LIANE
Lumipas ang araw at ganun pa din ang naging cycle ko. Trabaho, bahay, tulog at pasok ulit. Ganun lang. Kasalukuyan akong nag aasikaso ng uniform ko, pagkatapos kong maayos un pumunta ako sa kusina para magluto muna ko ng almusal para makakain si tatay bago magtrabaho at may pasok din ung kapatid ko ngayon.
Nagluto lang ako ng sinangag tapos itlog at hotdog, nung natapos ako magluto ng agahan namin, nag asikaso na ko para sa pagpasok ko. Sakto na gising na din sila tatay at Denver.
Nang matapos akong maligo at magbihis, lumabas na ko para kumain. Nakita ko si Denver na nag aalmusal habang nakatutok sa cellphone nya. Aba! Ayos ah!
"Hoy!" Sigaw ko sabay batok sa kanya. "Kumain ka muna! Ilalaga ko na yang cellphone mo 'ska ko ipapainum sayo ung sabaw. Bilisan mo dyan at may klase ka diba?!" sermon ko sa kanya.
Ngumuso lang naman sya at ibinaba ung phone nya ska kumain nang maayos. Buti naman akala ko sasagot pa sakin eh. Naupo ako at kumain na din. Mukhang tapos na si tatay kumain ng almusal at andun na panigurado sa labas.
Pagkatapos kong kumain, ako na ang naghugas dahil ako naman ang nahuling natapos at panigurado si Denver, nag aasikaso na din sa pagpasok.
Nang matapos ako mag ligpit. Pumunta ako ng kwarto para kunin ung mga gamit ko buti na lang at tapos na si Denver mag ayos, pagkuha ko ng gamit ko, sabay na lang din kaming nagpaalam kay tatay na busy makipagkwentuhan kay tatay Obet habang inaayos ung jeep na nakahinto sa tapat namin..
"’tay! Alis na kami ni Denver. May ulam pa po kanina, ayun na lang ulam nyo or magluto na lang kayo ah. Ingat po kayo dito," paalam ko sa kanya. Ganun din naman si Denver.
"Osige na. Ingat kayong dalawa," paalam din nya kaya nagtuloy tuloy na kami ni Denver
Naghiwalay lang kami ng landas dahil sumakay na sya ng jeep papuntang school nya. Nagbilin pa ko dun bago sya hiwalayan.
"Ver! Umayos ka sa school mo ah! Sasaktan kita nang matindi. Pipinuhin ko yan mga daliri mo pag nalaman kong naglalakwatya ka lang!" Banta ko sa kanya. Natawa lang sya pero tumango din habang napapakamot sa batok nya.
"Opo! Ingat, Ate!" Sabi nya lang tapos sumakay na ng jeep.
Ako naman nag antay pa ng ilang minuto bago makasakay. 2 sakay mula samin hanggang sa MiKlé kaya naman pag baba ko ng jeep may isa pang jeep ulit ska maglalakad para makarating dun.
Sarado pa nang makarating ako dun pero andun na ung ibang waitress, waiter and cook. Nasakin kasi ang susi kaya sarado pa.
"Sorry! Traffic," sabi ko sabay abot dun sa isang waiter namin ung susi.
Binuksan naman agad kaya kanya kanya na kami ng pasok. Ung mga taga kitchen, pumasok na sa kitchen at nagcheck ng mga gagamitin nila. Ung mga nasa front line or waitress/waiter, nilinis ung mga lamesa at nag arrange, dahil maaga pa naman at mamaya pa ko magchecheck, tinulungan ko muna sila. Ako na nag arrange ng mga menu. Chineck ko na din ung mga private room namin baka may nakaligtaan kagabi at hindi malinis.
Nang matapos na kaming magligpit at nakita kong kaya na nila un, sa kitchen naman ako pumunta at nagcheck.
"Mam Denise, may darating po ba tayong delivery from commissary?" tanong ng head cook namin.
"For tomorrow pa po ang delivery, chef. Bakit po my running out po ba tayo?" tanong ko dahil nung nagcheck naman ako sakto pa para bukas.
"Hindi Mam. Abot pa po to hanggang bukas pero kung dadami ang tao hanggang mamaya na lang ung steak natin," puno ng pagaalalang sabi nya kaya napatango tango ako.
Monday naman so hindi gaano pick, kaya abot un hanggang bukas lang pero depende pa din.
"Sige, Please! advice the front-line nang mas maaga para hindi na tumanggap. Advise them pag last 10 orders. Okay?" sabi ko at tumango naman sya. "Okay! Other than that? Wala naman na tayong running out?" tanong ko habang naglalagay ng note sa phone ko.
"Wala naman na mam, ayun lang po. Thank you!" nakangiting sabi nya. Kaya tinanguan ko lang sya at tinignan ung ginagawa nila. Lumabas muna ko ulit ng kitchen at nagpunta ng office namin. Kinuha ko ung laptop ko tapos binuksan. While waiting, I get my phone to confirm our tomorrow's delivery.
After I confirm it, I focus on my task. Ayun ay iencode ung mga ending inventory ng night shift, para maging start ng inventory today. I also write the target sales for today and target customers, less food waste and less food lapses. 30 mins before the opening, we do our morning reports.
Unang mag sasalita ay frontline, if may mga nakita ba silang hindi nalinis o mga kulang na gamit. After nilang magsalita. Our Kitchen, sinabi na nila ung about sa steak and the front liner take note of that. Next the dishwasher, nagpaalala lang sila about sa pagpapatong patong ng mga plato and the final is me. Sinabi ko lang ung target sales and customers and the other reminder. Like always smile and help each other. Pagkatapos naming magmeeting we pray and balik sa trabaho.
5 mins before the opening, lumabas ako para icheck kung okay na ang lahat. Nung nakita kong okay at handa. Ako na mismo ang naglagay ng 'open' sign sa glass door namin.
MiKlé is now Open!
Tahimik lang akong nagmamasid habang ang mga waiter at waitress ay inaasikaso na ang mga customers namin. It's brunch time. Madaming gumagawa nun. Pinagsasabay ang breakfast at lunch, kaya may menu kami na pwedeng brunch.
Wala naman na kong gagawin sa office kaya dito lang talaga ako ngayon nakatambay. Ilang oras din ang lumipas at nakikita ko na si Mam Sol na papasok at binabati ng mga employee. Nung tumapat sya sakin babati pa lang ako pero hinila na nya ko papasok ng office.
"Bakit, Mam?" Curious na tanong ko, may chika na naman to. Minsan ganto kami dito nila Odette ih. Chika chika. Pag wala lang trabaho pero pag meron. Ay! galit galit kami. Lalo na pag may monthly inspection.
"Kasi... May monthly inspection ngayon," nag aalalang sabi nya at parang kinakabaham pa dahil napapapaypay pa sya ng kamay nya. Ayan na nga ba ang sinasabi ko ih. Tsk!
"Ngayon mismo, Mam? Tsk! Kulang tayo ng steak ih. I mean kung hindi dadami ung taong mag oorder ng steak, abot hanggang bukas pero dahil dayuhin ang MiKlé at kadalasang steak ang inoorder baka kapusin tayo. I already told them naman na iupsell ung iba," inform ko sa kanya na nagsimula ding mag alala.
"Ayun nga din ang iniisip ko. Kahapon kasi ang daming tao and puro steak ang order. Kaya ayan. Nag add ka ba ng steak natin?" tanong nya sakin kaya tumango ako. "Okay. Hayaan na natin atleast ibig sabihin nun, nag-grow ang Restaurant," sabi nya kaya tumango naman ako.
"Opo, Paliwanag na lang natin, Mam Sol. Sino po pala mag iinspect ngayon, Mam?" tanong ko sa kanya.
"Sila Sir Keith ata. Hindi ko sure kung sino, dahil alam ko, wala pa si Sir Miggy," sabi nya kaya tumango ako. Hindi naman nagtagal si Odette naman ang dumating at agad namin syang sinabihan. Ang batla iba ang inisip, pagpapabeauty at hindi ung mga report nya. Sira ulo!
"Hoy! Report mo ayusin mo at hindi yang pes mo!" saway ni Mam Sol sa kanya habang nagtitipa sa laptop nya.
"Ay Madam! Ang report madali lang pero etong pagpapabeauty ko dapat may mabingwit ako dyan sa mga papabol!" malakas na sabi nya at tinuloy ang pag lalagay ng pulbo at nakatingin samin. Napailing na lang ako sa ginaawa nya.
Ang arte arte nyan pero pulbo lang namam ang pwede nyang gamitin sa mukha nya dahil kahit tanggap sya nila Sir, not allowed pa din syang mag make up.
"Lahat naman ng boss natin may jowa na kaya no chance ka na, Odette!" sabi ni Mam Sol kaya napabusangot si Odette.
Tumahimik kami nang may magsalita sa pinto namin. Ung isang waitress.
"Mam Sol, sila Sir Keith po nasa labas po. Hinahanap po kayo," sabi nya kaya naman nagtinginan kami nila Mam Sol at sabay sabay na lumabas para harapin sila Sir.
Nakita namin sila na nakaupo sa isang table medyo malapit sa glass wall. Kaya pinuntahan namin sila at bumati. Nagpakilala kami isa isa sa kanila at sinabi kung ano ung position namin, pinaupo din nila kami.
Naglunch lang kami kasama sila. Tapos tinignan nila ung mga records and inventory namin. After nun, ska sila naglibot sa kitchen. Napapansin ko nga na si Sir Dustin tumitingin sya sa mga front liner ng pasimple. Lalo na pag nagtataas ng kamay ung customer. Tinitignan nya kung nakangiti ba o naa’accommodate agad. Buti na lang at magagaling ung mga waitress at waiter namin, kaya wala silang mapupuna dyan.
After sa Kitchen pumasok sila sa office namin. Tinignan nila ung mga gamit namin tapos bumalik kami sa Lamesa kung saan kami nakaupo kanina. Magsasalita sana si Sir Keith nang magring ung phone nya. Nag excuse lang sya tapos lumayo.
"Okay! So far, maganda ung performance ng MiKlé dito, even the employees. I guess nasa magandang pamamalakad ang branch na to. Sinong Marketing Team ang nakaassign sa inyo?" tanong ni Sir Justin sabay tingin samin nila Mam Sol.
"Team po ni Ms. Kim, Sir." sabi ni Odette kaya napatango sila.
"Ah! Team pala ni Kim, kaya pala. Bukod sa maganda ang pakaka excecute ng Marketing Strategy, maayos din pala ang nakalagay na Marketing Team sa inyo. That's good!" sabi ni Sir Dustin na tumatango tango pa tapos ngumiti.
Nagtuloy tuloy lang ung paalala nila at ung mga nakita nilang good qualities and may mga unting napuna pero minor lang at sobrang unti! Kaya pag alis nila nakahinga kami nang maayos.
"Good job, guys! Hay! Akala ko may mga mapupuna satin. Hahahaha," natatawang sabi ni Mam Sol habang nakahawak sa dibdib nya.
"Buti nga, Mam wala ih!" masiglang sabi ko at naupo na sa upuan ko.
Bumalik kami ulit ng trabaho at katulad nung mga nakaraan bago ako mag out. Chineck ko kung ung mga malalapse na at ung mga kulang. Okay lang din naman dahil bukas ang delivery.
"Una na ko. Bye sa inyo!" Paalam ko kila Mam Sol dahil tapos na ang duty ko at uuwi na ko.
"Ingat!" sabay na paalang sabi nila kaya naglakad na ko palabas ng Restaurant.
Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep. Chismosa ata talaga ako dahil habang naglalakad ako may nakita akong isang lalaki na may kausap sa phone nya. Mukhang problemado.
"Yeah! Pauwi na nga ako, kaso bigla akong natirikan, kaya nga magpapasundo ako," paused "Oo, Tatawag na ko ng mag hihila para madala sa mekaniko. Malapit ako dito sa MiKlé, tol!" Paused "O'sige! Salamat," paalam nya sa kausap nya tapos binuksan ung hood ng kotse nya.
Hindi sa pagmamayabang, may alam din naman ako sa pag aayos ng kotse dahil nung nahinto ako sa pag aaral at may nagpupunta sa bahay na hindi matanggihan ni tatay, ako ang gumagawa tapos ituturo na lang nya hanggang sa natuto na lang ako. Kaya naman kahit hindi ko knows tong lalaki at dahil na din sa pagiging pakialamera ko. Lumapit ako.
"Sir! Natirikan po kayo? Ano pong problema?" tanong ko nang makalapit ako
Nilingon naman nya ko pero nakataas ang kilay. Ay! Sayang papabol pa naman sana kaso mukhang mataray.
"Pag sinabi ko ba sayo, may maitutulong ka?" pagtataray na sagot nya dahil nakita ko pa na nakataas ung kilay nya at napakalamig ng boses nya.
"Hindi naman ho ako lalapit kung sa tingin ko wala akong maitutulong," pilosopong sagot ko sa kanya na nakangiwi.
"Malay ko ba kung magpapacute ka lang. Anyway, I don't know kung anong sira. Hindi naman ako mekaniko, bigla na lang tumirik," pagtataray nyang sabi ulit at gusto ko syang sabunutan sa unang sinabi nya. Nagpapacute?! Pasalamat sya papabol sya.
Lumapit ako dun sa hood na nakataas at dahan dahang ibinaba ung bag ko. Tapos sinilip ung makina. Oww! Ung Alternator belt nya. Hinarap ko ung lalaki at nakataas ang kilay sakin. Eto! Tutulungan na nga! Pabebe pa!
"Sir, May mga tools kayo dyan?" Mahinahong tanong ko na lang, kahit naman nakataas ung kilay nya tumango sya. "Pwede pong mahiram? Ung alternator belt nyo po ung problema," inform kong sabi ko at humarap ulit sa makina nya.
"Anong gagawin mo pagbinigay ko ung tools ko?" malamig na tanong nya sakin na sa sobrang lamig para akong nakaaircon kahit nasa labas. Tsk!
"Edi aayusin ho, ayaw nyo ho ba? O'sige alis na ko. Bahala kayo mag antay dito ng mekaniko. Tutulungan na nga kayo, ayaw nyo pa!" pagtataray na sabi ko dahil napaka arte nya! Kinuha ko ung bag ko at naglakad patalikod pero pinigilan naman nya ko agad.
"Kaya mong ayusin?" tanong nya sakin. This time medyo mahinahon na. Tumingin ako sa kanya tapos tumango.
"Kaya nga ho ako nanghihiram ng tools dahil aayusin ih. Tsk!" inis na sabi ko tapos lumapit ulit dun.
"Okay, Ano pang kailangan mo bukod sa tools ko?" tanong nya. "Do you need a new alternator belt? I have extra there," sabi nya sabay turo sa likod ng kotse nya.
"Labas nyo po," sabi ko na lang at ibinaba ulit ung bag ko. Ngayon ko lang naalala na nakaheels nga pala ako. Hindi pala ako nakapagpalit ng flat shoes. Kaya naman para hindi ako mahirapang gumalaw, tinanggal ko saglit sakto naman nang pagbalik nung lalaki dala ung mga tools nya at ung extra belt.
Inilapag nya un at tumingin sa paa ko. Tapos tumalikod ulit. Di ko naman sya pinansin at kinuha ko na agad ung mga kailangan ko dun sa tools nya tapos inumpisahan ko nang ayusin. Buti na lang at nakapagpalit ako ng damit kanina kung hindi kawawa ang uniform ko.
"Here, Isuot mo para hindi ka nakapaa," biglang sabi nya habang kinakalikot ko na ung makina nya. Umayos naman ako ng tayo ska tinignan ung ibinibigay nya. Tsinelas un na pambabae. Nagkibit balikat na lang ako tapos sinuot un.
"Salamat ho," pasalamat ko sa kanya tapos bumalik sa ginagawa ko.
Medyo matagal ung proseso nito kaya naman tumutulong na din sya mag abot ng gamit. Isang oras din ang tinagal bago ako tumayo nang maayos at magpunas ng kamay sa basahan.
"Okay na Sir! Try nyo na," masiglang sabi ko at ngumiti na abot hanggang tenga.
"Sure ka?" tanong nya sakin. Di ko sinasadyang mapairap dahil sa tanong nya.
"Salamat po ah. Itry nyo na po," sabi ko dahil nag iinit bigla ang ulo ko. Di man lang magpasalamat muna?! Kwinestyon pa ko! Hayop!
Pumunta naman sya sa loob at inistart ung kotse at yun! Gumana! Tsk! Walang tiwala! Kainis! Inayos ko na ung mga tools na ginamit ko, nagpunas pa ko ng kamay ulit. Tinanggal ko ung tsinelas na pinahiram nya at sinuot ung heels ko. Tapos kinuha ung bag ko at sinukbit sakin. Bago ko ibinaba ung hood ng kotse nya.
"Thank you," rinig kong sabi nung lalaki. Tinignan ko lang naman sya tapos tumango.
"You're welcome po. Patingin nyo na lang po ulit para po mas okay baka po hindi lang alternator belt ang problema pero wag po kayong mag alala. Makakauwi ho kayo nang safe and sound sa bahay nyo. Una na ho ako," sabi ko at tumalikod na pero pinigilan nya ko ulit.
"Wait! Stay, babalik ko lang tong tools ko. Ang panget naman kung hindi man lang kita aabutan. Wait lang," sabi nya tapos madaling kinuha ung gamit nya at pumunta ng likod ng kotse.
Pero naglalakad pa lang sya papunta dun, naglakad na ko ulit papuntang sakayan. Hindi naman ako nagpapabayad. Tumulong lang ako dahil nga pakialamera ako. Ska! Ang gwapo nya kaya! Maharot!
Agad din naman akong nakasakay ng jeep dahil may nakahinto na pero nakita ko ung lalaki na mukhang ako ung hinahanap tapos salubong ung kilay. Gwapo sana kaso laging nakasimangot. Di naman na nya ko makikita kasi nasa dulo ako ng jeep tapos may mga pasahero na din na iba.
Tinitignan ko lang sya na naghahanap pero di nya pa din ako makita, pero kasabay ng pag andar ng jeep syang pagtama ng mga mata namin. Kumaway na lang ako sa kanya at ngumiti.
------------------