CHAPTER 9 "Maaari na ho kayong pumasok, Mr. Alvarez," saad sa kanya ng sekretarya ni Allana kasabay ng paglahad nito ng isang kamay upang ituro sa kanya ang pintuan ng opisina ng boss nito. Makalipas nga ng dalawang araw mula nang mag-usap silang dalawa ng dalaga ay nakapagpasya na siya tungkol sa trabahong inaalok sa kanya ni Allana. Nang una ay nagdadalawang isip siya kung tatanggapin iyon. Natatakot siya na baka hindi niya magampanan nang maigi ang trabahong papasukan niya sa kompanya na ito. But after two days, Miguel made a decision. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Sa hirap ng buhay ay hindi laging may nagbubukas na oportunidad, lalong-lalo na sa katulad niya na hindi naman nakapagtapos ng kolehiyo. Sa katunayan ay iyon ang isa sa mga pumipigil sa kanya p