Sim's POV Habang nanonood ako ng cooking show ay may naisip ako. May kasabihan na a way to a man's heart is through his stomach pero dahil nababaliw na ko ay kabaligtaran ang gagawin ko. Sa aming dalawa ay mas mahilig magluto si Nick, and naisip ko na since sobrang bait at understanding ng boyfriend ko ay nag-request ako sa kanya na simula ngayon ay ako na ang laging magluluto. "Talaga ipagluluto mo ko!" Ang malambing na sabi ni Nick habang nakakandong ako sa kanya ng upo. Nandito kami ngayon sa sala niya at katatapos ko lang sabihin sa kanya ang request ko. "Yes, gusto ko kasi mahasa ang skill ko sa pagluluto, and masyado ka ng pagod sa work, tapos halos lahat ng gawain dito sa bahay ay ikaw ang gumagawa, can you please trust me on this one!" Ang sabi ko pa and then nag-pout pa ko n