Sim's POV Lumabas na kami sa room ko, at paalis na sana kami ng bigla naman bumukas ang pintuan. Dumating ang roommate ko na si Dorothy. Shìt! Supposed to be ay hindi siya uuwi ng ilang days pero bakit nandito siya kaya nga ngayon ko dinala dito si Nick eh pero wala na 'kong magagawa, nakita na siya ni Nick na ngayon ay nasa tabi ko. "Oh, Ate Sim may kasama ka pala and mukhang paalis na kayo ah?" Ang tanong niya sa akin. "Oo eh, ah Dorothy si Nick nga pala boyfriend ko, and Nick this is Dorothy siya 'yung kasama ko dito!" Ang pagpapakilala ko sa dalawa. Halata naman sa pagmumukha ni Nick ang pagkalito dahil ngayon lang niya nakita si Dorothy, ang alam niya kasi ay si Charlie ang roommate ko. Nag-shake hands ang dalawa. "Ate Sim ikaw ah, lagi mo ko sinasabihan na sana all, eh meron