Chapter 5

2556 Words
LIANE Habang kumakain kami ng dessert, sabay sabay naman kami nila Odette na nagulat dahil may biglaan kaming bisita. Kinausap lang nila ung waitress para magtanong siguro kung nasaan kami tapos tumuro dito ung waitress na kausap nila kaya naman naglakad na sila papunta dito sa gawi namin. "May problema ba?" tanong bigla samin ni Ma'am Nicole nung nakita n'yang may gulat sa mukha namin. Lilingon pa lang s'ya para tignan ung tinitignan namin, nahawakan na s'ya nito sa gilid ng ulo n'ya at binigyan s'ya ng masuyong halik sa may sintido n'ya. Pagtingin n'ya kung sino 'yon. Napangiti s'ya bigla at parang inaasahan na n'yang pupuntahan s'ya nito. "Ang bilis mo namang pumunta dito," nakangiting saad n'ya kaya natawa si Sir Keith dahil doon. "Sa ngalan ng pag ibig," pakantang sabi nito tapos tumalikod at pumunta sa isang lamesa para umupo. Inilingan lang naman s'ya ni Sir Miggy at humarap ulit sa asawa n'yang naamaze pa din dahil andoon s'ya. "Have you done eating your lunch?" tanong nito. "Yes, dessert na to," masiglang sagot naman ni Ma'am Nicole. Ang sweet sweet nila. Ngayon ko lang nakitang maging sweet si Sir Miggy kasi dati naman hindi namin alam na may asawa na pala s'ya. Siguro dahil boss namin s'ya halos lahat ng mata nakatingin sa kanilang dalawa. Mabuti na lang din at nasa may dulo kaming lamesa kaya hindi kami mas'yadong nakikita. "Nag memeeting pa ba kayo?" tanong n'ya ulit sabay tingin samin na nakain ng dessert tapos ngumiti s'ya saming tatlo na sinagot din namin ng ngiti. Sana lahat ng boss ganto! Nangiti sa mga empleyado! "Yep! Nakain lang ng dessert tapos resume kami," sagot nito sa kay Sir sabay subo ng pudding n'ya. Ngumiti lang nama si Sir Miggy sa kan'ya sabay pinunasan ang gilid ng bibig nito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti kaya kinagat ko na lang ung ibabang labi ko at tinuon sa pagkain sa harap ko na parang nawalan ng tamis at napunta sa mag asawa sa harap namin. Naiingit tuloy ako! Sana naman katulad ni Sir Miggy ung maging jowa ko! Ung titignan ako sa mata na parang ramdam na ramdam kong mahal na mahal ako. Ung hahawakan ako at handang maging sweet sa public place at s'yempre ung hindi ako lolokohin, hindi ako ipagpapalit sa iba at hindi magsisinungaling sa'kin pero saan ko naman kaya makikita yung ganoong lalaki na katulad nila Sir Miggy? "Kaya naman pala may parevenue, nandito ka pala," kusang umangat ang ulo ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Nakangiting s'yang nakatingin kila Sir Miggy. Agad din akong nag iwas ng tingin nung nakita ko kung sino yun, bigla akong nahiya! Takte! Tama naman ako 'di ba?! S'ya ung lalaki na nasiraan ng kotse? Bakit parang lalo s'yang gumwapo? Hindi naman ganyan ung itsura n'un ah! Baka dahil ngumiti! "Bakit pati ikaw andito?" rinig kong tanong ni Ma'am Nicole d'un sa lalaking masungit. "May meeting kami nitong asawa mo, dapat sa Makati lang din pero tumawag kanina at papunta daw s'ya dito. Sakto naman ding gusto kong pumunta dito," sagot nito at parang close na close silang dalawa. "Bakit mo gustong pumunta dito?" rinig kong tanong ni Sir Miggy. Oo nga?! Bakit n'ya gustong pumunta dito! "Wag kang judgemental hindi dito sa Miklé ung sinasabi ko, dito lang sa lugar. May hinahanap ako," sagot n'ya kaya kumalma ako. Ewan ko bat ako nagtatago, pero baka kasi kung anong sabibin n'ya sa'kin dahil lumayas ako agad nung sinabihan n'ya kong magstay sa harap ng kotse n'ya. "Ayiie! Babae?" pang iintriga ni Ma'am Nicole at tumawa pa ng mahina kaya hindi ko napigilan mag angat ng tingin at tignan s'ya. At sakto din na pag angat ng tingin ko, tumingin samin ung masungit na lalaki. Pareho naman kaming nagulat dalawa nung magtama ung mata namin. Agad akong nag iwas dahil tinuro n'ya pa ko nang bahagya kaya nilingon ako nung mga boss ko pati nila Odette at Ma'am Sol. Kunwaring walang nangyari at tumingin ako sa pagkain ko at kinain na lang ulit. Tumahimik silang tatlo at parang walang salitang lumabas. "Dito lang kami sa kabilang table, resume n'yo na ung meeting n'yo after n'yo kumain, hm?" rinig kong sabi ni Sir Miggy. "Sure, mag oorder ka ng food?" mahinahong tanong ni Ma'am Nicole. "Yes, want something? Wait! How many fruits have you eaten this morning? How many fruit bowl?" tanong nya kaya napaangat na naman ako ng tingin para makita ung itsura nila dahil narinig ko na naman ung tawang ang sarap pakinggan. Nakita kong nakataas ang dalawang daliri ni Ma'am Nicole habang malawak ang ngiti, laglag naman ang ulo ni Sir Miggy at parang hindi n'ya kayang tanggihan 'to sa request. Tinignan ko sila Ma'am Sol na nakangiting nakatingin din doon. Nakaramdam naman ako ng pagtitig sa akin kaya hinanap 'yun ng mata ko at tama nga ako! May nakatitig sa'kin. "Kilala mo s'ya?" agad akong napalingon ulit kay Ma'am Nicole nung narinig ko s'yang mag salita. Wala na si Sir Miggy sa tabi n'ya at nakaharap na s'ya samin. Agad din naman akong umiling bilang sagot sa tanong n'ya. "Hindi po," sagot ko at ngumiti sabay sulyap ulit dun sa masungit na lalaki na naniningkit ang tingin sa'kin. Ibinalik ko na lang yung atensyon ko sa kinakain ko at naubos ko agad. Pinaligpit ko lang yun sa isang waiter namin 'ska kami nagresume ng meeting at napunta kami sa announcement ni Ma'am Nicole. "So since it's Christmas Season, magkakaroon tayo ng Company Year End Party. Kung dati hati hati, ngayon sama sama. Lahat ng Business na hawak ng ME sama samang mag-ce-celebrate," pauna n'ya sa'min. "Kaya din nabanggit ko na mabuti at natapos n'yo yung decorations n'yo before ako makapunta dahil mag bibigay ng award sa may pinakamagandang decorations sa mga branches. Kasi diba dati isang theme lang. Mag baba ng Christmas Theme ang ME tapos dapat pasok sa theme ung decors. Tapos ngayon diba ang ginawa, make your own decorations, dahil doon!" paliwanag n'ya kaya nagkatinginan kami nila Ma'am Sol kasi nga naman kami ang nakaisip ng mga 'to. "Sa Company Year Party gagawin ang announcement sa top 3 sa bawat hawak na business like Resto, Resort and Hotels. Alam ko ngayon week nag iikot na yung mysterious judge, kaya maganda na natapos n'yo 'to agad dahil baka kayo na ang susunod na puntahan ng tauhan ni Sir Miggy! Char!" bigla s'yang natawa d'un sa huli n'yang sinabi at hindi naman nakaligtas sa'min ung pagtawa ni Sir Keith sa kabilang table. Nakikinig pala sila! "Tauhan ni Sir Miggy!" sabi nito habang umiiling. "Hoy! Bat ka nakikinig sa'min! Dyan ka!" saway naman ni Ma'am Nicole sa kan'ya kaya natawa din kami dahil nagmake face pa si Sir Keith sa kan'ya. "Isip bata! Anyway! Para sa'kin okay yung designs. I like the fairy lights sa book shelf tapos that mistletoe! Cute! Kaso... The whole place is Christmas Theme but..." putol n'ya sa sasabihin n'ya tapos tumingin sa'min habang kagat ung ibabang labi n'ya at parang pinag iisipan n'ya kung sasabihin n'ya ba. "Chaka po nung music," sabi ni Odette kaya natawa s'ya at tinuro si Odette. "I mean, hindi po pang Christmas... Ang hirap po kasing mag hanap, Ma'am Nicole. Parang hindi po babagay ung song sa classical theme songs ng resto," nakangusong sabi ni Odette. "Ow! May point ka naman doon but the music played by classical instruments also can called a classical music," sabi n'ya kaya napa 'ahh' kami, ayun nga lang bigla s'yang huminto. "General na kasi s'ya ngayon, dati pag sinabing classical music it's only for the oldies but now even though it's a modern song but played it with classical instruments. Like this," saad n'ya at may pinatugtog na song bigla. It's a Christmas Modern Song pero parang katulad ng mga pinapatugtog namin. Nakakarelax din s'ya at para kang dinuduyan sa kanta. "Ano pong file ang pwedeng i'search d'yan, Ma'am?" tanong bigla ni Odette kaya hininto ni Ma'am Nicole ung music. "Wait bigay ko sa inyo ung name ng musical band name nila. Tapos search n'yo lang Christmas Modern Song Cover Playlist ta's lalabas na 'yun," saad n'ya at kumuha ng sticky note n'ya tapos sinulat doon. Nakangiti n'yang iniabot sa'min 'yun at agad na sinearch ni Odette at tuwang tuwa si bakla dahil ang dami daw. "Thank you, Ma'am! Isa ka pong angel na hulog ng langit," sabi nito kaya natawa naman si Ma'am Nicole. "Aray ko po!" natatawang sabi n'ya nagulat naman kami nang biglang lumingon sa'min si Sir Miggy pati ung masungit na lalaki. "What happen?" tanong nito sa asawa na ikinatawa ni Ma'am Nicole. "Wala!" natatawang singhal n'ya kay Sir na mukhang nag alala. "Sabi kasi ni Odette, angel daw ako na hulog ng langit kaya sabi ko aray ko po! OA nito," dagdag n'ya pa kaya natawa na naman si Sir Keith at ung masungit na lalaki. "I thought something happened," sabi lang nito sa kalmado nang paraan tapos bumalik ulit ang atensyon sa kausap n'ya. Natapos ang meeting namin at niligpit na lang namin ung gamit namin. Tapos tumayo na at naiwan na doon si Ms. Nicole. Ayun na lang daw ang itawag namin sa kan'ya wag na daw Ma'am dahil nakakailang daw. Ang bait n'ya nga eh. Para talaga s'yang anghel... Katulad nang nakagawian kong gawin nasa labas na naman ako para tumulong sa pagseserve. Kaya din kitang kita ko si Ms. Nicole na madaming bitbit papuntang labas kaya naman nilapitan ko na. "Tulungan ko na po kayo," sabi ko at ngumiti. "Ay salamat, wait lang! Kunin ko lang ung susi kay Kalen," saad n'ya kaya kinuha ko ung laptop bag n'ya. Nakaya n'ya to kanina? Ang bigat! "Anong pong laman nito?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang kotse ni Sir Miggy. "Laptop at mga files," natatawang sabi n'ya. "Mabigat ba? Wag ka maingay ah! Papagalitan ako!" sabi n'ya kaya tumango ako ng dalawang beses. Nakarating kami ng kotse nila at yayamanin! Ang ganda ng kotse! Magkakaganto din ako! "May tanong ako! Marunong ka magdrive?" tanong n'ya sa'kin habang inaayos n'ya ung gamit n'ya. "Opo, natuto po ako dahil kay Papa, mekaniko po kasi," kwento ko. Napa 'oohh' naman s'ya at parang na amaze. "Edi marunong ka ding mag ayos ng kotse?" tanong n'ya at wala ako sa sariling tumango tango. "Opo, nung nakaraan po may nasiraan d'yan sa kanto, tumulong po akong mag ayos," nakangiti kong tugon at kusang napatingin d'un sa lalaking masungit na tinutukoy kong nasiraan. "Wow! That's nice!" saad n'ya at saktong sinara yung pinto ng kotse at ngumiti sa'kin ng malawak. "Let's go!" yaya n'ya sa'kin, kaya sabay kaming lumakad papasok ng resto. Pinagtitinginan talaga s'ya ng mga tao at mga staff dahil habang mag lalakad s'ya nandoon ung ang powerful ng aura n'ya! Hindi pa s'ya kilala ng lahat na asawa ng may ari, bukod doon ang puti kasi at ang sexy n'ya, ang ganda pa ng porma n'ya. "Thank you ulit, Liane" pasalamat n'ya sa akin kaya nginitian ko lang s'ya. Dumeretso na ko reception at doon nag tingin tingin. Lumipas ang minuto, naserve na ung food nila Sir Miggy. Nakita ko si Ms. Nicole na nakain na naman ng fruit bowl habang may book na binabasa. Nasa likod n'ya ung kamay ni Sir Miggy na nilalaro ung buhok n'ya tapos hihimas sa likod n'ya. Ang sweet ng gesture! Nagulat naman ako nang may tumikim sa gilid ko. Napaayos ako agad ng tayo nung nakita ko kung sino. "Yes Sir? May need po kayo?" magalang na tanong ko kahit pilit na pilit ung ngiti ko. "Yeah! You're the girl, right? The girl who fixed my alternator belt?" tanong ni Mr. Sungit. "I know it was you but D, confirm it... So it was you," dagdag n'ya pa kaya kusa akong napatingin kay Ms. Nicole na nakangiting tumingin sa'kin tapos bumalik ulit sa librong binabasa n'ya. Hinuli lang pala ako pero parang normal lang naman ung pagtatanong n'ya sa'kin ah! Parang wala naman s'yang intensyon. Ang galing n'ya! "Ah! Opo.. sorry po kung umalis ako agad doon sa lugar na 'yun. Nag mamadali lang po talaga ako," sagot ko at yumuko. "Ah! It's okay, I'm sorry for my rudeness that night. You really help me, nakauwi ako ng maayos. And you're Liane, right? Can I have your number? I want to invite you for a dinner. Pathank you lang sa pag aayos ng kotse ko," mahabang litanya n'ya kaya napaangat ang tingin ko sa kan'ya. Nakakagat ang labi at parang inaantay akong magsabi ng yes. "Don't worry, I let Miggy know about sa pag kuha ko ng number mo, kung 'yun ang inaalala mo," habol n'ya nung nakitaan n'ya ako ng pag aalangan. "Hindi naman po kailangan ng dinner pero sige po. Wala naman pong problema," sabi ko at tipid na ngumiti. "Great! Here!" inilabas n'ya yung phone n'ya at inilagay sa dial app, kinuha ko 'yun at nagtype ng number ko tapos binalik sa kan'ya. "Thank you, by the way! I'm Caleb Daniel. You can call me anything on that, nice to meet you, Liane! I'll just message you," saad n'ya kaya tumango ako ng tatlong beses nang dahan dahan. Ngumiti lang s'ya at bumalik na sa p'westo nila. Kita kong ginulo n'ya ung buhok ni Ms. Nicole tapos umupo na ulit. Tumingin naman sa'kin si Ms. Nicole at ngumiti nang malawak. Napakagat labi na lang ako dahil sa ginawa n'ya. Isang oras ang lumipas nang tumawag sila Sir Miggy para sa bill. Isa pa 'tong nakakatuwa kila Sir dahil kahit sila ang may ari, nagbabayad sila. "Here's the bill, Sir." Abot ko sa kan'ya ng bill. "Liane, ung atin pala na bill kanina," mahinahong saad ni Ms. Nicole kaya napatango ako. "Kunin ko lang po," nakangiting saad ko tapos bumalik sa reception para kunin ung bill namin. Nang makuha ko na, agad akong bumalik at ibinigay iyon kay Ms. Nicole. "Thank you!" masiglang bati nito sa akin. Napakagat naman ako ng labi dahil gandang ganda talaga ako sa kan'ya. "Akin na, love. I'm going to pay," saad naman ni Sir Miggy na inaagaw kay Ms. Nicole yung bill namin. "Ayaw, sabi ko ako mag babayad n'un e," saad nito at inabot sa'kin ung booklet na may cash na nakalagay. "Thank you!" saad nito sa akin at may malawak na ngiti. Napapailing na lang si Sir Miggy sa kan'ya sabay abot din sa'kin ng booklet. sabay kong ibinalik sa reception at sabay din akong bumalik doon. Tinawag ko lang sila Ma'am Sol at Odette dahil aalis na yung mga boss namin. "Babye sa inyo, see you sa Year End Party!" masayang paalam ni Ms. Nicole habang hawak ni Sir Miggy yung kamay n'ya. "Bye din po. Thank you po sa new playlist and everything, Ms. Nicole" saad ni Ma'am Sol na ikinangiti lang n'ya. Palabas na sila nang makatinginan kami ulit ni Sir Daniel sabay ngumiti s'ya sa'kin kaya hindi naman nakaligtas yung tingin ni Sir Keith na nagpalipat lipat sa'min sabay ngiti nang nakakaloko. "Bye sa inyo," paalam ni Sir Keith tapos tumingin sa'kin. "Denise, mukhang mag kikita tayo ng paulit ulit," saad n'ya sabay tawa ng mahina. "True!" sang ayon ni Ms. Nicole na nakangiti din ng kakaiba kay Sir Daniel. "Tss!" tugon lang nito sa dalawang nang aasar sa kan'ya. Ngumiti lang naman s'ya ulit sa'kin bago sila nagpaalam na'ng tuluyan. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD