CHAPTER 15 Masusing pinag-aaralan ni Miguel ang mga nakalagay sa monitor ng laptop na nasa harapan niya. Kasalukuyan pa rin siyang nasa Millares Advertising Company at nakaupo sa kanyang pwesto. Ang mesang inookupa niya sa kompanyang iyon ay matatagpuan sa ikalimang palapag ng naturang gusali. Kasama niya sa palapag na iyon ang iba pang content producers ng MAC. Each one of them has a cubicle. May tig-iisa silang mesa kung saan sila nagtatrabaho. Ang cubicle na inookupa ng mga content producers ay matatagpuan sa kaliwang panig ng palapag na iyon. Ang kanang panig naman ay laan para sa finance department. Pasado alas singko na ng hapon at tanging siya na lamang ang empleyado na naroon sa panig na iyon. Ang mga kasamahan niya ay kanina pa bumaba upang magsiuwian, kabilang na si Krishna.