CHAPTER 2
Marahan nang binaba ni Miguel ang hood ng sasakyan matapos niya iyong ayusin bago niya hinarap ang dalawang dalaga. Nakatayo ang mga ito sa panig ng driver's seat at matiyagang naghihintay na matapos niyang kumpunihin ang sira ng kotse. Sa pagkakataon na iyon ay mas binalingan niya ang babaeng nagmaneho ng sasakyan na iyon, ayon na rin sa mga sinabi nito kanina.
"Pwede mo bang subukan kung gagana na?" marahan na tanong niya dito.
Bigla naman na tumayo nang tuwid mula sa pagkakasandal sa sasakyan ang babae. Agad itong tumalima sa mga sinabi niya. Pumasok ito sa loob ng kotse at sinubukan ngang buhayin ang makina niyon.
Nang una ay nahirapan itong paandarin ang makina. Gumagawa lamang iyon ng ingay na pahinto-hinto. Hanggang sa lumaon ay umayos din ang tunog niyon saka tuluyan nang nabuhay ang makina.
The lady on the wheels looked at him with a soft smile on her lips. Nakabukas lamang ang pinto ng driver's seat, dahilan kaya kitang-kita niya ang maamong mukha nito. Halos mapigil pa ni Miguel ang kanyang hininga nang lumingon sa kanya ang dalaga at banayad na ngumiti.
"I think it is okay now," wika nito sa malumanay na tono.
Miguel swallowed an imaginary lump in his throat. Naroon na naman ang pakiramdam sa kanyang dibdib na wari ba ay narinig na niya ang tinig nitong nakikipag-usap sa kanya.
Until Miguel stood up straight. Inayos na niya ang kanyang mga gamit at muling ibinalik ang mga iyon sa loob ng tool box na dala niya. Pilit niyang pinapabalik sa matinong kaisipan ang kanyang utak. Pilit niyang iwinawksi doon ang pakiramdam na minsan na niyang nakaharap ang babaeng nasa loob ngayon ng sasakyan na kakaayos niya pa lamang.
"Sa tingin ko ay kailangan nang matingnan ang inyong sasakyan. Lalo na kung madalas na kayong itirik nito," suhestiyon niya sa mga ito.
"We will remember that," wika naman ng babaeng nagtungo sa kanilang talyer upang kunin ang kanilang serbisyo. "Medyo matagal na rin itong sasakyan ni Allana. Since you were in college, right?" baling nito sa babaeng nagngangalang Allana.
Allana--- so, iyon ang pangalan ng babaeng lubos na nakakuha ng kanyang atensyon?
Lumabas muli mula sa sasakyan ang dalaga bago sumagot sa kaibigan nito. Sa muli nitong pagharap sa kanila ay bitbit na nito ang pag-aaring shoulder bag.
"Yes, Krish. Matagal na rin," nakangiti nitong wika sa kaibigan bago siya binalingan. "Magkano nga pala ang kailangan naming bayaran sa iyo?"
Miguel mentioned the amount that they needed to pay. Agad namang binuksan ni Allana ang bag nito at mula roon ay kinuha ang pahaba nitong pitaka. She got some bills from her wallet and handed it out to him.
Saglit pang napakunot ng kanyang noo si Miguel nang makitang sobra kaysa sa halagang binanggit niya ang inabot sa kanya ng dalaga.
"Pasensya na, Miss. Wala akong dalang panukli sa iyo. Kung gusto niyo ay babalik muna ako sa talyer para kumuha ng---"
"Oh, no," awat nito sa kanyang pagsasalita. "Just keep the change. Tip na rin namin iyan sa iyo. Thank you for fixing my car. Dagdag ko na iyan sa bayad since, ikaw pa mismo ang nagpunta dito."
"Pero, miss---"
"Please, take it," giit pa nito sa kanya. "We really have to go. May kailangan pa kaming puntahan. Thank you again."
Naglakad na patungo sa may passenger's seat ang kaibigan nito na nag-usal din ng pasasalamat sa kanya. He just nodded to her and faced Allana again. Pasakay na rin ito sa may driver's seat upang umalis na.
Sa muli ay isang ngiti ang iginawad sa kanya ng dalaga bago tuluyan nang sumakay sa sasakyan nito. Kinailangan pang tumabi ni Miguel upang bigyan daan ang pagmamaniobra ng dalaga sa sasakyang pag-aari nito.
Hanggang sa mayamaya ay naiwan na lamang siya sa tabi ng daan at patuloy na sinusundan ang mga ito ng tingin. Hindi niya maipaliwanag ang nangyari sa kanyang sarili kanina.
May mga pagkakataon na rin sa buhay niya na may nakakasalamuha siyang mga tao na halos pamilyar sa kanya ang mukha. Ngunit hanggang doon lang.
Pero kanina ay iba ang damdamin na bumalot sa kanyang dibdib. It was like the woman was part of his life. Hindi niya maintindihan ngunit pakiramdam niya ay konektado ito sa kanyang buhay. Weird, pero hindi niya maunawaan kung bakit.
Agad na ipiniling ni Miguel ang kanyang ulo. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya.
The woman a while ago was beautiful. She has an exceptional beauty that anyone would notice. Iyon marahil ang dahilan kaya iba ang pakiramdam niya, unang beses niya pa lang itong nasilayan.
Perphaps, he got attracted with her. Maybe that was the reason. Iyon lang.
*****
ILANG minuto nang minamaneho ni Allana ang kanyang sasakyan nang magsalita ang kaibigan niyang si Krishna. Lumingon pa ito sa panig niya bago nagtanong.
"He is cute, isn't he?" Krishna asked her with a smile on her lips.
Bahagya niya itong nilingon bago muling bumaling sa harap ng sasakyan at pinagtuunan ang pagmamaneho. "Cute? Who?" tanong niya sa kanyang kaibigan na halos magkadikit pa ang kanyang mga kilay.
"Oh c'mon, Allana. As if you don't know kung sino ang tinutukoy ko," wika nito sa kanya na may panunukso sa mga mata nito.
"And what is the meaning of that look, Krish?" aniya dito. Lumingon siyang muli sa kanyang kaibigan at binigyan ito ng isang nananaway na sulyap.
"Allana, I was referring to that guy who fixed your car. Isn't he cute?"
"Cute?" saad ni Allana kasabay ng marahan na pagtawa. "Goodness, Krish. Cute is for kids."
Yes. For kids. And the man who fixed her car is very far from being a kid. Lalaking-lalaki na ito kung titingnan. At ang salitang ginamit ng kanyang kaibigan para ilarawan ito ay malayong-malayo sa hitsura ng binata.
The man is handsome. Undeniably handsome. He is very masculine in all aspect. Kahit kupasing t-shirt at pantalong bugbog na yata sa kakalaba ang suot nito ay hindi maikakatwang magandang lalaki ang taong tumulong sa pag-aayos ng kanyang sasakyan kanina.
Kung iisipin ay malayong-malayo ito sa mga lalaking nakakahalubilo nila ni Krishna, lalong-lalo na sa trabahong mayroon sila. But looking at the man a while ago, pupusta siya na kapag nabihisan ito at naayusan ay magagawa nitong makisabayan sa mga lalaking kilala nila.
Allana's family owns an advertising company--- the Millares Advertising Company. Si Krishna, maliban sa pagiging matalik niyang kaibigan, ay isa din sa mga staffs nila sa kanilang kompanya.
She has known her friend since they were in college. They both took up business management and after graduating, Allana started to help her parents to manage their company. Siya ang account director and manager ng nasabing kompanya. Samantalang si Krishna, pagkatapos nila sa kolehiyo ay mas piniling pumasok sa kanila bilang content producer.
They are friends. Pero pagdating sa trabaho ay boss siya nito. They are very close to each other, kaya naman madali lamang para dito ang tuksuhin siya.
Katulad na lamang nang mga oras na iyon. Kakaiba na naman ang kislap sa mga mata nito at nababanaag niya mula roon ang panunukso nito sa kanya.
"So, would you agree to me if I say that that man is more than cute?" she said to her with a teasing look in her eyes.
"Krish," saad niya dito. "Para saan ang usapang ito?"
"Hindi mo ba napansin ang mga titig niya sa iyo?" Krishna faced her. Bahagya pa itong gumalaw upang tuluyang humarap sa kanyang kinauupuan. "Sa tuwing nagsasalita ka ay tutok na tutok siya sa mukha mo. Gusto ko pang isipin na hindi naman niya narinig lahat ng sinabi mo kanina sapagkat nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa kakatitig sa iyo."
Allana can't help but to roll her eyes upwardly. Alam na alam niya ang ganoong mood ng kanyang kaibigan. Na-eexcite ito sa bagay na kanilang pinag-uusapan.
Katunayan ay napansin rin niya ang paninitig na ginawa ng binata sa kanya kanina. Gusto niya pang mailang sa mataman nitong pagtitig sa kanyang mukha.
Hindi niya maintindihan kung bakit. But for some reasons, she found his stares different. Wari ba ay kinikilala siya nito. Ang mga titig nito ay tumatagos sa kanyang kaibuturan. Mga mata pa lamang nito ay waring nangungusap na sa kanya.
Pero kung ano man ang ibig sabihin ng mga titig na iginawad nito sa kanya kanina ay hindi niya alam. Hindi na lamang niya sana pagtutuunan ng pansin kung hindi lang nabuksan ng kanyang kaibigan ang tungkol sa paksang iyon.
"Hindi kaya na-attract sa iyo iyong tao pagkakita niya sa iyo?" muling giit sa kanya ng kanyang kaibigan.
"You are exaggerating things again, Krish," kibit niya ng kanyang mga balikat. Nais na sana niyang mailihis ang paksa ng kanilang usapan. "Baka naman ganoon lang talaga tumitig iyong tao."
"Have you seen how he looked at me? Ibang-iba sa kung paano ka niya titigan at---"
"Ano ka ba, Krishna? Ni hindi natin kilala iyong tao."
Sasagot pa sana sa kanya ang kanyang kaibigan ngunit naiparada na niya ang kanyang sasakyan sa harap ng walong palapag nilang kompanya.
The Millares Advertising Company was started by his father--- si Ruel Millares. Bago pa man nito mapangasawa ang kanyang mama ay pag-aari na nito ang kompanyang iyon. Ayon na rin sa kanyang papa ay nag-umpisa lamang ang MAC sa pagiging maliit na kompanya hanggang sa unti-unti ay gumapang iyon pataas at maging isa sa pinakamatagumpay na advertising company sa buong bansa.
And now that she has finished her studies, isa na rin siya sa mga tumutulong upang manatiling matagumpay ang kompanyang iyon.
Magkapanabay na silang magkaibigan na lumabas sa sasakyan. Si Krishna ay bitbit ang ilang folders na naglalaman ng ilang detalye para sa bagong proyektong ginagawa nila.
Katunayan ay galing sila sa site kung saan kukunan ang bagong commercial na ang kanilang advertising company ang may hawak. Sa lahat ng pagkakataon ay lagi niyang personal na binibisita ang lugar kung saan kinukunan ang proyektong hawak nila.
Nais niya laging masiguro na maayos na matatapos ang bawat commercial na ipinagkakatiwala sa kanilang kompanya. Kaya naman, siya mismo ang madalas bumisita at tumitingin kung maayos na nagagawa ng kanilang mga staffs ang trabaho ng mga ito.
At nang araw nga na iyon ay doon sila nanggaling ni Krishna. Sa may parteng Fairview kinukunan ang commercial at sa lugar na rin iyon nasiraan ang kanyang sasakyan.
Pagkapasok nila sa loob ng Millares Advertising Company ay agad siyang binati ng ilang empleyado na nakakasalubong nila.
"Magandang umaga, Miss Millares," halos magkakasabay na bati ng mga ito.
She smiled at them and greeted them as well. Matapos ay nagtuloy na sila ni Krishna sa palapag kung saan matatagpuan ang kanyang opisina.
Nakasunod pa rin sa kanya si Krishna hanggang sa loob ng kanyang opisina upang ilagay sa kanyang mesa ang mga hawak nitong dokumento. Siya naman ay nagtuloy na sa kanyang swivel chair at doon ay naupo.
"Thank you, Krish," anas niya dito.
Krshna smiled at her. Nagpaalam na rin ito sa kanya na pupunta na sa sarili nitong mesa na matatagpuan sa ikalimang palapag. Tumango siya dito bago ito naglakad na patungo sa may pintuan.
Nasa entrada na ito ng kanyang opisina nang muli ay lumingon sa kanya ang kaibigan niya at muli ay nagsalita. May isang ngiti na naman na nakapaskil sa mga labi nito na sa wari niya ay nanunukso ulit.
"Allana, about that handsome mechanic," wika nito sa kanya na halos ikairap niya dito.
Hindi pa rin pala nito nakakalimutan ang tungkol doon.
"Pupusta ako na talagang nabighani iyon sa iyo," patuloy nito sa pangungulit sa kanya. "Kapag nagkita kayong muli, may ibig sabihin iyon."
"Krishna!"
Marahan itong tumawa sa kanya bago tuluyan nang lumabas ng kanyang opisina.
Naisara na nito ang pinto ngunit nanatiling nakatitig lamang doon si Allana. Sa muli ay bumalik sa kanya ang eksena kanina sa daan--- ang pakikipag-usap nila sa lalaking tumulong sa pag-aayos ng kanyang sasakyan at ang mga titig na iginawad nito sa kanya.
Tama si Krishna. Kakaiba ang mga titig na iginawad nito sa kanya. It was as if the man knew her. She can't be mistaken. She saw recognition in his eyes as he stared at her.
Pero bakit?