Sim's POV
Nandito na kami ngayon sa place ni Nick, and nakaupo kami sa sofa niya at nag-uusap.
Nabibigla din ako sa sarili ko kung bakit napapayag niya ko'ng bumalik dito, kanina nung nasa coffee shop kami ay parang gusto ko na siyang iwan habang na sa may counter siya at hinihintay ang coffee na inorder niya, para may iba na kasi ako'ng nararamdaman ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at niyakag niya ko papunta du'n.
Kung iba-ibang lalaki lang siguro ang gumawa nu'n ay baka nasapak ko na which is nakakapataka na hindi ko ginawa at ang malala is I choose to stay hanggang sa umulan na sa labas ng coffee shop so pano pa ko makakaalis nu'n.
Lalo pang naging awkward ng nagpakilala siya sa akin.
This is not supposed to happen, I'm just a girl who wants to relax, and maybe gusto ko lang ma-feel na someone out there will like me kahit panandalian lang pero sa nangyayari parang nafi-feel ko na this guy likes me not the way I like him.
Kumbaga he's looking for a long-term relationship which hindi akma sa lifestyle na meron ako because of my job or pwedeng feeling ko lang 'yun, baka naman friendly lang talaga siya.
Since naulan naman sa labas ng coffee shop at hindi ako basta basta makakalabas, ay no choice ako kung hindi makipag-usap sa kanya at ngayon nga ay nandito na ko sa place niya, naisip ko kasi eh wala naman din ako'ng ibang gagawin so why not na sumama ulit ako sa kanya, and 'yun naman talaga unang plano.
At ang mas surprising sa nangyayari ngayon, hindi kami gumagawa ng kahit na anong mahalay, nag-uusap lang talaga kami.
Ito ba 'yung tinatawag na getting to know each other stage.
Actually siya lang naman ang panay ang kwento, at nakikinig lang naman ako and honestly hindi siya boring kausap hanggang sa napunta na ang usapan tungkol sa family niya na nasa U.S. daw ang parents at dalawang kapatid niya, siya daw ang nag-insist na bumalik dito, hindi daw niya gusto manirahan ng permanent doon, kung bakasyon lang daw ay pwede pa.
"Wait a minute Nick, don't you think na napapa-over share ka na sa akin ng information? Hindi ka ba natatakot na baka scammer ako or worst serial killer ako?" Ang joke ko kay Nick, dahil ang tingin ko talaga ay nilalatag na niya ang tungkol ng lahat sa buhay niya.
Kanina ang ikinukwento niya sa akin ay yung work niya at ang paghahanap nila ng investor to fund their start-up tapos naman ngayon ay tungkol sa family na niya, samantalang ako ay first name pa lang ang naipapaalam ko sa kanya.
Inilapag niya ang bote ng beer sa may table na nandito sa may sala, at tumabi siya ng upo ng mas closer sa akin at inakbayan ako, hindi naman ako nagprotesta sa ginawa niya bagkus nilingon ko pa siya at medyo inasar ko pa.
"So, ano hindi ka ba natatakot na baka masamang tao ako, hinihintay ko lang na makatulog ka tapos nanakawin ang lahat ng pwede ko'ng makuha, and then aalis na at hindi na tayo magkikita!"
"Sobra ka naman sa hindi na tayo magkikita." Ang sagot niya sa akin at hinimas-himas ang braso ko gamit ang kamay niyang naka-akbay sa akin.
Sa dami ng sinabi ko ay tila 'yung hindi na kami magkikita lang ang natandaan niya.
"Hindi mo ba narinig lahat ng sinabi ko baka masamang tao ako or wha-"
Hindi ko na natuloy ang anumang sasabihin ko dahil nailapat na niya ang labi niya sa labi ko at sinimulan na niya ko'ng halikan.
The kiss was so soft and gentle, malayong malayo sa halikan namin nung first na dinala niya ko dito na may pagka aggressive.
Nakita ko na nakapikit na ang kanyang mata, at ginaya ko naman para mas lalo ko'ng madama ang sarap ng halik niya.
And then suddenly he deepened the kiss, at ipinapasok na niya ang dila niya sa loob ng bibig ko.
Shìt! Ang sarap at ang galing niyang humalik.
Nararamdaman ko ang pagkabasa ko sa pagitan ng mga hita ko, and then he suddenly stop kaya napamulat ako bigla ng aking mga mata.
Pinunasan ko naman ang aking bibig gamit ang likod ng aking palad, at gano'n din naman ang ginawa niya.
Shìt! Nabitin ako dun ah, at medyo nagiging awkward na ang katahimikan sa pagitan namin.
Nag-kiss lang kami tapos biglang nagkahiyaan na kami mag-usap, kaya I decided na ipagpatuloy 'yung pinag-uusapan namin kanina.
"So, balik tayo sa sinasabi ko sa'yo kanina, hindi ka ba natatakot, pano kung magnanakaw ako?"
"Talaga naman magnanakaw ka eh!" Ang agad na sagot niya.
Although trip trip lang 'yun sinasabi ko sa kanya ay parang medyo na-hurt ako sa pagkakasabi niya ah or pwedeng sinasakyan lang din niya 'yung kabaliwan ko, kaya ang ginawa ko ay pinalo ko na lamang siya sa braso.
"Grabe ka sa akin Nick ah, for your information wala pa ko'ng kinukuha, hintayin muna kita makatulog tapos tsaka ako maghahanap ng mga items na pwede ko'ng ibenta." Ang sagot ko naman sa kanya.
"Ano'ng wala ka pang nakukuha, meron na kaya?"
Napaisip naman ako sa sinasabi nito ni Nick, wala naman ako'ng natatandaan na may kinuha ako dito sa pamamahay niya.
"Ano'ng kinuha? Wala ako'ng kinukuha ah?" Ang sagot ko sa kanya.
"Meron, meron ka ng nakuha!"
Okay, nung una ay nakikipagbiruan pa ko pero ngayon ay hindi na ko natutuwa.
Ayos naman ang kwentuhan namin, ang sarap pa ng halikan namin tapos bigla na lang siyang mambibintang na may kinuha na daw ko'ng gamit dito eh kung saksakin ko kaya siya ng tranquillizer sa leeg niya para makatulog na siya, at uuwi na ko or kaya bago ako umuwi ay tototohanin ko na 'yung ibinibintang niya.
Sige isang tanong na lang, kapag hindi niya inayos ang sagot ay gagawin ko talaga kung ano ang naisip ko.
Mula sa pagkakaupo ay tumayo na ko, at humarap ako sa kanya.
"Umayos ka Nick ah, wala ako'ng ninakaw sa'yo, sige sabihin mo nga kung ano!" Ang paghahamon ko sa kanya dahil sure ako na wala naman talaga.
Tumayo naman siya, at ngayon nga ay magkaharap na kami, kinuha niya ang isang palad ko at itinapat niya sa dibdib niya.
Napakunot naman ako ng aking noo, at hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yun, ngumiti siya sa akin bago nagsalita.
"Ito oh, ninakaw mo ang puso ko."