"Mauna na ako guys!" paalam ko sa dalawa nang makatayo ako mula sa aking cubicle. "Oh? Sige," si Bea na naghahanda na rin sa pag-alis. "Ingat ka, ha?" Kumindat sa akin si Liam. Mahina akong natawa nang kumaway sa kanya bago lumabas ng pinto. Gusto ko na maagang umuwi para maabutan pa si Joie at masermunan dahil sa ginawa n'ya. Mag-na-night out sila ngayong gabi. Hindi ako sasama dahil may gagawin pa bukas. Ako ang toka ngayon sa bahay hanggang Linggo. Nagpalit kami ni Ashley dahil masama ang pakiramdam n'ya noong Lunes. May urgent meeting ngayon si Sir Austin sa office niya kaya hindi ko nadala ang mga folder ng ilang applicants. Sa Monday na lang iypn. Hindi ko nga alam kung bakit pa n'ya kailangan kung may nakuha ng sekretarya. Ang sabi ay titingnan pa raw kung pasado sa kanya. Iil