Chapter 4: Lunch

2781 Words
"So, the standards I am looking for my soon-to-be-secretary are..." Humilig siya sa backrest ng upuan at nakangisi akong tiningnan. Mas lalo akong hindi nagiging komportable sa kanya. Kay Mr. Cervantes, kahit na pormal ay nagiging casual dahil palagi siyang nakatawa at nakangiti. Para bang tumutulong siya para mawala ang kaba at tensyon ng mga empleyado niya. Pero itong anak niya, nakangiti nga, may iba naman sa ngiting iyon. Ngisi na pakiramdam mo ay wala siyang mabuting gagawin. It's always about intuition. You know nothing's good to that kind of smile around men. Hindi ako basta-bastang naging judgmental dahil tama naman ako nang naging hinala nang nagpatuloy siya. Binuklat ko ang folder na dala para roon isulat ang anumang sasabihin niya. "Matangkad." Sinulat ko iyon nang wala sa sarili. Matangkad. "Maganda at sexy." Maganda at sexy. "Fair skin, a porcelain one at iyong makinis." Nagsalubong ang kilay ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangisi siya habang pinaglalaruan ng daliri ang mga labi. What is he talking about? Secretary ang hinahanap, 'di ba? At hindi model! Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya. This Cervantes is crazy. "I want those good looking ladies. Of course, sila ang halos araw-araw kong makikita. I don't want to work with a disgusting face of bitches." Nagkibit balikat s'ya at halos malaglag na ang panga ko sa mga sinasabi n'ya. A disgusting face of bitches? Damn, Austin Cervantes! I can't believe you're existing! "Mawawalan ako ng gana sa trabaho kapag ganoon," dagdag pa n'ya. "And one more thing, I want single young lady." Tuluyan ng nalaglag ang panga ko. This is ridiculous! Seriously? May anak pala si Mr. Cervantes na ganito? "I don't think that matters when it comes to working, Mr--" "And I don't think I asked for your opinion, Miss Albania," seryosong sinabi n'ya. Uminit ang pisngi ko. Yumuko ako sa kahihiyan. "I'm sorry Mr--Sir Austin." "You know what? Apparently, you're qualified to be my secretary." Nag angat ako ng tingin sa kanya. Ngayon ay nakangisi na naman s'yang pinagmamasdan ako. "But you're not tall enough. Petite but not  my type." Tumango-tango pa siya sa sarili bilang kompirmasyon sa sarili niyang opinyon at panlalait. Mariin kong tinikom ang bibig ko. This Cervantes is f*****g crazy! Iniinsulto n'ya ako pagkatapos n'ya akong halikan ng dalawang beses? Just... how dare he! "And I don't think you're still single and..." Nagsalubong ang kilay ko ng tinitigan n'ya na naman ako mula ulo hanggang paa. Hindi ba s'ya nananawa o talagang natutuwa s'yang laitin ako? "And virgin..." pinal n'yang sinabi. And virgin. Oh. My. Hell. Namilog ang mga mata ko. "What the hell, Austin!" Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko. Siraulo ba s'ya? Hinagis ko sa table n'ya ang folder na hawak ko at alam kong pulang-pula na ang mukha ko sa galit. Humalakhak s'ya at mas lalo lamang akong nainis. Anong problema ng lalaking ito? "I like it when you're fuming mad, cursing and calling me by name." "Look, Mr. Cervantes--" "Austin, Miss Albania," he warned. Umirap ako at kaunti na lang talaga, makakalimutan ko ng s'ya ang bagong CEO. "Mr. Cervantes...," huminga ako nang malalim bago nagpatuloy, "I don't like your manners. I guess you don't really deserve to be the CEO of this--" "You're not my father neither in the right position to say that to me," mariing sinabi n'ya at seryoso na. "And I don't like your manners as well." Nagtaas s'ya ng isang kilay sa huling sinabi. Paano n'ya nagagawang ngumisi at magsalita na parang wala lang ang mga sinasabi n'ya, kung halos sumabog na ako rito sa galit? Just how Mr. Cervantes? "You choose to forget our kiss that night because of your bitchy game... that's for money," panimula n'ya. So it's all still about that damn kiss? At paano n'ya nalaman ang tungkol sa bitchy game naming apat? "And you slapped me after I kissed you yesterday because there's no game and deal, right Miss Albania?" Nagtaas s'ya ng isang kilay. Nakangisi pa rin pero seryoso na ang mga mata. Laglag ang panga ko sa sinabi n'ya pero agad ko ring tinikom. Paano. N'ya. Nalaman. Ang. Tungkol. Sa. Bagay. Na. Iyon? "Come here. Kiss me, and I'll pay you." I noticed him clenched his jaw. Inilahad pa n'ya ang braso n'ya sa akin kahit halata ang pagkainis sa mukha n'ya. Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Sumosobra na s'ya! "This is too much, Sir Austin!" Huminga ako nang malalim para sana pigilan ang sarili ko pero hindi ko rin magawa. "f**k you!" sigaw ko bago nagmartsa palabas ng office n'ya. Humalakhak pa s'ya pero alam kong pilit na lang iyon. Pansin ko ang pagkairita sa paraan ng pagtawa n'ya. Ang kapal ng mukha n'yang sabihin sa'kin ang mga bagay na iyon! "Phoebe," tawag ni Claire na hindi ko na pinansin. Diretso ako sa elevator. Mabuting wag ko na s'yang pansinin. Sobrang pula ng mukha ko dahil sa galit. Lahat ng sinabi sa'kin ng Austin na iyon ay paulit-ulit sa utak ko. Paano nga ba n'ya nalaman ang tungkol sa bitchy game na iyon sa bar? At sinasabi n'yang hindi. Na. Ako. Virgin? The f*****g hell is wrong with him? Iniisip ba n'yang dahil lang sa nangyari sa bar ay ganoon na ako? No, Mr. Cervantes. Bumaba ako sa lobby para sana makapunta sa cafeteria pero sinalubong ako ng isa sa mga empleyado rito. "Miss Albania, hinahanap na po kayo ng ilang HR para sa interview." Huminga ako nang malalim. Should I still have to do this? Oo, dahil si Mr. Cervantes ang may utos nito. But I don't think I'll obey Austin's. Damn standards of him. "O, sige. Susunod ako." Pumunta muna ako sa cr para tingnan ang sarili ko. Kaylangan kong ikalma ang sarili ko. Ipinilig ko ang ulo ko para lang wag ng maalala ang mga sinabi ni Austin. Pero katulad ng halik n'ya, hindi rin iyon mawala sa isip ko! "Good morning, Miss Albania," bati sa akin ng iilang nasa room kung saan gagawin ang interview. "Good morning, Mrs. Sebastian," bati ko sa isa sa head ng Human Resources. Sinimulan ang interview. Nakikinig at nanonood lamang ako. Tama ang hinala ko na ang mga magagandang babaeng nakapila sa labas ang mga mag aaply. Paminsan-minsan ay nagtatanong ako, para malaman kung single pa sila. Pero sa magandang tanong naman at hindi mahahalata. Hindi ko pa maiwasang mapairap kung minsan sa tuwing naalala ko ang sinabi ni Austin. Karamihan sa mga applicants ngayon ay tumpak sa mga gusto n'ya. Matangkad, maganda, maputi at makinis. Single ang iba. Tumunog ang telepono para sa isang tawag. Si Mrs. Sebastian ang sumagot noon. "Mr. Cervantes," sabi n'ya sa kabilang linya. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko alam kung sino iyon sa mag ama. Pero dahil si Cervantes lang naman ang nandito sa building, malamang s'ya nga. Ano naman kayang kailangan ng isang iyon? "Yes po, sir. Okay po." Binaba n'ya ang telepono at tumingin sa akin. "Ang sabi ng bagong CEO, isama mo raw sa standard ng mga applicants ang huling sinabi n'ya sa'yo." Tumango ako ng wala sa sarili. Nagsimula na akong magsulat ng mga pangalan ng applicants na pasok sa standards n'ya. Anong silbi ng mga knowledge and skills ng applicants kung iyon ang kaylangan n'ya? Marahas kong nabitawan ang ballpen na hawak ng mag sink sa'kin ang sinabi ni Mrs. Sebastian at huling sinabi ni Austin. And virgin That f*****g Austin Cervantes! Ang kapal kapal talaga ng mukha niya! At paano ko malalaman kung birhen pa ang mga applicants? Bakit hindi s'ya magpamedical? Natapos ang interview na hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Gusto ko sanang sabihin kay Mrs. Sebastian na hindi na kaylangan ng pangalawang interview dahil may napili na ako. Ayaw ko namang magtaka s'ya. Kung sasabihin ko ang tungkol sa standards ni Austin, ano na lang ang iisipin n'ya? Hindi ko na dapat pinagtatakpan ang kabaliwan ni Austin pero hindi ko lang talaga alam kung paano iyon sasabihin kay Mrs. Sebastian. Umakyat ako sa department namin. Naabutan ko si Liam at Bea na nag aayos ng gamit sa workstation nila. "Oh? Kumusta ang interview?" "Ayos lang," tipid na sagot ko at umupo sa cubicle ko. "Lunch na. Tara!" pag-aaya naman ni Liam. Tumango ako at tumayo na para sumabay sa kanila. Panay ang tanong nila kung ano ang lagay ng naging interview. Tinatanong din nila kung bakit pa naghanap ng bagong secretary ang bagong CEO. Wala akong masagot dahil wala naman akong maisasagot. Ano namang malay ko sa mga iniisip ng Cervantes na iyon? Kinabukasan ay hindi ko na naabutan si Joie sa apartment. Sinundo raw ni Tim kaya hindi ko na naitangong kung bakit n'ya sinabi kay Austin ang tungkol sa bitchy game namin. "Well, for sure hindi mismo si Joie ang nagsabi sa boss mo. Most probably, it's Tim," sabi ni Nicole habang naghahanda na kaming lahat para sa mga trabaho namin. "At sinabi ni Tim kay Austin. Ganun din iyon. S'ya rin ang nagsabi. Bakit nga ba kase kailangan pa n'yang sabihin?" inis na tanong ko sa dalawa na parehas lang nagkibit ng balikat. Si Joie lang ang makakasagot at alam n'ya ang kasalanang ginawa n'ya. Kaya maaga s'yang umalis. "Friday night later?" huling sinabi ni Nicole. Umirap ako sa kawalan. Kagabi lang ay naabutan ko silang tatlo na umiinom dito. Masyado akong preoccupied na hindi ko kaagd nakausap si Joie. Uminom din ako pero hindi naman sobra. "Nice name anyways. Austin," habol pa ni Ashley. No comment. Sa office naman ay ako pa rin ang naging abala sa interview. Kahit sa totoo lang ay pwedeng paikutin ko na lang sa harap ko ang mga applicants para wala ng kahirap-hirap. Tutal naman ay physical appearance ang kailangan ni Austin at hindi skills. Palabas na kaming tatlo ni Liam at Bea sa department ng makita namin si Claire. Mabilis s'yang naglalakad papunta sa direksyon namin. "Phoebe, tapos na ang interview?" Tumango ako sa kanya, salubong ang mga kilay ko. What's in a hurry? "Pinapunta ka na ni Sir Austin sa office n'ya." Bago pa ako nagsalita ay inakbayan ako ni Liam. "Una na kami. Text ka na lang kung makakasabay ka pa sa'min." Tumango ako sa kanila ni Bea. Hinarap ko si Claire. "O, sige." "Sabay na akong maglunch sa inyo," sabi ni Claire sa dalawa. Pinanood ko silang sumakay sa elevator. Sa kabila naman ako sumakay papunta sa office ni Mr. Cervantes. Pinaglalaruan ko ang daliri ko habang iniisip kung ano ang kaylangan n'ya. Malamang about the interview. Pero pwede namang after lunch na. Nagugutom na kaya ako. Nang tumuntong ako sa tamang palapag ay naramdaman ko ang pamilyar na katahimikan. Ang heels na suot ko ang tanging ingay. Sana lang ay hindi ko maranasang pumunta rito ng mag isa sa gabi. Dalawang beses akong kumatok bago pumasok sa loob. Abala s'ya sa harapan ng kanyang laptop. Lumapit ako sa kanya at ng nagtama ang mga mata namin ay agad s'yang tumayo. "Have a sit." Iminuwestra n'ya ang coffee table na nasa gitna. May mga pagkain doon na panglunch at ang ipinagtaka ko para iyon sa dalawang tao. "Pinatawag mo raw ako," pagbabalewala ko sa sinabi n'ya. Tingin ko'y sa maling upuan n'ya ako pinapaupo. Nagtaas s'ya ng kilay at ngumisi. "That's why I want you to sit down first." Umupo s'ya sa tapat na upuan bago ulit nag angat ng tingin. "Are you... You asked me to come in here to eat lunch with you?" takang tanong ko. Is this his way of apologizing for what he said yesterday? Magsabi lang s'ya ng sorry, ayos na. "If that's how you looked at it in your own perspective." Hindi pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya muli s'yang nag angat ng tingin, seryoso na. "Look, Miss Albania, I have many important things to do. I want to talk to you about the interview. Pwede tayong mag usap while eating lunch. Mas makakatipid sa oras." Kaswal siyang nagkbit balikat. Sabi ko nga, imposibleng mag apologize s'ya dahil sa sinabi n'ya kahapon. Alam kong may mali rin ako. Kung magsosorry s'ya ay ganun din ang gagawin ko. He's still my boss. Tumango ako at dahan-dahang umupo sa tapat n'ya. Tumikhim s'ya at ngumisi. Umirap ako sa kawalan dahil sa ugali n'ya. Kung hindi s'ya anak ng may ari ng kompanyang ito, imposibleng maging CEO s'ya dahil sa ugali n'yang iyan. Kinuha ko ang orange juice at uminom. No thanks for this lunch. "You cussed me f**k you yesterday... Did you mean it?" Nasamid ako sa sinabi n'ya. Mabuti na lamang ay hindi ako nagkalat. Pero nagsalubong ang kilay ko sa huli n'yang sinabi. Anong ibig n'yang sabihin? "You told me to worst things yesterday too and that I'm not a..." patuloy ako sa pagsasalita nang hindi s'ya tinitingnan pero hindi ko rin tinapos ang sasabihin ko. Umiinit ang dugo ko sa tuwing naalala ko iyon! "A virgin," he added to my last words. "Excuse me, Mr. Cervantes?" halos pasigaw na tanong ko nang pabagsak kong nilagay sa lamesa ang basong hawak ko. Tumikhim s'ya. Nagtaas ng kilay ng kinuha ang mga kubyertos. "How about the interview." Change the topic. Huminga ako ng malalim. Kaunti na lang talaga, makakalimutan ko ng s'ya ang CEO rito. Well, halos ginagawa ko na iyon. Nakakalimutan ko na. "Fine. Barbie Isabella." Nag angat s'ya ng tingin sa akin. Nag iwas ako at nakialam na sa pagkain. "She's going to be your new secretary." "Really." Alam kong nakangisi s'ya pero hindi ko na titingnan. Bibilisan ko na lang ang pagkain. Sandali lang naman ang usapang ito. Sinilip ko ang pagkain n'yang hindi pa n'ya ginagalaw. Ang dalawang kamay n'ya ay hawak ang mga kubyertos. Nang mag angat ako ng tingin ay nakangisi s'yang pinapanood ako. Nag taas ako ng isang kilay dahil patuloy pa rin s'yang nakatitig. What Cervantes? Nangingiti s'yang umiling at tumikhim bago nagsalita. "Describe her for me." Sobrang pigil ang ginawa ko, wag lang umirap sa harap ng pagkain. "I'll give you the folder about her background profile after this." sagot ko saka sumubo ng pagkain. Kung si Mr. Cervantes ang kaharap ko, malamang kanina pa ako hindi makagalaw ng maayos. Hihintayin ko pang tumawa s'ya para maging maayos ang atmosphere sa pagitan namin. Pero itong anak n'ya, halos makalimutan ko ng s'ya ang CEO. Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe galing kay Liam. "Excuse me," sabi ko at kahit hindi ko na hinintay ang sagot n'ya. Liam: Sasabay ka pa ba sa'min maglunch? :( Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti dahil sa sad face n'ya. Ang arte. Parang si Nicole pag nag iinarte. Nagtaas na lamang ako ng isang kilay bago nagreply. Ako: No. Sorry, I'm already eating with Mr. Cervantes. "Describe her," ulit ni Austin, nagsisimula na ring kumain. Nilapag ko ang cellphone sa mesa. "As what you want." palihim akong umirap ng maalala ko ang babaeng iyon. Masyadong maarte pero dahil iyong tipo n'ya ang gusto nitong lalaking nasa harapan ko. Well, then. "Beautiful, sexy, tall, porcelain skin and single I guess," sabi ko nang hindi s'ya tinitingnan. Hindi ko na alam kung paano malalaman kung single ba o may boyfriend. Paano pala kase kung nagsisinungaling sila dun sa form nila? Mas lalong mahirap malaman kung virgin or not. I don't want to judge them by their looks. "How about her rack and ass?" wala sa sariling tanong n'yang ikinagulat ko. Pilit kong nilunok ang pagkain sa bibig ko at uminom. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nagkibit balikat s'ya at parang wala lang ang sinabi n'ya. Damn this p*****t Cervantes! "You see for yourself," simpleng sagot ko. Kaunti na lang tapos na akong kumain. Tumunog ulit ang cellphone ko. Liam: Mr. Cervantes? Sa office n'ya. Umiling ako. Well Liam, ako rin hindi makapaniwala. Tumikhim si Mr. Austin. Nag angat ako ng tingin sa salubong n'yang kilay. Nagtaas s'ya ng kilay at sumulyap sa cellphone ko. Ako: Yup. And stop texting me now before he turns out into a monster. "Will you throw your phone away," seryosong sinabi n'ya. Agad kong tinago ang cellphone ko. "Sorry." See? Nakakalimutan kong s'ya ang CEO. Kung hindi pa s'ya magseseryoso ay iisipin mo talagang nakikipagflirt lang s'ya. Tss. "Hmm. How about the last... of my standards?" Kahit hindi n'ya banggitin ang salitang iyon paulit-ulit kong naririnig sa utak ko. Virgin Virgin Virgin Tuluyan na akong umirap sa kanya. "I suggest you go visit for a medical check with her," sarcastic na sagot ko. "Good idea. So when will she starts?" I don't know if that was sarcastic too. But I guess, not. "Monday," sagot ko. Padabog akong uminom at pinunasan ko ang bibig ko ng panyo. "I'm done."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD