Kabanata 1
Walang lakas akong tumingala sa kalangitan buhat sa bintana ng inuukupa kong silid. And, I noticed how pretty the sky was today. Hindi makakaila ang ganda ng dapit hapon, ngunit hindi rin nito maiibsan ang bigat ng aking nararamdaman at ang pagdadalamhati ng puso.
"Sana'y umulan ng malakas."
"Huh, may sinasabi ho ba kayo, senyorita?" takang tanong sa'kin ng make-up artist na siyang abala sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha at buhok.
"Ah, w-wala, ang sabi ko ang lakas ng hangin." Pilit akong ngumiti at binaling muli ang tingin sa labas ng bintana.
Mula dito kasi ay tanaw mo ang malakas na paghampas ng alon sa kaparangan. Maging ang mga sumasayaw na malalaking umbrella at puno na nakahilera sa may dalampasigan.
Hindi man lamang ako nakaramdam ng pananabik kahit pa nagsusumigaw ang ganda nito na tila inaanyaya akong maligo.
Kumislot ako mula pagkakaupo nang bumukas ang pinto sa mula sa aking likuran.
"Magnifico!" I heard the sweet voice of Mom when she enters the room. Mabilis niyang inagaw ang pwesto ng make up artist sa aking likuran matapos ay hinawakan ako sa aking dalawang balikat.
She wears a perfect strap red dress . Kahit may edad na ay nagagawa pa rin niyang dalhin ang damit na gustuhin n'ya. Kahit pa may motif na sinusunod ang mga designer sa gaganaping kasal ay hindi ito nagpapigil sa gusto n'ya.
She can do what she wants. And she can manipulate others by making her very own drama. That's why I really hate her for forcing me to marrying someone I don't love.
Pero ano bang magagawa ko kundi ang sumunod sa lintek na tradisyon nilang 'yan. Kahit kailan ay hindi ako pabor sa kalokohan nilang 'yan.
This is all marriage for convenience!
At iyon ang hindi ko matanggap!
How could they kiss each other in public and pretend that they are a perfect couple? E, para wala pa naman silang nabe-build na trust at love.
Nakakatawa lang na hanggang ngayon ay uso pa rin ang bagay na 'yon sa kanila.
"I'm really excited for you, my dear daughter! Ang tagal kong hinintay ang araw na ito, and finally ikakasal ka na sa isang Santillan!"
Mas lumuwang ang ngiti niya sa repleksyon ng salamin. Halatang masayang masaya nga ito sa magaganap na kasal.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumayo.
"Ah, magpapahangin lang po ako sa labas. Kanina pa kasi ako nakaupo dito."
"Pwede kitang ipagkuha ng malamig na tubig, kung gusto mo sasamahan kita?" Tila kasi na alarma ito sa aking sinabi.
"Mom, I'm fine. Babalik din ako, I promise!" Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin n'ya pagkat sinimulan ko nang lumabas ng silid na 'yon.
Hindi para magpahangin kundi para ituloy ang sanay pagtakas at baliin ang pangako na kanina lang ay sinasabi ko kay mom. Ilang beses ko na rin sinubukang takasan ang ilang family gathering ukol sa kasal na palapit ngunit palagi na lamang akong nahuhuli.
Pero sa pagkakaton na ito ay hindi na ako papahuli nang buhay sa kanila. Hindi bale nang magkamatayan basta huwag lang matuloy ang kasal na ito.
Diretso ako sa comfort room doon ay marahas kong hinubad ang suot kong belo. Matapos ay hinila sa aking hita ang nakaipit na cellular phone. Mabilis kong ni-dial ang numero ni Tally na siya naman agad nitong sinagot.
"Finally tumawag ka na! Akala ko hindi ka na makakatakas!"
"Hindi pa, nagpaalam lang akong magpapahangin at any time soon ay hahanapin na nila ako. Yung mga bilin ko saiyo naayos mo ba?"
"Oo, nakahanda na ang lahat. Your important documents, credit cards at ang get away car mo ay naka-plantsa na. Ikaw na lang ang kulang."
Hinigit ko ang paghinga at kinagat nang mariin ang aking mga labi. Kailangan kong mag magmadali kung hindi ay baka mahuli na ang lahat.
"Sige, ang mabuti pa bumalik ka na sa events room at baka makahalata si mommy na wala ka rin doon. Baka ano pa ang isipin n'ya.
"Basta tawagan mo ako agad kapag natuloy ka!"
"Tatawagan kita agad. Salamat, bye!"
Hindi ko na pinahaba pa ang usapan at pinatay ko na ang tawag. muli kong sinuksok sa aking hita ang cell phone na dala at mabilis kong hinubad ang suot tinastas ang suot na traje de boda, maging ang sleeve nito. Para hindi ako mahalata ng mga maghahanap sa'kin.
Niladlad ko rin ang aking mahabang buhok ay pinahid ang make-up na ilang oras na nilagay ng make up artist sa aking mukha.
Isang ngiti ang pinakawalan ko bago lumabas na ng tuluyan sa rest room. Mabibilis ang lakad ko at sinusiguro na walang ibang makakakilala sa akin.
Lumiko ako sa pasilyo kung saan madalang lamang ang taong dumaraan balak kong dumaan sa fire exit dahil doon mismo naka park sa likod ng hotel ang get away car na hinanda para sa akin ni Tally.
Subalit hindi pa ako nakakaliko sa may kanto nang maramdaman kong may humigit sa aking braso.
"Constantia?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaking siyang bakas ang gulat sa mukha. Tila nawalan naman ng kulay ang mukha ko nang makita ko kung paano napalitan ng galit ang kaniyang mukha.
"S-Stephan, anong ginagawa mo dito?!" I almost stuttering.
"Ako ang dapat na magtanong sa iyo n'yan. Anong ginagawa mo dito at bakit ganyan ang itsura mo?!"
Doon ko na hinigit ang paghinga nang mapansin kong napagtanto na niya kung bakit ganito ang ayos ko. Umatras ako ngunit hindi hinila n'ya pa lalo ako palapit sa kaniya.
"Balak mo na naman bang tumakas?!"
Sa puntong 'yon mas humigpit pa ang hawak n'ya sa'kin at hindi pa nakuntento nang hilahin ako sa isang sulok at marahas na isinandal sa pader.
"Ano ba bitiwan mo nga ako!" asik kong sinabi at sinubukan siyang hawiin ngunit tila bakal ang kamay at braso nito na siyang gumigipit sa'kin.
"You're not going anywhere, Cons! Matagal kong hinintay ang araw na ito, at matagal na rin akong nagtitimpi sa'yo!"
Ang gwapo at maamo nitong mukha ay napalitan ng seryoso at mabagsik na si Stephan. Nakilala ko siyang mabait at magalang noon. Kaya kahit ilang beses na akong hindi sumipot sa mga dinner gathering ng pamilya namin ay wala akong narinig na salita mula sa kanya.
Ngunit ibang Stephan ang kaharap ko ngayon at iyon ang totoong Stephan...