Chapter 3: My Thing

2258 Words
"ANO!?" sabay na sigaw ni Nicole at Ashley. Kinuwento ko na kase sa kanila ang nangyari kanina sa office. Nauna akong umuwi kanina para lang matakasan ang lalaking iyon. Dahil s'ya ang bagong CEO, naging busy kaagad s'ya. "Paano nangyari?" tanong ni Ashley na katabi kong nakaupo sa sofa. Bahagya kong hinampas ang throw pillow na nasa lap ko dahil sa frustration. "Hindi ko alam." nasabi ko na sa kanila ang nangyari, bukod lang sa another kiss sa office ni Mr. Cervantes. At ayaw ko ng ulit ulitin pa sa kanila. "You mean, hinanap ka n'ya at nung malaman n'yang dun ka nagtatrabaho sa company nila, pumayag na s'yang maging CEO?" tanong naman ni Nicole na kumakain ng kung ano sa lamesa. "Oo." simpleng sagot ko, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. "Pero teka, si Joie ba nasan na?" Kinuha ni Ashley ang cellphone n'yang nasa coffee table at nagsimulang idial ang number ni Joie. sabi ko. Ngayon lang naman nangyari ang ganito na anong oras na hindi pa s'ya umuuwi. Hindi rin s'ya tumatawag kaya hindi pa kami natutulog. "Hello Joie!" sabi ni Ashley habang nasa tainga ang cellphone. Tumayo pa s'ya mula sa pagkakaupo. "Nasa'n--" "Hi guys!" biglang pasok ni Joie mula sa front door. Tumayo si Nicole para makita s'ya, si Ashley naman ay lumapit sa kanya. Samantalang ako, salubong ang kilay. Ang saya-saya n'ya. At kung tingin ko nga, wala s'yang ideya na kanina pa namin s'ya hinihintay dito. "Saan ka galing?" tanong ko habang nilalapag n'ya sa dining table ang kahon ng pizza. "Hinatid ako ni Tim!" May patalon talon pang nalalaman. Hindi na kailangang sagutin ang tanong ko kung saan s'ya galing. Iyong Tim sa bar? Magkasama sila? "Sino?" tanong ni Ashley, ewan ko kung hindi narinig o hindi lang talaga makapaniwala. "Tim? You mean, iyong guy sa Cavana's? Iyong sumayaw sa'yo?" si Nicole. "Oo!" Abot tenga ang ngiti n'ya at lumapit sa'kin, umupo sa sofa. "Nagkita kami kanina sa cafeteria ng office namin. Nagkita kami!" yakap n'ya ang isang throw pillow. Hinagis ko sa kanya ang throw pillow na hawak ko kaya napangiwi s'ya. "Ang OA mo. Ano naman kung nagkita kayo at hinatid ka n'ya rito? At bakit hindi ka man lang tumawag sa'min?" nakataas ang isang kilay na tanong ko. "Ibig kaseng sabihin, simula na ang love story naming dalawa," ani Joie, nahihibang na. "Oo, simula na ang love story n'yo ni Phoebe." Salubong ang kilay kong tumingin kay Ashley. Bakit pati ako? "Sa kanya ba ito galing?" tanong n'ya sa pizza. "Oo... pero teka, ikaw rin?" tinuro ako ni Joie. "Nakita mo rin iyong guy na humalik sayo sa bar?" Umirap ako, unfortunately oo nagkita kami. "Anak siya ng boss ko." "Hinahanap daw pala s'ya nung guy after that night," bored na sabi ni Nicole habang umiinom ng tubig. "Trip n'ya lang. Consequence lang iyon and the worst s'ya na ang bagong CEO ng company," sabi ko. Trip nga lang siguro ako ng lalaking iyon. "O? Ano ngang pangalan?" tanong ni Joie, na sakin ang atensyon. "Hindi ko alam. Nakalimutan ko." "What CEO n'yo na, hindi mo pa kilala." singit naman ni Ashley, kumakain na ng pizza. "Mr. Cervantes... and basta. Kalimutan n'yo na nga iyon." inis na sabi ko dahil naalala ko ang paghalik n'ya kanina sa'kin sa office. "Kaya, simula na ang love story n'yong dalawa. Sayang, hindi ko pa nakikita iyong nakasayaw ko." nakapout pa si Nicole. Sana nga iyong sumayaw na lang sa kanya ang nakita, hindi iyong humalik sa'kin. Anak pa pala ni Mr. Cervantes. "What? Love life? Ayaw ko!" Tumayo ako kaya naagaw ko ang atensyon nila. Iyong tingin na ang OA ko kaya inirapan ko sila. Hindi kase nila alam! "Hindi ko kayang makasama ang isang iyon sa office!" "Ang OA mo, Phoebe! Dahil pa rin ba 'yan sa nangyari sa bar o may iba pang nangyari sa office nung nagkita kayo?" wala sa sariling sinabi ni Ashley. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Agad akong umiwas bago pa nila mapansin. "Wala naman." simpleng sagot ko at umupo ulit sa sofa para hindi na nila mapansin. "Edi pumayag ka na sa offer ko. Di ba kapag nag five months ka na dun sa Cervantes, bibigyan ka na nila ng contract? Lumipat ka na kaagad sa'min." suhestyon ni Joie. Dati sa tuwing sinasabi n'ya ito, iniirapan ko s'ya at hindi ako nakikinig. Pero ngayon, para bang napakalaking tulong ito sa'kin. "Mas lalong hindi na dapat s'ya umalis. Malaking pera yun." sabi ni Nicole na tinanguan ko. Pero agad din akong ngumiwi ng maisip ko na mas tatagal ang mga panahon na makakasama ko si, iyong anak ni Mr. Cervantes. At wala akong takas. "Ang bitter mo lang kase Phoebe. Hayaan mo na lang ang Cervantes na iyon," inis na sabi ni Ashley, alam naman kase nila kung gaano ko kaylangan ang pera. "I know. Huwag lang n'ya akong guguluhin dahil sa nangyari noong gabing iyon." Iniwan ko na sila at pumasok sa kwarto ko. Sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari kanina sa office nag iinit ang ulo ko. Bakit kase hindi na lang n'ya kalimutan ang nangyari sa bar? Nakalimutan ko na nga ang mga nangyari, ang eksaktong detalye ng halik na iyon. Syempre nalasing ako. At kung hard liquor naman pala ang iniinom n'ya, bakit hindi na n'ya nakalimutan ang nangyari? o bakit hindi na lang kalimutan? Tss. Ngayon, paniguradong palagi ko na iyong maalala dahil s'ya na ang new boss ko. Idagdag pa ang nangyari sa office. Kainis! "Phoebe." tawag sa'kin ni Liam kinabukasan. Nagkasabay kami sa elevator. "Hi." tamad na bati ko, tinitingala ang mga number. "O? Bad vibes?" Umiling ako. "Hindi naman, parang wala lang akong gana ngayon." "Dahil ba sa nangyari kahapon? Mukha namang hindi nagalit sa'yo iyong anak ni Mr. Cervantes. Ano bang sinabi n'ya sa'yo sa office?" Nag angat ako ng tingin sa kanya. Tingin ko hindi ko na talaga makakalimutan ang nangyaring iyon. Nakalimutan ko nga ang nangyari sa bar pero itong nangyari sa office, imposible. Bukod sa hindi ako nakainom ng kahit anong alak ay dito pa nangyari iyon sa office, kung nasaan ako araw-araw. "Uh, wala naman. Sinabi n'ya lang na huwag daw akong natutulog sa oras ng trabaho." I lied. Tumango-tango pa ako para maniwala s'ya. Bumukas ang elevator, nauna na akong lumabas bago pa man s'ya makapagtanong ng kung ano. "Phoebe, Liam." tawag ni Bea ng makita kaming halos sabay na pumasok sa pinto ng department namin. "Hi!" bati ko ng makaupo sa workstation ko. "May mga papers d'yan," sabi ni Bea, diretso ang tingin sa harap ng computer n'ya. Tiningnan ko ang mga bagong papeles na nasa table ko. "Gawin mo raw iyang report sabi ni Mr. Cervantes bago s'ya tuluyang umalis ng company." "Aalis na s'ya?" tanong ko. "Oo. Nand'yan na iyong anak n'ya kaya ganoon. May iba pa silang business at iyon naman ang pagtutuunan ng pansin." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi n'ya. Mabait si Mr. Cervantes at hindi pa ako handang hindi na s'ya ang amo ko. Mas lalong hindi ako handa na ang anak n'ya ang pumalit sa'kin. Itinuon ko ang atensyon sa computer ng magbukas iyon. Nakita kong nag email din ng reports sa'kin si Mr. Cervantes at kaylangan ko iyong tapusin bago ang pag alis n'ya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ngunit bago pa ako nag angat ng tingin sa kung sino ang lumabas o pumasok ay tumunog ang cellphone ko. Nicole: Joie is with Tim. Hell! Nagsalubong ang kilay ko, nagtataka kung paano nangyari iyon. Pumasok s'ya sa trabaho n'ya hindi ba? At paano naman nalaman ni Nicole na kasama n'ya si Tim. Ngumiti ako at umiling ng maisip ko kung gaano na kapula ngayon ang mukha ni Nicole dahil sa inis. "Phoebe," mahinang tawag ni Bea. Nag angat ako ng tingin. Nalaglag ang panga ko ng mapansin na lahat sila ay nakatingin sa akin. Mabilis akong napatayo ng makita ko si Mr. Cervantes na nasa gitna na lang, kasama iyong anak n'ya na ang sama ng tingin sa'kin. Hindi kaya ifired ako nito? Kahapon nahuli n'ya akong natutulog at ngayon naman ay abala sa cellphone at hindi man lang namalayan ang pagpasok nila. "Mr. Cervantes!" Yumuko ako at agad na ring lumapit sa mga katrabaho kong nakahilera. Hindi ko na binati ang anak n'ya dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya. It's weird if I call them Mr. Cervantes, Mr. Cervantes or Mr. Cervanteses Tumikhim si Mr. Cervantes. Nag angat ako ng tingin sa kanya ngunit sa taong katabi n'ya bumagsak ang mga mata ko. Walang kahit anong emosyon. Seryoso s'yang nakatingin sa aming lahat. At nang magtama ang paningin namin ay kinilabutan ako. Hindi ko alam kung anong dahilan. "This is my son, Austin..." So Austin's the name. Wala pa rin akong natatandaan. Iyon lamang Err, babe. "He's going to be the new CEO of this company," ani Mr. Cervantes. "I'm still the president and I'll see first if he deserves to become a new President too." Humalakhak s'ya. Soft features ang mukha ni Mr. Cervantes kumpara sa anak n'ya. Pero hindi pa rin matatanggi ang pagiging mag ama nila. "Tss," ani ng nasa tabi n'ya. Grabe iyong ngiti n'ya. Lakas magpatindig ng balahibo. Nagsinghapan din ang ilang nakapansin noon. Tinapik ni Mr. Cervantes ang anak sa balikat. "Be good to them. I know you can do it very well but still, I need to see it." Bumaling sa amin ang nakangiting si Mr. Cervantes. "And they will help you. Right?" "Yes Mr. Cervantes," sabay-sabay naming sinabi. "Wait." Nag angat ako ng tingin kay Austin na may kakaibang ngiti na ngayon. "Can I choose my own secretary? A personal assistant either." Tinikom ko ang bibig ko bago pa man ako malaglagan ng panga. Sa tingin pa lang n'ya, alam ko na kung anong binabalak n'ya. And no way! "But you have Claire," takang sinabi ni Mr. Cervantes. "And she's good. She's working --" "Nah, Dad. I wanna have a new one. Someone who'll be good to me." Maloko siyang ngumisi. Pinagpapawisan na ang palad ko. No way Austin Cervantes! Secretary? No way! Hindi ako bababa sa ganoon. Ayos na ang trabaho ko at ayaw kong maging utusan, lalo na kung s'ya pa ang pagsisilbihan ko. Paano kaya kung iyon talaga ang plano n'ya para maghiganti sa'kin? Pero ano bang kasalanan ko sa kanya para maghiganti s'ya? "You should have promoted Claire. I'll ask an interview for the new applicants to replace her position,"  ni Austin na sa akin pa rin nakatingin. Nakahinga ako ng maluwag. Ang layo ng naisip ko. Napaparanoid na ako dahil sa kanya. I mean, dahil ito sa nangyari sa bar. "Okay then... Miss Albania." "Uh, y-yes po." "You take responsibility for the interview." Agad akong tumango sa sinabi ni Mr. Andrew Cervantes. "Yes, Mr. Cervantes." My pleasure. Kaysa naman ako ang gawin n'yang secretary at utus-utasan. Nagtaas ng kilay sa'kin si Austin at ngumisi. Bago ko pa s'ya mairapan ay umiwas na lamang ako. Hindi ko talaga makuha ang ugali ng isang ito, ni hindi ko alam kung kaya ko s'yang pakisamahan. Well, I have no choice. He's the new CEO of the company I'm working on. Nang sumunod na araw ay ako na ang namahala sa pagkuha ng mga iinterview-hin para sa posisyon ni Claire. Napromote na s'ya sa mas mataas na posisyon kaya ayos lang sa kanya. "Sayang. Gusto ko pa namang pagsilbihan ang anak ni Mr. Cervantes." Iyan ang sinabi n'ya ng malaman. Nagsalubomg ang kilay ko pero hindi na ako kumibo. I don't think he can be as good as his father. Baka magpabaya lamang iyon sa trabaho. "Phoebe!" tawag ni Claire ng makita ako sa floor kung nasaan ang office ni Mr. Cervantes. "Oh?" tanong ko, hawak ang mga folder para sa interview. "Bakit? Kukunin ko sana sa'yo ang mga folders para sa interview." Tumango s'ya, inabot sa akin ang folder. "Pinapapunta ka ni Mr. Cervantes sa office n'ya. May sasabihin daw s'ya tungkol sa interview." Tumango ako at naglakad sa hallway papunta sa nag iisang office rito. Naisip ko lang kung sino kayang Mr. Cervantes ang tinutukoy ni Claire. Dalawang beses akong kumatok bago binuksan ang pinto. At nasagot ang tanong ko. It's Austin Cervantes. "Mr. Cervantes, pinapa--" Nakayuko s'ya nang itinaas ang kanang kamay kaya tumigil ako. Nag angat s'ya ng tingin sakin at ngumisi. "Will you please just call me Austin, instead? Ang lakas makatanda ng Mr." Nagtaas ako ng kilay nang humalakhak s'ya. Seriously? What's wrong with this Cervantes? Tumikhim s'ya at umupo ng maayos. Nakadekwatro s'ya at bahagyang umiikot sa swivel chair. Sa harapan ng lamesa n'ya ay nakalagay ang kanyang buong pangalan. Austin Rence Cervantes "Pinapunta kita rito..." tinitigan n'ya ako mula ulo hanggang paa ng nakangisi. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang paghalik n'ya sa akin dito mismo sa kwartong ito. Bakit ba kase ganyan s'yang makatingin? "I want to tell you the standards you will be needing for the interview." Tumayo ako ng maayos. Pinagsalikop n'ya ang mga daliri n'ya at pinanood ako. Wala akong dalang ballpen kaya lumapit ako sa mesa n'ya at kumuha ng isa. Nakataas ang isang kilay n'ya ng dungawin ko s'ya. "That's my thing. You don't just get any of my things without my permission, Ms. Albania," mariing sinabi n'ya. Nalaglag ang panga ko at agad ko ring tinikom. Yumuko ako dahil sa kahihiyan. "Oh!... S-Sorry." sabi ko at ibinalik ang ballpen. "Now you do it in a good way." His smirk becomes more visible. Para bang natutuwa s'yang nakikitang ganito ang reaksyon ko. Tumikhim ako at umayos sa pagkakatayo. "May I... borrow your pen, Mr. Cervantes? I don't have a pen with me." Hinilig n'ya ang ulo n'ya. Nakangisi at salubong ang kilay akong tiningnan. "Mr?" Ang arte pala talaga nitong Cervantes na ito. "I don't think it's appropriate to just call you Austin, Mr. Cervantes," seryosong sinabi ko. "Oh well then--" "Sir Austin will do," mabilis kong sagot, matigas ang boses at taas noo sa kanya. "And you don't just interrupt me, Miss Albania." Ow. "I'm sorry, Mr. Cervantes," nakayukong sinabi ko. Kaunti na lang at hindi ko na mapipigilan ang sarili kong irapan s'ya. Ang arte, grabe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD