CHAPTER 39 Bandang ala-una na ng hapon nang sadyain ni Zehra si Mattheo sa palapag kung saan nagtatrabaho si Miguel. Kaninang umaga nga ay nagpaalam siya sa dalaga na tutungo na sa pwesto kung saan makikita ang mesa ni Miguel. Kailangan niya rin gawin ang mga bagay na dati nang ginagawa ng binata upang hindi magtaka ang mga taong nakapalibot sa kanya. Kita niya pa sa mukha ni Zehra ang pagtutol nang magpaalam siya na bababa na sa mesa ni Miguel. Hindi nito nais na maiwan mag-isa sa opisina ni Allana. Ang higit na inaalala nito ay ang katotohanan na maraming nakabinbin na trabaho para kay Allana at wala ni isa mang alam na gawin doon si Zehra. Both women are very far from each other. Si Allana ay nakapagtapos ng pag-aaral at ismarte kung kumilos at magsalita. Samantalang si Zehra ay ni