Kabanata 1.3
Isang napakalakas na ulan ang bumuhos, kasabay nito ang isang kidlat at kulog na nakapapanindig balahibo. Pero walang pakialam doon si Blue na nasa harapan ng gate sa mansion ng Quizo. Kanina pa siya pindot nang pindot sa doorbell ngunit walang sino man ang gustong papasukin siya. Iyak lang siya nang iyak habang nakaluhod sa sahig. Bitbit niya ngayon ang konsensya sa nagawang kasalanan kay Katleya. Gusto niyang humingi ng isang kapatawaran. Aminado siyang mali ang ginawa niya kaya nagbabakasakali muli siya ngayong gabi na baka patawarin na siya ng pamilya ng babaeng sinaktan niya.
Nang bumukas ang gate, agad siyang napatayo. Bumungad sa kanyang harapan si Black, basang-basa na rin ito ng ulan.
"Ano ba ang gusto mo, Blue! Umalis ka na!" sigaw nito.
"Sorry po."
"Tapos na. Pinatay mo na si Katleya. Ano pa ang gusto mo? Alam mo ba na sa araw-araw na nakikita ko ang pagmumukha mo, nanggigigil ako. Gusto kong basagin 'yang bungo mo, pero hindi ko magawa." Sinuntok ni Black ang gate. "Ikaw itong gate! Gago ka!"
"Kuya. Sorry."
"Kahit sa pag-alis ni Katleya, ikaw pa rin ang iniisip niya! Binalaan pa niya kami na sa oras na dumapo iyong kamay namin sa balat mo, magpapakamatay siya!" Lumuhod muli si Blue at niyakap ang mga paa ni Black. "Idinikit niya ang kutsilyo sa kanyang dibdib para lang sa isang g*go na katulad mo! Alam mo, Blue? Kung hindi lang namatay si Red, hindi masasaktan ng ganoon si Katleya. Bakit iyong kapatid mo pa ang nawala?"
Nabitawan ni Blue ang mga paa ni Black nang marinig iyon. Napakasakit para sa kanya ang sinabi nito. Kasama niya si Black sa mga panahong nangungulila siya kay Red tapos ang dali lang nabitawan nito ang mga salitang iyon.
Pumasok na si Black sa loob ng kanilang bahay. Napahagulgol si Blue sabay hawak sa kanyang dibdib dahil sa sobrang hapdi. Tumingala siya sa kalangitan at hinayaan ang sarili na sampalin ng napakalakas na buhos ng ulan.
"Kat, nasaan ka na ba? Miss na kita. Sobra," anito.
•••
"Key, wake up," ani Katleya.
"Inaantok pa ako, Ka," sagot nito. Tinakpan niya ang kanyang sarili ng kumot. "Ano'ng oras na ba?"
"Quarter to 9. Kaya bumangon ka na riyan."
"Oo, na. Si Silver? Nasaan?" tanong nito.
"Nag-iihaw. Punta raw tayo sa resort nila mamaya at bukas na lang daw sila uuwi ng umaga. Sabay na lang daw kayong tatlo."
"Wow. Maganda 'yan." Tumayo na si Amber at kinuha ang toothbrush na dala niya sa bag. "Hintayin mo lang ako sa baba."
"Okay."
Umalis na si Katleya sa kuwarto ni Silver kung saan natutulog si Amber. Nang makita ni Gold si Katleya ay nagmadali itong tumakbo para alalayan ito.
"Grabe kayo. 3 weeks pa lang ito, pero kung tratuhin niyo ako, parang kabuwanan ko na," anang Katleya.
"Mahal ka lang talaga namin, Ate. Lalo na 'yang baby na nasa loob ng tiyan mo," sagot ni Gold.
"Thank you, Ate Yessa," tunog batang sagot ni Kat.
Napangiti si Gold. Natuwa lang siyang tawaging Ate. Siya kasi ang bunso kaya walang tumatawag sa kanya nang ganoon sa pamilya niya.
Pagbaba nila mula sa hagdan, dumiretso sila sa kinaroroonan ni Silver. May uling na ang ilang parte ng mukha nito kaya nagawa na itong asarin ni Katleya.
"Ate. Kahit may dumi itong mukha ko, cute pa rin naman, hindi ba?" tanong ni Silver.
"Cute? Ang panget mo kaya, Kuya." ani Gold.
"Flat!" sigaw ni Silver.
Dumating si Amber at napatawa nang malakas nang marinig iyong sinabi ni Silver kaya nilingon siya ng dalawang babae. Tinaasan ito ni Gold ng kilay, pero hindi pa rin iyon nakaapekto sa pagtawa nito. Napahawak pa ito sa tiyan habang nakapikit. Pero napatigil lang ito nang makatikim ng suntok sa tiyan na nagmula sa babaeng pinagtatawanan niya.
"Ouch," pag-inda nito sa sakit.
"Yessa," natatawang sambit ni Katleya
"Ang gaan talaga ng kamao nitong flat na ito," asik ni Silver habang abala sa pag-iihaw.
Tatawa na sana muli si Amber, pero nang tiningnan siya nang masama ni Gold ay tinikom niya ang kanyang bibig. Nasindak kasi siya nito kanina, takot na siyang maulit iyon.
•••
"We're here. Welcome to our resort!" ani Silver.
"Ang ganda naman dito. Woah! Can't wait to swim," galak na sabi ni Amber.
"Ignorance makes you more bullsh*t," mahinang sabi ni Gold.
Nilingon ito ni Amber. "Ikaw ba ang guro ni Socrates?"
Napataas kilay ito. "Hindi. Why?"
"Akala ko kasi, ikaw si..." Ngumiti ito. "FLATo (Plato)."
"Nice, Kuya!" tawang-tawang sabi ni Silver.
"Just so you know. Flat is the new hot," proud na sabi ni Gold.
"Self-support? Keep dreaming," sagot ni Amber sabay high-five kay Silver na tuwang-tuwa na makitang inaasar ang kapatid niya.
"Grrr! Halika ka na nga, Ate. Iwan na natin 'yang dalawa," ani Gold. Niyakap pa niya sa braso si Katleya habang naglalakad. "Ate? Mag bikini ka mamaya?"
"Oo. Susulitin ko na, next month baka lumubo na ito. Lalaki na si baby," sagot ni Katleya nang may kilig.
"Yes. Akala ko, ako lang. Mabuti na lang pati ikaw."
Nilagay muna nilang apat ang mga mahalagang bagay sa room nila bago pumunta sa kanilang cottage. Paglabas ng dalawang lalaki, nagbihis na ng bikini si Katleya at Gold. Kumuha pa sila ng litrato dalawa sa harapan ng salamin. Ngayon, nagsuot pa muna sila ng bathrobe bago lumabas. Habang naglalakad sila, panay kuha si Gold sa paligid gamit ang dala niyang DSLR camera. Napahinto siya nang biglang bumungad sa camera si Amber nang nakangiti.
Kinunan na niya ito. "Freaking done."
"Thank you," anito sabay pisil sa pisngi ni Gold. Tumakbo ito habang bitbit ang basket na may laman ng mga pagkain.
Pagdating nina Katleya at Gold sa cottage, abala si Amber at Silver sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa. Kinunan ito ng litrato ni Gold. Habang patuloy sa pagkuha, napatigil siya sandali nang nakapokus ang camera kay Amber. Nakangiti ang binata habang nag-uusap silang dalawa ni Silver kaya ang guwapo ng rehistro nito sa camera. Pagpindot ni Gold, siya namang pagtingin ni Amber sa kanya. Nakanga-nga ito at makikita mo ang malalim na biloy sa kanyang pisngi. Ang mga mata nito ay nangungusap.
"Perfect piece of sh*t," sambit ni Gold nang makita ang larawan.
Itinanggal na ni Katleya ang bathrobe na suot. Nanlaki ang mga mata ng dalawang lalaki nang makita ito. Bumungad kasi sa kanila ang ganda ng katawan ni Katleya. Mula sa malaking dibdib, maliit na bewang, matabang puwet, at mahabang mga biyas. Tinali ni Katleya ang buhok niya ng isang panyo kaya makikita mo ang malalim na balagat nito. Ang suot niya ngayon ay kulay dilaw na bra at salawal.
"Ate, halika. Kunan kita roon sa dagat," ani Gold.
Pumunta sila sa dalampasigan. At napakaganda ng buong paligid. Mula sa pinong puting buhangin, maliliit na hampas ng alon, at sobrang linis ng tubig. Makikita ko mo rin ang maliliit na isda dahil sa sobang linaw.
"Ate, simulan na natin."
"Okay," ani Katleya. Bumabad na ito sa dagat at dahan-dahan na pumunta sa malayo hanggang sa may balakang na ang lalim nito.
Sumunod si Gold. "Sideview, Ate. Wow! Ang ganda! Isa pa, Ate. Fierce look na naman. Ganyan! My God! Ang ganda niyo po talaga. Tumalikod ka na naman, Ate. Grabe! Perfect! Lingon dito, Ate. Ganyan! Ganyan. Wahhh! Ang galing niyo talaga."
"Tapos na?" tanong ni Katleya.
"Oo."
"Sige, ikaw na naman," ani Katleya.
Kinuha niya ang camera at isinabit ang sling nito sa leeg niya. Pinatanggal niya rin ang bathrobe na suot ni Gold at inilagay niya iyon sa balikat niya.
"Ganito, Ate?" tanong ni Gold habang nakatalikod.
"Humarap ka muna," ani Katleya.
"Wala siyang hinaharap," bungad ni Amber.
"Alis!" inis na sigaw ni Gold.
Tawang-tawa si Silver. Wala kasing sino man ang nang-aasar sa kapatid niya dahil sa awra nito. Pero itong si Amber ay nakahiligan ng asarin ito kahit wala pang isang araw silang magkakilala.
"Wow! Ang ganda!" pagpuri ni Amber.
"I know," mayabang na sagot ni Gold.
"Ang ganda ng wall."
"Grrrr!" gigil na sambit nito.
"Anyway, Silver may napansin ka?" tanong ni Amber.
"Ang ano, Kuya?" takang tanong nito.
"May dalawang anyo ng lupa sa dagat. It amazes me."
"Ha? Hindi ko gets, Kuya."
"Tingnan mo si Kat. Tapos sunod si Gold. May dalawang bundok at isang kapatagan," ani Amber sabay sisid. Pumunta ito sa kinatatayuan ni Gold. "Kami, Ka. Kunan mo."
Tawang-tawa si Silver.
"Ew! Stay away from me," nandidiring asik ni Gold.
"Ang arte nito," sagot ni Amber sabay akbay rito. "Bahala ka, gusto mo ako lang ang guwapo sa picture? Kaya ngumiti ka na."
Walang nagawa si Gold kaya ngumiti na lang ito nang sobrang lapad. Napangiti si Katleya habang kinunan ang dalawa. Hindi niya mapaliwanag ang kilig na nararamdaman.
"Bro, come here," pagtawag ni Amber kay Silver.
"Okay." Mabilis itong naglakad papunta sa tabi ni Gold. Ngumiti na rin ito. "Ate Kat, sige na."
"Excited nito. Sige, 1, 2, 3! Smile," ani Katleya.
Matapos magkuhaan ng litrato ay bumalik muna sila sa cottage at kumain. Dumating naman sina Ezralla at Monching na nagdala pa ng box ng pizza.
"Tita, Tito," sambit ni Katleya.
"Nag enjoy ka ba, Kat?" tanong ni Ezralla.
"Oo, naman po. Ang ganda po rito sa resort niyo."
"Thank you. Basta, 'wag masyadong magalaw, ha?" paalala nito.
"Yes, naman po," ani Katleya sabay hawak sa tiyan niya.
Hapon na kaya nagsi-uwian na ang lahat. Sobrang napagod sila sa kaliligo sa dagat, pero hindi mo mapagkaila ang saya ng nararamdaman ng bawat isa sa kanila. Pagdating nila sa bahay ay dumiretso na agad sila sa kanilang mga kuwarto.
Tumalon na si Silver sa kanyang kama. Sumunod din si Amber.
"Kuya?" sambit ni Silver.
"Oh."
"May inamin sa akin si Kuya Black, he's in a relationship with a guy. Ano po ang nararamdaman niyo nang malaman mo iyon?" biglang tanong ni Silver.
"Nagulat na natawa. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Pero alam mo? Mahal nila ang isa't isa."
"Kaya nga po. Nakikita ko. At first, nagulat talaga ako noon, kasi pareho silang lalaki. Sabi ni Kuya, biglaan lang daw. His world stop revolving when he's with Kuya Grey, giit niya."
"Ikaw? May girlfriend na?"
"Ayaw ko muna. Pinagbabawalan ako ni Mom. Gustuhin ko man, sumbungera naman itong si Gold. Buntot ko kasi iyong batang iyon. Wala pa kasing trust si Mommy sa akin. Baka raw maka-pregnant ako sa ganitong edad," natatawang pagkuwento nito. Tiningnan niya si Amber. "Bakit nga ba kayo naghiwalay ni Ate noon, Kuya?"
"Nahuli niya akong may kalaro sa condo ko. It was not my intention, obsessed kasi iyong girl sa akin, pinainom niya ako ng pampatigas kaya nang-iinit ako. May ipapayo ako sa iyo, huwag mong ibuhos lahat ng tiwala mo."
"Hindi ka na pala virgin," natatawang sabi nito.
"Oo. Pero iyon ang una't huling nagawa ko iyon."
"Maganda ba iyong babae, Kuya?"
"Oo. Wala namang panget, e. Lahat tayo may sariling ganda," anito.
"Edi ikaw na po ang mabait." Napahalakhak ito. "Pero sumuko ka na ba talaga, Kuya?"
"Iyong totoo?" Huminga ito nang malamim pagkatapos ngumiti. "Oo. Itong pag-aalala ko sa kanya ay bilang kaibigan na lang talaga. Sumuko na ako kasi wala na naman talagang pag-asa, walang butas sa puso niya para papasukin ako. Nakulong na roon si Blue."
"Ano bang klaseng lalaki 'yon si Kuya Blue?"
"He is quite good, abnormal minsan, at funny kasama. Mahal niya si Katleya, sobra. Pero bilang kaibigan lang. Kaya iyong Ate niyo, nahulog nang hindi man lang sinalo."
"Kawawa nga. Ang bait at ang ganda pa naman ni Ate. Sayang din, bagay pa naman sila."
"Pinagtagpo pero hindi itinadhana. Ang motto ng dalawa."
"Sakit noon."
"Sinabi mo pa. Oh, siya, iidlip na muna ako."
•••
"Mag-ingat ka rito, Ka. Babalik ako rito next month. Bibisitahin kita." Tiningnan ni Amber si Monching at Ezralla. "Tita, Tito, salamat po sa pagpapatuloy. Salamat din po sa pag-aalaga niyo kay Katleya. Babalik po ako, ah? Sana tanggapin niyo pa rin ako."
"Oo, naman. Welcome na welcome ka sa pamamahay namin, Amber," ani Ezralla.
"Tama ang Tita mo. Mag-ingat ka pauwi." Tiningnan ni Monching ang dalawang anak niya. "Mag-ingat kayo pabalik. Gold, bantayan mo 'yang Kuya mo."
Napakamot sa ulo si Silver. "Hays."
"I will, Dad. Bye sa inyo. Ate Kat, ingat kayong dalawa ni baby," Ani Gold.
"Oo. Bye sa inyong tatlo! Mag-ingat kayo sa biyahe, lalo na ikaw, Key. Thank you!" sagot ni Katleya.
Tanging pagngiti lang ang sagot ng binata. Ngayon ay pumasok na sila sa loob ng sasakyan. Matapos muling magpaalaman ay nagsimula nang tumakbo ang sasakayan ni Silver palayo sa kinatatayuan ng mga mahal niya sa buhay.
•••
Dalawang buwan ang lumipas. Sabado ngayon at nasa pool area si Silver at doon tumambay. Kausap niya ngayon sa video call ang idol niyang si Black. Nagpakalayo siya sa bahay nila para hindi marinig ni Black ang boses ni Katleya, natakot din siya na baka biglang dumaan ito habang nag-uusap sila.
"Kuya? Punta ako sa inyo kapag matapos na ang klase namin, ha?" hiling ni Silver.
"Kung papayag si Tita," sagot ni Black.
"Pilitin mo, please. Gusto kong makahinga kahit pansandalian lang. Alam mo naman kung gaano sila kahigpit pagdating sa akin," anito
"Magpakabait ka na kasi."
"Grabe siya. Ang bait ko kaya," giit nito.
"End of conversation."
"Luh. Ayaw maniwala. Tsk!"
"Ano pala ang gusto mong gawin dito?"
"Night hang out, girl hunting, ganoon lang."
"Iyan ang sagot kaya walang tiwala sa iyo si Tita." Napatigil si Black nang may nakita. "W-wait. Umusog ka sandali, Lay."
"Bakit? Ano ang meron?" takang tanong ni Silver.
"Basta." Umusog si Lay. "Iyang tuwalya sa likuran mo na nakasabit? Kanino 'yan?"
"Kay Ate Kat," anito sabay takip sa kanyang bibig.
"Lay! Kumain ka na," pagtawag ni Katleya at narinig iyon ni Black.
"K-kuya," nauutal na sabi ni Silver.
Lumapit si Katleya kay Silver at tiningnan kung sino ang kausap nito. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.
"K-kuya," naluluha niyang sambit.
~~~