Kabanata 8
This is not my room! Malaki ito sa dapat sana'y silid na inupahan namin ni Lorna. Isa pa mukhang mamahalin ang mga muwebles na ginamit dito.
Mabilis kong nahanap sa side table ang aking purse at nilabas mula doon ang aking cell phone. Ilan miss calls ang natanggap ko mula kay Lorna at texts na rin mula rito.
"Where are you?"
"I'm worried about you. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Should I call your mom? Please call me back."
"Are you with Stephan? Please call me right away. Constantia"
Ilan lamang sa mga texts na natanggap ko mula kay Lorna. Sinapo ko ang ulo at pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. Ilan beses akong napamura nang maalala si Octavius.
"f**k! Bumangon ako upang sana'y hanapin ito nang mapansin kong tanging puting roba lamang ang suot ko at wala na akong suot na undergarments.
Mabilis umakyat mapumumula sa aking dalawang pisngi at kinapa ang sarili. Pinakiramdaman ko rin kung may masakit ba sa pagitan ng aking mga hita ngunit wala naman. Ang tanging iniinda ko lamang ay ang masakit na ulo.
Nagpupuyos ako sa galit nang maupo sa kama at piniling tawagan na si Lorna na siyang agad naman sumagot.
"Finally! Where on f*****g earth are you, Constantia? Kanina pa kita kinokontak pero hindi ka sumagot! Tatawagan ko na sana ang mommy mo para ipaalam na nawawala ka!" Halos hindi magkandatuto sa kabilang linya si Lorna.
"I don't know where I am right now, but I'm pretty sure I'm fine."
Tumayo ako upang sumilip sa may bintana. Mula sa ikalawang palapag ay natanaw ko ang malawak na dagat at mga turista na siyang nagtatampisaw na sa tubig. Tila umakyat ang lamig mula sa aking talampakan nang mapagtatnto kung nasaan ako.
"I will call you later." Wala sa loob na pinatay ko na ang tawag kahit marami pang tanong si Lorna sa kabilang linya.
"This is impossible. I can't be here.... Hindi maari!" sambit ko habang namumuo ang mga luha sa mata. Ngayon ko lang napagtanto na nasa hotel ako ng mga Santillan kung saan gaganapin sana ang kasal namin kahapon.
This is bullshit! Kailangan kong makaalis agad dito. Tiyak na may nakakita sa'kin no'ng ipasok ako ni Octavius sa kaninang madaling araw. May CCT rin sa lugar at sigurado ako na anong oras mula ngayon ay pupuntahan na ako ni Stephan, o ng aking pamilya.
I need to get out of here now. Mabilis kong hinahanap ang mga personal kong gamit ngunit wala ito sa silid. Doon an bumukas ang pinto ng silid at niluwa nito ang lalaking kanina pa tumatakbo sa isipan ko.
"Mabuti at gising ka na, nakahanda na ang almusal," aniya na siyang prenteng nakapamulsa habang nakasandig sa habang ng pinto. He's just wearing a black jogging pants and a white sando. Those broad shoulders complimented his height and his body. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang kaniyang biceps at mga ugat na tila galit na galit kahit pa maaga pa.
Pansin kong may bitbit itong plastic kung saan nakalagay doon ang mga damit ko na sa tingin ko ay malilinis na.
Hindi ko akalain na malakas na titibok ang puso ko at gano'n na lang manghihina ang mga tuhod ko habang nakatingala sa kanya. Ngunit mabilis akong nahimasmasan nang mapansin ko ang pilyong ngiti niya sa mga labi.
"The f**k! What have you done to me?! You f*****g pervert?!" Sinugod ko siya upang saktan ngunit mabilis niyang nahuli ang aking dalawang palapulsuhan.
"Calm down, I did nothing against your will," he said calmly.
Ngunit hindi ko na napigilan pang paliparin ang isang malakas na sampal sa pisngi n'ya. "How could you have brought me back here? You were aware of my struggles to get out of this situation, but you brought me back!" Nagpupuyos ako sa galit dahil sa ginawa n'ya.
Ngunit nang mapansin kong umigting ang panga n'ya at unti-unti nang namula ang pisngi n'ya dahil sa malakas na sampal na natamo ay tila kinain ako ng hiya sa ginawa.
I saw the anger on his face then, his eyes were bright with it, the blue snapping down at me. "I have an early meeting with Mr. Kurishima and I don't wanna be late," aniya na tangka na akong tatalikuran.
Napalunok ako. Alam kong pinalampas lang n'ya ang pananampal ko sa kanya.
"Then how about me?" Turo ko sa sarili nang lingunin n'ya.
"Get dress up and come with me," aniya na tuluyan nang lumabas ng silid.
Pasalampak akong naupo sa kama habang tinitingnan ang damit na binaba niya sa sofa. Bukod kasi sa damit na suot ko kagabi ay meron pang ibang damit sa plastic na 'yon.
I shook my head down. Para saan naman kaya ang damit na 'to? Para sa meeting n'ya with Mr. Kurishima? Ano naman ang papel ko sa negosyo n'ya?
Wala naman akong pagpipilian kundi suotin ang damit na bigay n'ya. Inayos ko lang bahagya ang alon kong buhok at nagpahid ng lipgloss ay tapos na ako.
Kanina pa kasi ako nag-aalangan dahil tiyak na paglabas ko palang ng suite na ito ay makikilala na ako ng mga staff at ilang empleyado ng mga Santillan. Dito kasi madalas ganapin ang ilang family gathering ng dalawang pamilya. Kaya hindi malayong walang nakakilala sa'kin na fiance ng nag mamay-ari ng hotel na ito.
Pinasya ko nang lumabas ng aking silid at maghintay na lang sa may living area. Tanda ko pa na ito ang silid ni Octvius kung saan ako walang pasabing pumasok upang magtago. Kung gano'n pala ay dito pa rin siya tumutuloy sa hotel na ito.
Doon naman bumukas ang main door at niluwa nito ang bihis na bihis na si Octavius. He's wearing a black suit na binagayan ng gray tie. Tila mas lalong umangat ang ganda niyang lalaki sa suot at ang buhok ay tila mas nakadagdag ng kaniyang appeal dahil sa nilagay na hair gel.
He looks more attractive when his lips curve slightly while clenching his jaw. The way he stares at me with those chocolate orbs, my heart melting like an Ice cream.
"Are you done?"
Kumurap ako nang marinig ang malalim niyang boses.
"Hindi ako sasama sa'yo. Paano kung paglabas ko sa pinto na 'yan ay naka-abang na sa akin si Stephan?!" My voice was thicker. Right now I hated the emotions that raged through me.
I heard his small chuckle. "Hindi mangyayari 'yon." The tightening of his lips and the chill in his eyes makes my heart more fluttered.
Bakit ba hindi pa rin ako kumbinsido na hindi n'ya ako ipapahamak?
"Hindi pa rin ako naniniwala." Pagmamatigas ko.
"They're already left," he said smoothly.
Kumunot ang noo ko. Hindi ang tipo ni Stephan ang bigla na lang aalis ng gano'n na lang. Tiyak na may mga tauhan pa rin siyang naghahanap sa'kin dito.
"You don't know him. Tiyak na nandito pa rin ang mga tauhan n'ya para ibalik ako sa Manila.
Octavius took a step forward. I gasped while swallowing my tongue and felt my heart stop just before it began to pound with a hard rush of adrenaline.
Nanigas ako nang tumigil ito sa harapan ko at yumuko. I could smell his scented perfume and his after bath scent that made my back shiver. "Kung may tao mang makakakilala saiyo, o habulin ka ng mga tauhan ng ex-fiance mo. Hindi ko hahayaan na makuha ka nila sa'kin," he whispered in sensual undertone.
And my lovely mouth opens in astonishment...