CHAPTER 1

1500 Words
CHAPTER 1 METRO MANILA, PHILIPPINES Marahan na inilapag ni Miguel ang isang supot ng mainit na sopas sa ibabaw ng kanilang mesa. Lumingon siya sa direksyon ng silid ng kanyang ina at saka ito magalang na tinawag. "'Nay," tawag niya dito. Mula sa silid ay lumabas ang singkwenta anyos na si Helen, ang kanyang ina. Helen is beautiful. Sa kabila ng edad nito ay bakas pa rin ang gandang taglay nito. Helen would have been so attractive if she wasn't so skinny. Dahil sa salat sila sa maraming bagay, lalong-lalo na sa pinansiyal na aspeto, ay ganoon na lamang ang katawan ng kanyang ina. Minsan na rin itong nagkasakit ng pneumonia na kung hindi lang agad naagapan ay malamang na lumala pa. At sa tuwing titingnan ni Miguel ang kanyang ina ay hindi niya mapigilan na manlumo. Hindi sana ganito kahirap ang buhay nila kung sakaling buhay pa ang kanyang ama. Though, maituturing pa rin na mahirap, kahit papaano ay hindi sila gaanong namomroblema ng pagkain nila araw-araw sapagkat kumikita ang kanyang ama. His father was a jeepney driver. Isang aksidente sa daan ang bumawi sa buhay nito dahilan para mas malugmok sila sa hirap. Ang pamamasada lamang nito ang nagtutustos sa mga pangangailangan nila noon. At ngayon, kung hindi siya papasok sa talyer na pinagtatrabahuan niya ay hindi sila magkakaroon ng panggastos. Sa talyer ng matandang si Mang Erwin siya namamasukan. Sa katunayan ay hindi nito kailangan ng tao nang pumasok siya sa talyer. But Miguel insisted. Masipag siya at matiyaga at handa siyang magtrabaho para dito. Sa pamimilit niya at dala na rin marahil ng awa para sa kanilang mag-ina ay napapayag niya rin ang matanda na kunin siya sa talyer. Isang dahilan kung bakit niya inako ang paghahanapbuhay ay dahil sa kanyang ina. Simula ng magkasakit ito ay sadyang pinahinto na niya ito sa paglalabada. And he decided to work for the two of them. At dahil ni hindi niya pa natatapos ang kanyang pagkokolehiyo ay hirap siyang makahanap ng trabaho dahilan para sa talyer ni Mang Erwin siya bumagsak. "Mag-almusal na ho kayo," wika niya dito sabay lahad sa sopas na binili niya sa may labasan ng kanilang eskinita. "Eh ikaw, Miguel?" tugon nito sa kanya nang mapuna na nagpalit na siya ng t-shirt na suot at saka maayos na sinuklay ang kanyang buhok. "Didiretso na ho ako sa talyer, 'nay," wika niya pa dito bago binigyan ng huling sulyap ang sarili sa salamin, saka siya muling lumingon sa kanyang ina. "Sana naman ay sundin niyo na ang payo ko. Ako na ho ang bahala sa pangbayad sa kuryente ngayong buwan. Huwag na muna kayo tumanggap ng labada ngayon." He was worried. Dalawang araw na naman ang ubo ng kanyang ina. Noong isang araw ay napag-alaman niya na tumanggap ito ng labada mula sa kanilang kapitbahay. Masasabi niya na malaking tulong na rin iyon sa panggastos nila. But he can't help but to worry for his mother. Hindi na niya nais na maulit na isugod ito sa ospital dahil sa karamdaman. Kaya kahit hirap man ay nagdodoble kayod na lamang siya. Tumatanggap din siya paminsan-minsan ng mga nais magpaayos ng ilang kagamitan tulad ng aircon o kaya washing machine. Iyon man lang ay makatulong sa kanilang mag-ina. Ilang saglit pa ay nagpaalam na siya na tutungo na sa talyer. Pagkalabas ng bahay ay tinalunton na ni Miguel ng masikip na eskinita para makalabas sa may kalsada. Ilang metro lamang mula roon ay ang talyer na ni Mang Erwin. Simula nang makapagtapos siya ng elementarya ay doon na sila nakatirang mag-anak. Ang bahay na kanilang tinutuluyan ay sa bunsong kapatid ng kanyang ina na mas pinili na lamang tumira sa probinsiya ng napangasawa nito. Nang umalis ang mga ito ay pinatirhan sa kanila ang bahay. And their life there may not so easy but they got by. Until the lost of his father. Dahil biglaan ang pagkamatay nito ay hindi napaghandaan nilang mag-ina ang mga araw na wala na ito. His father was the only one working for them. Kaya naman nang mamatay ito ay kinailangan niya na lamang huminto sa pag-aaral at mag-umpisang maghanap ng trabaho pangtustos sa kanilang pang-araw-araw. Pagkarating sa talyer ay agad na siyang binalingan ni Mang Erwin. Matanda na ito ngunit aktibo pa rin sa pag-aaring talyer. May tangan itong ilang resibo sa kamay at linapitan siya. "Maayos na ang sasakyan ni Mrs. De los Santos, hindi ba Migz? Mamaya lang ay kukunin na iyan," imporma nito sa kanya. "Maayos na ho ang lahat, Mang Erwin," tugon niya dito saka iniikot ang kanyang mga mata sa lugar. "May bago ho bang dating na ipapatrabaho?" "Hetong isa," Mang Erwin pointed a L300 van. "Gagawin na ni Carlo," tukoy nito sa isang kasamahan nila sa talyer. Miguel sighed. Muli niyang sinipat ang sasakyan ni Mrs. De los Santos na ayon kay Mang Erwin ay kukunin na mamaya. Sigurado siyang maayos ang pagkakatrabaho niya niyon kaya hindi mapapahiya ang talyer ni Mang Erwin. Nakamasid pa rin siya sa sasakyan nang mayamaya ay marinig niya ang tinig ng isang babaeng bagong dating. "Excuse me. Hihingi ho sana ako ng tulong para sa aming sasakyan. Dito ho ako itinuro ng napagtanungan ko," wika ng babae. Agad na napalingon si Miguel sa bagong dating. Sa gayak nito ay alam niyang mula ito sa maykayang pamilya. "Ano ang nangyari, miss? At nasaan ang sasakyan?" tanong dito ni Mang Erwin. "Tumirik ho ang sasakyan namin sa daan hindi malayo dito," sagot nito na bahagya pang lumingon sa pinagmulan. "Naroon pa ang kasama ko at naiwan. Nagtanong-tanong kami para humingi ng tulong at dito kami itinuro, since ito ang pinakamalapit na talyer." Tumango-tango si Mang Erwin bago lumingon sa kanya. "Migz, ikaw na lang ang tumingin. May gawa na si Carlo." Agad na tumalima si Miguel at inabot ang isang tool box na puno ng ilang kagamitan na maaari niyang gamit sa pag-aayos ng sasakyan. Nang makapagpaalam kay Mang Erwin ay agad na siyang sumunod sa dalaga na tinalunton na ang daan patungo sa sasakyan ng mga ito. The woman was right. Hindi nga nalalayo sa talyer ang sasakyang ng mga ito kaya hindi na siya magtataka kung ang talyer ni Mang Erwin ang itinuro ng mga napagtanungan nito. Ilang saglit pa ay narating nila ang parte ng kalsada kung saan tumirik ang sasakyan ng dalaga. At habang papalapit sila ay hindi maiwasang magdikit ng mga kilay ni Miguel. Nabanggit na ng dalaga kanina na may kasama ito na naiwan para bantayan ang sasakyan. And now, Miguel is looking at woman she was referring a while ago. Nakasandal ito sa pinto ng driver's seat na wari ba ay inip na inip nang naghihintay. Katulad ng dalagang nagtungo sa talyer ay bakas din ang karangyaan sa babaeng nakasandal sa kotse. She was wearing a black skinny jeans paired with a white long-sleeved that emphansized her slim body. Both women are beautiful. Ngunit sa hindi malaman na dahilan ay mas naagaw ng babaeng nasa tabi ng kotse ang atensyon ni Miguel. Hindi sa kung ano pa man na rason. But for some reasons, the woman looked so familiar to him. Naroon ang pakiramdam sa kanya na waring nagkita na sila nito. And it is strange because Miguel knew that it is the first time that he ever laid his eyes on this woman. "Krish." Naputol ang mga tumatakbo sa isipan niya nang marinig niyang nagsalita ang babae. Sa dalagang kapanabay niya sa paglalakad ito nakatingin. "I am glad you are here now." "Tama nga iyong napagtanungan natin. May malapit nga na talyer dito. He is here to help," saad ng babaeng tinawag nitong Krish habang sumulyap pa sa kanya. Binalingan siya ng dalagang kasama nito. For a moment their eyes met. At naroon muli ang pakiramdam kay Miguel na wari ba ay natitigan na siya ng mga matang iyon. Somehow, he felt like those eyes were so familiar to him. Hindi niya alam. Hindi niya matandaan. Ngunit nararamdaman niyang minsan na niyang nasilayan ang mukha ng dalaga. "Thank you..." saad nito sa kanya sa mababang tono bago tumayo nang tuwid. Tumitig ito sa unahang parte ng sasakyan. "Bigla na lamang bumagal ang sasakyan habang minamaneho ko. Good thing naitabi ko pa sa daan bago tuluyang huminto." The woman was talking. Then, she glared at him again. Narinig ni Miguel ang lahat ng mga sinabi nito. But his attention was not on what she was saying. Bagkus ay nagdikit ang mga kilay ni Miguel nang marinig niya nang maigi ang tinig nito. Bakit maging ang boses ng dalaga ay waring pamilyar sa kanya? It was as if he has heard it before. Agad na ipiniling ni Miguel ang kanyang ulo upang iwaksi ang mga iniisip. What is happening to him? What is wrong with him? Bakit lahat na lang ay napapansin niya sa dalaga? Walang salita ay nagtungo na lamang siya sa unahan ng sasakyan at inangat ang hood niyon. Mas pinagtuunan niya na ng pansin ang sasakyan kaysa ang babaeng nasa kanyang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD