CHAPTER 18 Gilalas na napatitig sa mukha ni Mattheo ang babae. Aminado si Mattheo na napahigpit ang hawak niya sa mga braso nito kanina. Maging ang pagtulak na ginawa niya rito palayo sa kanyang katawan ay bahagyang naging malakas din. He can't help it. Kahapon pa siya naguguluhan sa lahat ng mga nangyayari. At mas dumoble pa ang nadarama niyang pagkalito nang makita niya ang babaeng ito ngayon. Alam ni Mattheo na hindi siya maaaring magkamali. Malinaw na malinaw pa sa kanyang balintataw ang kabuuan ng mukha ng babaeng bumaril sa kanya sa may basement. At ang babaeng iyon ay nakatayo ngayon mismo sa kanyang harapan. Same face... Same dark black eyes. Iyon ang mga matang tumitig nang mataman sa kanya bago siya iniwan na nakahandusay na sa sahig habang nanghihina na at naliligo sa saril