DANIEL
Isang kanta ang nagpaalerto sa lahat dahil ang kantang iyon ang naging hudyat para maglakad ang napakagandang babae na inaantay ng lahat.
She's smiling from ear to ear, walking down the aisle and I'm here waiting for her.
Tumingin ako sa paligid, lahat ng taong andito ay masayang pinapanuod sya. Mga taong naging parte ng buhay nya. Ibinalik ko ung tingin ko sa babaeng inaantay ko nang huminto sya sa harap ko. Ngumiti sya sakin kaya naman ngumiti din ako.
Napakaganda talaga nya. Hinding hindi ako mag sasawang tignan ung mukha nya. Kinuha ko ung kamay nya at kinawit ko sa braso ko at tumuloy sa paglalakad kasabay nya. Habang nag lalakad kami, she keeps on whispering na kinakabahan sya. Pinapagaan ko lang ung loob nya dahil wala naman dapat ikakaba. Magiging masaya na sya.
Nang makarating kami sa unahan kung saan naghihintay ang taong magpapaligaya sa kanya sa habang buhay. Hinarap ko muna sya at niyakap. Ska ko inabot ang kamay nya sa best friend ko.
Yes! Ako ang naghatid sa babaeng mahal ko papunta sa lalaking mahal nya. Masakit pero hindi ko sya matanggihan nang sabihin nyang, gusto nya na ako ang maghatid sa kanya sa kasal nya.
"In the presence of your family and friends, you have joined yourselves in marriage. I declare your marriage is valid and binding and rejoice to recognize you as Mr. and Mrs. Monticlaro. Miggy, you may now kiss your wife," announce ng Minister na nagkakasal kay Miggy at Nicole
Nakangiti akong tinitignan sila pero sa loob ko, nasasaktan ako. Minsan kong pinangarap na ako ang makaisang dibdib ng babaeng pinapanuod ko ngayon na ikinakasal sa pinakamatalik kong kaibigan.
Nagpapalakpakan ang lahat ng tao, kasama ako habang nagtatagpo ang mga labi nila to sealed their marriage. It's a romantic scene for them but for me, it's a torture. But I’m not saying na hindi ako masaya para sa kanila. Nasasaktan lang talaga ako dahil mahal na mahal ko si Nicole, mahal na mahal ko yang babaeng yan at alam ko din na mahal na mahal nya si Miggy, nakikita ko yun sa mga mata nya. Ung saya nya pag tumitingin kay Miggy, kumikinang na hindi ko nakita nung naging kami. Kung gaano kamahal ni Nicole si Miggy, ganun o mas higit pa ung pag mamahal ni Miggy kay Nicole.
Nakita ko un nung nagkaroon kami ng confrontation, hindi nya ko nilabanan. Pilit nyang pinaintindi sakin lahat pero hindi ko inintindi, nakita ko din sa mata nya na ipaglalaban nya si Nicole hanggang huli. Ayaw nyang masira ung pagkakaibigan namin pero ibang usapan pag si Nicole na ang nadamay.
Isang tapik sa balikat ko ang nagpatigil ng pag iisip ko. Pagtingin ko, si Keith, silang dalawa ni Miggy ang pinakabestfriend ko sa mga kaibigan ko.
"It's okay, dude. Dadating din ung para sayo, magiging masaya ka din. Alam naming masaya ka para sa kanila pero alam din naming nasasaktan ka," saad nya habang nakaakbay sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya.
"Normal lang naman siguro to. Sound hypocrite but I’m really happy for them," malungkot pero nakangiting sabi ko sabay punas sa pisngi kong may luha na pala. Nakatingin lang sya sakin kaya ngumiti ako.
"We know," malungkot na sabi nya at tinapik tapik ako, at sabay namin pinanuod na maging masaya ang bagong kasal.
Lumapit kami sa kanila nang kami na ang kukuhaan ng litrato.
"Kuya!" malakas na tawag sakin ni Nicole. "Dito ka!" masayang sabi nya at kitang kita ko yun sa mga mata nyang nagliliwanag at mga ngiti na umaabot sa tenga nya kaya naman ngumiti ako dahil tinuturo nya ung tabi nilang dalawa ni Miggy. Nasa likod nya si Miggy at nakayakap sa kanya.
Torture talaga to pero ayokong sirain ang pinakamahalagang araw sa kanila kaya naman tumabi ako sa kanya at inakbayan si Miggy.
After ng picture taking namin at ng iba. Lumakad ang dalawa na magkahawak ang kamay at masayang sumakay sa sasakyang sinakyan ni Nicole kanina.
Pumunta na din kami sa Consolatio Hotel na pagmamay ari ng mga Monticlaro. Dun din kasi gaganapin ang reception.
Pagdating dun, the organizer team guide us kung saan kami uupo. Nang makita na okay na at kumpleto na ang lahat, ska pinalabas ang bagong kasal.
They did their first dance as husband and wife. Umiwas na ko ng tingin nang naglapat ang mga labi nila dahil tinutusok na talaga ung puso ko. Nakita ko naman na nakatingin sakin ung kapatid ko na best friend ni Nicole kaya ngumiti ako sa kanya para sabihing okay lang ako.
Nagkaroon nang program at dumating din ang oras na nagpropose si Keith sa girlfriend nya. All my friends are happy and contented to their relationship. Masaya ako para sa kanila at totoo un sana mangyari din sakin yan.
Bago magtapos, kinantahan namin ung bagong kasal and of course the bride sings a song na dedicated sa kanyang asawa. Habang nakikinig, Danica hugged me so tight from the back.
"You will be alright, Kuya. I know that," saad nya kaya naman I gently pat her head.
"Yes, bunso. I will," sabi ko lang. Masyado na ba akong halata na nasasaktan o sadyang alam lang nila na nasasaktan ako.
Oras na para magpasalamat ang groom at bride. Nababaliw na ata ako kasi habang nasasaktan ako, natutuwa akong tignan silang dalawa na nag ngingitian.
"Zie is 6 weeks pregnant!" masayang anunsyo ni Miggy sabay hawak sa tyan ni Nicole na kapwa nya nakangiti na abot hanggang tenga.
Lahat kami nagulat at sabay sabay na napasigaw dahil dun! Nice! Nakahome run si Miggy! Hinayaan muna naming lumapit sila Tita Klea at Tito Miguel pati ung relatives ni Miggy nung natapos na, kami naman ang lumapit.
Agad kong niyakap si Nicole para batiin. Wala na talaga tayong pag asa! Kaya naman mag momove on na ko.
"Congratulations, D! Sobrang saya ko para sayo. Take good care of yourself," sabi ko habang nakayakap tapos bumitaw. "Ninong ako!" masiglang saad ko pa. Tumawa lang sya at nagpasalamat, ska ako humarap kay Miggy.
"Congrats! Nakahome base agad si G*go!" ani ko na tinawanan lang ako.
"Salamat! Binilisan ko na gusto ko na agad eh." Umaalog pa ang balikat habang tumatawang sabi nya kaya inilingan ko lang. Dapat naman talaga may mga asawa at anak na kami. Hindi na kami bumabata. "Yaan mo. Magkakaroon ka din," nakangiting saad nya at tinapik ung balikat ko.
Natapos ang batian namin at naupo na kami ulit sa table namin. Lumipas ang minuto. Pupuntahan sana namin ung dalawa pero pagtingin namin. Wala na!
"Tinakas na ni Miggy ung asawa nya," saad ni Theo sabay inum ng wine nya.
"Hindi na nakapag antay!" Nakahawak pa sa tyan si Trevor dahil sa pagtawa. Nanakit siguro dahil sa iniisip nya nung sinabi nya yun.
"Hayaan nyo na, namiss nila ang isa't isa. Isang linggo din walang yakapan na nangyari sa kanila ih," ani ko naman kaya nabaling ung tingin nila sakin.
"Yakapan lang ba? Baka makahabol si Miggy at maging kambal!" nakangising saad ni Keith. Natawa naman kami dahil dun at nag asaran pa.
Ilang oras lang, nagkanya kanya na kami. May sari sariling kwarto ung mga couple. Pati ung kapatid ko at si Theo.
Nakakainggit na sa sobrang inggit ko nasasaktan ako. Sana nga dumating din ung taong para sakin, at sana meron nga talaga. Dahil unti unti na kong nawawalan ng pag asa.
----------------