"Okay sige. Ready ka ba Friday night again?" si Joie habang nasa taxi kami. Sabay kaming umaalis ng unit since iisa lamang naman ang daan papunta sa mga trabaho namin. Kung sa iisang company lang sana kami nagtatrabaho hindi na hassle sa aming apat.
"I don't know," simpleng sagot ko.
a"For sure may gagawin na namang deal si Nicole para lang sumama ka."
Nagkibit balikat ako. As well as mas madali akong makakadiskarte ng pera at sa kahit anong madaling paraan at legal.
"Sige, ingat ka," pagpapaalam ko bago bumaba sa tapat ng Cervantes building kung saan ako nagtatrabaho.
"Ang sabi ko naman sa iyo roon ka na lang din sa kompanyang pinapasukan ko." Umiling ako sa sinabi niyang iyon. "Bye!"
Ayaw ko namang umalis sa trabahong ito dahil hindi naman ako gaanong nahihirapan, mababait ang mga kasama ko. At higit sa lahat magandang credential kapag nagkaroon ako ng contract sa company'ng ito.
Three weeks na simula noong unang beses kaming nagbar. Ilang beses pa nilang binalak na magbar daw pero hindi pa matuloy-tuloy, except sa pangge-gate crash na nangyari kagabi. Madalas kaming lahat na busy sa trabaho kaya ganoon. At sinabi ko rin sa kanila na kung magbabar kami ay huwag na sa lugar na iyon. Ayaw ko ng makita ang lalaking humalik sa'kin. Kahit pa hindi ako sigurado kung natatandaan pa niya ako.
Pero si Joie, gustong-gusto sa bar na iyon. Bukod daw sa puro mayayaman ang pumupunta roon ay nandun din si Tim, na nakasayaw niya.
Pero kagabi lang ay nag gate crash kami. Masyadong mahigpit ang security kaya hindi kami nagtagal. Nagpuyat lang kami at hang over pa.
"Phoebe, you're late," puna ni Bea na katrabaho ko.
Mabilis akong lumapit sa cubicle ko. "Nand'yan na ba si Mr. Cervantes?" Tiningnan ko ang mga papers na nasa table ko. Wala naman akong masyadong trabaho dahil nagawa ko na kahapon. Alam kong pupunta kami sa party na idea na naman ni Nicole kaya tinapos ko na ang ibang trabaho ko rito.
"Oo... Kasama na naman iyong anak."
"Ano naman ang bago?" singit ni Liam na nasa tabing cubicle ko.
"Pinipilit pa rin ni Mr. Cervantes na pumayag na magmanage nitong company," si Bea.
Umiling ako habang inaayos ang mga papel sa table ko. Inaantok ako at hindi sa nang aabuso, mabait si Mr. Cervantes. Ilang beses na niya akong nahuli noong natutulog sa trabaho. Iyong unang beses nagalit siya. Pero kung tapos na ang trabaho at maayos naman ang pagkakagawa, hindi siya nagalit. Huwag nga lang madalas at huwag magpapahuli.
"Kung ako ang anak ni Mr. Cervantes, hindi na ako kailangang pilitin. Ang swerte niya!" Tumango ako sa sinabi ni Liam.
"Pero hindi ikaw ang anak. Iyong anak ni Mr. Cervantes, walang kahirap-hirap na nakukuha ang gusto niya. Kaya bakit pa magtatrabaho," kibit-balikat ko naman
"True! Girls and party. Doon lang umiikot ang mundo niya," dagdag pa ni Bea.
"Uy! Huwag kayong maingay d'yan. Mainit ang ulo ni Mr. Cervantes at ng anak niya," sigaw ni Claire na napadaan. Siya ang secretary ni Mr. Cervantes.
Natahimik kami at nagsimula nang magtrabaho. Kaya naman pala ang tahimik dito ngayon sa opisina. Tumayo ako at nagtimpla muna ng kape. Ilang beses nang bumabagsak ang mga mata ko. Grabe naman kase si Nicole. Weekdays naisipan pang magparty. At ang mas malala, nag gate crash kami. First time namin iyon!
Kaya heto ako ngayon, kulang sa tulog at ang sakit pa ng ulo ko.
"Uy, Phoebe! Mainit daw ang ulo ni Mr. Cervantes, 'di ba? Bakit ganyan ka, tatamad-tamad?" tanong ni Liam.
"Wala pa naman akong masyadong trabaho. Inaantok talaga ako." Sabay tapik-tapik ko sa pisngi ko. Ipinilig ko pa ang ulo ko pero ayaw pa rin mawala ng antok. Wala pang epekto ang kape. Kahit kailan talaga hindi iyon tumatalab sa akin. Lumabas s'ya sa cubicle n'ya at lumapit sa harapan ko. "Bahala ka. Akin na 'yang tasa mo. Ibabalik ko na."
"Naku, wag na! Ako na ang magbabalik mamaya." Pigil ko sa kanya kahit hawak na n'ya ang tasang ginamit ko.
"Okay lang. Magpahinga ka na kung gusto mo."
Umalis na rin s'ya kaya hinayaan ko na. Kinurot-kurot ko na ang sarili ko at pinisil ang pisngi ko pero inaantok pa rin ako! Mas lalong bumabagsak ang mga mata ko sa tuwing natutulala ako sa computer. Pinatong ko ang braso ko sa table at saka yumuko. Hindi ako matutulog, magpapahinga lang ako.
"Phoebe, nasan si Liam? May ipapasa akong papers sa kanya." Dinig ko ang boses ni Bea pero inaantok pa rin ako. "Uy, tulog ka ba?"
"Hmmm." Iyon lang ang nasabi ko dahil kinakalabit na n'ya ako. Si Bea ang head ng department namin kaya hindi na ako magtataka kung magagalit s'ya sa akin.
"Ikaw na nga lang magcheck nito."
"Sandali lang," sagot ko, pilit na kinokondisyon ang sarili. Kainis talaga. Dapat hindi na ako sumama kagabi kung alam ko lang na magkakaganito.
"Bahala ka. Basta mamaya... Uh, Phoebe." Biglang naging mahina ang boses n'ya at lumalakas ang pagkalabit sa akin pagkatapos ng pagbagsak ng pinto. Siguro'y dumating na si Liam. "Uy, gising."
Huminga ako nang malalim. Handa nang mag-angat ng ulo nang biglang may kung ano ang bumagsak sa table ko.
"Who the hell told you to sleep during working hours!?"
Bigla akong napatayo dahil sa pagsigaw at paghampas ng kamay sa table. "O-Outch!" Ngumiwi ako habang hawak ang ulo ko. Nabigla yata sa pagtayo ko. Ang sakit.
"Phoebe?" Salubong ang kilay ko nang tingnan ang lalaking ito sa harapan ko. My head is still aching. He's isn't Mr. Cervantes because Mr. Cervantes never shouted like this. His brows knitted with his mouth parted as if he's still processing things in his mind.
And he's f*****g handsome while looking confused.
Salubong ang kilay n'yang nakatingin sa'kin at nakaawang pa ang bibig. S'ya na yata ang pinakamagandang nilalang na nakita ko sa mundo.
Seriously? Where he has been all my life? He's so intimidating. Nakalimutan ko pa yata kung paano huminga.
Lumingon ako sa paligid. Si Bea ay nakatayo sa cubicle n'ya. Ang iba ay ganoon din. Natanaw ko pa si Liam na tahimik at mabagal na naglakad sa likuran ng lalaking ito, gulat din sa nangyari.
"S—Sir," bati ni Bea kaya yumuko na rin ako. Nawala na ang antok ko pero mas lalo namang sumakit ang ulo ko dahil sa pagkabigla.
"Phoebe." Ngayon ay nakangiti na ang lalaking ito. Half smile dahil may pagtataka pa rin sa mukha n'ya.
"Phoebe, kilala ka niya," ani Bea na medyo nanginginig pa ang boses. Bakit nga ba ako kilala nito? Pinagmasdan ko ang mukha n'ya. Kamukhang-kamukha n'ya si Cervantes. Para bang s'ya si Mr. Cervantes noong kabataan. Pero paano n'ya ako nakilala, hindi pa naman s'ya pinapakilala sa'min. Kahit ilang beses s'yang pumunta rito hindi naman s'ya naipakilala dahil nga ayaw naman daw sa business nila.
"Magkakilala kayo? Kilala mo pala s'ya Phoebe." Awkward na sinabi ni Liam. Iniisip n'ya siguro na hindi na ako mapapagalitan dahil magkakilala naman kami. Kung sana nga ay oo, kilala ko s'ya kaso ay hindi.
Nilingon s'ya ng lalaking ito kaya ang awkward n'yang ngiti ay biglang nawala at yumuko na lamang.
"M-Mr. C-Cervantes?" Pilit akong ngumiti kahit na salubong pa rin ang kilay n'yang tumingin sa'kin. Napangiwi ako nang mapansin ang pagngiwi ng ilang mga katrabaho ko.
This guy intently looked at me with his raised eyebrow, waiting for other words I might say.
"Mr. Cervantes." Ulit ko pero agad din akong nag iwas ng tingin dahil umigting ang panga n'ya. What? I really don't know him! O baka naman kilala n'ya ang friends ko? Pero imposible namang hindi ko s'ya makilala. Iyong tatlo lang naman ang kaibigan ko rito bukod sa mga workmates ko.
"Go back to your work!" sigaw n'yang nagpatalon sakin. Mabilis ding nagsibalik sa trabaho ang mga kasamahan ko kaya umupo na rin ako. Nataranta pa ako sa mga papel kahit wala naman talaga akong gagawin.
"Phoebe. My office. Now," mariing sinabi n'ya at agad na tumalikod. Saglit pa akong natulala at pinanood s'yang lumabas ng pinto.
What was that?
"Phoebe bilis!" sigaw ni Bea kaya agad akong tumayo.
I hurriedly went out of our department without even knowing where to go. I don't even know who that guy is and where his office is. I stopped right in front of the elevator. He's holding it inside and waiting for me. I hesitantly went inside with my hands shaking. 25th floor ang office ni Mr. Cervantes. Kagat ko ang labi ko habang nakatingin sa sapatos ko. Tahimik lang din ang isang ito pero ramdam ko ang paninitig n'ya sa likuran ko. Kung s'ya nga ang anak ni Mr. Cervantes, paano n'ya ako nakilala?
Tumunog ang elevator. Nauna s'yang lumabas dahil hindi kaagad ako nakagalaw. Namangha ako sa ganda at lawak ng opisina ni Mr. Cervantes. Sakop yata nito ang buong floor. Pangalawang beses ko pa lang ngayon na makapunta rito.
Austin Rence Cervantes' PoV
I'm irritated. No... I'm frustratingly mad! I'm f*****g mad at her! She doesn't know me? Couldn't even remember and recognize me? The hell!
I'm trying to understand her, okay? Maybe she's just too drunk that night? But that's only one f*****g shot of f*****g alcohol! Imposibleng makalimot siya nang ganoon. Ako ang lasing noong gabing iyon. Hard drinks lahat ang ininom ko pero hindi ko s'ya kinalimutan. She was never even out of my mind for a second.
Three weeks! I keep waiting in that f*****g bar para lang makita s'ya pero wala. At dito ko lang pala s'ya makikita. Kung bakit ba kase bigla-bigla s'yang nawala noong gabing iyon. In fact, she's too different now. Way different from the Phoebe I've seen. Only light makeup and she looks more tamed with her angelic face.
"S-Sir."
Nanginig ako dahil sa panginginig ng boses n'ya. Mabilis ko s'yang hinarap at hinalikan. Restraint has nothing to do with me anymore.
Fuck. This is the first time I'd missed lips like this. Now, I want you to remember me. f*****g remember me and that night you made me feel crazy over you. Pilit n'ya akong tinutulak. Umatras s'ya hanggang sa masandal na s'ya sa pader. I missed it. For three weeks namiss ko ang labi n'ya.
Phoebe Albania's PoV
"Hmmm." My voice muffled between his rough kiss as I tried to free myself. Wala akong ideya kung bakit ito ginagawa ng anak ni Mr. Cervantes. Pero iyong halik n'ya, pamilyar sa'kin. Wala naman akong ibang naaalala sa halik n'ya kundi iyong lalaki sa bar. Malamang dahil iyon ang unang beses na nahalikan ako. Ayaw kong isipin pero, paano kung s'ya rin iyong lalaki sa bar? Pilit ko s'yang tinutulak pero nanghihina ako. Parehas kaming naghahabol ng hininga ng tumigil s'ya. Nasa noo ko ang noo n'ya. Kinukulong ako rito.
"Now." Hinihingal pa rin s'ya. "You remember me?"
I was stunned for a moment. Iniisip ko kung totoo ba itong nangyayari. Nang makabawi ay tinulak ko s'ya. Mabilis na dumapo ang kamay ko sa pisngi n'ya. Namula iyon at gulat s'ya, hindi kaagad nakapagreact. "H-How dare you to kiss me!" sigaw ko kahit nanginginig at kinakabahan pa ako.
This is different from what happened in the bar. Normal ako ngayon, not tipsy, sober, or drunk. Antok lang ako at walang kahit anong espiritu ng alak!
And I swear, I saw this guy smirked and shook his head. Kung tumingin s'ya ay parang may nakakatawa sa mukha ko.
"What's—" Natigilan ako nabg bigla s'yang humalakhak. Tumalikod s'ya sa'kin at naglakad palapit sa table ni Mr. Cervantes. Sumadal s'ya roon, tumatawa pa rin.
What's his problem?
The way he laughs, there's something wrong with it. It's like he's laughing because he couldn't believe that he's being crazy!
"You're kidding me, right? Will you please stop this charade?" Tumatawa pa rin s'ya at nang mapansing hindi ako natutuwa sa pagtawa n'ya ay nagseryoso na. Umayos s'ya sa pagkakatayo at nag cross arms."One shot of alcohol... and after almost three weeks, you're pretending you don't know me?"
Pinagsalubong ko ang kilay ko para hindi mahalata ang kabang nararamdaman ko. Hindi nga lang ako sigurado kung normal pa ang kabang ito. Grabe kung humataw ang puso ko. Ibig bang sabihin, s'ya nga iyon? Iyong first kiss ko sa bar? Ang anak ni Mr. Cervantes?
"I-I'm not pretending. Hindi talaga kita—"
"Oh, come on! Stop it! You're hurting my ego. And really? You do not remember me? Even our kiss? Damn..." Umiling s'ya, disappointed sa 'kin. Kung makaasta ay parang s'ya ang na devirginize ang lips, a. "Or you want me to kiss you again so you can..."
Humakbang s'ya kaya agad na akong tumalikod. Bago ko pa mabuksan ang elevator ay nagsalita na naman s'ya. "I'm the new CEO of this building."
Salubong ang kilay ko ng hinarap s'ya, nagtataka.
CEO?
He smirks and puts his hands in his pocket. "I'm the new CEO, which means I'm your new boss."
Nagtaas ako ng isang kilay. "Kung ikaw nga ang anak ni Mr. Cervantes, imposible ang sinasabi mo. Hindi ba at matagal ka na n'yang pinipilit? At ayaw mo. Kaya imposibleng sa isang iglap lang, gusto mo na." Confident na sinabi ko.
"That's what I thought." Tumango s'ya. "But since I finally found you..." Nagkibit balikat s'ya at ngumiti na lamang imbis na magpatuloy sa pagsasalita.
He's the new CEO of this company!? Sa pagkakaalam ko ilang taon na s'yang ilang beses na pinilit ni Mr. Cervantes para magmanage ng business nila pero ayaw n'ya. At dahil lang nakita n'ya na ako? Ako pa talaga ang dahilan n'ya?
"D—Dahil lang ba sa nangyari sa bar?" tanong ko, hindi makapaniwalang dahil lang doon ay papayag na s'yang akuin ang responsibilidad sa company'ng ito.
"Lang, really? You think that was a just?" nakangisi s'ya, hindi rin makapaniwala sa sinasabi ko.
Now, what's really his problem?
"I really can't believe this girl." bulong n'ya sa sarili, totally frustrated.
Big deal ba sa kanya ang kiss na iyon? Sa mga lalaking tulad n'ya, sigurado akong marami na s'yang nahalikan. Kaya anong problema n'ya sa nangyaring iyon at kailangan pa akong hanapin. Napatalon ako nang biglang bumukas ang pinto.
"M—Mr. Cervantes," tawag ko sa kanya na nagtataka sa aming dalawa ng anak n'yang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
"Miss Albania... Son, you're still here."
Parehas naming pinanood ang anak n'ya na may kakaibang ngiti habang umuupo sa swivel chair na kay Mr. Cervantes dapat.
"Yup, and I like your office, dad. The whole building... and mostly, the employees." Ngayon ay tinititigan na n'ya ako mula ulo hanggang paa. "And so I've finally decided to accept your offer. I'm formally appointing myself as the new CEO of this company." Nakataas ang isang kilay n'ya sa 'kin.
Binalewala ko s'ya. Si Mr. Cervantes ang CEO ng building na ito at s'ya rin ang makakapagsabi kung totoo ang sinasabi ng lalaking ito.
Nagbalik-balik ang tingin sa'min ni Mr. Cervantes. Malaki ang ngiti n'ya nang lumapit sa anak. "Finally!"
Hindi na maipinta ang mukha ko nang tumayo s'ya at sinalubong ang yakap ni Mr. Cervantes.
"Of course, my son. You're the new CEO of our company."
Oh crap!