Nick's POV
It's been two days since na may nangyari sa amin ni Sim and I'm so fùcking idìot dahil hindi ko lang naman nakuha ang cellphone number niya or kahit full name niya.
Mabilisan kasi ang nangyari sa amin, hindi rin ako makapaniwala na sa isang iglap ay natapos agad, it seems like na binigyan niya ko ng timeline at ang masaklap, limang minuto lang pero atleast may nangyari sa amin.
Ang akala ko nga ng una ay basta na lamang siya aalis, dahil narinig ko na sinabi niya sa kausap niya na papunta na siya and it's such a miracle na we are able to do the deed in a short period of time, in short nag-quickie lang kami.
Masyado naman ako'ng na-excite at umasa ng sinabi niya na next time ay makakapag-shower din kami ng sabay pero pano naman mangyayari 'yun kung hindi naman namin ibinigay ang contact number namin sa isa't-isa.
Hindi ko alam kung inuto lang ba niya ko ng sinabi niya 'yun or what?
Tinry ko pa siyang i-search online and again, I'm so fùcking idìot to do that, dahil hindi ko rin naman siya mahahanap due to lack of information.
Sim lang ang tanging alam ko na name niya and I'm sure na nickname lang niya 'yun.
Ang tanging pag-asa ko na lang ay sana bumalik siya sa bar, at sinabi ko sa pinsan ko'ng si Michael na i-message agad ako kapag nagpunta du'n ulit si Sim.
Malapit lang naman 'yung bar dito sa place ko at sure makakapunta agad ako.
.
.
.
.
.
.
.
Simone's POV
"Are you kidding me? Uuwi ka sa probinsya niyo? Pano ako? Anong gagawin ko sa loob ng three months?" Ang rant ko kay Charlie dahil nagpapaalam ito sa akin ngayon na uuwi daw siya sa lugar nila para sulitin ang tatlong buwan na bakasyon namin.
Nandito ulit kami ngayon sa paborito naming bar, nakaupo ulit sa bar counter at nag-iinom.
Hindi naman ako sinagot ni Charlie sa dami ng mga sinabi ko sa kanya.
"Kung sumama na lang kaya ako sa'yo?" Ang suggest ko pa.
Umiling-iling ito, at 'yung itsura pa niya ay parang sinasabi na kahit anong mangyari ay hindi niya ko isasama.
Kung makaasta siya akala mo ay weird ako, sa aming dalawa siya kaya ang weird.
Bigla naman may lumapit na lalaki sa tabi ko at nagsimulang kausapin ako kahit hindi ko naman siya kinakausap.
“I couldn’t help but notice that you look a lot like my next girlfriend.” Ang sabi ng lalaking ewan na bigla na lamang tumabi sa akin.
Bwakanang inang shet! Natawa ako du'n ah.
Buti na lang ay hindi pa ko nasimsim ng alak dahil kung hindi ay malamang naibuga ko na sa mukha ng lalaking 'to dahil napahalakhak lang naman ako sa sinabi niya, at ng lingunin ko si Charlie ay seryoso lang ang mukha niya na nakakunot ang noo sabay simsim ng alak.
Tang-ina naman 'to si Charlie, hindi ba siya natawa sa banat ng feelingero na lalaking 'to!
At ng lingunin ko naman ang lalaki ay natawa-tawa din ito kaya napatigil ako sa pagtawa dahil hindi na ko natutuwa.
Natawa lang ako dahil napaka-corny ng banat niya, at wala siyang karapatan makitawa sa akin.
Ano, feeling close lang?!
"I'm sorry, I don't wanna be rude pero pwedeng umalis kana diyan dahil padating na 'yung boyfriend ko."
Siyempre kunwari lang 'yun, wala naman talaga ako'ng boyfriend, hindi ko lang talaga siya type, at nakakabuwiset lang na bigla na lang siya umupo sa tabi ko.
"Wala pa naman siya ah, so I guess pwede ako mag-stay so we can talk."
Shìt! Ang kulet ah, saksakin ko kaya 'to ng tranquillizer sa leeg para hindi na makapag-joke pa.
"I'm sorry can you go now!" Ang muli ko'ng paki-usap sa kanya.
"No, I will stay!" Ang sabi ng lalaki na hindi mapakiusapan.
Okay, that's it! Ginalit mo ko ah!
Tumayo na ko at akmang kukunin ang tranquillizer sa bulsa ng jacket ko ng bigla lumapit si...
"Sorry baby, I'm late." At hinalikan pa ko nito sa pisngi.
Napailing-iling naman ang lalaking joker at umalis na.
Umupo naman siya sa inalisang upuan ng nanggugulong lalaki na supposed to be ay tulog na ngayon kung hindi siya dumating.
Ang balak ko sana ay yayain ito sa may dance floor at du'n ko ituturok ang tranquillizer, swerte lang ng lalaking mahangin at dumating si Nick.
"Sit down, mangangalay ka diyan sa pagtayo?" Ang wika pa niya.
Hindi ko naman mapigilan mapangiti dahil sa ginagawa niyang swabe move or whatever.
Bumalik naman ako ng upo sa inuupuan ko kanina so there's no need na yayain pa niya ko na umupo ulit, dahil dito naman talaga ako nakapwesto.
Kinuha ko ang baso, inilapit ko sa labi ko at sumimsim ng alak at pagkatapos ay ibinaba ko muli ang baso, nilingon ko siya at sinabing.
"Sorry, do I know you?"
I decided to play dumb with him, kunwari hindi ko siya kilala pero ang totoo, hindi ko nga siya makalimutan dahil feeling ko nga siya talaga ang naka-virgin sa akin sa laki ba naman ng alaga niya.
Hindi siya agad nakasagot sa tanong ko at tinitigan lang ako, I'm sure nag-iisip siya ng maisasagot.
"Can I order a drink first, bago ko sagutin ang tanong mo?" Ang paalam niya.
Tumango naman ako, sino ba naman ako para pigilan siya kung ano ang gustong gawin niya.
Narinig ko naman ang pagtikim ni Charlie sa tabi ko.
Ay shet! nandiyan pa pala siya, muntik ko ng malimutan.
"Alis na ko, mukhang may madidiligan na naman dito!" Ang walang preno niyang sabi at agad na umalis.
Tignan mo 'tong babae na 'to basta na lamang umalis at hindi na naman nag-iwan ng pambayad.
Hindi pa nga ako tapos mag-rant sa kanya eh, namumublema nga ako kung ano ang gagawin ko sa life ko eh.
Hindi naman kasi ako close sa pamilya ko para umuwi ng probinsya para dun mag-stay ng tatlong buwan tsaka ayoko din mag-stay sa probinsya, boring, walang mall, panigurado maiinip lang din ako.
Tuluyan ng nakaalis si Charlie at ngayon nga ay dalawa na lang kami ni Nick dito sa may bar counter.
And aaminin ko, may nararamdaman ako habang katabi ko siya, kanina ay parang wala ako sa mood, panay ang rant ko kay Charlie tapos may lalaking makulit and then dumating siya at parang nag-iba ang mood ko, and it was good one.
Na-iserved na ng bartender and order niyang alak, dinampot niya ang baso at sumimsim at pagkatapos ibinaba niya ang baso at tsaka nagsalita.
"I understand kung hindi mo ko matatandaan because the last time na magkasama tayo, five minutes lang ang alloted time na binigay mo sa akin." Ang he gave me the look.
'Yung tingin na parang bang sinasabi na I will give you pleasure.
Kinuha ko ang baso ng alak na iniinom ko at tinungga na ang lahat ng laman nu'n dahil parang nauhaw ako, pero alam ko'ng hindi naman inumin ang kailangan ko.
Hindi mapagkakaila na there's a sѐxual tension between us or dahil may nangyari na sa amin kaya ganito ang nararamdaman ko.
"If you want we can go to my place and- "
"Let's go." Ang agad na putol ko sa sasabihin niya, alam ko naman na yayain lang niya ko sa place niya, hindi na ko magpapakipot pa, tutal naman may nangyari na sa amin eh.
Tumayo na ko at naglabas ng pera mula sa wallet ko at inilapag ang bayad.
"Your drink is on me." Ang sabi ko pa, dahil medyo mayabang ako at madami ako'ng pera dahil although wala kaming work ng three months ay nag-advance naman ng bayad si DB.
Hindi na naman siya agad nakasalita, mukhang perstaym ata na may manlibreng babae sa kanya.
Hinawakan ko na ang kamay niya at naglakad na kami palabas sa bar.