KABANATA 3

1303 Words
Kabanata 3 Malalaki ang hakbang ko at walang lingon na nilisan ang hotel na 'yon. Sa bandang likod ng hotel ay doon ko namataan ang isang itim na sasakyan. Lulan nito ang aking best friend na si Lorna. Agad na umilaw ang head lights nito at bumukas ang front seat kaya mabilis akong tumakbo papasok sa loob. "My God, akala ko hindi ka na darating. I almost prepared for the wedding!" anito na nakasuot na rin ng gown. Tumaas pa ang kilay ko habang pinagmamasdan ang pustura nito. Halata naman pinaghandaan n'ya ang kasal namin ni Stephan. Sa huli ay umiling na lang ako. Ang mahalaga ay nandito siya para suportahan ako. "Let's get out of here," wika ko bago Isinandal ang aking ulo sa headboard ng car chair at pumikit nang mariin. *** "That bastard! Dapat mo talagang sampahan ng kaso ang gag* na 'yan. Huwag ka basta-basta papayag na hindi n'ya pagbabayaran ang mga ginawa n'ya saiyo!" Gigil na gigil ito habang tinutusok ang sliced pork sa grill pan. "Paano ko magagawa 'yon kung mas malakaing problema ang binigay ko sa kanya?" Tinungga ko ang soju sa shot glass at umiling. Isang oras matapos namin marating ang motel na nirentahan n'ya ay walang patid ang subo ko ng pagkain in-order niya at lagok ng alak. "Simple lang kasuhan mo ng harassment, attempted rape at illigal detention. Tingnan ko lang kung may mukha pa 'yang ihaharap sa pamilya mo!" Sumandal ako sa sofa nang marinig ko ang huli niyang sinabi. Pwede ko nga siyang kasuhan ngunit sino naman ang maniniwala sa'kin? Halos lahat silam ay nakapanig kay Stephan. "How's dad? Hindi ka pa nila nakontak, or nasundan?" May pag-aalala na sa aking tinig. Umiling ito sa'kin. Kung tutuusin ay si daddy lang naman ang iniisip ko. Alam kong hindi rin siya pabor sa tradisyon ng pamilya ngunit wala siyang magagawa. Like mom, alam kong nakakulong sila sa tradisyon na 'yon at wala silang choice kundi sundin ang bagay na 'yon. But its time to end that f*****g tradition. Kung nagawa nila kay kuya noon ang bagay na 'yon, pwes sa'kin ay hindi na 'yon mauulit pa sa'kin. "E, teka paano ka nga ba nakatakas sa pervert na 'yon?" Bigla akong natigilan nang maalala ang lalaking naka-encounter ko sa suite at siyang tumulong sa'kin upang makatakas nang tuluyan kay Stephan. He knows me and my name. Pano niya ako nakilala. I haven't met him, sigurado ako do'n. Mabilis akong kumurap at umiling. Inubos ko ang laman ng baso at pinasyang tumayo at pinagsawa ang mga mata sa mga makikislap na liwanag sa distansya. Nasa isang private resort kami ngayon ni Lorna , isa sa mga employee n'ya sa trabaho ang inutas nitong mag-book sa amin sa private resort na ito. Dahil tiyak na susuyurin nila ang mga appointments namin ni Lorna dahil sa nangyari. Mabuti na lang ay naisip niyang gumamit ng ibang tao upang magawa namin ang escape paln na ito. "Kung lumabas na lang kaya tayo ngayong gabi? Ang boring naman kasi dito," wika ni Lorna na tila naiinip na. Isang buntong hininga ang ginawa ko bago gumawi dito. "What if may makakita sa'tin at i-report tayo sa mga Santillan tiyak na malilintikan tayo. "Heller, nasa sulok na tayo ng pilipinas, mahahagilap pa ba nila tayo saka. Magaling yata ang reseacher ko dahil hindi tayo basta-basta matatagpuan ng mga 'yon dito." Paano ay nasa isang liblib na resort kami at hindi lang 'yon. Murang mura lamang ang renta dito sa isang gabi. Kaya sa tingin ko ay tama si Lorna. Malabong may makakilala sa amin dito sa part ng Cebu. "Kung gano'n ano pang hinihintay natin? Tara na!" aya ko dito at binaba na ang hawak na bote ng alak. Mabilis na nga kaming nag-ayos at habang nag go-google si Lorna ng club na pwede namin puntahan ako naman ay binuksa ang bagong cellphone na binili. Kasama sa escape plan namin ang pag-iwan ng mga personal na gamit namin at pag secure nito bago namin gawin ang pagtakas. Nakapag sabi na si Lorna na magbabakasyon overseas kapagtapos ng kasal sana namin kaya't walang magiging problema sa lakad namin kung sakali. Isa pa nag withdraw ako ng cash dahil kung gagamitin ko ang aking atm card ay tiyak na mate-trace kami nila mom at dad. Kaya napagpasyahan kong iwan ang lahat ng meron ako sa Mactan Cebu para lang takasan ang dapat sana'y kasal namin ni Stephan. Isa pa, agad akong nag-tina ng buhok kapagdating namin sa resort. Isa ito sa mga ideya ni Lorna. Alam nilang metikuloso ako kapag dating sa aking buhok. Hindi nga nawawala sa uso ang buhok ko't palagi ring naka-rebond. Ngayon ay sinakripiyo ko ang bagay na 'yon para lang makatakas na sa tradisyon ng pamilya. "Alam mo mas bumagay saiyo ang kulay itim na buhok. Nagmukha kang manika sa itsura mo," komento ni Lorna na panay pa rin ang pag dutdot sa kaniyang cellphone. Gaya ko ay bago rin ang kaniyang parato. Tinitigan ko ang itsura ko sa salamin. Hindi lang siguro ako sanay na itim ang buhok ko. Pinanganak kasi akong medyo may pagka-blonde na buhok dahil sa may lahi ang side nila mommy. Ako nga daw ang nakakuha ng lahi ng aming Lola Jachinta na siyang purong espanyol. Ang kapatid kong si kuya Chris naman ay nakuha ang side nila daddy kaya hindi na ako magtataka kung bakit habulin pa rin siya ng mga babae kahit may asawa na. Muling umikot ang mga mata ko nang maalala ang huling bilin n'ya sa'kin bago ang kasal. "Just go with the flaw, sis. Hindi ka na lugi kay Stephan malay mo matutunan mo rin siyang mahalin gaya ng pamamahal ko sa ate Sofia mo," he chuckled while proudly siiting at the couch. Matutulog na sana ako nang katukin niya para lang sa huli ay kombinsehin na pumayag na sa kasal. "Inutusan ka ba ni mommy kaya ka nandito," tanong ko habang nakaharap sa vanity table at sinusuklay ang mahabang buhok. "Of course not! I'm just to give you a piece of advice. Para rin naman sa pamilya natin ito at sa ikalalago ng ating negosyon," aniya pa. Malakas kong binagsak ang suklay sa lamesa at humarap dito. "Kung wala ka nang iba pang sasabihin makaalis ka na!" "Woah, bakit ba ang init ng ulo mo? I'm just giving you an idea at sa pwedeng mangyari kapag pinakasalan mo ang Stephan na 'yon. At kapag kasal na kayo, pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo. Remember that this marriage is just for convenience." He smirked Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang puntuhin pero hindi ko ibibigay kay Stephan ang pagkakataon na angkinin ako, maging ang kalayaan na meron ako. ### SAKAY ng rental car ni Lorna ay naghanap kami nang pwede kainan at the same time ay pwede din mag unwind. Sakto dahil paglabas namin ng highway ay hile-hilera na ang mga restaurants at bar na siyang nadaanan namin. Pansin ko rin na dinudumog ng mga tao ang isang resto-bar kaya doon ko inaya si Lorna na pumunta. "Hmm, in fairness naman sa abviance ng lugar mukhang cozy at elegant," kumento ni Lorna. Agad kaming pumwesto sa isang sulok at um-order ng inumin. Abala rin agad ang mata ko sa paligid. Hindi pa rin ako kampante na hindi kami matutunton ni Stephan dito. Isa pa baka rin may makakilala sa amin dito tiyak na lintek na ang aabutin namin. "Huy, wala nang bula 'yang beer sa harapan mo. Ano wala ka nang balak inumin 'yan?" Bumaba ang tingin ko sa malaking baso na nasa aking harapan. Bakit ba iniisip ko pa ang bagay na 'yon kung pwede ko naman i-enjoy ang buhay single ko? Finally, nagkaroon na din ako ng lakas na takasan si Stephan at baliin ang tradisyon ng aming pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD