Kabanata 1.5
Nakababad sa bathtub ngayon si Gold na punong-puno ng petals ng iba't ibang kulay ng rosas. May scented candle rin sa loob ng banyo kaya nakaramdam siya ng kapayapaan. Ang pakiramdam niya kasi ay gumulo ang buhay niya nang pinagtagpo ang landas nila ni Amber. Hindi kasi siya nito tinitigilan at lagi siyang inaasar. Tinatawagan din siya nito dahil may numero ang binata sa kanya, ibinigay kasi ito ni Silver na wala man lang paalam sa kanya. Hindi niya sinasagot ang tawag nito, pero minsan kapag punong-puno na siya at sobrang naingayan na siya rito ay sasagutin na niya na lang para tumigil. At sa kanyang social media accounts, walang araw na hindi siya nito pinapadalahan ng mensahe. Sa isang daan na mensahe, mga tatlo lang yata ang nireplyan niya.
Nasa gilid ni Gold ang kanyang phone at DSLR camera. Kinuha niya ang isa rito, ang camera. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kuha niya at napangiti siya. Hanggang sa napunta na ang mga larawan noong naligo sila ng dagat kasama ang lalaking laging kinukulit siya, si Amber. Napangiti siya nang maalala ang panahong iyon, masaya silang naligo sa dagat na parang mga bata. Pagpindot niya para sa susunod na larawan ay bumungad iyong kuha ni Katleya na magkasama sila nina Silver at Amber. Pagpindot niya sa susunod, ang larawan naman nilang dalawa ni Amber.
"Panget," aniya. Pipindutin niya sana ang delete pero hindi niya itinuloy. Nagpakawala ito nang malalim na hininga. "Mabait ako ngayon."
Nagpatuloy pa rin siya sa panunood ng mga larawan nila sa dagat hanggang sa napunta sa mga stolen pictures ni Amber. Napangiti siya nang bumungad iyong mukha ni Amber na aksidenteng nakatingin sa kanya. Nakangiti ito habang bumuka pa nang kunti ang bunganga. Agaw atensyon din dito ang buloy at ang nangungusap na mga mata ng binata.
Umiling ang dalaga habang nakangiti. Itinikom niya ang kanyang bibig nang mapansin na nakangiti pala siya habang tinititigan ang mga larawan nito.
"Umayos ka, self. Maldita ka," aniya.
Itinabi na niya muna ang camera at lumubog sa tubig ng mga sampung segundo.
"Woaaah!" Pag-ahon niya. Halos mawalan pa siya nang hininga. "Maldita ka, Gold!" giit niya.
•••
"Saan pala sila pumunta?" tanong ni Blue kay Grey nang malaman na umalis ang pamilya Quizo.
"Company trip daw. Mga three days lang naman sila at babalik daw agad. Gusto ko man sumama, pero we are illegal," anito.
Natawa ng kunti si Blue. "Illegal talaga?"
"Oo, kaya. Daig pa namin ang criminal. Ang hirap sa ganitong relasyon, we cannot do what we want. Everytime na magkasama kami, dapat aral na iyong kinikilos namin." Napangiti ito bigla. "Pero sa loob ng hotel, we are free."
Nagtinginan sina Blue at Green sabay sabing. "1, 2, 3. Ew!"
"Grabe kayo sa amin!" inis na sambit ni Grey.
Tumawa ang dalawa.
"Pero Abo, ikaw ang tinitira ni Kuya, noh?" tanong ni Blue.
Inilabas ni Grey ang kanyang dila at umiling. Para na itong isang aso na nauuhaw.
"Ito, Abo. Curious lang ako," ani Green.
"Sa ano?" tanong ni Grey.
"Saan ka mas nalilibugan? Sa lalaki o babae in terms of engaging s*x?"
"Iba pa rin sa babae syempree, iyon kasi ang tunay na butas," anito.
"So tinira mo sa puwet si Kuya Black?" mahinang tanong ni Blue.
"Sige na nga. Nagpapalitan kaming dalawa. Baliktaran. Basta masarap," giit nito.
"Pero, Abo. Dito ako mas curious. Hindi ba tayo noon, pinapasubo natin ang alaga natin during s*x kahit galing sa pekpek ng mga babae?" ani Green.
"Then?" takang tanong ni Grey.
"Sinusubo mo ba ang ano ni Kuya Black na galing sa puwet mo?" inunahan ni Blue si Green at tawang-tawa pa ito.
"Yuck! Si Abo?" pang-aasar ni Green.
"Hindi kaya. Motto namin; subo now, condom later. We are well-oriented about it," ani Grey.
"Well-oriented mo mukha mo!" anang Blue.
"Uuwi na ako, Blue. Baka hinanap na kasi ako ni Mom," ani Green. Nandito kasi sila kina Blue nakatambay ngayon, nag-iinuman.
"Bata lang?"
"Hindi naman sa bata. Kailangan ko na kasing magpakatino katulad mo. Soon, baka magiging ama na ako," anito.
"Ama? Wala ka ngang girlfriend," natatawang sabi ni Grey.
"Tingnan lang natin." Tumayo na ito. "Mauna na ako. Ikaw, Grey?"
"Dito lang muna ako. Wala pa rin naman doon si Mom," sagot nito.
"Okay. Mauna na ako. Pakisabi na lang kina Tita, Blue. Thanks."
Pag-alis ni Green ay nag-inuman na muli sina Grey at Blue. May seryosong usapan din sila tungkol sa mga plano nila sa buhay.
Matapos ang kuwentuhan ng dalawa, tumingala si Blue sa kalangitan. Napatulo naman ang luha niya nang maalala ang huling gabi na kasama niya si Red. Nandito silang dalawa sa garden noon at masayang tinitingnan ang kumikislap na mga bituin habang nagpapalitan ng pangako sa isa't isa.
•••
"Kat? Purple? Gising na," ani Ezmeralda.
Pagmulat ng mga mata ni Purple ay bigla itong napatakbo sa banyo. Nanlaki ang mga mata ni Ezmeralda nang marinig ang pagsusuka nito. Pinuntahan niya ito at hinimas ang likod.
"Ano ang nangyari sa iyo?" tanong ni Ezmeralda.
"Kumain ako ng tae sa panaginip ko." Sumuka naman ito muli. "Ew!"
Natawa si Ezmeralda. "Karma 'yan sa kamalditahan mo."
Tumayo na ito. "Grabe ka, Mom. Ang bait ko kaya. Hindi mo na appreciate iyon?"
"Biro lang, Nak. Pero alam mo, ikaw ang pinakamabait na maldita na nakilala ko."
"Maldita pa rin naman iyon, Mom. Tsk!" Sumuka na naman itong muli. "Gisingin mo na lang muna si Kat, Mom. Uubusin ko muna itong laman ng sikmura ko."
Paglabas ni Ezmeralda, dumiresto na siya sa higaan ni Katleya. Mahimbing pa rin kasi ito sa pagtulog. Gusto man niya na hayaan muna ito, pero hindi puwede dahil ngayon ang schedule ng first ultrasound niya.
"Kat? Gising na. May lakad pa tayo."
"Okay po," sagot ni Katleya habang nanatiling nakapikit ang mga mata.
"Kat. 10AM ang schedule niyo ni baby," pagpapa-alala ni Ezmeralda.
Iminulat ni Katleya ang kanyang mga mata. "Tama pala." Dahan-dahan na itong bumangon. "Good morning, Mom."
"Morning din sa inyo ni baby," sagot nito.
Napangiti si Katleya sabay haplos sa tiyan niya.
"Narinig mo iyon baby? That's your Lala."
"Lala? Parang sila Blue at Red lang?"
"Oo. Cute rin naman kasi," giit ni Katleya.
"Fine. Sige, maligo ka na. Maghihintay kami sa baba. Purple? Huwag kanang sumama, mukhang masama ang pakiramdam mo ngayon."
"Mom, gusto kong sumama. Gusto kong makita si baby sa tiyan ni Kat. Mom? Pakisabi naman kay Black na mag prepare ng mangga, oh!"
"Okay. Basta bilisan niyo riyan."
•••
Nakahiga na ngayon si Katleya sa malambot na higaan dito sa loob ng Ob-Gyne. May halong pangamba naman siyang nadarama dahil sa takot. Nabasa niya kasi sa isang article na may kunting sakit na mararamdaman kapag ipapasok na ang vaginal transducer sa loob ng p********e. Kaya ngayon pa lang, panay na ang dasal niya.
Nasa sulok sina Ezmeralda, Ezralla, Gold, at Purple na nagagalak na makita ang baby ni Katleya. Panay tingin naman si Purple sa kapatid niya na alam niyang nilalamon na ng takot. Kanina pa kasi ito hindi mapakali sa sasakyan.
"Go, Kat! Huwag kang matakot. Isipin mo lang na 'yang transducer ay ang espada ni Blue," ani Purple.
Napatingin sa kanya sina Ezmeralda at Ezralla. Habang si Gold ay hindi mapigilang mapatawa.
"Ate, baliw ka talaga!" sagot ni Katleya.
"Kapag pumasok na 'yan. Kumanta ka lang ng memories bring back memories... Ouch!" reklamo nito. Palihim kasi itong kinurot ni Ezmeralda. Ang Ina niya ang nahihiya sa doktor dahil sa ingay ng anak niya .
"Shall we start?" tanong ng doctor. Tumango si Katleya. "Open your legs," utos nito.
Sinubukan nang ipasok ng doctor ang vaginal transducer sa p********e ni Katleya. Dahan-dahan na itong idiniin ng doctor kaya mas lalong napangiwi ang mukha ng dalaga. Nakaramdam na kasi siya nang katamtamang sakit. Ginalaw-galaw na ito ng doctor hanggang sa nakita na ang loob. Nanlaki ang mga mata ng doctor nang makita ito.
"Wow! Ms. Quizo, look at the monitor," maawtoridad na sabi ng doctor.
Tumingin si Katleya.
"Saan po riyan?" takang tanong nito. Malabo kasi dahil madilim at isa pa, hindi niya alam kung saan ang bata roon.
Idiniin pa ng doctor ang transducer. "Iyong mga bukol sa tiyan mo. Iyan ang babies mo." Tinuro ito ng doctor.
Napatayo ang mga kasama ni Katleya nang marinig iyon.
Lumapit sila rito.
"Babies? Dalawa ba?" gulat na tanong ni Katleya.
"More than that. I will count the babies, one, two, and three."
"Wait, Doc. Baka nagkamali lang kayo. Bilangin niyo muli," ani Katleya. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Hindi naman makagalaw ang mga kasama ni Katleya habang nakatitig sa monitor.
"Triplets," sambit ni Ezmeralda.
"Grabe ka naman, Mom. Impossible iyon. Ay---Possible pala! Nasa genes pala iyon ni Blue," giit ni Purple.
"Actually, Mrs. Quizo is right. There are three babies inside Ms. Quizo's womb." Itinuro ito ng doctor. "One, two, and three! Triplets. Congratulations, Ms. Quizo and to you Mrs. Quizo."
"Triplets talaga? Hindi ba ako mahihirapan nito, doc?"
"Yes. May iba nga umabot ng 4-5 babies and they delivered well. You are lucky, Ms. Quizo."
Matapos ang halos dalawampung minutong pagtingin sa loob ng tiyan ni Katleya ay wala itong nakitang abnormalities sa kanyang matris, serbiks, palopyan tyub, obaryo, at pantog.
"Congrats again, Ms. Quizo. First week of January next year ang kabuwanan mo," anang doctor.
"Doc, kailan po kami babalik dito for the next ultrasound?" tanong ni Ezmeralda.
"2 months from now. Doon maaari na nating malaman ang mga gender ng bata at sana normal ito. We are praying for the best, Ms. Quizo. Don't stress yourself. Goodluck."
"Thank you, doc."
Paglabas nila Katleya mula sa Ob-Gyne kung saan siya tiningnan ay lutang ang kanyang isipan. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na tatlong bata ang nasa loob ng kanyang sinapupunan.
"Ano ang nangyari sa iyo, Kat?" tanong ni Black.
"Ang matinik na si Pierce Blue, minassacre pala ang kapatid natin," pagsali ni Purple sa usapan.
"Ano ang ibig mong sabihin, Ate!? Bugbugin ko talaga ang gagong iyon!" inis na sagot nito.
"Ang drama mo. Binigyan niya lang ng tatlong regalo si Kat papunta rito sa Samal," ani Purple.
"Hindi ko maintindihan," naguguluhan na wika ni Black.
"Pumili ka na nga ng sementeryo. Naiinis na ako sa katalinuhan mo."
"Triplets ang pinagbubuntis ko, Kuya," anang Katleya.
"W-what?!" sabay na sigaw ng mga lalaki.
"Oo. Tatlo sila rito." Paghawak ni Katleya sa tiyan niya. "Kinakabahan ako. Sana healthy sila. Sana makayanan ko."
"Kaya mo 'yan, Nak," positibong sabi ni Fernando. Niyakap niya ito. "Congrats, Nak. Palalakihin natin 'yan nang mabuti."
"Nak, umuwi ka na sa bahay. Hindi mo kaya 'yan," pag-aalala ni Ezmeralda.
"Hindi ko masasabing hindi ko kaya Mom, hanggga't hindi ko pa nagagawa. Kakayanin ko ito. Para sa mga anak ko."
"Ate Ezra? Matutulungan mo ba si Katleya? Hindi ba siya makakaabala sa iyo?"
"Oo, naman. Nasa bahay lang naman ako. Magagabayan ko si Katleya."
"Salamat naman kung ganoon. Tara na? Kain na muna tayo sa labas. It's time to celebrate," pag-aya ni Ezmeralda.
•••
"Naparami ang kain ko, Kuya," ani Silver.
Kakauwi lang nila galing sa isang sikat na restaurant sa Samal. At dahil sa sobrang sarap ng mga potahe nito ay naparami ang kain ni Silver. Hindi naman sana malakas itong kumain, pero dahil maraming kinain ang idol niya ay ginaya niya ito, kung ano ang kunin nito, iyon din ang sa kanya. Kaya ngayon, siya itong naghahabol sa kanyang hininga.
"Ang sarap ng alimango roon," ani Black.
"Sinabi mo pa, Kuya. Pero mas nasarapan ako roon sa inihaw na pusit. Ang baho na nga ng bunganga ko. Toothbrush na muna ako."
Pagpunta ni Silver sa banyo ay inilabas ni Black ang phone niya. Tinawagan niya si Grey sa pamamagitan ng video call. Dumapa siya sa kama habang kausap ito. Sa gitna ng pagkukuwentuhan nila ay nanlaki ang mga mata ni Grey sa nakita. Bukas kasi ang pintuan at dumaan si Katleya papunta sa kuwarto niya.
"Si Katleya ba iyon?" tanong ni Grey.
"Wala, ha. Ako lang ang nandito," pagsisinungaling nito. "Bebe girl?" pabulong niyang sabi. "Alam mo? Sobrang ganda rito. Pero mas maganda sana kung nandito ka. Kaya pag-uwi ko, magkita agad tayo, ha? Miss na kita."
"Miss mo lang ang ahem ko. Ew!" ani Grey.
"Mahal lang kita, pero hindi ka masarap," anang Black.
"Grabe siya. Hindi ka na makaisa sa akin."
"Joke lang, bebe girl. I love you."
"I love you too. Ano oras bukas?"
"Tanghali nandiyan na kami. Didiretso agad ako riyan. Gagapangin kita. Arf."
"Landi mo. Pero miss ko na iyong ano mo."
"Tiis-tiis, bebe girl. Pipigain kita ng walang banlaw. Arf."
"Ako? Lulunukin kita ng walang sawsawan."
"Potspa! Kinilig ako. I love you!"
"Hi, Silver!" pagbati ni Grey nang makita niyang nasa likuran ito ni Black.
"Hi, Kuya!" sagot nito. "Labas na muna ako. Paalam."
"Si Key 'yan?" pagsilip ni Katleya.
Hindi napansin ng dalawa na nasa likuran nila si Katleya. Mahina kasi itong naglalakad kaya walang yabag ng paa na maririnig. Pareho namang nakanga-nga sina Black at Grey. Kahit si Silver ay nagulat sa biglang pagsulpot ni Katleya.
"Kat?" mahinang sambit ni Grey.
Hindi makapagsalita si Katleya.
"Bebe girl. Let me explain. Bukas. Please, don't tell anyone about it, okay? Wala kang nakita. Wala kang nalaman. Maipapangako mo ba iyon?"
"Abo!" pagtawag ni Blue.
Nasa mansion ng Montenegro kasi natulog si Grey dahil naabutan sila ng madaling araw sa kaiinom kaya tanghali na silang nagising. Wala kasing training ngayon si Blue dahil may important meeting ang board members sa kanilang kumpanya.
Nang marinig ni Black ang boses ni Blue ay agad nitong pinatay ang phone niya. Dahil hindi puwedeng malaman ni Blue na nandito si Katleya sa Samal.
"Kuya? Sasabihin kaya iyon ni Grey?" pag-aalala ni Katleya.
"Sigurado akong hindi. My boy is trustworthy. Huwag ka ng mag-isip ng masama riyan. Ako na ang bahala bukas magsabi sa kanya ng lahat."
"Please, Kuya. Ayaw kong malaman ni Blue," pagmamakaawa ni Katleya.
"Okay. Huwag kanang mag-aalala. Magpahinga ka muna sa kuwarto mo."
Pag-alis ni Katleya sa kuwarto ni Silver ay napabuntong-hininga si Black. Dahil ang totoo, kahit mahal niya ang tao ay natakot pa rin siya na baka sabihin nito. Sinabi niya lang na trustworthy si Grey para hindi na mag-isip ng kung anu-ano ang kapatid niya.
~~~