KABANATA 5

1022 Words
Kabanata 5 Kailangan kong malaman mula sa kanya ang nangyari sa hotel. Kailangan ko siyang makausap. Minabuti kong tumahimik at makinig na lang sa usapan nila sa lamesa. Madalas kasi ay kay Octavious ang pukol ng tanong nila Sophia at Derek. Nalaman ko rin na isang ito businessman at isa ring engineer. "Kung gano'n bakit hindi mo na lang dito ayain si Mr. Kurishima para naman makita n'ya itong bagong bukas mong resto-bar?" suwestiyon ni Derek sa huli. "Mukhang gano'n na nga ang mangyayari," ani niya dito. Sa puntong ito ay bahagya akong nakampante. Pagkat medyo nalihis na ang usapan tungkol sa aberya sa hotel kanina. "Ano na ngayon ang plano mo? Balak mo bang bumalik na agad sa Manila?" Sophia asked Octavious na siyang kanina pa rin tahimik habang nilalaro ang laman ng alak sa baso. Muli napukaw nito ang atensyon ko kaya't hinintay ko ang magiging sagot niya ngunit halos higitin ko ang paghinga ko nang bumaba muli ang mga titig niya sa'kin. "Mukhang magtatagal pa ako dito ng mga ilang weeks or maybe a month. Because, I found the reason to stay here," he said then twitched his lips. "Yan ang gusto ko saiyo pare, hindi mo kami binibitin!" sambit ni Derek. "Dahil ba kay Sophia kaya gusto mong magtagal dito?" Biro pa ni Direk Napansin kong tila kinilig si Sophia sa mga nalaman lalo nang walang sagot na namutawi sa mga labi ni Octavious. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko bago magapasyang tumayo at magpaalam. Ano pa ba ang gagawin ko sa lugar na ito? Tiyak na hindi rin ako ligtas dito dahil ultimo si Octavious nga ay nakarating dito. "Thanks for the drink, and nice to know guys. See you around!" Hindi ko na rin hinintay na pigilan ako ni Luke na siya ding tumayo. Iniwan ko pa ng isang tingin si Octavious na siyang pirme lamang na nakayuko sa hawak niyang baso. "P-pwede ko bang makuha ang number mo? Alam mo na, gusto ka pa sana namin mas lalong makilala," ani Luke na siyang tila kinakain ang hiya habang kinukuha ang numero ng aking telepono. Ngunit gustuhin ko man na gawin 'yon ay hindi pwede pagkat umiiwas ako na may makakilala sa akin. Lalo pa ang may makaalam kung saan ako nagtatago. "Pasensya ka na. Hindi ko dala ang cellphone saka hindi ko kabisado ang number ko." Lantaran kong pagtanggi. Nakita kong napakamot ito sa kaniyang batok at tila napahiya. "Ang agad mo naman na basted pre!" Pang aasar ni Derek. "Nandito naman ako, bakit naghahanap ka pa ng iba?" Hinila ni Nikka ang braso ni Luke na siyang hindi naman pinansin ng huli. "Baka may pinatataguan kaya ayaw ibigay ang number saiyo, hindi kaya?" Mabilis na lumipad ang tingin ko kay Octavious na siyang kakaubos lang inumin ang alak sa kaniyang baso nang tumingala sa akin. Pansin ko pa ang mamasa-masa niyang mga labi bago 'yon bahagyang dilaan at ngumisi. Hindi ko maipaliwanag kung lumakas ang kabog ng puso ko sa ginawa n'ya. Mariin akong pumikit at bahagyang umiling bago sulyapan si Luke. "Uh, kung gusto mo isulat mo na lang ang number mo." Hindi naman ito nag atubili na isulat sa malinis na tissue ang numero n'ya. "Kung mapapasyal ka ulit dito sabihan mo lang ako. Or kung kailangan mo nang tour guide available ako," aniya pa sa akin na malawak ang ngiti. Tumango akong muli at nagpaalam sa mga ito. Iniwan ko pa nang nakakauyam na tingin si Octavious bago sila talikuran. "Antipatiko," bulong ko. Mabibilis naman ang mga lakad ko upang hanapin si Lorna namataan ko itong abala pa rin sa pakikipag sayaw sa lalaking nakilala kanina kaya't nagpasya akong magtungo sa may open door kung saan tagusan nito ang isang malaking fountain. Marami din tao sa lugar na tila dito nagpapahinga at nagpapawala ng lasing dahil may nakita akong mini cafe sa sulok at ilang lamesa doon. Tiningala ko ang hugis bilog at transparent na ceiling ng resto-bar. Mukhang pinag-isipan ng mabuti ang pagtatag nitong business. Halata ding binusisi ang bawat detalye. Hindi na ako magtataka kung bakit dinadagsa ang lugar. Nakuha rin ng malaking fountain sa harapan ko ang atensyon. May ilang barya pa nga akong nakita doon. Sa tingin ko ay may mga naghagis na ng barya sa fountain na 'yon. Kinapa ko sa dalang purse kung may barya ako at lumuwang ang ngiti ko nang may makitang sampung pisong coin. Mahigpit ko 'yon hinawakan at tumingala sa namumutiktik na bituin sa kalangitan. Mariin akong pumikit habang hawak sa kamay ang coin. Lihim akong ngumiti. Kailan pa ako naging mapapaniwalain sa mga ganitong bagay. Umiling ako ng sunod-sunod. "Mukhang madami kang hiling?Isa na ba d'yan na sana hindi ka masundan dito ng fiance mo?" Mabilis akong dumilat at nilingon ang boses sa tabi ko. Si Octavious... Nakatinangala ito sa malaking fountain habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalon. I slowly swallowed hard and stared at him for a second bago ako mahila ang katinuan. "And why would you expect na 'yon nga ang hihilingin ko?" Tumaas ang kilay ko at muling ibinalik ang coin sa aking purse. "If I were in your shoes right now, baka 'yon din ang hilingin ko," he said and chuckled. Napatiim bagang ako at nuling humarap sa kanya. "Do you think its funny?!" Pinaningkitan ko na siya ng mata. "No offensement, but its kinda dramatic you know, na tatakbo ka sa mismong araw ng kasal mo." He chuckled again. "Ano naman pakialam mo kung takasan ko ang mismong kasal ko? Wala kang alam kaya mas mabuting itahimik 'yang bibig mo!" Tuluyan na akong humarap dito a tiningala siya sa kabila ng angkin kong tangkad. Ngunit gano'n na lang ako napa atras nnag humarap ito sa'kin at sinalubong ako nang madilim niyang mga titig. "Baka nakakalimutan mo may utang ka sa'kin. Dahil kung hindi dahil sa'kin wala ka dito ngayon," he said in a low but cold voice. Nahigit ko ang paghinga ko. Sa tingin ko ay hindi n'ya basta-basta na lang palalampasin ang aberyang dulot ko sa kanya kanina. Ngayon pa lang ay tila hindi ako handa sa pwede niyang hinging kapalit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD