Sim's POV Nagpaalam si Nick na lalabas lang saglit para mag-grocery at sinamantala ko ang pagkakataon para tawagan si Charlie, kailangan ko ng advice niya, dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa mga misyon namin ay mabilis kami nakakapag-isip ng solusyon o gagawin pero sa kalagayan ko ngayon ay hirap na hirap ko. Totoo nga ata 'yung kasabihan na nakakabobo ang pag-ibig. Nandito ako sa loob ng banyo ni Nick at pabalik-balik ng lakad at kausap ko na si Charlie ngayon at hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Bakit ko daw tinotoo 'yung sinabi niyang jowain ko si Nick. Me: Are you fùcking kidding me? Ngayon mo pa talaga sasabihin sa akin yan, eh nagpapanic na ko dito! Dalawang linggo na ko na nandito sa condo ni Nick at hanggang ngayon ay hindi pa ko nauwi, and tinotoo niya