Kabanata 2
"Bitiwan mo ako! Alam mong hindi kita kayang pakasalan dahil hindi kita mahal!" pagpupumiglas ko.
"Hindi magtatagal kakainin mo rin ang lahat ng sinabi mo kapag naangkin na kita, kaya sa ayaw at sa gusto mo pakakasal ka sa'kin at bibigyan mo ako ng maraming anak!"
Hinapit na niya ang aking balakang palapit pa sa kaniya ngunit malakas ko siyang tinulak.
"No! I'm not gonna marry you! Hinding hindi mangyayari ang sinasabi mo!"
Subalit wala na siyang balak na pakinggan pa ang sinasabi ko nang yumuko ito at tinangka akong halikan at natagumpay ito.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa n'ya. Marahas din n'ya akong tinulak pasandal sa pader at hinaplos ang aking braso pababa sa aking balakang.
My heart is thumping so hard and my body is shivering with fear. Hindi ko inaasahan ang ginawa n'ya dahil hindi ito ang Stephan na kilala ko.
Kilalang matino at respetado sa lipunan ang pamilya nila. Isa ang pamilya nila sa mga nagmamay-ari ng pinakamalaking planta ng asukal sa Negros at sila rin ang isa sa mga leading supplier nito sa iba't ibang parte ng bansa.
Kaya hindi ko lubos maisip nagagawin n'ya ito sa'kin.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko nang bumaba pa ang kaniyang kamay sa aking nakalantad na hita. Pumikit ako ng mariin at nag-ipon ng lakas ng loob upang makapag-isip ng tama at takasan ito.
Nang bitiwan n'ya ang aking mga labi ay doon ako kumuha ng pagkakataon upang sipain siya sa kaniyang harapan. Binigay ko ang natitira kong laks upan nang sa gano'n ay hindi na siya makatayo pa.
Mabilis itong bumnagsak sa sahig na sapo ang iniingatan niyang alaga. "You f*****g b***h!"
"Iyan ang bagay saiyo, f*****g w***e!"
Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko ang mukha n'ya. Kitang kita ko kung paano bumakat sa pisngi n'ya ang takong ng suot kong stilletos bago ko s'ya talikuran.
Walang lingon ko siyang iniwanan at binaybay pababa ang hagdan sa may fire exit. Ngunit narinig ko ang malakas na sigaw ni Stephan at mga yabag na pababa palapit sa'kin.
Sa takot na maabutan n'ya ay lumabas ako sa pintong kung saan dinala ako sa ibang palapag. Hindi na ako nag aksaya ng oras at isa-isang kinatok ang mga nadaraanan kong pinto ng suite.
Wala na akong pakialam kung makabulahaw man ako ng mga guests ng hotel ang mahalaga ay matakasan ko si Stephan at ang mga nagbabadyang panganib para sa'kin.
Ngunit wala isa man ang nagbukas ng pinto para sa'kin. Binalot na ako ng matinding kaba at unti-unting nawawalan ng pag-asa. Lalo pa nang mamataan kong palapit na si Stephan.
Mabilis akong kumaripas ng takbo at lumiko sa huling pasilyo. Sinubukan ko muling kumatok sa mga pintuan at sa wakas ang huling pintong kinatok ko bumukas.
Hindi na ako nagdalawamng isip na itulak pabalik ang sana'y palabas na lalaki at mabilis kong ni-lock ang pinto.
Mariin kong dinikit sa pader ang aking tenga at pinakiramdaman ang pagsunod sa'kin ni Stephan. Ilang segundo pa ako doon nang pukawin ako ng mababang boses sa aking likuran.
"Are you okay, miss?"
Mariin kong kinagat ang aking mga labi bago humarap. Mabilis akong nag-isip ng idadahilan upang sana'y magpaliwanag dito ngunit natigilan ako sa nakita.
He is tall, and he has dark and masculine skin tone. Hindi lang 'yon may makapal itong mga kilay at matangos na ilong. Ang panga nitong tila hinubog habang umiigting ay mas nakadagdag dito ng malakas na dating.
Ngunit kabaliktaran no'n ang matalim at madilim niyang tingin sa'kin. Tila mo'y gusto akong kainin nang buhay.
Mariin ang naging paglunok ko. Hindi ko rin mahanap ang tamang salita para dito dahil sa halos gahibla na lamang ang pagitan na meron kaming dalawa. At sa tangkad niya'y tila nanliit ako sa height na 5'6.
I saw his lips tugged up and smirked at me. Hindi rin nakalampas sa'kin ang pagbisita niya sa aking kabuuan.
"I will ask you again, why are you here?"
Bubuka na sana ang aking mga labi upang magsalita nang makarinig ako nang sunod-sunod na katok mula sa nakarasadong pinto.
Agad na nanlaki ang mga mata ko at mariin na umiling dito upang huwag buksan. Nangilid na rin ang mga luha ko sa matinding takot.
"Go to your left and open the door at the right and lock the door. Huwag mong bubuksan hangat hindi ako ang kumakatok," aniya sa mababang boses.
Sunod-sunod naman ang naging pagtango ko at kumaripas nang takbo patungo sa silid na sinabi n'ya.
Maaliwalas ang silid pagpasok ko. Sa tingin ko ay ito ang kaniyang silid. Malayang nakakapasok ang hangin dahil sa bukas na bintana at pinto sa may lanai. Sa tingin ko ay isa ito sa may pinakamagandang spot upang mag unwind habang nasa harapan mo ang malawak na dagat.
Wala sa loob na humakbang ang mga paa ko patungo doon. Kung kanina ay madilim ang kalangitan, ngayon ay tila nakikisama na ang panahon. Halos magkulay kahel na ang kalangitan dahil sa palubog na araw.
Mabuti ay wala sa panig na ito ang magaganap sanang kasal namin ni Stephan kaya hindi ako nangangambang may makakita sa'kin.
Saglit na napawi ang mga alalahanin ko't agam-agam dahil sa pinamalas na ganda ng karagatan.
Subalit pinukaw ako ang sunod-sunod na katok mula sa labas ng silid. Nag alalangan may ay pinasya kong pagbuksan ang kumatok nang magsalita ito mula sa labas.
"Ako ito, buksan mo ang pinto."
I open the door for him. Ngunit hindi ko inaasahan ang seryoso at madilim niyang tingin sa akin. Dahan-dahan rin akong napaatras dahil sa malalaki niyang hakbang papasok ng silid.
"Hmm, p-pasensya ka na sa istorbo," sa wakas ay nahuli ko ang aking boses. Hahakbang na sana ako upang lumabas ng kaniyang silid nang pigilan niya ang aking braso.
Kunot ang noo na tumingala ako dito. Kahit pa magaan ang pagpigil niya sa aking braso ay ininda ko 'yon pagkat hindi naman kami magkakilala para hawakan n'ya ako ng walang pasabi.
"Anong ginagawa mo? Bitiwan mo ako!"
"Sa tingin mo gano'n ko na lang palalampasin ang ginawa mo? Basta ka na lang pumasok sa loob ng suite ko nang walang pasabi. Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng tresspassing, huh?"
I clenched my teeth. Buong akala ko'y okay na ang lahat dahil tinulungan n'ya akong magtago sa kaniyang silid ngunit hindi ko akalain na may pagka arogante pala ang isang ito.
"Sorry na nga diba? Wala lang akong matakbuhan kanina at ikaw ang nag-iisang nagbukas sa'kin ng pinto sa akin kaya kinuha ko na ang pagkakataon para makapagtago. Kung gusto mo babayaran kita sa perwisyong nagawa ko. Magkano ba ang gusto mo, ha?!" Pinanlakihan ko na siya ng mata.
Doon na niya ako binitiwan. Ang dalawang kamay ay ibinulsa sa kaniyang suot na pantalon habang panay ang iling.
"Hindi ka pa rin pala nagbabago, ikaw pa rin ang Constantia na kilala ko," aniya sa buong boses.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. No way, huwag iyang sabihin na kilala n'ya ako? Wait, baka isa siya sa mga bisita sa kasal namin ni Stephan, o baka isa siya sa mga kaibigan ni Stephan.
"I-I have to go!"
Hindi ko na hinintay na pigilan n'ya pa akong muli dahil mabilis na akong kumaripas nang takbo palabas ng kaniyang silid.
"Turn to your left may makikita kang fire exit d'yan," narinig kong pahabol niyang sinabi.
Nilingon ko pa siya ng isang beses na pirmi pa rin na madilim ang tingin sa'kin bago ko siya iwan ng marahan pagtango.
Gano'n pa man ay hiniling ko na magkita pa sana kami upang makahingi sa kanya ng sorry at bumawi sa perwisyong nagawa ko. . .