ito ng bunga. Umakyat si Silver na parang isang unggoy sa sobrang bilis. "Kuya, halika," tawag ni Silver kay Amber. "Sige," sagot nito sabay hubad ng damit. Ibinigay niya ito kay Gold. "Pakihawak muna. Ano sa iyo? Hinog o ako?" "Do you think ang hot mo sa pa shirtless mo? Ibahin mo ako. I'm not cheap and ignorant like others." Umiling na lang ang binata sabay akyat sa punong mangga. Nakataas naman ang kilay ni Gold habang tinitingnan ito. "Required bang maghubad kapag kumuha ng mangga? O takot lang siya madumihan itong damit niya?" aniya sa kanyang isipan. "I got one," nakangiting sabi ni Amber. Tiningnan niya sa baba si Gold at tumalon sa harapan nito. "Sa iyo na ito, oh." "T.Y," aniya. "Parang text lang, ha?" "Do I need to talk more? Duh!" pagtataray nito. "You're quite interesting. I like your maldita attitude." Pinisil ito ni Amber sa pisngi. "Akyat muna ako." "Then go." Umupo muna si Gold sa isang mahabang upuan na gawa sa isang kahoy ng kawayan. Isinabit niya ang damit ni Amber sa gilid at kinain ang mangga na ibinigay ng binata. Para naman siyang lumulutang sa alipaap nang matikman ito, napakatamis. Tumalon muli si Amber mula sa itaas para abutan ng mangga si Gold. "Mas maganda ka kapag nakangiti, kaya keep eating sweet mango," anito. "Duh!" sagot nito. Bumaba na rin si Silver na bitbit ang isang basket ng mangga. Pinaghalo niya ang hinog at hilaw para mas may pagpipilian pa si Katleya. "Tama na yata ito. Bumalik na muna tayo sa bahay," anito. "Let's go," sagot ni Gold. Kinuha ni Amber ang nakasabit niyang damit sa upuan at isinuot na ito. Habang naglalakad, kinuha niya sa kamay ni Silver ang basket na punong-puno ng mangga at inilipat sa kamay ni Gold. "What!" reklamo ng dalaga. "Ikaw na magdala para kunwari may silbi ka," ani Amber. Humalakhak si Silver. Nakita niya kasi ang inis sa mukha ng kanyang kapatid, pero wala itong magawa at tinanggap na lang ito ng hindi bukal sa kalooban. Pagdating nila sa bahay, nakasimangot si Gold habang tinitingnan nang masama si Amber. Mas lalo lang itong naiinis dahil nginitian lang siya ng binata sabay kindat. "Mukhang natutuwa kang asarin si Yessa, ha?" bungad ni Katleya nang mapansin ang ginawa ni Amber. "Nakatutuwa kasi," anito. Kinawayan niya ito kaya sinamangutan siya ng dalaga. "See?" natatawang sabi nito. "Maiba ang usapan, may balita ka kina mommy?" tanong ni Katleya. "Okay lang naman sila. Binibisita ko sila everytime hindi ako busy." Tiningnan ni Amber nang sobrang seryoso si Katleya kaya kinabahan ito. "Ano ang tingin na 'yan?" pag-aalalang tanong nito. "Tatlong araw mula nang umalis ka, gabi-gabi siya pumupunta sa bahay niyo at humihingi ng patawad. Naabutan ko siyang lumuhod doon sa harapan ng magulang mo, pero walang pumapansin sa kanya. Pero hindi pa rin siya sumusuko hanggang ngayon. Maybe mamayang gabi, pupunta na naman iyon sa bahay niyo at lumuhod muli para humingi ng patawad sa nagawa niya sa iyo." "Sinaktan ba nila si Blue?" naluluhang tanong ni Katleya. "Gaya nang pangako nila sa iyo, kailanman hindi dumapo ang kamay nila sa balat ni Blue." Napabuntong hininga si Katleya at nakahinga nang maluwag. "Salamat naman kung ganoon." ••• "Saan na kaya si Katleya ngayon?" tanong ni Green kay Grey. Napalingon si Blue nang marinig ang pangalan ng kaibigan. Nandito sila sa bar ni Green tumambay habang nag-iinuman. Gusto kasi niyang makipagkita sa mga kaibigan niya dahil matagal-tagal na rin sila hindi nagsama, busy kasi siya sa training sa kumpanya nila at ang mga kaibigan niya ay may ginagawa na rin. Ngayong gabi lang sila muling nagka-oras kaya sinusulit nila ang pagkakataon. "Asul? Ano ba talaga ang nangyari sa inyo nang gabing iyon? Nang mawala kayo bigla," tanong ni Grey. "I asked my bebe boy, but hindi siya sumasagot. Nanginginig lang siya sa galit kapag ikaw ang topic." "Asul, may ginawa ka ba kay Kat? Hindi naman iyong magpakalayo kung hindi talaga siya nasaktan," ani Green. Lumagok si Blue ng beer at piniling hindi sagutin ang dalawang kaibigan. Lumagok lang siya nang lumagok kaya nag-aalala na ang dalawang kasama niya. Napatingin sina Green at Grey sa isa't isa nang makitang may namumuong luha sa mga mata ni Blue. Nakita rin nila ang nanginginig na kamao nito. Segundo ang lumipas ay tinakpan ni Blue ang mukha niya ng kanyang mga kamay. "Asul?" sambit ng dalawa. "I took her virginity that night. She asked me to stop, but ginawa ko pa rin. Ang sama ko! Ang sama-sama ko. Hinamon niya kasi ako, kaya nagawa ko iyon." "Gago ka pala, e!" sigaw ni Grey. "Alam ko. Alam ko," paghagulgol ni Blue. "Sabi mo sa kanya little sister mo lang siya? Then why you f*cked her!" sigaw ni Grey sa sobrang galit. "Kaya pala grabe ang galit ni Black sa iyo. Binaboy mo pala ang pagkatao ng kapatid niya!" "Abo, kalma," pag-awat ni Green. "Hindi, e! Gago ang kaibigan natin! Isang napakalaking gago!" sigaw ni Grey. Lumapit ito kay Blue, kinuwelyuhan niya ito. "Tapos iyak ka nang iyak? Tumahimik ka!" "Suntukin mo ako, saktan mo ako," hiling ni Blue. "Fine," sagot ni Grey sabay suntok sa mukha ng kaibigan. Sinuntok niya itong muli ng dalawang beses. Pagkatapos nang ginawa niya ay bumalik siya sa kanyang upuan at muling uminom. Inalalayan ni Green si Blue. "Thank you sa inyo," sambit ni Blue. "Puntahan ko muna sila, Tita Ma. Hihingi muli ako ng isang kapatawaran." ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD