Kabanata 4
Dapat nga ay mag-celebrate ako dahil sa wakas ay nakawala na ako sa lintek na sumpa ng tradisyon ng pamilya namin.
Hindi na ako nagdalawang isip na tunggain ang laman ng baso. Hindi pa ako nakuntento, sinaid ko pa 'yon maging ang natitirang bula sa malaking baso.
"Woah!" hiyaw naman ni Lorna na siyang tinagay rin ang para sakaniya.
Gaya niya ay nagsisigaw din ako at sinabayan ang malakas na tugtog. Hindi na rin ako nakuntnto nang hilahin ko ang kamay ni Lorna sa gitna ng dancefloor.
"Yeah, move your body! Shake your body!" malakas na sigaw ni Lorna.
Dahil sa sinabi niya ay mas giniling ko pa ang katawan at humataw sa maharot na tugtog. May ilan na ring kalalakihan ang nakipagsayaw sa amin na siya kong pinaunlakan.
May ilan pa ngang lumalampas na sa bounderies nila, but I'm getting used to it. Sanay naman ako makipag sayaw sa mga ganitong klase ng mga lalaki.
"Hi, Can I buy you a drink?" alok sa aking ng lalaki na siyang kaharap ko ngayon sumayaw.
"Hmm, I'm good!" balik kong sigaw kasabay ng malakas na tugtog.
"Then come sit with me at the table and let's talk," bulong na niya nang yumuko sa'kin.
Dahil ayoko naman isipin niya na pa-hard to get ako ay pumayag ako. Hindi lang talaga ako maka hindi kay pogi. Isang kindat ang iniwan ko kay Lorna na siyang nakita ko pang may kasayaw na lalaki sa gitna. Tumango pa ito sa akin bilang pagsang-ayon.
"My name is Luke," pakilala n'ya sa'kin habang naglalakad patungo sa sinsabi niyang pwesto niya.
"I'm Constantia, but you can call me, Cons."
"Hmm, nice name," aniya.
Mula sa kinatatayuan ay namataan ko na ang grupo ni Luke na siyang kumaway dito. Ilang kababaihan ang naroon at may mga lalaki rin itong mga kasama.
"Kaya saiyo ako pare, ang lakas mo talaga!" Salubong dito ng isang lalaki sinuntok pa siya sa braso.
Gaya ni Luke ay magandang lalaki rin ito, matangkad at makisig gaya n'ya.
"My friend, Derek."
Pakilala n'ya sa kaibigan na agad naman nakipagkamay sa'kin.
"Cons." Pakilala ko.
Hindi rin nagtagal ay pinakilala n'ya pa ako sa mga kasama n'ya sa lamesa. Mga kaibigan at business partners daw n'ya ang mga ito.
Una kong napansin ang babae na tumabi agad kay Luke na ang pangalan ay Nikka. Maputi ito at may balingkinitang pangangatawan. Nakasuot din ito ng spaghetti strap dress na labas ang clevage.
Ngunit lihim akong ngumisi nang umusod sa tabi ko si Luke at pinaglagay ako ng alak sa baso.
"So, saan ka dito sa Cebu? Parang ngayon lang kita nakitang napadpad dito sa resto ng kaibigan namin," tanong ni Luke.
"Ah, nagbabakasyon lang ako kasama ng best friend ko. Taga Maynila kami." Pagsisinungaling ko.
"In fairness dito sa bagong bukas na resto ni Octavious, dinumog agad ng mga tao," wika ni Nikka na siyang lilingap lingap sa paligid.
Octavious? Parang pamilyar sa akin ang pangalan na 'yon... Pinagkibit balikat ko na lang ang bagay na 'yon at hinila ang baso ng brandy na binaba sa akin ni Luke.
"Speaking of Octavious at akala ko ba papunta na siya?" tanong ng babae na nagngangalang Sophia. May bilugan itong mukha at matangos na ilong. Mapula rin ang mga labi nito sa ginamit na lipstick. Isa pa, kapansin-pansin ang suot nitong pulang strapless top.
"Oh, ito na pala ang bigatin nating kaibigan!"
Nilingon ko ang sinasabi nilang parating at gano'n ko na lang biglang nabuga ang iniinom na alak nang makilala ang lalaking palapit. He's tall and yes, absolutely handsome.
Agad na nagtama ang paningin namin. Ang madilim at seryoso niyang titig ang agad napabilis ng t***k ng aking puso.
Siya 'yon! Yung lalaki sa hotel kanina!
***
"Octavious my friend!" Sinalubong siya nang dalawang kaibigan na sina Luke at Derek.
Agad rin itong humalik sa pisngi ng mga kaibigan niyang babae. Ngunit pansin ko ang bahagyang pagyakap ni Sophia dito nang hagkan n'ya sa pisngi.
"Akala namin hindi ka na darating pre, kanina pa kami dito," ani Derek nang makaupo na ito sa mismong tabi ni Sophia.
"May inaasikaso lang akong gusot kanina. Actually, until now hindi ko pa naayos ang gusot na 'yon," aniya sa kaibigan ngunit pansin kong sa'kin ito nakatingin.
"Sus, ikaw pa ba? Yakang- yaka mo 'yan. Siya nga pala, I'd like you to meet Constantia." Pakilala sa akin ni Luke.
"Octavious." Pakilala naman ni Luke sa'kin sa bagong dating.
Tumingala ako dito at sunod-sunod na lumunok. Hindi ko akalain na makikita ko pa siya dito kapagtapos ng lahat nang nangyari sa hotel kanina.
"Uh, Cons..." Pakilala ko.
"Yeah, I know her," malalim ang boses niyang sinabi.
Tila natulos naman ako sa kinauupuan sa binanggit niya. Gano'n din ang gulat na reaksyon ni Luke at iba pa naming kasama sa lamesa.
"Really? What a coincidence!" ani Luke.
"How do you know each other then?" Pansin ko naman tumaas ang kilay sa'kin ni Sophia matapos niya akong balingan.
Damn, hindi nila dapat malaman na tumakas lang ako sa kasal na dapat sana'y gaganapin sa hotel kanina. Paano kung isiwalat ni Octavious ang nangyari at malaman nila ang totoong dahilan kaya n'ya ako nakilala.
Bubuka na sana ang mga labi ko para magsalita nang marinig ko ang sinabi n'ya.
"Hindi pala siya yung kakilala ko." Kibit balikat niya matapos ay bumaling nang muli kay Sophia.
Ang namuong pawis sa noo ko ay tila natuyo matapos marinig ang huling sinabi ni Octavious.
"Sabagay her face is very common, marami kang makikita na halos kahawig n'ya." Tila ayaw paawat na sambit ni Sophia.
Hinigit ko ang baso ng beer sa lamesa at tahimik iyon tinungga. Hindi ko na lang pinatulan ang huli niyang sinabi kahit pa hindi ako sang-ayon.
Hindi na rin natapos ang mga tanong nila sa bagong dating bagay na hindi naman ako intresado.
Mas pinagtuunan ko ng pansin ang paghahanap kay Lorna na siyang nasa gitna pa rin ng dance floor na siyang may mga kasayaw na lalaki. Ang ilan pa nga sa mga ito ay mga foreigners na tiyak kong type n'ya.
"Ano sabi mo may insidente sa hotel kanina kaya hindi natuloy ang deal n'yo ni Mr. Kurishima?!"
Mabilis akong lumingon nang marinig ang sinabing 'yon ni Derek. Sumulyap din ako kay Octavious na siyang sinalubong ako ng maiinit niyang mga titig.
Wala sa loob na hinila kong mili ang baso ng alak sa aking baso at nilagok 'yon ng inom. Unti-unti na rin nagpawis ang noo ko sa matinding kaba.