Chapter 4

2713 Words
LIANE "Ilagay mo yan dito, tas ung isa doon sa kabila para mas balance sila," utos ko sa isa sa mga waitrer namin. Gabi na pero eto kami at over time dahil need namin magdecorate for Christmas Season. December na din kasi at ganto naman talaga dito. Ako ang closing manager ngayon kaya naman ako ang nakaatas dito. "Ma'am Denise, lagay natin 'to doon sa bookshelf malapit sa fountain!" masiglang saad ng isa sa mga waitress namin. Tinignan ko naman ung itinaas nya, fairy lights yun at mabuti naisip nya kasi kanina ko pa iniisip kung saan magandang ilagay yun. "Nice thinking! Kanina ko pa iniisip kung saan pwede ilagay yan," puri ko sa kanya sabay thumbs up. "Patulong ka na lang na ilagay yan sa mga boys para hindi ka pahirapan," nakangiting usal ko sa kanya sabay turo dun sa mga lalaking nagkukulitan na lang. Tumango naman sya at magpunta doon, nakita ko pang tinuro nya ko sa mga yon kaya tinignan nila ako tapos nakangiwing nagkakamot ng batok nila. Alam kong pagod na sila dahil madaming tao kanina pero wala naman kaming magagawa bukod don, bayad 'tong over time namin. "Go, para matapos na tayo at makauwi. Alam ko pagod tayo, pero gawin nyo na lang na motivation. Bayad ang over time natin," biro ko sa kanila at paalala na din. Nung narinig naman nila 'yon, bigla silang nagsikilusan at pumalakpak pa! Mga bata pa talaga! "Oo nga pala! Bayad ang over time! Let's go!" saad nung isa habang kinuha ung fairy lights sa kausap ko kanina. Napailing na lang ako dahil sa ginawa nila. Hindi naman nagtagal naikabit na naming lahat yung designs na napag usapan namin nila Ma'am Sol kaya naglinis na lang kami at inayos ung mga ginamit namin. Bago lumabas nagdouboe check lang ako sa kitchen at reception. Sabay sabay kaming lumabas, isinara ang resto, sabay sabay din kaming naglakad papuntang sakayan. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatingin doon sa lugar kung saan ko nakita ung masungit na lalaki. Isang bwan na din halos yun at lagi akong napapatingin dito sa lugar na 'to. Hindi dahil naiisip ko ung lalaki kundi baka may katulad nyang nasiraan. Nakarating kami sa sakayan ng jeep kaya naman nagpaalam na ko sa kanila at sumakay na para makauwi na. Pagdating ko ng bahay, hindi pa tulog si Denver pero si papa, alam kong tulog na dahil maaga naman lagi yon natutulog. "Ate, kumain ka na po?" marahang tanong nya nang makaupo ako sa tabi nya. Tinanguan ko naman sya bilang sagot. "Bat gising ka pa? May pasok ka bukas ah!" tanong ko sa kanya pero mahinahon lang. "Inaantay lang kita, Ate." Nakamot na ulo nyang saad sakin. Nagtaka naman ako dahil hindi 'to ganto pag walang kailangan. "Bakit anong kailangan mo? Sa school ba?" marahang tanong ko sa kanya. Umiling naman sya tapos ngumiti ng unti. "Di tayo magdedecorate?" tanong nya sakin. Kaya natawa ako at parang gusto ko syang batukan! "Bwisit ka! Akala ko kung anong kailangan mo!" natatawang saad ko na may kasamang amba ng pambabatok. Natawa lang din naman sya tapos sumiksik sa braso ko. "Pinatawa lang kita kasi mukhang pagod na pagod ka." Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya. "Salamat, Okay lang naman ako! Tara na at magpahinga. Magdecorate tayo pag wala kang pasok sa school at hindi ako gaano busy. Atska! Ilabas mo ung mga ilalagay natin. Meron naman dyan diba?" saad ko sa kanya na ikinatango nya na may mga ngiti sa labi. Hindi nya man sabihin, excited din yan na magdecorate kami dahil mas maffeel mo nga naman ang pasko pag may decorations ka sa bahay mo. "Sige, Ate! Ako na bahala doon! Nasa kwarto naman natin ung mga pandecorate. Lalabas ko sa sabado!" excited na sabi nya kaya ginulo ko na lang ung buhok nya. Nauna akong pumasok ng kwarto namin para makapagpalit ng damit. Nung nakita naman ako ni Denver na lumabas para maghilamos, pumasok na din sya. Pagbalik ko ng kwarto namin, nakahiga na sya at mukhang matutulog na. Inantay lang talaga nya ata ako makauwi. Sweet! Kinabukasan, tanghali na ako nagising since hindi naman ako opening manager ngayon kaya pwedeng late ng unti ang gising ko. May luto ng almusal at paalis na si Denver nung nagising ako kaya naman kumain muna ako bago naglinis ng bahay para pag alis ko mamaya malinis na. Saktong pagtapos kong maglinis ng bahay, oras na din para maligo pero nagsaing muna ako para bago ako umalis makakain ulit ako atska si papa na din. Katulad nang nakagawian ko ng gawin. Ligo, bihis, tas mag-ayos ng unti para mukhang presentable tapos umalis na ng bahay. "Pa! Alis na ko, may pagkain na dyan, kain na lang po kayo" paalam ko kay Papa at naglakad na papuntang kanto para makasakay ng jeep. Mabuti na lang talaga, pwede kaming nakaflat shoes lang muna papasok bago mag heels kasi kung hindi, ang sakit sa paa nung lakad lakad. Pagdating ko sa Miklé, normal na gawain lang ang ginawa ko. Check ng mga status sa kitchen, wine sellar at dining. Since ako nga ang Operation Manager ng restaurant, ako din ang minsang tumutulong sa dining to serve ng food at minsan kumukuha ng orders pagsobrang daming tao. "Ma'am Denise, musically incline ka ba? Para sana mapalitan natin ng music ung natutog sa resto," tanong ni Ma'am Sol sakin. Napangiwi naman ako at umiling. "Naku! Pass sa music, Ma'am! Hindi ko din alam yan," sagot ko sa kanya. "Kasi naman! Christmas Theme na ung buong resto pero ung music... Hindi!" saad nya at ngumuso. Napaisip din naman kami ni Odette at pinakinggan ung music namin. Hindi nga pang Christmas Season. Mahirap pa naman magpalit palit ng kanta bigla dahil baka hindi bumagay sa classical theme songs ng resto. "Magsearch ako later, Madam Sol! Baka makakita ako tas idadownload ko para ilagay sa flashdrive at mapalitan na ang misic natin!" suggest ni Odette kaya sumang ayon kami ni Ma'am Sol. "Magsesearch din ako para madaming song," nakangiting sabi ko kaya tumango na kami at nagtrabaho hanggang sa nag siuwian na ung mga morning shift at mid shift, kami ulit ang natira at inayos na lang ung mga makita naming hindi maganda ang pagkakakabit kagabi. Kinabukasan, mid shift manager naman ako kaya nakapaglinis at nakapagluto ako ng lunch nila Papa dahil alam ko half day lang ang pasok ni Denver. Pagdating ko ng restaurant, parang may kakaiba dahil may isang babae doon sa may dulo na sinusulyapan nung mga staff namin. She's wearing a Maroon fitted dress with denim jacket, white sneaker para naman sa paa, tapos nakalugay lang yun mahaba at itim nyang buhok na nakakadagdag ng appeal nya pag sinusuklay nya yun gamit ung kamay nya. Pumasok muna ako sa office namin para naman matanong ko si Odette kung sino ung babae. "Pst! Hoy! Sino yung babaeng maganda doon sa labas malapit sa bookshelf?" tanong ko sa kanya na busy kakatingin ng mga report nya. Sinulyapan nya ko saglit tapos bumalik ulit ang tingin sa laptop nya. "Hindi ko knows girl! Pero mukha syang supervisor na pinadala ng ME, kanina pa sya dito. Mga 45 mins after naming magbukas, andito na sya tapos kumuha agad sya ng book pagkatapos nya mag order ng food," kwento nya sakin habang ung atensyon nya andoon pa din sa ginagawa nya. "Ow! Napatingin nga ako sa kanya kasi naman, ang lakas ng aura nya tapos tinitignan pa ng mga staff natin," saad ko tapos inayos na yung sarili ko. Nagsuot na ko ng heels tapos nag ayos ulit ng unti sa mukha. Lumabas ako ng office namin at sakto naman na nakatingin ung babae dito sa gawi ko tapos ngumiti sya. Ang ganda ng ngiti nya! Ngumiti lang din naman ako bilang pag galang atska! Ako pa ba ang aayaw sa maganda nyang ngiti. Bumalik sya sa pagbabasa ng libro habang nakain ng fruit bowl namin. Umikot na lang ako katulad ng routine na ginagawa ko tapos bumalik sa harap na sakto din nakita ko si Ma'am Sol na nagmamadali. "Ma'am, ayos ka lang?" tanong ko sa kanya at sinundan sya sa loob ng office namin. "Oo, ayos lang pero kasi nakalimutan ko sabihin sa inyo kahapon na pupunta si Ma'am Nicole ngayon for the New Marketing Strategy ng Miklé, wala kasi si Ms. Kim at sya ung nakaatas na pumunta dito," paliwanag nya habang nag aayos ng sarili at nag susuot ng heels nya. Napatingin naman kami sa pinto nang may kumatok ng tatlong beses. Ung magandang babae! "Ma'am Nicole! Kanina pa kayo?" gulat na tanong ni Ma'am Sol na kami din ay nagulat! Hala! Ngumiti naman sya at umiling. "Hindi naman. Nakita lang kita kaya napapunta na ko dito," sagot nya at napatulala kami. Para syang kumakanta. "Ay wait lang po! Saan po kayo nakapwesto? Naglunch na po kayo?" sunod sunod na tanong ni Ma'am Sol sa Ma'am Nicole na unti unting pumapasok sa office namin. "Doon malapit sa bookshelf," saad nito at tumingin sa office namin na may mga designs na Christmas Theme. "Ang cute! Sa office din may mga ganto na kaya ang sakit sa ulo kasi maingay," kwento nya tapos tumingin samin tapos ngumiti na naman. "Punta na lang kayo doon sa pwesto ko, Ms. Sol," nakangiting sabi nya. "Sige po, Ma'am" sagot ni Ma' Sol kaya tumalikod na si Ma'am Nicole at lumabas ng office namin. "Sya si Ma'am Nicole?!" mahina pero gulat na tanong ni Odette. "Oo! Kaya halika na at pumunta na tayo doon, nakakahiya na pag antayin ang asawa ng boss natin," saad nya kaya mas nagulat kami ni Odette! "Sh*t! Madam! Kanina pa sya andito! 45 minutes pa lang kaming nagbubukas, andito na sya!" sabi ni Odette kaya nagulat si Ma'am Sol. "Kanina pa?! Ay naku! Tara na! Nakakahiya!" sabi nito at nauna pa samin. Kinuha ko na lang din ung laptop at notebook ko tapos sumunod na lang sa kanila. Nakita kong may hawak pa din na libro si Ma'am Nicole pero nakalabas na yung laptop at may clear book sa tabi nun at maliit na notebook. Nag angat sya ng tingin samin at ngumiti. "Upo kayo," sabi nya at itinuro ung mga upuan sa paligid nya sabay tingin sa relo nya. "It's lunch time al-" naputol ung sasabibin nya nang tumunog ung phone nya pero hindi nya pinansin, may pinindot lang para tumahimik. "It's lunch time, order kayo ng food, my treat" saad nya tapos ngumiti. Bigla na naman tumunog ung phone nya kaya kinuha nya yun at iniloudspeak, sapat para marinig namin. "Keep on calling, I'm in the middle of a meeting," mahinahong bungad nya doon sa kabilang linya. Tapos tumingin samin at ngumiti sabay nagtaas baba ang kilay. Hindi pa naman nag sstart ung meeting ah. [Okay, I'm sorry to interrupt, but where are you? Are you really in Taguig?] tanong nung nasa kabilang linya. "Yep! I already texted you the details where am I and what is my agenda here, right?" tanong nya tapos kumuha ng strawberry sa fruit bowl nya. Ang cute nya lang! Binuksan ko na lang yung laptop ko para mawala ung atensyon ko kay Ma'am Nicole. Ang cute nya kasi. [Okay. Eat your lunch, love! Bye! I love you] paalam nito at napangiti naman ako kasi ang sweet. "Yep! Bye! I love you too" paalam nya at mabilis na pinatay ung tawag. "Sorry," hingi nya ng paumanhin samin. "Buti po nakatakas kayo kay Sir Miggy?" tanong ni Ma'am Sol na nakangiti. Tinignan naman sya ni Ma'am Nicole. "Oo, pero as in takas talaga. Nasa byahe na ko nag text ng details kung asan ako," natatawang sabi nito. "Wait lang! Balik ko lang tong books. Umorder na kayo ah.." Tumayo sya at naglakad papuntang bookshelf. "Madam! Sya talaga si Madam Nicole? As in ung asawa ni Sir Miggy? Mas maganda nga sya sa personal," mahinang saad ni Odette na parang kinikilig pa. "Oo nga sya yun. Sabi naman sa inyo mas maganda yan sa personal, wala pang ayos yan," bulong din na sabi ni Ma'am Sol. Nakabalik na si Ma'am Nicole at dahil nagkakahiyaan kami, sya na ang kusang tumawag ng waiter para mag order. "Well done ung steak and pwede paalis ng mash potato, mixed vegetables na lang pero walang butter, Strawberry Smoothie for my drinks. Thank you," paliwanag nya doon sa waiter na kumuha ng order namin. Tumango lang ung waiter tapos kami naman ang kinuhaan. I just ordered a grilled chicken with java rice tapos raspberry shake ang drinks. Napilit pa kami nyan! Nung makaalis na ung waiter namin, binuksan na ni Ma'am Nicole ung laptop nya pati ung maliit nyang notebook. Inimiss nya ung mga pinagkainan nya at inilagay sa isang tabi. Napansin naman namin yun kaya tumawag si Ma'am Sol ng isang waiter at pinaligpit yung mga yon. "Ay hala! Thank you," pasalamat nya habang may mga ngiti sa labi. Inayos nya lang ung laptop nya ulit ska sya tumingin samin. "So start tayo habang iaantay natin ung food," saad nya tapos ibinigay samin ung clear book. "So before I start, let me introduce myself muna tas kayo din kasi si Madam Solene lang kilala ko," saad nya kaya bahagya kaming natawa dahil sa pagtawag nya sa totoong pangalan ni Ma'am Sol. "Parang ang yaman ko dun sa Madam Solene, Ma'am Nicole" natatawang sabi naman ni Ma'am Sol. Humingos lang si Ma'am Nicole sa kanya. "Ganda kaya! Anyway, I'm Nicole Monticlaro, your temporary Marketing Staff na galing sa ME, nakaleave kasi ung buong Team ni Ms. Kim, so hinati sa amin yung mga hawak nyang branch at dito ako naassign," pakilala nya at confirm! Sya nga si Nicole Monticlaro! Sh*t! "Kayo naman," saad nya at tinuro si Odette. "I'm Orlando Pascual, Ako po ung Marketing Manager dito po sa branch na to," pakilala naman ni Odette na may ngiti, ngumiti din naman si Ma'am Nicole at nagpasalamat tapos tumingin kay Ma'am Sol. "Wag ka na! Knows na kita," natatawang sabi nya kaya natawa din kami, tumingin naman sya sakin at ang ganda nya talaga! "Ako po si Denise Niliane Fillameno, Operation Manager po ng branch na to," pakilala ko sa kanya at tumango naman sya na parang may iniisip.. "Cutie! Pareho tayo ng initials, may M na nga lang yung akin. Anyway! Nice to meet you, Odette, ikaw yun diba? Nasabi kasi sakin ni Kim na Odette daw ang nickname mo," sabi nya tapos tumuro kay Odette na napakagat labi habang tumatango tango. "Odette, and nice to meet you too, Liane!" masiglang saad nya. Kusa akong napangiti kasi may nickname syang binigay sa akin. After ng pakilala, nagstart kami ng meeting at nakatutok kaming lahat kay Ma'am Nicole, nabibilib na ko kay Ms. Kim, pag nagsasalita sya kasi klaro ung mga words kahit mabilis sya at madaming segway pag nag eexplain pero mas pa pala kay Ma'am Nicole, mahinahon syang magsalita, klaro at straight to the point. Hindi ka na magtatanong ulit dahil tinatanong mo pa lang sa isip mo, nasasagot na nya. Dumating ang food namin kaya huminto muna kami saglit para makakain. Nakakahiya kumilos ng padaskol dahil napakasupistikada nya kumilos, I mean hindi sya mahinhin pero may ingat bawat galaw nya at napaka graceful. Ganto ata talaga galawan nila ni Ms. Kim, kasi nung isang beses na nagmeeting din kami ni Ms. Kim, graceful din gumalaw, parang napaka professional nila. Nabanggit nya kasi na friend nya si Ms. Kim at sinuhulan raw sya para tanggapin nya to. Pero joke lang daw yun. "Let's eat," yaya nya samin at naunang sumubo ng food nya. May mga inorder pa syang desserts like, creamy chocolate pudding, butterscotch toppep with vanilla ice cream drizzled with caramel syrup at madami pang iba. Kainin daw naming lahat. "So kailan kayo natapos magdesigns ng buong restaurant?" tanong nya paglatapos nyang punasan ung bibig nya after sumubo ng pudding. Nagpunas din muna ako ng bibig ko bago sumagot. "Last last night po, Ma'am" saad ko. "Buti na tapos nyo before ako pumunta dito.." nakangiti nyang usal samin. "May announcement din kasi ako about dito sa Restaurant Designs pero mamaya na yun malapit naman na matapos ung ineexplain ko," habol nya kaya napatango kami nila Ma'am Sol. Habang kumakain kami ng dessert, sabay sabay naman kami nila Odette na nagulat dahil may biglaan kaming bisita. -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD