LIANE
"Mam Denise, the customer wants to meet you," tawag sakin ng isang waitress dito sa office namin sa Restaurant.
Bakit kaya ako pinatawag? may problema ba? Huminga muna ko nang malalim at nag ayos ng unti tapos tumayo at inilagay sa mukha ko ang pinaka maganda kong ngiti, ska naglakad palabas ng office at nagtungo sa dining.
"Where's the customer looking for me?" tanong ko dun sa waitress na tumawag sakin.
"Ayun po Mam Denise." Turo nya sa isang table. Tinignan ko un at nakita ko na medyo oldies na ung mga customer. Around, 50's na siguro pero may panlaban pa din sa kagandahan.
Nakangiti akong lumapit sa kanila at nagbow muna.
"Hi! Mam and Sir, I'm Denise the Restaurant Manager, how may I help you?" tanong ko sa magalang na salita.
Tinignan naman ako nung lalaki at ngumiti, whoo! Mukhang hindi naman complain to dahil ngumiti sya.
"Hi! Ms. Denise, I just want to say that the food here is delicious. May I know who own this restaurant? Is it a Franchise or hawak ito ng Main Company which is the Monticlaro Enterprise?" tanong nya kaya nakahinga talaga ako ng maluwag.
"The Restaurant is own and under the supervision of our Main Company," magalang na sagot ko naman.
May mga franchise din kasi ang MiKlé kaya may mga customer na nagtatanong kung under ba ng ME ang restaurant na to. Di ko alam sa iba kung ganun din ba ang na'experience nila.
"Ow! I see. So, incase I like to be a franchisee of MiKlé. Who can I talk to?" nakangiting tanong nya ulit.
"You can directly go to the Monticlaro Enterprise, Sir. They will accommodate you right away," nakangiting sabi ko at tumango pa.
Ganun kasi dito, sa ME agad namin pinapapunta. Yun din naman ang rules. Hindi kami pwedeng magbigay ng number nang kahit kanino doon.
"Okay! Thank you, Ms. Denise," saad nya kaya nagpasalamat na din ako at pumunta na sa mga waitress.
Nagcheck at bilin lang ako sa kanila bago ako bumalik ulit sa office namin para gumawa ulit ng report. Malaki naman to at may kanya kanya kaming pwesto. Ako ang nakatoka sa Operation, may pinakaGM kami dito at hawak nya kaming lahat. May Marketing Manager din kami, sya ung nag titingin kung nasusunod ba ung Marketing Strategy na ibinaba dito na galing sa ME.
Kaya din ako ang humarap kanina dahil nga ako ang Operation Manager, lahat ng nangyayari sa labas ako ang incharge. From food, customer service. Ako ang magchecheck kung lahat ba ng mga tao ay working, ako din ang magchecheck kung may mga malalapse na food, sakin inilalapit un. 2 years na ko dito as Operation Manager.
While our General Manager, sya ang nagmamanage ng Finance Report, Employee Records at sya din ang incharge sa interviews, ako naman ang sa trainings.
"Denise! Break ka na andito na ang pinakamagandang manager! Charing!" Rinig kong sabi ni Odette habang natawa pa. Orlando talaga yan pero sabi nya Odette ang itawag sa kanya pero pag andito sila Sir Miggy, Orls ang tawag sa kanya.
Alam din nila na beki to pero it's okay to them, as long as hindi naman daw maaapektuhan ang trabaho, kaya ayan ang manager namin. Sya ang Marketing Manager namin.
"Sige, magbebreak na ko maya maya," sabi ko naman at ngumiti.
"Okay!" energetic nyang saad at inayos ung mga gamit nya. "Ay gurl! Ngayon pala ang kasal ni Papa Miggy!" excited na sabi nya na sa sobrang excited nya nag liliwanag ung mukha nya, akala mo sya ung ikakasal! Pero wait! ou nga pala!
"Ou nga pala girl! Nakita mo na ung bride? Sabi maganda daw? Team Leader daw ng Marketing Department ng ME, girl!" chika ko sa kanya. Narinig ko kasi kanina dito sa mga waitress kaya chinika ko din.
"Hindi pa girl! Wala pang picture na pinopost kaya wala pang nakakakita, pero sigurado naman na maganda un. Hapon ata ang ceremony," saad nya habang inoopen ung laptop nya.
"Sabagay! Sana mabait," ani ko at sumang ayon naman sya. Tinapos ko na lang ung ginagawa ko tapos nagbreak na ko kasabay ung ibang mga waitress na kasabay ko ng oras pumasok.
"Mam, ilan taon na po kayo ulit?" tanong sakin nung isang waiter namin.
"25 na. Bakit?" malumanay na sagot ko. Tapos sumubo ng pagkain ko.
"Ah... May boyfriend kayo, Mam?" tanong naman nung isa. Umiling naman ako at nilinok ung nasa bibig ko.
"Wala, at wala pang balak mag jowa. Mahirap mag jowa, baka saktan lang ako. Ayoko nun. Atska nagpapaaral pa ko ng kapatid ko," nakangiting sagot ko sa kanila. Natawa naman sila at may mga kanya kanyang komento. Ung iba napahawak pa sa bibig nila para pigilan ung tawa dahil kumakain kami.
"Anong course nyo, Mam? Paano kayo naging Manager?" tanong nung isang waitress namin.
"Business Management course ko. Kagagraduate ko lang last 2 years ago. Tapos 1 month after ng graduation, nag apply ako dito sa MiKlé ng Manager position. Nagtraining tapos ayun nakapasa at naging manager," sabi ko sa kanila sabay sumubo na ulit.
"23 na po pala kayo grumaduate," saad nila kaya tumango muna ako bago sumagot dahil I have food in my mouth.
"Oo, kasi pahinto hinto ako. Tas naging irregular pa kaya 23 na ko nakapagtapos. Kailangan ko kasing tulungan si Tatay sa mga gastusin sa bahay kaya nag trabaho ako ng lahat. Diswasher, waiter at cashier. Lahat un kaya late na ko nakagraduate," kwento ko sa kanila. "Mamaya na tayo magchikahan nabibitin ako sa pagkain ih!" natatawa kong sabi habang nakatakip ung bibig dahil nga nakain ako.
Natapos ang break namin at bumalik sa kanya kanya naming workplace. Pagdating ko ng office namin andun na si Mam Sol.
"Hi! Mam Sol," bati ko nang makapasok ako. Tumingin naman sya sakin at ngumiti.
"Hi! Denise, Tapos na break mo?" tanong nya at bumalik sa ginagawa nya.
"Yes Mam! Kakatapos lang po," ani ko at binuklat ulit ung laptop ko.
"Mam Sol! Nakita nyo na ung jowa ni Sir Miggy?" singit na saad bigla ni Odette.
"Ah! Si Ms. Nicole? Oo, pag napunta ako sa ME tas may meeting dun, atska hindi nya jowa un! Asawa na nya un bago pa tong kasal na to," sabi ni Mam Sol kaya napakinig kami bigla ni Odette.
Si Mam Sol kasi, isa sya sa pinakamatagal na emplyoee ng Miklé kaya paniguradong madaming alam tong chismis.
"Ay talaga po, Mam? Bakit nagpakasal pa sila?" tanong ko dahil curious ako. Kasal na pala, bakit inulit?
"Proper wedding lang. Basta ganun! Kasal na sila bago pa tong ceremony. Pinakasalan ulit sya ni Sir Miggy. Maganda yan si Ms. Nicole! Mabait pa. Tapos matalino, magaling sa trabaho. Kaya hindi ako magtataka na mahal na mahal ni Sir Miggy yan. Friend nya si Ms. Kim! Ung Team Leader ng Marketing na nakaassigned satin," paliwanag ni Mam Sol.
Wow grabe! Pinakasalan sya ulit ni Sir Miggy samantalang kasal na sila. Hindi lang dahil sa mayaman sila kaya ginawa un eh. Kundi dahil mahal talaga sya ni Sir Miggy. Sana ako din makatagpo ng katulad ni Sir Miggy.
"Grabe! Sana all! Kung hindi lang din katulad ni Sir Miggy ang magiging jowa ko! Wag na lang!" biro ni Odette na may kasama pang pagtaas ng kilay. kaya malakas kaming natawa ni Mam napaapir pa kami dahil sa tinuran ni Odette.
Totoo un! Kung hindi lang din naman katulad ni Sir Miggy, wag na lang! Magmamadre na lang ako.
Lumipas ang oras at matatapos na ang duty ko. Bigla naman sumigaw si Odette na ikinabigla namin ni Mam Sol.
"OMG!!! Shocks!!!! Look! May picture na dun sa kasal ni Papa Miggy! Ang gwapo talaga tapos shems! Ang ganda ng asawa nya!" Nagmamadaling sabi nito habang ipinapakita samin ung phone nya kaya naman napatingin kami sa phone nya.
Mahilig kasi sa social medias kaya naman sya ang nakafollow sa lahat ng kilala nya. Kahit hindi sya kilala.
Pagtingin namin. Ay! Ang ganda nga! Hala sya!
"Sabi sa inyo maganda si Ms. Nicole ih! Para kang nakakita ng dyosa! Lalo na dyan may make up yan. Sa personal, lipstick lang palag palag na," pagmamalaking sabi ni Mam Sol kaya tumango kami.
Nag usap pa kami ng about sa kasal nila Sir Miggy kasi naiingit si Bakla gusto nya din daw. Sabi ni Mam Sol, sya na lang daw ang magpakaSir Miggy para sa babaeng naghahanap nun. Edi syempre tumili ang bakla.
Bago ako umuwi, chineck ko pa ung mga holding time ng mga food na nasa freezer at pati mga gulay. Pumunta din ako sa wine cellar para icheck kung may need irefill or iorder. Nung nakuha ko na bumalik ako sa office at inayos ang aking gamit. Tapos nagpaalam na ko at umuwi ng bahay.
Pagdating ko ng bahay, makalat at madaming ligpitin. Mula sa talyer ni tatay hanggang sa loob ng bahay.
"Denver!" Sigaw ko sa kapatid ko na panigurado nasa kwarto na naman, at hindi nga ako nagkamali! Lumabas na nakasuot ng headset.
"Ate, Bakit?" sabi nya nang hindi nakatingin sakin.
"Titignan mo ko o babasagin ko yang cellphone mo! Nak naman ng pateng oh! Andito ka naman pero hindi ka manlang nagligpit!" inis na bulyaw ko sa kanya.
Okay! Bungangera ako at talagang talakera. Kailangan ko lang itago sa trabaho lalo na pagkaharap ang customer pati na ang mga boss para hindi matanggal.
"Ate naman! Tapusin ko lang to," sabi ng magaling kong kapatid.
"Tapusin?! Eh kung ikaw kaya ang tapusin ko?! Tigilan mo yan at magligpit ka dito! Wala pa ngang sinaing ih! Nakakapeste naman to si Denver ih!" inis pa din na sabi ko habang nagmamaktol dun. Nakita kong tinanggal na nya ung headset at ipinatong ung phone nya sa kung saan.
Ganto ang laging nangyayari pag uwi ko galing trabaho. Magtatatalak ako at susunod naman sya. Aba! Dapat lang! Tadyakan ko sya! Joke lang! Mahal ko naman yang kapatid ko, ako na ang tumayong nanay nyan simula nang iniwan kami ni Nanay para sumama sa isang mayamang natagpuan nya sa Japan.
Pagraduate pa lang ako ng highschool nun at sya naman 1st year high school. Masakit para samin un lalo na sakin na panganay. Andun ung asaran na 'anak kami ng kabit', 'iniwan ng nanay na kabit' at iba pa. Dun din ako natutong lumaban at maging talakera at war freak. Okay na ako ang asarin wag lang ang kapatid ko dahil mata lang ang walang latay.
Pagkagradute ko ng highschool nagpart time ako para makapag aral. Pumasok ako sa State University sa kursong Business Management. 2nd year college ako, nahinto ako dahil naaksidente si Tatay habang may ginagawang kotse dito sa maliit naming talyer at kinailangan na nyang magpahinga at hindi muna tumanggap ng kahit na anong trabaho.
Exam ko nun, finals pero dahil naaksidente si tatay hindi ko natapos at umuwi. Pinagbigyan akong matapos ung exam ko dahil valid naman ung reason ko pero nga lang hindi na ko nakapagpatuloy ng 3rd year dahil kailangan kong magfulltime na magtrabaho dahil nga hindi kaya ni tatay.
Dalawang taon akong nahinto at hindi nag aral para lang tumulong kay tatay pati na din sa kapatid ko. Kaya late na ko nakatapos at naging irreg student.
Ngayon, okay na si tatay at nagtatrabaho pa din, at okay na din ang pamilya namin na kaming tatlo lang. Si Mama hindi ko alam kung asan at kung anong ginagawa. Simula nung umalis sya, ni minsan hindi sya nagparamdam o kung ano pa man. Umalis sya at wala na talagang balak bumalik.
"Ate, Okay na po. Malinis na. Anong lulutuin mo?" tanong ni Denver.
"May pakbet pa dito. Baka un na lang tas magpiprito na lang ako ng isda. Asan si tatay?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko nakita sa labas.
"Baka andyan kila tatay Obet at nag iinum," sabi nya kaya napabuga ako ng malalim na hinga.
Problema na talaga ni tatay ang mag inum. Isa yan sa naging dahilan kaya iniwan sya ni nanay. Masaya naman kami noon kahit unti lang ang kinikita ni tatay sa talyer nya pero biglang nagdesisyon si nanay na umalis at mag abroad dahil na din sa lumalaki na kami at kailangan nang dagdag na income. Tumagal sya sa Japan ng 2 taon tapos pag uwi buntis na at sasama na sa lalaking mayaman na nakilala nya sa Japan.
"Hay! Ligpitin mo na nga lang muna ung mga gamit nya tapos kung masusundo mo, sunduin mo," utos ko kay Denver. Tumango naman sya at lumabas ng bahay.
Hindi kalakihan ang bahay namin. Isang palapag lang may dalawang kwarto at may malawak na bakuran na ginawang talyer nga ni tatay. Sa isang kwarto si tatay at sa isa kaming dalawang magkapatid. Kahit naman dalaga na ko, okay lang sakin makipagshare ng kwarto sa kapatid ko. Hindi naman kami mayaman para mag inarte pa ko.
Huminga muna ko nang malalim at inayos ang mga lulutuin ko. Nakapagsaing naman na ko, pagkatapos kong ayusin ung mga gagamitin, umakyat na muna ko at nagpalit ng damit, inilagay ko din ung mga gamit ko tapos lumabas na at nagluto.
Sakto naman nang natapos akong magluto, narinig ko na si tatay at Denver na kumakanta. Ganyan naman lagi yan, kahit hindi maganda ang boses nilang dalawa.
"Kain na!" sigaw ko, ilang minuto lang nakita ko na silang papunta dito sa kusina kung saan dining na din namin.
"Ang bango naman ng niluto mo, Ning!" sabi ni tatay nang maupo na sya sa lamesa. Ning ang tawag sakin ni tatay dahil ang pangalan ko ay Denise Niliane Fillameno.
"Kumain na, 'tay," yaya ko na lang at naupo na din. "Ver, kuha ka nga ng tubig," utos kong sabi dahil nakalimutan kong kumuha ng tubig.
Tumayo naman sya at pumunta ng ref para kumuha ng tubig. Simula ng nakapagtrabaho ako sa MiKlé at malaki ang sahod. Ginamit na namin yan dahil sayang naman kung masisira lang naman. Medyo lumuwag na din naman ung buhay namin dahil nga malaki ang sahod ko at minsan may bonus pa. Nakakapagtabi na ko para sa tuition ni Denver tapos nakakapaggrocery na din. Medyo halos lahat ng gastusin dito sa bahay ako na ang nasagot.
Natapos kaming kumain, si Denver na ang naghugas, si tatay pumasok na sa kwarto at magpapahinga na daw, ako naman pumasok na din at magpapahinga na din at madaling nakatulog dahil sa pagod
----------------