EP7. Getting To Know Each Other

1313 Words
Nick's POV Tinawagan ako ng pinsan ko at ibinalita na kasalukuyang nasa bar si Sim kaya nagmadali na ako puntahan siya. Sakto naman ng pagdating ko ay may lalaking nangungulit sa kanya, narinig ko pang pinapaalis ni Sim ang ang lalaki, at sinabi niya din na may boyfriend niya pero makulit ang lalaki at ayaw umalis. Nakita ko pa na tumayo na si Sim, mukhang sa inis niya sa lalaki ay siya na ang lilipat ng pwesto, kaya nagpasya na ko'ng lumapit para magpanggap na ako ang boyfriend na hinihintay niya. I even kissed her on the cheeks para mas mukhang kapani-paniwala kaya walang nagawa ang lalaking nangungulit sa kanya kung hindi ang umalis, agad naman ako'ng umupo sa pwesto ng umalis na lalaki. Umupo naman siya sa tabi ko pero medyo nagulat ako sa sinabi niya, parang tinatanong niya kung magkakilala kami, medyo ouch lang kahit pa joke 'yun dahil naka-ngisi siya ng sinabi niya 'yun. Sinagot ko naman siya, at sinabi ko na baka pwede mag-order muna ako ng drinks, hanggang sa narinig ko na nagpaalam na ang kasama niya, halata naman na dismayado si Sim ng iwan siya ng kasama niya at ngayon ay dalawa na lang kami dito sa bar counter. I'm just trying to have a nice conversation with her ng bigla siyang tumayo at niyaya na niya ko umalis sa bar, at ang pinaka-surprising sa ginawa niya ay siya pa ang nagbayad sa drinks na inorder ko. Akala ko talaga ay ide-deny niya na hindi niya ko kilala, 'yun pala ay nakikipagbiruan lang siya. Wala na ko'ng nagawa ng hilahin niya ang kamay ko hanggang sa makalabas na kami. "Wait, Sim!" Ang tawag ko sa pangalan niya, trying to get her attention. Napatigil naman siya sa paglakad, at binitawan niya ang kamay ko. "Maybe we can go over there and talk first." Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. Naisip ko lang kasi kung daldalhin ko na naman siya sa place ko ay baka maulit na naman ang nangyari. I have been fascinated with her since the first time I saw her, and I blew my chance to get to know her ng nakipag-one nightstand ako sa kanya. And ngayon na nagkaroon ako ulit ng chance na makasama siya, I want to get to know her in a proper way. "I thought gusto mo'ng pumunta tayo sa place mo?" Ang sabi niya. Hindi ko na siya sinagot pa sa tanong niya, I just grab her one hand, at tumawid kami sa kabilang side ng kalsada kung nasaan ang coffee shop. Hindi naman siya nag-protesta hanggang sa nakapasok na kami sa loob, at dumiretcho agad kami sa may counter. "Ano'ng gusto mo?" Ang tanong ko sa kanya. "Ikaw!" Ang sagot niya. Lumingon ako sa kanya, at nginitian siya. "Alam ko, kaya nga magkasama tayong dalawa ngayon dahil gusto mo ko!" Bahagya naman siya natawa sa sinabi ko, and tagumpay ako cause that's my intension to make her laugh. I want to see her smile. "Ang galing mo din eh no, naisingit mo pa talaga 'yung banat, bitawan mo na nga 'yung kamay ko, at pipili na ko ng pupuwestuhan natin, caffè americano na lang i-order mo sa'kin." Bumitaw siya mula sa pagkakahawak sa kamay ko, at umupo na nga sa isang bakanteng lamesa. I decided na same na lang kami ng order, and while waiting habang pineprepare ng barista ang coffee namin ay panay naman ang lingon ko sa kanya, I don't know para kasing sinasabi ng instinct ko na baka bigla magbago ang isip niya, at baka bigla siyang lumabas or whatever. Ayoko'ng sayangin ang pagkakataon na 'to. This is my chance to get to know her, and thank God, hindi naman siya umalis, hanggang sa hawak ko na ang tray na may lamang dalawang cup ng coffee na order namin. Inilapag ko ang tray, at umupo na ko sa may harapan niya ng bigla namin narinig ang malakas na buhos ng ulan mula sa labas. Pareho pa kaming napatingin sa labas, at kita nga namin ang malalaking patak ng ulan kahit pa gabi na, dahil kitang kita pa din mula dito sa loob gawa ng mga street light. Hindi ko alam pero parang pumapabor ang weather sa akin, dahil mas matagal ko siyang makakasama, wala naman siyang dalang payong, so I'm sure na hindi siya basta-basta na susugod sa ulan, kung maisipan niyang iwanan ako. "So, my name is Nicholas Trinidad short for Nick, twenty-eight years old, I am currently aiming to build my own business, and how about you?" Ngumisi naman siya sa mga sinabi ko, and honestly I don't know kung positive or negative ba 'yun. "So, this is your play, I mean kailangan ba talaga natin kilalanin ang isa't-isa, I mean we're just about to hook-up, it's a one time thing, hmm correction muntik na pala maging pangalawa kung hindi tayo nagpunta dito." Ang straight to the point niyang sabi. It's clear na nasa negative side siya, this woman doesn't know how to commit. This is harder than I thought, nagpakilala na ko sa kanya pero parang ayaw naman niyang magpakilala, ayaw niyang kilalanin namin ang isa't-isa. She is a player but I remember I make video games for a living, maybe if I play with her games or sakyan ko siya sa trip niya ay baka ma-convince ko siya na maging girlfriend ko. "It's okay if you're not comfortable to give me some information about yourself , and correction tuloy pa din tayo sa place ko mamaya patitilain lang natin ang ulan, and baka naman kahit name mo lang ay pwede ko'ng malaman, sige ka isipin ko talaga simcard talaga pangalan mo." Ang sabi ko sabay dampot ko sa cup ng coffee at inilapit ko sa labi ko para sumimsim. Ngumisi na naman siya sa mga sinabi ko, and I'm praying na sana sumama siya sa'kin ulit mamaya, and sabihin sana niya ang name niya. Tinitigan niya ko ng matagal, hindi ko alam kung gaano katagal 'yun pero nakipagtitigan din ako sa kanya hanggang siya na ang kusang umiwas. Dinampot niya ang cup ng coffee niya bago nagsalita. "Simone." That's it, 'yun lang ang sinabi niya, just one word, wala ba siyang apelyido, or much better to say na hindi pa siya ready i-share ang full information niya. Gusto ko pa sana magprotesta or umapela to get more information pero naalala ko, nakikipaglaro nga pala ako, maybe this is the start atleast nag-share siya kahit katiting lang. "Simone." Ang pag-ulit ko sa pangalan niya, kay sarap bigkasin. "Simone, Simone, Simone." Ang paulit-ulit ko'ng sabi sa pangalan niya. "Stop it!" Ang natatawang sabi niya, and then I stop baka sabihin niya eh weird ako. "Sorry, hindi ko lang mapigilan banggitin ng paulit-ulit, ang sarap kasing bigkasin." "Nambola ka pa, hindi naman kailangan!" Ang napapailing niyang sabi habang nakangiti. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ko, napaisip tuloy ako, maybe she's been hurt before kaya hindi siya basta basta naniniwala. "Totoo naman eh ang ganda kaya ng name mo, pati 'yung meaning maganda din, Simone it means to hear or listen." Parang na-amaze naman siya sa sinabi ko, dahil nagliwanag ang mukha niya at ngumiti siya, and that smile is genuine and I like that smile, hindi pineke, hindi sarcastic. "How did you know?" Ang tanong niya. Sa wakas nagkaroon din kami ng topic na mukhang interested siya. "Dahil may ginawa ako'ng app before na tungkol sa mga name and their meanings." Napatango-tango naman siya sa sinabi ko, at halata pa din sa mukha niya ang pagka-amazed. Actually kahit ako ay parang na-amazed din, sa dami ng names paano ko natandaan ang meaning ng name niya. Hanggang sa pareho kaming napatingin sa labas, dahil tumila na ang ulan. Ubos na din pareho ang iniinom naming kape. "Wanna get out of here?" Ang yaya ko sa kanya. Tumango naman siya at sinagot ako ng "Yes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD