Kabanata 1.4
"Ate Ezralla, bakit hindi mo man lang sinabi ang tungkol dito?" inis na sabi ni Ezmeralda sa kapatid niya.
Nang malaman ni Black na nandoon si Katleya sa Tita niya ay hindi siya nagdadalawang-isip na sabihin ito sa magulang niya. Kaya agad kumuha ng tickets ang buong pamilya niya papuntang Davao City. At bumiyahe ng isang oras papunta sa Isla ng Samal kung saan makikita ang hacienda ng Aurella.
"Sorry. Iyon kasi ang hiling ni Katleya, Ezma. Sabi niya isang buwan lang, pero may nangyari kaya nahihiya siyang ipaalam sa inyo."
"Mom, 'wag na po kayong magalit kay Tita," ani Katleya na nasa gilid ng Mommy at Tita niya.
Nilingon siya ni Ezmeralda. "Bakit hindi mo sinabi sa amin na nandito ka?"
"Sasabihin ko naman sana e, pero gaya nang sinabi ni Tita, may nangyari. Nahihiya akong sabihin sa inyo..." Nilingon niya isa-isa ang pamilya niya sa sala. "Dad, Ate, Kuya, and Mom..." Tumulo ang luha nito. "Buntis po ako, si Blue ang ama."
Binalot nang nakabibinging katahimikan ang buong sala. Hindi alam ng pamilya niya kung ano ang isasagot sa inamin ni Katleya.
"Ezma, she's 11 weeks pregnant," ani Ezralla.
Itinaas ni Katleya ang loose shirt niya para ipakita ang tiyan niya. Nanlaki ang mga mata ng pamilya niya nang masaksihan ang paglubo nito ng kunti.
Naiiyak si Ezmeralda at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Habang si Fernando ay lumapit papunta sa anak niya para yakapin ito.
"Congrats, Nak," anito.
"Thanks, Dad. M-mom?" umiiyak na sambit ni Katleya. Nakayakap siya ngayon sa Ama niya, pero ang mga mata nito ay nasa Ina niya na hindi siya sigurado kung natutuwa ba o nagagalit ito sa kanya.
Napawi naman ang pangamba ni Katleya nang nakitang napangiti bigla ang ina niya habang umiiyak. Lumapit na ito sa kanya at binigyan nang isang mahigpit na yakap.
Sa ikalawang palapag ng bahay ay masayang nakatingin sina Gold at Silver sa pagkikita muli ng pamilya Quizo. Masaya sila para sa Ate nila.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin pumapasok sa isipan ko na maging Lola na ako," natatawang sabi ni Ezmeralda habang hinahawakan ang mukha ni Katleya.
"Kaya nga, Nak," pagsang-ayon ni Fernando.
"Kayong dalawa? Hindi niyo man lang ba ako yayakapin?" anang Katleya sa mga kapatid niya na tiningnan lang sila.
"Hindi kasi kasya. Nandiyan pa sina Mom at Dad," nahihiyang sagot ni Black.
"Kuya idol! I love you!" sigaw ni Silver. Natutuwa lang siyang marinig ang boses ng idol niya.
"Hali kayo rito," pagtawag ni Black.
Agad tumakbo ang dalawa. Unang lumapit si Gold kay Purple at binigyan ito nang mahigpit na yakap. Habang si Silver naman ay hanggang ngayon, natutulala pa rin kay Black. Naluluha pa ito habang tinititigan ang idol niya.
"Buang (Baliw)! Naunsa ka (Ano ang nangyari sa iyo)?" natatawang tanong ni Black.
"Dili lang jud ko makatoo, Ya, nga naa ka diri (Hindi talaga ako makapaniwala Ya, na nandito ka sa amin)."
"Ayaw ko na mag bisaya. Ang hirap! Lay? Bakit parang pumanget ka ngayon?"
"Grabe talaga ito si Kuya. Ang guwapo ko kaya. Sa iyo pa naman ako nagmana. Tsk!"
"Biro lang. Binabantayan mo ba ang Ate Katleya mo?"
"Oo, naman. Last month pa ang break namin sa school kaya nandito na ako. Naaalagaan ko na si Ate, kaming dalawa ni Gold."
Tumakbo si Gold palabas ng sala.
"Ano ang nangyari roon?" tanong ni Black.
"Baka tinawagan na naman ni Kuya Amber? Inaasar niya kasi ito palagi."
"A-amber? Kilala niyo siya?" takang tanong ni Black.
"Oo. 3 times na nga siyang nakabalik dito. Binibisita niya si Ate. Pero sa palagay ko, hindi lang si Ate."
"Talaga? Grabe, mas may alam pa pala iyon sa amin. Kaibigan nga siyang tunay ni Kat, kasi wala siyang sinabihan. Pero Lay, sino iyong tinutukoy mo na iba niyang dinadalaw? Si Gold ba?"
Napatawa si Silver. "Alangan naman ako?"
"Ang tanga ko. Bakit? Crush niya ba?"
"Hindi ko alam. Basta lagi niya itong inaasar."
"Okay lang naman silang dalawa. 4 years gap." Binulungan niya si Silver. "Parang kami lang ng Kuya Grey mo."
Napangiti lang si Silver sa sinabi nito.
"Wait lang, Kuya. Lalapitan ko muna si Ate Purple." Nang nasa harapan na siya nito. "Ate."
"Ano?" taas-kilay na sagot ni Purple.
"Tsk! Wala talaga kayong pinagkaiba ni Gold. I miss you," anito sabay yakap.
"Miss you too. Ang guwapo mong unggoy ngayon, ha?"
"Ate naman, e!"
"Bumalik ka na roon sa idol mong aso," asik ni Purple. Umupo na muli ito.
"Aso?" Nag-isip pa ito. "Ahhhhh!" Tawang-tawa pa ito nang makuha niya ang ibig sabihin ni Purple.
"Ako ba ang pinag-usapan niyo?" tanong ni Black.
"Bakit ka namin pag-uusapan? Sikat ka ba? Hey! Ngayon lang ako maglalakas loob na sabihin ito sa iyo, ang panget ng suot mong underwear sa bagong brochure na inilabas ng kumpanya niyo."
Humahalakhak si Silver. Kaya itinulak ito ni Purple papunta sa idol niya.
"Magsama kayong dalawang unggoy!" sigaw nito.
Bumalik na si Gold sa sala at pumunta agad kay Purple. Tumabi siya rito at nakipagkuwentuhan.
"Ano po ba ang mararamdaman, Ate, kapag in love ang isang tao?" inosenteng tanong ni Gold.
"Madali lang. Nasa maling tao kang nilapitan." Tinuro niya si Katleya. "Iyon ang tamang tao. Magaling iyon manlimos ng pagmamahal."
"Grabe si Ate," natatawang sagot ni Gold.
"Promise. Pero Yessa, kumusta na si Katleya?"
"She's fine na Ate. Tanggap na niya. Ang palagi niya lang sinasabi, bubuhayin niya mag-isa ng walang Ama ang magiging anak niya."
Napangiti na lang si Purple. Tumayo na ito sa kinauupuan niya at nilapitan si Katleya na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin kay Ezmeralda at Fernando.
"Mom, kami na naman ni Blackarlito Monteriru FuFu," aniya.
Nang marinig iyon ni Black ay gumalaw agad ang tainga niya.
"Sabi ng 'wag mong banggitin ang pangalan ko!" inis na sabi nito.
"Pumili ka na ng sementeryo," pagbabanta ni Purple.
Napakamot na lang sa ulo si Black dahil wala siyang magawa sa sadista niyang kapatid. Itinuon na ni Purple ang atensyon kay Katleya, ibinuka niya ang mga kamay niya nang malaya na ang kapatid sa pagyakap sa magulang niya. Lumapit siya rito para bigyan nang mahigpit na yakap, hinalikan pa niya ito sa pisngi.
"Kainis ka, Kat. Inunahan mo pa ako. Grrr!" reklamo niya.
Napatigil sandali si Purple nang maalala na may nangyari na pala sa kanila ni Green nang halos tatlong linggo ang lumipas. Ang hiling niya lang ay sana magbunga rin ang ginawa nila, para dalawa na sila ni Katleya.
"Losyang ka kasi," ani Black. "Urgh!" Pag-inda nito sa sakit nang makatikim ng siko mula kay Purple.
Tumawa si Katleya. "Namimiss ko ang mga asaran natin."
"Kami rin naman, e. Napakalaki ng epekto nang mawala ka sa bahay, Kat. Iyong feeling na mapipilitan kang pakisamahan ang walang kuwenta mong kapatid?" ani Purple.
"Ang sama talaga ng ugali," pagrereklamo ni Silver. Ayaw niya kasing inaaway ang idol niya.
"May sinabi ka? Kahit lupain niyo ito kaya kitanh ilibing ng buhay rito," taas-kilay na sabi ni Purple.
"Wala," anito sabay dabog. "Dito ka lang sa akin Kuya, after mo kay Ate Katleya."
"Ikaw talagang bata ka. Hindi ka pa nasanay sa Ate Purple mo. Ganoon naman talaga kasi kapag single sa edad na 28," tawang-tawa na sabi ni Black.
"Tama!" pagsang-ayon ni Silver. "Aray ko, Ate!" sigaw nito nang makatikim ng isang kurot sa tainga. Lumapit pa talaga si Purple sa kanya para roon.
Natutuwa namang tinitingnan nina Ezralla at Ezmeralda ang mga magpinsan.
"Bawal talaga tayo magsama sa isang bubong, Ezma. Sasabog talaga sa ingay ang bahay," ani Ezralla.
"Iba kasi ang lambingan nilang magpinsan." Tiningnan niya si Ezralla. "Pero salamat sa lahat, Ate."
"Walang ano man. Parang anak ko na si Katleya."
"Salamat talaga. Ate, may first ultrasound na ba si Kat? Para malaman natin kung kailan siya puwedeng manganak. Para maasikaso namin ang schedule sa kumpanya."
"W-wait. Kat?" pagtawag ni Ezra.
"Tita? Bakit?"
"Kailan nga iyong schedule sa first ultrasound mo?"
"Nakalimutan ko, Tita. W-wait. Lay, pasuyo. Pakikuha nga sa maliit kong bag. Nakasabit lang siya sa gilid ng hinihigaan ko."
"Okay po, Ate," anito at tumakbo pa talaga para kunin ito. Bumalik na ito. "Ate, oh." Pag-abot nito.
"Thank you." Hinanap na ni Katleya ang pregnancy test result na ibinigay ng doktor sa bag niya. Nandoon kasi nakalagay ang next meeting nila. "Heto na." Napangiti ito. "Bukas na pala!" Tiningnan niya ang kanyang magulang. "Mom, Dad, 'wag na muna kayo umalis, please. Samahan niyo kami ni Tita."
"Sure, Nak. Sa martes pa naman ang uwi namin," ani Ezmeralda.
"Yes!" sigaw ni Silver.
Napalingon sa kanya ang lahat kaya napayuko ito. Masaya kasi siyang mas may oras pa siyang makasama si Black.
"Hey, Lay!" sambit ni Purple.
"Bakit?" tamad niyang sagot.
"Kunan mo ako ng mangga, 'yong hilaw. Damihan mo, ha?" aniya.
"Ayaw ko," singbilis ng kidlat na sagot nito.
"Pumili ka ng sementeryo," pagbabanta ni Purple. Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano? May napili ka na?"
"Oo, na. Tsk!" Tiningan niya si Black. "Samahan mo ako, Kuya." Tiningnan niya naman si Gold. "Diyan ka lang kay Ate. Magtanungan kayo kung bakit mga attitude girls kayo."
Pag-alis nina Black at Silver ay nagtawanan ang dalawang pinaglihian sa sama ng loob. Ginulo ni Purple ang buhok ni Gold.
"Stay maldita, okay?" aniya.
"Purple! Kahit ano na lang ang tinuturo mo riyan," reklamo ni Ezmeralda.
"Sorry, Mom. Maldita lang," sagot nito.
Umiling na lang sina Ezmeralda at Ezralla. Mukhang hindi na talaga mapigilan ang ugali ni Purple. Umupo si Katleya sa tabi ng kapatid niya at umidlip sa balikat.
"Psst! Sa kuwarto ka magpahinga, sasakit ang leeg mo niyan. Sasamahan kita roon." Tumayo ito at inilayan na tumayo si Katleya. "Sa kuwarto na muna kami. Bababa lang ako kapag makatulog na itong si Mama Kat."
Pagdating nila Katleya sa kanyang kuwarto ay agad itong humiga. Ipipikit na sana nito ang mga mata niya ngunit hindi natuloy dahil sa sinabi ni Purple.
"Hindi na rin ako virgin, Kat."
"W-what? Wala ka namang boyfriend, ha?" gulat na tanong ni Katleya.
"Gulat na gulat? Ikaw nga nabuntis ng walang boyfriend," sagot nito.
Napatawa si Katleya. "Nakalimutan ko tuloy. Pero sino ang guy? Bakit mo isinuko?"
"Alam mo kasi. Noong graduation niyo? Ang mga pakialamerang kaibigan nina Mom at Dad, pine-pressure ako. 28 na raw ako tapos wala pa akong boyfriend. Baka tatanda raw akong dalaga. 2 months din iyon na gumugulo sa isipan ko kaya napagdesisyunan ko ng magpabuntis na lang." Napangiti ito. "Kung mabubuo iyon? May pamangkin ka ng banyaga, Kat."
"Grabe ka talaga, Ate. Pero sinong lalaki? Kilala mo o stranger lang?"
"Kilala mo," aniya.
"W-what!? S-sino?"
"Once upon a time, iyong single mong Ate, balak uminom sa isang bar. Pumunta siya roon mag-isa, gusto niyang magpakalasing kasi pino-problema niya ang pagiging single. I called our only Blackarlito, sabi ko sunduin mo ako later dito sa bar, sinabi ko pa ang pangalan ng bar at kinilig pa iyong potspa nating kapatid dahil doon daw sila nag meet ng kanyang bebe girl. Ew! Dahil nagbabakasakali akong matulad sa fate niya, inilibot ko ang aking tingin at naghanap ng mga lalaki sa paligid baka nandoon rin ang magiging boyfriend ko, pero gosh! I've realized na walang matinong lalaki sa bar. At lahat ng mga iyon ay malandi. Cliche!"
"Ang haba naman ng kuwento mo, Ate. Sino lang naman ang tinanong ko," reklamo ni Katleya.
"Shut up! Ipagpatuloy ko na, sige na bilisan ko na. Bar iyon ni Green at iyon, inaya ko siyang maging ama ng anak ko. Pumayag naman siya, ang ganda ko kaya. Kaya iyon, nag wrestling kami sa kotse niya. Alam mo ano ang nakatatawa? Tatlong araw ako hindi nakapaglakad! Ang bata pa niya, pero ang galing gumiling. Isa siyang alamat."
Tumawa si Katleya. "Baliw ka talaga, Ate."
"Pero alam mo, ano ang hiling ko? Sana maulit muli. Ang sarap pala!" Tinuro niya si Katleya. "Ikaw!"
"A-ano?" takang tanong nito.
"Aminin mo. Tayo lang naman dalawa ang nandito."
"Okay. Ang ano, Ate?"
"Nasarapan ka ba kay Blue nang ginawa niyo si baby?"
"Hindi ko alam. Umiiyak ako noon. Sakit sa puso lang ang nanaig sa mga oras na iyon," ani Katleya.
Napangiti si Purple dahil nakita niya sa mga mata ni Katleya na hindi na ito naaapektuhan nang binanggit si Blue. Parang wala na lang. Walang gigil.
"Wala na ba siya riyan?" tanong ni Purple. Itinuro pa niya ang dibdib nito.
"Hindi ko masasabi. Pero ang sigurado ako, okay na ako. Okay na kami ng anak ko."
"Good. Alam mo, gabi-gabi siyang nasa bahay. Nagmamakaawang patawarin nila Mom."
"Alam ko. Ikinuwento sa akin ni Amber. Ate? Tratuhin mo pa rin siya na parang wala lang nangyari, ha? Huwag mong hayaan na maramdaman niya na galit sa kanya ang lahat."
"Hindi mo pa sinabi, nagawa ko na. Wala naman kasi siyang kasalanan. Ikaw lang naman ang pumatay sa sarili mo. Pero alam kong nabuhay ka na muli dahil diyan." Paghawak ni Purple sa tiyan ni Katleya. "Hi, baby. Ipagdasal mo na nakabuo kami ni Tito Green ng magiging pinsan mo. Para happy ako, tapos magsuntukan kayo sa bahay kung pareho kayong lalaki at kung babae naman, magsabunutan kayo para happy ang life."
"Ate, ikaw talaga! Huwag mong pakinggan si Tita, baby, ha? Magpakabait ka. Huwag kang tumulad sa mga kapatid ko."
"Baby, sinasabi ko sa iyo. Habang nandiyan ka pa. Mag-aral ka na ng martial arts. Ikaw na ang magtatanggol sa Mommy mong marupok."
"Grabe siya. Promise, Ate. Hindi na," ani Katleya.
"Sana lang. Pero kapag makita mo si Blue? Luluhod ka na naman, tapos magmamakaawa na mahalin."
Humalakhak si Katleya. "Hindi na nga. Baby? Strong si Mommy, right?"
"Huwag kang plastic, baby. Say marupok si Mommy," tawang-tawang sabi ni Purple.
Natahimik ang dalawa, nang pumasok bigla si Black sa kuwarto. Magagalit na sana si Purple, pero nang makita niya ang bitbit nitong mangga na ready to eat ay napabuntong hininga ito para kumalma.
"Thanks, Blackarlito," malambing na sabi nito.
"Kay Katleya kaya ito," giit ni Black.
"Pumili ka na ng sementeryo!" sigaw ni Purple.
"Ito na sa iyo, Ate," anang Silver na kakapasok lang.
"Thanks, Lay," nakangiting sabi ni Purple.
"Kay Ate Kat naman ito, e," sagot nito.
Tumayo na ito sabay turo sa dalawa. "Kayo! Pumili na kayo ng sementeryo!"
Tumawa ang dalawa nang magtagumpay sila sa kanilang misyon, at iyon ay ang galitin si Purple. Nang dahan-dahan na lumapit si Purple sa kanila, nagtago si Silver sa likod ni Black.
"K-kuya idol," nauutal na sambit ni Silver.
Iniligay ni Black ang mangga sa may upuan sa gilid niya. Dahil manggagaya si Silver ay ginawa niya rin ito.
"K-kuya. A-ano na?" nanginginig na tanong ni Silver.
"Huwag kang matakot. Huwag kang matakot...tumakbo! Wahhhhh!" sigaw nito sabay hablot kay Silver at tumakbo.
~~~