CHAPTER 42 PENDIK, ISTANBUL, TURKEY Sabiha Gökşen Uluslararası Havalimanı (Sabiha Goksen International Airport) Binalot ng samu't saring emosyon si Mattheo habang naglalakad sila ni Zehra sa pasilyo palabas ng Sabiha Gökşen International Airport. Ilang minuto lamang nga ang nakararaan nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila mula sa Manila. Dumating din ang pinakahihintay na sandali ni Mattheo. Simula nang magising siya sa katawan ni Miguel ay wala na siyang ibang hinangad kung hindi ang makatungtong muli sa bansang kanyang kinalakihan--- ang Turkey. This is his home. Ito lamang ang matatawag niyang tahanan para sa kanya. Maglipas nga ng napakarami ng taon ay kayrami na rin ang nagbago sa bansang kinaroroonan nila ngayon. At halos manibago na siya sa buong lugar. Maging kay Zehra