CHAPTER 19 "Hindi mo na ako sinagot, Miguel," wika ni Allana nang mapansin nito ang pananahimik niya. Muli ay hindi nakapagsalita si Mattheo. Katulad sa lahat ng mga taong nakasalamuha niya mula pa kahapon ay pawang Miguel ang tawag ng mga ito sa kanya. Wala ni isa mang bakas na kilala siya ng mga ito bilang si Mattheo Orhan. Kahit pa ang babaeng kasama niya ngayon. And he was so puzzled. Paanong hindi man lang siya nito nakikilala gayong nagtagpo na sila nito noon? Hindi ba at ito ang babaeng bumaril sa kanya? Paano ito nakakakilos na wari ba ay hindi siya nito kilala? She even called him Orhan that night? Paanong iba ito kumilos ngayon? Maliban na lang kung ibang tao ito, na hindi ito ang assassin na umatake sa kanya. But how could that be possible? Taglay nito ang mukha ng babaeng b